Sinabi ni Kenny, “Sige! Huwag mo kalimutan ang sinabi mo. Kung hindi, masasaktan ka nanaman.”Tumango si Caroline at umakyat patungo sa kuwarto ng mga anak niya.Nagkukuwento si Neil ng istorya sa mga bata ng mahina ang boses ng makita niyang pumasok si Caroline. Agad niyang sinenyasan si Caroline na maging tahimik.Matapos iyon, ibinaba niya ang libro at tahimik na lumabas ng kuwarto. Isinara niya ang pinto at nag-aalalang nagtanong, “Carol, namumutla ka. Anong nangyari?”Hinawakan ni Caroline ang mukha niya at sinabi ang totoo, “Wala. May kriminal lang sa exhibition.”“Kriminal?” tumaas ang boses ni Neil, tinignan niya si Caroline at hinawakan ang mga kamay, “Nasaktan ka ba?”Ibinaba niya ang mga kamay ni Neil, “Neil, okay lang ako. Huwag ka mag-alala. Natakot lang ako.”Nakahinga ng maluwag si Neil “Masaya akong marinig iyon. Natakot ako.”Ngumiti si Caroline bago naging seryoso. “Neil, parating na ang susunod na linggo.”Nanlumo si Neil. “Alam ko. Ioorganisa ko ang birthda
Makalipas ang isang oras, naunang dumating si Caroline kasama ang mga bata sa campsite.Ang Starry Campsite ay malawak na campsite na maraming entertainment activities.Noong nalampasan nila kung saan puwede sumakay sa kabayo, itinuro ni Liora ang kabayo at sinabi, “Mommy, puwede ba ako sumakay doon?”Hinawakan ni Caroline ang kamay ni Liora at mabagal na naglakad. “Siyempre, pero kailangan natin hintayin ang ninang mo na dumating muna.”“Nandito na siya.” Sinabi ni Tyler habang nakantingin sa harap.Tumingin si Caroline at nakita si Paige na tumatakbo palapit habang hawak ang kamay ni Alex, masigla silang bumati.Dumating si Paige sa harap ni Caroline at mga bata, tapos hiningal siya. “Hindi kami nalate, tama?”“Hindi, hindi kayo nalate, pero medyo mabagal.” Eleganteng ngumiti si Tyler, niloloko si Paige.Tinitigan siya Paige ng masama. “Para kang ama mo!”Noong sinabi niya iyon, naguguluhang tinignan ni Alex si Tyler. Tumigil sa pag ngiti si Tlyer.Napaisip si Alex, “Ang ug
Galit na tinapakan ni Paige ang paa ni Alex. “Alam ko ang iniisip mo!”Napapikit sa sakit si Alex at hinawakan ang paa niya. “Hindi ka ba puwede maging mahinhin?”“Oh, nandidiri ka na sa akin ngayon huh?” tumaas ang boses ni Paige. “Oo, ganoon ako. Bakit mo hinihiling na magbago ako?“At huwag mo ako kulitin kung mas gusto mo ng mahinhin na babae. Pug, huwag mo ako galitin ngayon!”Matapos magtagumpay sa pagtuon ng atensyon ni Paige sa ibang bagay, ngumiti si Alex at huming ng tawad. “Okay. Ako ang mali. Lapit ka. Hayaan mong yakapin kita.”Sumimangot si Paige bago yumakap kay Alex.Walang masabi si Caroline at Evan sa pag-uusap nila.Nakaramdam ng panghahamak si Evan ng humarap siya at kinuha ang tongs mula kay Caroline, “Ako na,” sambit niya.Dahil hindi kumportable ang pakiramdam ni Caroline, tahimik siyang umusog sa kabilang banda para kumain ng prutas.*Ang triplets ay nasa loob ng tent at magkakaharap.Nagkrus ang mga kamay ni Liora habang nakatitig kay Axel. “Axel, m
Habangnag-iisip si Liora ng paraan kung paano humingi ng tawad, nakalapit na si Olivia kay Evan. “Huy pogi, tulungan kita sa apoy mo,” nahihiya niyang sinabi.Nagdududang tinignan ni Olivia si Evan. Bago pa siya makapagsalita, kinuha niya ang kamay ni Evan.Agad na umatras ng kamay si Evan at hindi natutuwang tinignan si Olivia. Malamig siyang nagbigay ng babala, “Huwag mo ako hawakan!”Lalo nahiya si Olivia ng tignan si Evan. Itinaas niya ang kamay niya at tinapik ang braso niya. “Oh, hindi mo kailangan mahiya sa akin. Naiintindihan ko.”Sumimangot si Evan. “Anong sinasabi mo?”Namula si Olivia na parang kamatis. Isinara niya ang kanyang bibig at siniko ng mahina si Evan. “Alam mo. Tanggap ko ang nararamdaman mo, hindi mo kailangan mahiya sa akin.”Walang masabi si Evan.Natulala si Caroline at iba pa na nakakakita sa eksena.Anong nangyayari?Sinabi ni Paige, “Oh my goodness! Sobrang pogi ni boss at nakaakit siya ng hindi kilalang babae para tulungan siya!”Pinigilan ni Ale
Pinunasan ni Liora ang mga luha niya at bumaba mula sa mga braso ni Paige. Habang humihikbi, lumapit siya kay Olivia.Tinignan ni Olivia si Liora at nagulat habang palapit ang bata sa kanya. “Uy bata, bakit ka umiiyak?”Nanginig ang maliit na katawan ni Liora habang nauutal siya, “Pasensiya na. Nagsinungaling ako sa iyo. Hindi ka talaga niya hinahanap. Nagsinungaling ako para lumapit ka. Patawad.”Sinabi ni Olivia, “Okay lang. Nasimulan naman na ang apoy, kaya mauuna na ako bumalik. Huwag ka na umiyak, bata.”Lumapit si Caroline kay Olivia at humingi ng tawad. “Pasensiya na sa abala. Patawad dahil sa ikinilos ng anak ko.”“Okay lang! Huwag mo na ito isipin!” kumaway lang si Olivia at umalis.Tinignan ni Caroline si Liora at sinabi, “Kailangan mo humingi ng tawad sa isa pang tao.”Yumuko si Liora at humarap kay Evan, “Masama— Patawad!”Matapos makita ang mga nangyari, naintindihan ni Evan kung anong nangyayari.Itinaas niya ang kamay niya at tumigil sandali bago ito inilagay sa
Naiinis na tinignan ni Evan si Alex at sinabi, “Ang dami mong oras.”Hinawakan ni Alex ang ilong niya. “Uy, nagbibiro lang ako. Ikaw talaga.”“Ano iyon?” Nagulat si Paige at nagtanong, “Hinahabol ng horse trainer si Carol?”Humarap si Evan at Alex sa horse trainer na mabilis na palapit kay Caroline. Nababalisa ang itsura ng horse trainer na tila sinasabi sa kanilang may mali.Pagkatapos, dalawag horse trainer ang humabol sa kanila mula sa stable.Noong makita ito ni Evan, tumayo siya mula sa kanyang kinauupuan at naglakad sa staff member ng malagim ang ekspresyon.Sumunod si Alex at Paige.Nagtanong agad si Evan, “Anong nangyayari?!”Nautal ang staff member, “Ang sinasakyan ng babae na kabayo ang pinakamabangis sa stable…”Bago pa sila matapos magsalita, nakarinig sila ng malakas ng tunog kasunod ng boses ni Caroline.Humarap si Evan at nakita ang puti na kabayo na lumabas na ng racecourse kasama si Caroline.Ibinuka ni Evan ang bibig niya at sinabi, “Maiwan kayo dito at ban
Humigpit ang puso ni Caroline. Nagpapanic niyang sinabi, “Evan?”Ang magkasalubong na mga kilay ni Evan at kumibot.Tinawag siya muli ni Caroline, matapos makita na may malay pa siya, “Evan? Naririnig mo ba ako? Sagutin mo ako!”Gumalaw ang mga daliri ni Evan ng ilang beses at nahirapan siyang imulat ang kanyang mga mata.Nawala ang pag-aalala sa mga mata niya ng makita na ligtas si Caroline. “Tumigil ka sa pagsigaw. Hindi pa ako patay…”Hindi mapigilan ni Caroline ang umiyak. Sinasamid siyang nagtanong, “Hindi ba’t sinabi ko na lumayo ka? Bakit hindi ka nakinig?”Ngumiti ng mapait si Evan. Paos at mahina ang boses niya, “Hindi ko maatim na mawala ka sa harapan ko ng pangalawang beses…”Nanigas si Caroline, bumilis ang tibok ng puso niya.Noong naayos na niya ang kanyang sarili, pinunasan niya ang mga luha niya at tinulungan si Evan na tumayo. “Maupo ka muna. Titignan ko kung may iba ka pa na pinsala.”Isinara ni Evan ang bibig niya at naupo. Sinuportahan siya ni Caroline, isi
Hinawakan ni Caroline ang noo ni Evan. Naramdaman niya ang init niya at inilagay ang kamay niya sa kanyang mukha.Mahinang iminulat ni Evan ang mga mata niya. “Anong ginagawa mo?”Nakipagtitigan sa kanya si Caroline at seryosong sinabi, “Medyo mataas ang init ng katawan mo. Sapagkat malamig ang mga kamay ko, sinusubukan ko pababain ang init mo ng kaunti.”Natawa ng mahina si Evan habang hinahawakan ang kamay ni Caroline. “Huwag ka mag-aksaya ng lakas.”“Hindi ito pagaaksaya ng lakas!”Binawi ni Caroline ang kamay niya at inalis ang kanyang coat para takpan ang ulo ni Evan.Sumimangot si Evan sa manipis na damit ni Caroline. Mahigpit niyang sinabi, “Gusto mo ba mamatay sa lamig?”“Hindi,” sagot ni Caroline. “Hindi ko lang gusto na makita kang mamatay dito.”Lumaki ng kaunti ang mga mata ni Evan. Matapos titigan si Caroline ng panandalian, kinuha niya muli ang kamay niya.Natulala si Caroline. Bago siya makareact, hinatak niya si Caroline sa mga bisig niya.Sa sumunod na sandal