Natawa si Caroline. “Kailan ko kayo niloko? Kinuha ninyo ang mga gamit ko ng walang paalam. Pagnanakaw iyon.”“Bukod pa doon, napakahalaga ng confidential documents ng company. Katumbas ito ng corporate espionage, dahil balak ninyo ibenta ito.”Itinulak ni Jade si Brandon sa isang tabi at galit na kinumpronta si Caroline. “Nakita mo ba na kinuha namin?”“Hindi ko kailangan makita, “ kalmadong sinabi ni Caroline. “May tinatawag na surveillance system.”Nagbago ang ekspresyon ni Jade, pero matapos ang ilang sandali, naalala niyang walang surveillance camera sa study room ni Caroline.“Marahil sinusubukan lang niya ako,” inisip ni Jade.“Surveillance system, huh? Inilagay ni Jade ang mga kamay niya sa kanyang bewang. “Kung ganoon, ipakita mo sa akin! Kung hindi ka makakapagbigay ng ebidensiya, sisiguraduhin ko na pagbabayaran mo ang pambibintang mo sa akin!”Humarap si Caroline sa mga pulis at nirequest, “Pakipakita sa kanila ang surveillance footage na ibinigay ko.”Tumango ang i
Nasasabik na sinabi ni John, “Ms. Shenton, tignan mo ng mabuti ang hot topics. May nag-interview sa factory workers natin!”“Interview?” natulala si Caroline at inilabas ang phone niya para tignan.Ang ikalawang hot topic ay naging popular sa ilang minuto na pumasok siya sa kumpanya ngayon lang.[Nakakagulat! Paano itrato ng CEO ng TYC Fashion ang mga empleyado niya?]Pinindot ni Caroline ang video at pinanood ito ng mabuti. Nakita niya si Caleb at ang mga factory workers na itinataas ang kontrata nila sa harap ng camera.Sinabi nila sa mga reporters kung paano sila tinulungan ni Caroline financially noong naospital sila at nawalan ng trabaho.Walang katapusan ang mabubuting kumento sa video. Maraming tao ang humihikayat na bumili ng damit sa TYC Fashion.Kaya, naging triple ang sales ng TYC Fashion sa loob ng maikling oras.Nakahinga ng maluwag si Caroline, iniisip, “Sawakas, nagiging okay din ang lahat.”Nagsisimula na ang pag-ayos sa orihinal niyang factory, para doblehin a
Pakiramdam ni Caroline nagtamo siya ng matinding pinsala. Mapait siyang nagtanong, “Hindi naman nagtamo ng kawalan ang kumpanya dahil sa ginawa ng team mo. Bakit mo iyon ginawa?”Hindi niya alam kung anong sasabihin niya kay Kenny para sa sakripisyo niya para sa kumpanya.Kahit na playboy si Kenny, mapili siya sa pagpili ng babae na tutugon sa pangangailangan niya.Ang lahat ng mga babaeng nakasama niya ay kamukha ng first love niya. Kahit na maganda ang isang abbae, hindi siya magiging interesado sa kanila.Hindi kamukha ni Alisa ang first love niya, at matanda na rin.Maaaring nahirapan siya sa loob-loob niya bago lisanin ang Angelbay City.Kaya pala nagsinungaling siya kay Caroline na ikakasal ang nanay niya abroad.Sinabi ni Kenny. “Hindi ko naman pinilit ang sarili ko.”Bumuntong hininga si Caroline. “Sige, dadalo ako sa exhibition kasama ka.”*Sinundo ni Caroline ang mga bata noong kinagabihan.Sa buong biyahe, mukhang malungkot si Liora. “Mommy, hindi ko gusto umuwi.
Tumawa ng masama si Draco. “Isa lang siyang mapang-akit na babae.”“Ama!” buntong hininga ni Casey. “Sa tingin ko hindi siya ang babae na iniisip mo. Dalawang beses ko siyang nakasalubong. Mahinhin siya at maganda.”Sumimangot si Casey. “Nahulog ka ba sa kanya?”“Ama, hindi ko aagawin ang babaeng gusto ni Evan,” sambit ni Casey pero ipinakita ang pagkabigo sa mga mata niya.Nainis si Draco at hinawakan ng mahigpit ang basong hawak niya. “Isa lang siyang cheap na babae. Hindi ko siya hahayaan na maging parte ng pamilya Jordan. Kung gusto mo siya, puwede ka magloko. Pero huwag mo pangarapin na pakasalan siya!”Nagtanong si Casey, “Ama, anong relasyon nila ni Evan?”Suminghal si Draco. “Hindi naman sila. Minsan lang niyang naging kabit.”Matapos iyon, sumingkit siya at tinignan si Casey. “Casey, huwag ka umibig sa katulad niya.”“Ama, pasensiya na, pero baka mabigo kita,” bulong ni Casey.Nagalit si Draco, “Ang daming babae sa mundo! Bakit hindi mo makalimutan ang mapangakit na b
Natulala si Caroline. “Bukas? Oo nga pala, kaarawan ni Paige bukas!” naisip niya.Guilty niyang sinabi, “Pasensiya na at nakalimutan ko ang kaarawan mo. Paano ka magcecelebrate sa pagkakataong ito?”Sinabi ni Paige, “Sobrang abala ka at nakalimutan mo na ako. Paano ka babawi sa akin?”Nag-isip sandali si Caroline. “Bakit hindi tayo pumunta sa Starry Campsite? Tatawagan ko sila at sasabihin na maghanda sila ng tent at barbecue para sa atin.”“Sige!” sumangayon si Paige. “Pagusapan natin ang mga detalye mamayang gabi.”“Okay.”Matapos ibaba ang tawag, ngumiti ang dalawang bata kay Caroline.Natawa si Liora. “Mommy, puwede ba ako sumama?”Ngumiti si Caroline at sumagot, “Siyempre! Hihiling ako ng leave para sa inyo ni Ty. Isasama ko kayo para magsaya.”Naging abala siya sa mga nakaraang araw kaya hindi niya nabigyan ng pansin ang mga bata. Ngayon makakapagrelax na siya, dapat niya isama ang mga bata para magsaya.“Yehey!” sabik na sinabi ni Liora at hinalikan si Caroline sa pisn
Inayos ni Evan ang sarili niya. “Ang smiling emoji ni Caroline ay pagbati lamang,” naisip niya.Kaya, tinignan niya bigla ng malamig si Reuben. Awkward siya at halo halo ang emosyon.Naguluhan si Reuben.*Noong tanghali, iniwan ni Caroline ang mga bata kasama ni Neil bago siya magbihis ng gown at maglagay ng kaunting makeup. Sinundo niya si Alisa kasama si Kenny.6:00 p.m., na ng dumating sila sa hall.Sa oras na bumaba si Alisa ng sasakyan, pumasok siya mag-isa at nakipagusap sa exhibition.Tingnan ni Caroline si Kenny. “Mukhang hindi ako gusto makausap ni Alisa.”Walang masabi si Kenny, kumibot ang mga labi ni Kenny habang pinapanood ang likod ni Alisa. “Sinasayang ng matandang ito ang oras ko! Papapuntahin ko siya sa kumpanya sa susunod na dalawang araw.”“Carol!”Bigla, narinig niya ang boses ni Paige mula sa likod ni Caroline.Humarap si Caroline at nakita si Paige na nakasuot ng makulay na pulang dress. Ngumiti siya at nagbigay puri, “Bagay sa iyo ang pulang dress. Ma
Ngumisi si Evan at iniba ang topic. “Bakit hindi siya sumama sa iyo sa pagdalo sa importanteng okasyon?”“Hindi ito kasinghalaga ng mga anak namin.” Sinadya ni Caroline bigyan ng diin ang salitang “namin”.Nagalit si Evan.Matapos ito makita, kinumbinsi siya agad ni Alex. “Evan, magsisimula na ang runway show. Tara na at maupo. Kung hindi, masyado ng maraming tao mamaya.”Pinagaan ni Paige ang loob ni Caroline ng umalis na si Evan “Carol, huwag mo dibdibin.”Umiwas ng tingin si Caroline. “Pupunta ako sa banyo. Mauna na kayo.”“Hayaan mo na samahan kita.”Nag-aalala si Paige kay Caroline, kaya tinignan niya si Kenny bago siya umalis.Habang papunta sila ni Paige sa banyo, tinanong niya si Caroline, “Carol, puwede ko ba isama bukas si Pug?”Tumigil si Caroline bigla habang naglalakad. “Boyfriend mo na siya ngayon?”“Oo.” guilty na sinabi ni Paige. “Pero huwag ka mag-alala. Pipilitin ko siya na itago ang lahat mula kay Evan. Hindi niya malalaman na magkasama tayong aalis.”Naka
“Ama!” bigla may sumigaw matapos magsalita ang aroganteng babae.Napatingin si Caroline at matandang lalake sa isang middle-aged na lalake na nakasuot ng suit at leather shoes na nagmamadali palapit sa kanila at kinakabahan.Nabigla si Caroline ng makita ang lalake, iniisip, “Hindi ba’t siya si Joseph Gull mula sa Merlin School?”Nakilala niya ang lalake dahil sa paghahanap niya ng school para sa mga bata. Isa siyang principal ng isang internationally acclaimed na school kabilang na ang elementary, middle at high school.Lumapit si Joseph sa matandang lalake at nagtanong, “Ama, bakit ka pumunta dito ng mag-isa?”Ngumiti si Sam Gull at sumagot, “Napagdesisyunan ko maglakad-lakad at tignan ang bagong import na materyales para sa damit ng mga bata.Ngumiti si Joseph at bumuntong hininga. “Ama, puwede naman na ako na ang gumawa nito.”“Hindi kailangan,” sambit ni Sam. “Nakahanap na ako ng nararapat na fashion company.”Habang nakangiti, humarap si Sam kay Caroline at nagtanong, “Mi
Hindi matigil si Liora sa pag-iyak, kaya binuhat siya ni Caroline at tinapik ang likod para pakalmahin siya.Patuloy si Liora na nakabaon ang mukha sa leeg ni Caroline, walang tigil sa pag-iyak. “Mommy, hindi ko gusto makita si Lola umalis. Hmm… ayaw ko…”Nalulungkot si Caroline para kay Liora, kaya mahigpit niyang niyakap ang bata. “Patawad. Hindi ko siya naprotektahan ng maayos. Kasalanan ko…”Mapula at namamaga ang mga mata nina Tyler at Axel. Hindi nila alam kung paano pagagaanin ang loob ni Caroline at Liora.Si Evan nakatayo sa puwesto niya at hindi gumagalaw. Bigla siyang paos na nagsalita at deperado ang kanyang boses. “Bakit?”Tinignan siya at nilapitan ni Caroline habang guilty at sinabi. “Patawad.”Matindi ang aura ni Evan habang palapit siya kay Caroline. “Caroline, sabihin mo sa akin! Bakit mo balak na sirain kami at ng nanay ko?”“Sirain?” sumimangot ng gulat si Caroline. “Anong ibig mo sabihin?”“Nagkukuwnari ka pa din na walang alam?” Ngumisi si Evan at tinitiga
Narinig ni Evan ang malakas na komosyon mula sa amusement park sa oras na bumaba siya ng sasakyan sa tapat ng entrance nito.Bigla, nakaramdam siya ng matinding sakit sa puso niya, kung saan napayuko siya sa sakit habang mahigpit ang pagkakahawak sa kanyang dibdib.Lumapit agad si Reuben at mga bodyguard para tulungan siya.“Mr. Jordan, okay ka lang?” sabay na tanong ni Reuben at Julian.Nakaramdam ng matinding panic si Evan, kung saan itinulak niya palayo ang iba. Nahirapan siyang kontrolin ang pagkahilo niya at paninikip ng dibdib habang paputna sa amusement park.Sa loob, nagkakagulo sila habang nagmamadali na lumapit sa Ferris wheel.Hinawakan ni Julian ang isang empleyado at nagtanong tungkol sa aksidente.Sumagot ang nagpapanic na empleyado, “Ang isang pod mula sa Ferris wheel ay nalaglag!”Matapos iyon marinig, tumingala si Reuben at nakita ang bakanteng puwesto kung nasaan ang Ferris wheel, na 200 metro ang taas.Maliit lang ang pag-asa ng tao sa loob…Nagpanic si Eva
Agad na tumayo si Caroline para habulin si Jamie, pero hinarangan siya ng empleyado. “Ma’am, tumigil ka sa kalokohan mo! Napakadelikado dito!”Dahil hindi niya mahabol si Jamie, sumigaw siya, “Jamie, huwag mo buksan ang pinto. Dyan ka lang!”Tumango si Jamie.Nagfocus si Caroline sa pod ni Jamie at naabala ng isa pang empleyado na umalis ng platform.Sinabi ni Axel, para pakalmahin si Caroline. “Mommy, gusto ni Lola ng ice cream. Ikuha natin siya.”Dahil wala siyang magawa, ibinili ni Caroline ang mga bata ng ice cream habang nakatitig sa Ferris Wheel.Lumipas ang ilang minuto at umabot sa rurok ang pagkabalisa ni Caroline habang umaabot sa pinakamataas na punto ang pod. Sumayaw ito sa hangin, kung saan nanghina ang mga tuhod ni Caroline.Hindi malaman ni Caroline kung natatakot ba si Jamie o hindi. Ang ipinagdasal niya ay manatili si Jamie na hindi kumikilos.*Samantala, nakaupo si Jamie sa pod, tinitignan ng mabuti ang magandang view sa Angelbay City. Unti-unti siyang nagin
Malupit na nag-utos si Evan. “Go!”*Nag-eenjoy si Caroline sa pagsama sa mga bata sa amusement park.Pagkatapos, pumila sila para sa Ferris wheel.Noong tumingala si Axel sa mataas na Ferris wheel, na dalawang daang metro ang taas, namutla siya. Natatakot siyang sumakay sa mga rides dahil takot siya sa matataas na lugar. Kahit na ang makita lang ito ay sapat na para mahirapan siyang huminga.Napansin agad ni Tyler na may mali kay Axel at nagtanong, “Axel, hindi ba maganda ang pakiramdam mo?”Sinubukan ni Axel na umiling-iling at magmatapang, “Okay lang—”Bago pa siya natapos magsalita, sumuka siya habang mahigpit ang kapit sa kanyang tiyan.Napalingon agad si Caroline at Jamie sa komosyon.Noong nakita nila si Axel, natakot si Caroline. Nagmadali siya para yumakap.“Axel?” nababalisang tanong ni Caroline. “Anong problema?”Habang nahihilo, mahinang sumagot si Axel, “Mataas…”“Mataas?” tumingala si Liora ay tinignan ang umiikot na Ferris Wheel sa itaas.“Oh! Mommy, takot s
Linggo, nangako si Caroline na isasama si Jamie at ang tatlong mga bata sa amusement park.Umalis siya matapos magreserve ng mga ticket at dumating sa destinasyon ng 10:00 a.m.Kumportable ang panahon, at nag-ooperate ang lahat ng facilities ng park.Nakatitig si Jamie sa pinakamtaas na Ferris wheel sa oras na pumasok siya sa amusement park.Nagtanong si Caroline, “Jamie, interesado ka sumakay sa Ferris wheel?”“Oo. Naaalala ko na sumakay ako dito ng may kasama…” bulong niya ng mahina bago nadistract.Natawa si Liora at sinabi, “Alam ko. Baka ang boyfriend mo!”Nabigla si Caroline, “Lia, ingat ka sa mga salita mo.”Inilabas ni Liora ang dila niya. “Mommy, nakikipagbiruan lang ako kay Lola.”Naguluhan na nagtanong si Jamie, “Boyfriend?”Nagsalita si Caroline at sinabi, “Nagsasabi lang ng kung ano-ano si Lia. Sasakay tayo mamaya sa Ferris wheel kung gusto mo, Jamie.”Ngumiti si Jamie. “Sige, makipaglaro muna tayo kasama ang mga bata.”“Yehey, Lola!”Natuwa si Liora, hinatak
Matapos ang dinner, tumungo si Paige sa Bayview Villa.Aalis sana si Caroline para gumala kasama ang mga bata ng makita niya si Paige na nagmamaneho patungo sa hardin niya.“Nandito si Ninang!” tumakbo si Liora palapit sa sasakyan ni Paige at itinaas ang kanyang mga kamay ng buksan ni Paige ang pinto. “Yakapin mo ako, Ninang!”Binuhat ni Caroline si Liora, hinimas ang ilong niya at sinabi, “Ang importante kong Lia, lalabas ka ba?”Masunuring tumango si Liora. “Isasama kami ni Mommy na maglakad-lakad. Sasama ka ba?”“Sige!” binuhat ni Paige si Liora at lumapit kay Caroline. “Carol, puwede ba ako sumama? May pabor akong hihingin sa iyo.”Nagulat si Caroline dahil lumapit si Paige sa kanya para humingi ng pabor. “Sige, tara.”Habang naglalakad, nakipagusap si Paige sandali sa mga bata bago sinabi kay Caroline, “Carol, matutulungan mo ba ako makontak si Ms. Salvatore?”Natulala si Caroline. “Hihingin mo ba ang tulong ng mentor ko sa pagdidisenyo ng damit?”Sinabi ni Paige, “Oo. Gu
Gusto magsalita si Caroline, pero sinabi ni Evan, “Caroline, kaya mo ba mangako na wala ka ng nararamdaman para sa akin?”Sumakit ang puso ni Caroline ng marinig ang galit na sainabi ni Evan habang nanliliit siya.Ngunit, alam niya na dapat matapos na ang koneksyon nila sa isa’t isa!Pinigilan niya ang sakit na nararamdaman niya at sinabi, “Pumunta ako sa ospital para suklian ka, Evan. Hindi na kailangan na mangako ako, pero ako ang hindi makatiis sa relasyon natin. Naiintindihan mo ba iyon?”“Ako hindi! Bakit ang dali para sa iyo ang bumalik sa relasyon ng ganoon na lang? Ano ba ang tingin mo sa akin?”Sumandal si Caroline sa upuan habang nanghihina. “Ano ba ang tingin ko sa iyo? Kinuwestiyon mo na ba ang sarili mo sa kung anong kinuha mo mula sa akin? Kabit ang turing mo sa akin limang taon na ang nakararaan at hinahanap mo ako matapos mo malaman na ako ang nagligtas ng buhay mo.”“Paano kung wala ka pa din alam tungkol sa insidente? Si Daniella pa din ang karelasyon mo at mina
Dramatic ang pagpasok ni Alex sa kuwarto, hawak ang phone niya at hirap na hirap magsalita habang tumatawa.“Evan, dapat mo makita ang live stream ni Caroline. Hindi ako matigil kakatawa. Ang sinabi niya ay inaabala mo siya…”Nanigas ang ngiti ni Alex ng makita ang mahigpit na mukha ni Evan at titig.Nakita ni Alex ang tablet ni Evan. “Oh no, lagot ako!” naisip niya bigla.Tense ang ekspresyon ni Evan habang galit na nagtatanong, “Nakakatawa ba ito?”Naging seryoso ang ekspresyon ni Alex. “Hindi ito nakakatuwa! Sumosobra na si Caroline! Ang bait bait mo sa kanya! Paano niya nagawa na magsalita ng ganito? Dapat hindi niya ito sinabi kahit na gusto niyang protektahan ang reputasyon niya!”Lumapit si Alex kay Evan at nagpatuloy. “Evan, sa tingin ko oras na para pag-isipan mo na ito! Naniniwala ako na wala ng nararamdaman si Caroline para sa iyo. Mas mabuti na magpakasal ka sa iba sa lalong madaling panahon kung hindi mawawala ang pagkakataon mo na inisin siya!”Sumingkit ang mga ma
Higit ng doble ang dami ng pre-order ng TYC kumpara sa MK sa loob lamang ng ilang oras.Matinding sensation ang idinulot nito sa fashion industry.Inisip ng mga tao ang abilidad ng MK na manatili sa leading posistion sa fashion industry.Nagmadali ang journalist na pumunta sa TYC para magconduct ng interview kay Caroline.Sumangayon si Caroline sa interview at sinabihan ang assistant niya, na si Josie Gardner, na samahan ang journalist papunta sa reception room, kung saan sila magkikita.Ang journalist, na si Paxton Parker, ay tumayo at nakipagkamay kay Caroline sa oras na pumasok siya. Maraming salamat sa paglalaan ng oras para gawin ito ngayon, Ms. Shenton.”Nagsalita si Caroline habang nakangiti ng kaunti, “Okay lang. Maupo ka.”Nagtanong si Paxton pagkatapos maupo, “Magsisimula na ang recordin natin. Isa itong live-streamed interview. Sana okay lang ito sa iyo, Ms. Shenton.Sumimangot si Caroline dahil hindi siya nasabihan agad.Ngunit, tumango siya.Tumango si Paxton sa