Nasasabik si Daniella at kinuha ng phone niya para tignan ito. Ngunit, nadiskubre niya na ang tawag ay mula kay Hector Hendrix, at hindi kay Casey.Hindi gusto mag-assume ni Daniella masyado tungkol kay Hector. Isa siyang misteryosong indibidwa na hindi pa niya nakikilala, pero tinulungan siya ng taong ito ng maraming beses na.Maingat siyang sumagot, “Mr. Hendrix, hindi ka pa natutulog?”Malamig na sinabi ni Hector, “Natutulog? Tinatamad ka na ba? Hindi mo na balak atakihin si Caroline?”Natulala si Daniella. Noong nakaraan, siya ang nangunguna na humingi ng tulong mula kay Hector para asikasuhin si Caroline. Bakit siya ngayon tumatawag sa kanya para sa bagay na ito?Sinabi ni Daniella, “Mr. Hendrix, nagkakamali ka. Kinamumuhian ko siya at gusto ko siyang maglaho na sa balat ng mundo! Wala lanag akong oras para dito.”Ngumisi si Hector. “Wala kang oras? O natatakot ka lang na masaktan si Evan sa proseso?”Kakaiba ito. Bakit bigla nabanggit ni Hector ang pangalan ni Evan?Mabil
Naantig ng husto ang puso ni Caroline. Kinuha niya ang soup at sinabi, “Salamat, Jamie.”Napakamot ulo si Jamie habang namumula ng maupo siya. “Masama na maulanan ka. Mas malala kung magkakasipon ka pa. Hindi ko gusto na magkasakit ka. Alam mo ba na masakit ang mainjectionan.”Kinuha ni Caroline ang kutsara. “Alam ko, Jamie, basang basa rin sa ulan si Evan. Nasa ospital siya ngayon. Gusto mo ba siya makita?”Hindi inaasahan ni Jamie na babanggitin si Evan. Matapos ang kaunting pagtigil, sumagot siya, “Okay lang siya. Malakas ang katawan ng mga lalake. Ang mas nangangailangan ng aruga ay mga babae.”Matapos marinig ang sinabi ni Jamie, nakaramdam ng kalungkutan si Caroline.Mukhang ang mindset ni Jamie tungkol kay Evan ay tumigl sa pagkabata niya.Humigop ng sabaw si Caroline at naramdaman niya ang init na kumalat mula sa tiyan niya patungo sa katawan.Habang nagpapatuloy si Caroline sa paghigop ng sabaw, pinanood siya ni Jamie.“Ang ganda sana kung ikakasal ka sa anak ko,” bigl
Matapos mabasa ang sagot ni Freya, natulala ng matagal si Caroline.Maaaring hindi gusto ni Jamie na bumalik kay Evan dahil natatakot siya na makita si Evan at matrigger ang dati niyang mga alaala.*Matapos ang meeting sa office ng tanghali, maagang umalis ng trabaho si Caroline at tumungo sa supermarket. Bumili siya ng maraming groceries at sinundo ang mga bata mula sa school.Simula ng maospital si Evan, nananatili na si Axel sa poder niya. Ito rin ang gusto niya.Inuwi ni Caroline ang mga bata, at ng makita niya si Jamie, mukhang bumalik siya sa dati niyang inosente at masiglang katauhan.Personal na nagluto si Caroline ng dinner at naghanda sa lamesa ng masasarap na mga pagkain para sa mga bata at kay Jamie.Sumandal si Liora sa lamesa at sabik na nagtanong, “Mommy, mayroon ba na may birthday ngayon? Ang daming masasarap na pagkain.”Ngumiti si Caroline at pinaalis si Liora mula sa lamesa para sabihin, “Hindi ka puwede kumain hanggat hindi ka naghuhugas ng kamay, anak.”N
Sa mga oras na iyon, pumasok si Kenny mula sa labas.Noong makita niya kung gaano karaming masasarap na pagkain ang mayroon sa lamesa, galit siyang lumapit kay Caroline at nagreklame. “G, bakit di mo sinabi sa akin na magluluto ka ng maraming masasarap na pagkain!”Naghatak si Caroline ng upuan sa tabi niya at sinabi ng nakangiti, “Ang akala ko hindi ka uuwi ngayon.”Malalim na huminga si Kenny ng maupo siya. “Wala kang puso. Inabandona mo ako at naglaro ng mag isa at hindi man lang ako binati ng nakabalik ako! Pabalik balik ako sa kumpanya at sa factory, nakakapagod—”Bago pa matapos magreklamo si Kenny, sinubuan siya ni Jamie.Natulala si Kenny at mabilis na ngumuya at nilulon ito.Natatakot ng kaunti si Kenny kay Jamie. Hindi pa niya nakakalimutan ang huling beses na sinakal siya.Nahiya si Kenny at awkward na nagpakamot ulo. “Salamat, Jamie!”Kinatok ng mahina ni Caroline ang ulo ni Kenny at sinabi, “Siya ang nanay ni Evan.”“Ano?!” hindi makapaniwala si Kenny na napatayo
Nagulat si Jamie, mababatid ang kaunting kalungkutan sa mga mata niya. “Ganoon katagal talaga ito aabutin? Gusto ko pa naman sorpresahin ang mga bata.”Kinuha ni Caroline ang kamay ni Jamie at sinabi, “Oo, matatagalan. Kaya, puwede ba tayo umakyat na at matulog? Kailangan natin pumunta bukas sa kumpanya ng magkasama, at hindi ko gusto malate ang pagtulog.”Nagmamakaawa na tinignan ni Jamie si Caroline. “Carol, umalis na si Dr. Bailey, ayaw ko matulog ng mag-isa.”Ngumiti si Caroline. “Sige, tabi tayong matulog.”Agad na ngumiti si Jamie at hinawakan ng mahigpit ang kamay ni Caroline. “Okay, umakyat na tayo!”*10:00 p.m., sa isang coffee shop.Naupo si Daniella sa isang private room kasama ang reporter. Suot niya ang kanyang salamin.Humigop siya ng kape at kaswal na sinabi, “At ganoon ang nangyari.”Tinapik ng reporter ang laptop niya at sinabi, “Ms. Love, hayaan mo na issumarize ko ulit. Ang sabi mo, ang nanay ng CEO ng MK, na si Evan Jordan, ay dating diplomat. Matapos paka
Caroline: [Wala akong kunsiyensiya? Bakit hindi ikaw ang mag-alaga sa pamilya mo kung ganoon?]Matapos sumagot, tumayo si Caroline at naglinis ng katawan.Natapos siya magsipilyo at nakatanggap ng message mula kay Evan.Evan: [Sumobra ako kagabi sa mga sinabi ko.]Sumuko si Caroline ng makita ang sagot niya. Balak niya sana na hindi sumagot, pero napansin niya ang typing indicator sa screen. Napagdesisyunan niyang maghintay at abangan ang susunod niyang sasabihin.Makalipas ang ilang minuto, nakatanggap siya ng isa pang message.Evan: [Saan ka abala ngayon?]Bumuntong hininga si Caroline.Caroline: [Ano ba ang gusto mo talaga sabihin?]Nagdilim ang mukha ni Evan sa sagot niya. Hindi pa ba sapat ang pagiging malinaw niya?Pinigil niya ang kanyang galit at sumagot: [Hindi ka ba pupunta sa ospital ngayon?]Sumandal si Caroline sa lababo habang pagod na nagtytype ng sagot.Caroline: [Gusto mo pumunta ako sa ospital para lang makipagtalo ulit sa akin? At pakinggan ang mga walang
Pinisil ni Caroline ang mga kilay niya at sinabi, “Sa oras na may surgical plan na kayo, ibigay mo sa akin ang contact details mo. Sa oras na makumpirma ko ito, puwede na ninyo simulan ang opera.”Matapos makita ng mga doktor na pumayag si Caroline, natuwa siya. “Mabuti!”Nakatayo si Jamie sa paanan ng kama at nakatingin kay Lily. Itinuro niya si Lily at sinabi, “Carol, ito ba ang nanay mo?”“Hindi, siya si Lily. Inalagaan niya ako ng mabuti ng limang taon,” sinabi ni Caroline ng maupo siya sa tabi ng kama.Tinignan niya ng mapait si Lily. “Parang pamilya sa akin si Lily. Ang biological mother at adoptive mother ay pumanaw na.”Limang taon na ang lumipas, pero hindi pa niya nabibisita ang libingan ng umampon sa kanya na ina. Natatakot siya na sisisihin siya ni Katie dahil walang silbi siya dahil hindi pa rin nakakamit ang hustisya sa kanyang pagkamatay.Sumakit ang puso ni Jamie ng makitang tumutulo ang mga luha ni Caroline. Kumuha siya ng tissue at mahina itong pinunasan.Gulat
Nabigla si Caroline sa komosyon sa likod niya.Sa oras na nakita niya ang nangyayari, sinasakal na ni Jamie ang lalamunan ni Evan.Dinaganan niya si Evan sa kama at mabangis na sinigawan, “Kasalanan mo ito! Ikaw ang dapat sisihin! Sinira mo ako! Gusto kita mamatay!”Natakot si Caroline at agad na inihagis ang chicken soup para pigilan si Jamie. “Jamie! Si Evan iyan! Bitiwan mo siya!”Hindi kumilos si Evan, at namumula na siya dahil sa suffocation.Mababatid ang sakit sa mga mata ni Evan at kalungkutan habang hirap na hirap siyang sabihin, “Huwag mo siyang saktan!”Hindi siya binigyan ng pansin ni Caroline at patuloy na hinawakan si Jamie. “Kumalma ka na, please? May bali ang mga buto ni Evan sa dibdib! Huwag mo siya daganan gamit ang mga binti mo!”Pero, hindi binigyan pansin ni Jamie si Caroline kaya tumawag na si Caroline ng tulong.Hindi nagtagal, pumasok ang nurse at tinawag ang doktor matapos makita ang sitwasyon sa kuwarto.Ang doktor ay dumating na may dalang sedative a