Habangnag-iisip si Liora ng paraan kung paano humingi ng tawad, nakalapit na si Olivia kay Evan. “Huy pogi, tulungan kita sa apoy mo,” nahihiya niyang sinabi.Nagdududang tinignan ni Olivia si Evan. Bago pa siya makapagsalita, kinuha niya ang kamay ni Evan.Agad na umatras ng kamay si Evan at hindi natutuwang tinignan si Olivia. Malamig siyang nagbigay ng babala, “Huwag mo ako hawakan!”Lalo nahiya si Olivia ng tignan si Evan. Itinaas niya ang kamay niya at tinapik ang braso niya. “Oh, hindi mo kailangan mahiya sa akin. Naiintindihan ko.”Sumimangot si Evan. “Anong sinasabi mo?”Namula si Olivia na parang kamatis. Isinara niya ang kanyang bibig at siniko ng mahina si Evan. “Alam mo. Tanggap ko ang nararamdaman mo, hindi mo kailangan mahiya sa akin.”Walang masabi si Evan.Natulala si Caroline at iba pa na nakakakita sa eksena.Anong nangyayari?Sinabi ni Paige, “Oh my goodness! Sobrang pogi ni boss at nakaakit siya ng hindi kilalang babae para tulungan siya!”Pinigilan ni Ale
Pinunasan ni Liora ang mga luha niya at bumaba mula sa mga braso ni Paige. Habang humihikbi, lumapit siya kay Olivia.Tinignan ni Olivia si Liora at nagulat habang palapit ang bata sa kanya. “Uy bata, bakit ka umiiyak?”Nanginig ang maliit na katawan ni Liora habang nauutal siya, “Pasensiya na. Nagsinungaling ako sa iyo. Hindi ka talaga niya hinahanap. Nagsinungaling ako para lumapit ka. Patawad.”Sinabi ni Olivia, “Okay lang. Nasimulan naman na ang apoy, kaya mauuna na ako bumalik. Huwag ka na umiyak, bata.”Lumapit si Caroline kay Olivia at humingi ng tawad. “Pasensiya na sa abala. Patawad dahil sa ikinilos ng anak ko.”“Okay lang! Huwag mo na ito isipin!” kumaway lang si Olivia at umalis.Tinignan ni Caroline si Liora at sinabi, “Kailangan mo humingi ng tawad sa isa pang tao.”Yumuko si Liora at humarap kay Evan, “Masama— Patawad!”Matapos makita ang mga nangyari, naintindihan ni Evan kung anong nangyayari.Itinaas niya ang kamay niya at tumigil sandali bago ito inilagay sa
Naiinis na tinignan ni Evan si Alex at sinabi, “Ang dami mong oras.”Hinawakan ni Alex ang ilong niya. “Uy, nagbibiro lang ako. Ikaw talaga.”“Ano iyon?” Nagulat si Paige at nagtanong, “Hinahabol ng horse trainer si Carol?”Humarap si Evan at Alex sa horse trainer na mabilis na palapit kay Caroline. Nababalisa ang itsura ng horse trainer na tila sinasabi sa kanilang may mali.Pagkatapos, dalawag horse trainer ang humabol sa kanila mula sa stable.Noong makita ito ni Evan, tumayo siya mula sa kanyang kinauupuan at naglakad sa staff member ng malagim ang ekspresyon.Sumunod si Alex at Paige.Nagtanong agad si Evan, “Anong nangyayari?!”Nautal ang staff member, “Ang sinasakyan ng babae na kabayo ang pinakamabangis sa stable…”Bago pa sila matapos magsalita, nakarinig sila ng malakas ng tunog kasunod ng boses ni Caroline.Humarap si Evan at nakita ang puti na kabayo na lumabas na ng racecourse kasama si Caroline.Ibinuka ni Evan ang bibig niya at sinabi, “Maiwan kayo dito at ban
Humigpit ang puso ni Caroline. Nagpapanic niyang sinabi, “Evan?”Ang magkasalubong na mga kilay ni Evan at kumibot.Tinawag siya muli ni Caroline, matapos makita na may malay pa siya, “Evan? Naririnig mo ba ako? Sagutin mo ako!”Gumalaw ang mga daliri ni Evan ng ilang beses at nahirapan siyang imulat ang kanyang mga mata.Nawala ang pag-aalala sa mga mata niya ng makita na ligtas si Caroline. “Tumigil ka sa pagsigaw. Hindi pa ako patay…”Hindi mapigilan ni Caroline ang umiyak. Sinasamid siyang nagtanong, “Hindi ba’t sinabi ko na lumayo ka? Bakit hindi ka nakinig?”Ngumiti ng mapait si Evan. Paos at mahina ang boses niya, “Hindi ko maatim na mawala ka sa harapan ko ng pangalawang beses…”Nanigas si Caroline, bumilis ang tibok ng puso niya.Noong naayos na niya ang kanyang sarili, pinunasan niya ang mga luha niya at tinulungan si Evan na tumayo. “Maupo ka muna. Titignan ko kung may iba ka pa na pinsala.”Isinara ni Evan ang bibig niya at naupo. Sinuportahan siya ni Caroline, isi
Hinawakan ni Caroline ang noo ni Evan. Naramdaman niya ang init niya at inilagay ang kamay niya sa kanyang mukha.Mahinang iminulat ni Evan ang mga mata niya. “Anong ginagawa mo?”Nakipagtitigan sa kanya si Caroline at seryosong sinabi, “Medyo mataas ang init ng katawan mo. Sapagkat malamig ang mga kamay ko, sinusubukan ko pababain ang init mo ng kaunti.”Natawa ng mahina si Evan habang hinahawakan ang kamay ni Caroline. “Huwag ka mag-aksaya ng lakas.”“Hindi ito pagaaksaya ng lakas!”Binawi ni Caroline ang kamay niya at inalis ang kanyang coat para takpan ang ulo ni Evan.Sumimangot si Evan sa manipis na damit ni Caroline. Mahigpit niyang sinabi, “Gusto mo ba mamatay sa lamig?”“Hindi,” sagot ni Caroline. “Hindi ko lang gusto na makita kang mamatay dito.”Lumaki ng kaunti ang mga mata ni Evan. Matapos titigan si Caroline ng panandalian, kinuha niya muli ang kamay niya.Natulala si Caroline. Bago siya makareact, hinatak niya si Caroline sa mga bisig niya.Sa sumunod na sandal
“Huh?” Sinabi ni Paige. Tinginan niya bigla si Evan, na namumutla. Ang salitang ‘hindi masaya’ ay malinaw na makikita sa mukha niya.Binitiwan ni Paige si Caroline at nagtanong ng mahina, “Nag-away nanaman kayong dalawa?”Namula si Caroline ng maalala ang halikan at sinabi, “Hindi. Dumating ba kayo ng nakasasakyan? Kailangan natin siya madala sa ospital agad.”“Anong nangyari kay Evan?” tutulungan na dapat ni Alex si Evan na tumayo.Nagtanong si Caroline, “May bali siya sa dibdib, at bumukas ang sugat niya sa braso. May lagnat din siya. Kailangan natin siyang dalhin sa ospital agad.”Nanlaki ang mga mata ni Alex habang nakatingin kay Evan. “T*ng ina! Bakit hindi ka pa hinihimatay dito?!”Tinitigan ng masama ni Evan si Alex. “Manahimik ka!”“Ano ba ang sinabi ko para magalit ang lalake na ito?” napaisip siya.*Natapos ang kaarawan ni Paige ng inihatid si Evan sa ospital.Sapagkat hindi maganda na manatili ang mga bata sa ospital, isinama ni Paige at Alex ang mga bata sa Bayvi
Nasasabik si Daniella at kinuha ng phone niya para tignan ito. Ngunit, nadiskubre niya na ang tawag ay mula kay Hector Hendrix, at hindi kay Casey.Hindi gusto mag-assume ni Daniella masyado tungkol kay Hector. Isa siyang misteryosong indibidwa na hindi pa niya nakikilala, pero tinulungan siya ng taong ito ng maraming beses na.Maingat siyang sumagot, “Mr. Hendrix, hindi ka pa natutulog?”Malamig na sinabi ni Hector, “Natutulog? Tinatamad ka na ba? Hindi mo na balak atakihin si Caroline?”Natulala si Daniella. Noong nakaraan, siya ang nangunguna na humingi ng tulong mula kay Hector para asikasuhin si Caroline. Bakit siya ngayon tumatawag sa kanya para sa bagay na ito?Sinabi ni Daniella, “Mr. Hendrix, nagkakamali ka. Kinamumuhian ko siya at gusto ko siyang maglaho na sa balat ng mundo! Wala lanag akong oras para dito.”Ngumisi si Hector. “Wala kang oras? O natatakot ka lang na masaktan si Evan sa proseso?”Kakaiba ito. Bakit bigla nabanggit ni Hector ang pangalan ni Evan?Mabil
Naantig ng husto ang puso ni Caroline. Kinuha niya ang soup at sinabi, “Salamat, Jamie.”Napakamot ulo si Jamie habang namumula ng maupo siya. “Masama na maulanan ka. Mas malala kung magkakasipon ka pa. Hindi ko gusto na magkasakit ka. Alam mo ba na masakit ang mainjectionan.”Kinuha ni Caroline ang kutsara. “Alam ko, Jamie, basang basa rin sa ulan si Evan. Nasa ospital siya ngayon. Gusto mo ba siya makita?”Hindi inaasahan ni Jamie na babanggitin si Evan. Matapos ang kaunting pagtigil, sumagot siya, “Okay lang siya. Malakas ang katawan ng mga lalake. Ang mas nangangailangan ng aruga ay mga babae.”Matapos marinig ang sinabi ni Jamie, nakaramdam ng kalungkutan si Caroline.Mukhang ang mindset ni Jamie tungkol kay Evan ay tumigl sa pagkabata niya.Humigop ng sabaw si Caroline at naramdaman niya ang init na kumalat mula sa tiyan niya patungo sa katawan.Habang nagpapatuloy si Caroline sa paghigop ng sabaw, pinanood siya ni Jamie.“Ang ganda sana kung ikakasal ka sa anak ko,” bigl