“Ano ba naman, kanina mo pa iyan sinasabi,” sambit ni Jade. “Hindi ko inaasahan na napakamahal ng pagkain dito. Walang awa ang lungsod.”Nagbigay ng suhestiyon si Gregory, “Kaya, dapat nakinig ka sa akin. Sumabay tayo kumain sa kanila bukas. Libre naman. Puwede natin gastusan ang mga sarili natin ng pera.”“Hindi, hindi natin ito dapat gastusin. Kailangan natin ito itabi. Sapagkat nakatira tayo dito, dapat siya ang magbayad sa mga gastusin natin. Magpapabili ako sa kanya ng bahay sa kinalaunan,” pilit ni Jade.Nagsalita si Brandon. “Ma, ang ganda ng naisip mo! Malaking flat na bahay na sikat sa lungsod. Tignan natin ang mga ito.”Tumango si Jade. “Sige, tignan natin.”Noong narinig ni Jamie ang pinaguusapan nila, sumarado ang mga kamao niya at inisip, “Hindi! May problema si Carol. Kailangan ko siya tulungan!”*Matapos maligo ni Caroline, tinawagan niya si Neil.Sumagot si Neil, “Carol, abala ka pa din ba sa oras na ito?”Pagod na pinisil ni Caroline ang kilay niya at sumagot
“Evan, hindi rin ito madali para sa kanya. Huwag mo hayaan na hindi ka makamove on dahil sa mga bata,” payo ni Alex.Pinigilan ni Evan ang galit niya at sinabi, “Ipaliwanag mo sa akin kung bakit may dalawa pa siyang anak mula kay Neil kung napakalungkot niya.”“Baka paraan niya iyon para makacope,” suhestiyon ni Alex.Nagalit si Evan at ihinagis ang kanyang baso. “Coping? Ang coping niya ay makasama ang ibang lalake?”“Sapagkat puwede makuha ni Daniella ang anak ni Caroline, maaari niyang saktan ang iba. Hindi maiintindihan ng lalake ang tindi ng selos ng babae!”Sumingkit ang mga mata ni Evan. “Iimbestigahan ko ito.”Bumuntong hininga si Alex. “Hindi ito magiging madali.” Sa isip niya.Pakiramdam niya mas mas kumplikado pa si Daniella kaysa sa itsura niya at may makapangyarihan siyang backer!Anong papel ni Daniella sa murder case ilang taon na ang nakararaan kung hindi si Caroline ang salarin? Inosenteng biktima lang ba siya?Ayaw niyang maniwala doon!*Sabado, hinayaan n
Mahirap pagkasiyahin ang maraming tao sa pangkaraniwang sasakyan. Mabuti na lang at isa itong minivan.Magtatanong sana si Caroline ng may narinig siyang sigaw mula sa pinto.“Hintayin ninyo ako! Sasama din ako!” nagmadali lumabas si Jamie, kasama niya si Freya.Nagulat ang mga Shenton sa boses.“P*ta! Sasama din ang baliw na babaeng iyon?!” takot na sinabi ni Brandon.Nanginginig si Gregory. “Hindi ko na gusto sumama! Bababa na ako!”Pero nakapasok na si Jamie sa sasakyan ng matapo sila magsalita.Nanginig sa takot ang mga Shenton.Ngumisi si Caroline, hindi inaasahan na ganito katindi ang epekto ni Jamie sa kanila.Tinitigan ni Jamie ang mga Shenton ng masama, at humarap kay Caroline. “Gusto ko din sumama, Carol.”“Sige,” sumangayon si Caroline.Tumawa si Tyler at Liora sa isang tabi. “Natatakot ang mga taong ito kay Madam Jamie, huh?” naisip nila.Nanatiling tahimik ang mga Shenton at dumistansiya mula kay Jamie sa buong biyahe.*Nagmadali bumaba mula sa sasakyan ang
Nagtawanan ng mahina ang mga patron ng restaurant habang pinapanood ang mga Shenton na gumawa ng eksena.“Nararapat talaga sa taong iyon ang mga sampal.”“Tama ka!”Gusto makielam ni Freya, pero pinigilan siya ni Caroline. “Hintayin natin ang waiter.”Tumango lang si Freya at sumangayon.*Samantala, sa labas ng restaurant.Binagalan ni Alexa ng Ferrari niya at tumigil sa red light. Dahil nababagot siya, tumingin siya mula sa labas ng bintana, at napunta ang atensyon niya sa restaurant sa tapat. Nanlaki bigla ang mga mata niya at hindi siya makapaniwala.Mabilis siyang kumilos, ibinaba niya ang bintana ng sasakyan at tinignan ang babaeng nakaputi na sinasampal ang isang tao.“Hindi ba’t iyon ang nanay ni Evan?” sambit niya.Walang alinlangan niyang kinuha ang phone niya at tinawagan si Evan.Noong sumagot si Evan, nababalisa ang tono ni Alex. “Evan, kakakita ko lang sa nanay mo sa Fidelio Restaurant. Bilisan mo at pumunta ka dito!”“Fidelio Restaurant?” Bakit nandoon ang na
Pasimpleng sumisilip ng tingin si Jade kay Evan, hinahangaan ang kanyang guwapong mukha. Kinalabit niya si Gregory na kumakain at sinabi, “Greg, ang guwapo ng lalake na ito at maayos ang panananamit. Mukhang mayaman siya! Ang anak ng malayo kong pinsan na pamangkin na nakatira sa bahay ng nakababata kong kapatid sa entrance ng village ay mataas ang standards para sa lalake. Siguradong magugustuhan niya ang lalakeng ito!”Nahirapan si Gregory na intindihin ang kumplikadong istruktura ng pamilya niya bago sumagot, “Oh, siya! Sigurado!”Nasabik na sinabi ni Jade, “Pupunta ako at kakausapin siya.”Tumayo siya, lumapit sa lamesa niya at humatak ng upuan. “Kumusta, pogi. May asawa ka na ba?”Nagsalubong ang mga kilay ni Evan at tinignan si Caroline, nagdilim ang mukha niya ng mapansin na wala siyang reaksyon.Sa halip, mukhang naintriga si Alex. “Ma’am, single siya pero may anak.”Nag-aalalang nagtanong si Jade, “So, hiwalay sa asawa pero may anak. Medyo kumplikado. Ilang taon na ang b
“Evan, tama siya sa hindi in demand ang second-hand na mga lalake. Hahaha!” nalukot ang mukha niya sa pagtawa ni Alex.“Tumahimik ka!” pinagalitan siya ni Evan.Samantala, lumapit ang waiter kay Alex at sinabi, “Sir, handa na ang childrens meal ninyo.”Pinigil ni Alex ang tawa niya. “Pakilagay dito.”Tumango ang waiter at inilagay sa harap ni Alex ang pagkain.Mapanghamak na tinignan ni Jade si Alex at humarap kay Evan para sabihin, “Sapagkat pareho ang opinyon ninyo, ibigay mo sa akin ang address mo. Bibisita ako matapos ko kausapin ang pinakamaganda sa village namin!”Ngumiti si Evan at humarap sa waiter na nasa malapit. “Maikukuha mo ba ako ng panulat at papel?”Kumuha ang waiter ng papel at panulat mula sa bulsa niya.Isinulat ni Evan ang address at ibinigay ang papel kay Jade. “Puntahan mo ako ng tanghali. Dito ako nakatira.”Inilagay ni Jade ang papel sa bulsa niya. “Sige, pogi. Hindi ko na iistorbohin ang pagkain ninyo!”“Sandali, lang ma’am!” Tinawag ni Alex si Jade,
Nagtanong si Caroline, “Ang pagiging malapit namin ay hindi pumipigil sa iyo para makipagdate, hindi ba?”Malungkot na nagsalita si Alex. “Wala bang magtatanong tungkol sa akin?”Sabay na sinabi ni Caroline at Evan, “Ikaw ang naglagay sa sarili mo sa gulong ito, hindi ba?”Panandaliang natulala sina Caroline at Evan. Nagkatinginan sila agad at umiwas ng tingin.Sinabi ni Caroline sa mga anak niya, “Sumama kayo sa trabaho ko, mga anak.”Kumaway ng masaya si Liora kay Evan. “Maging masaya sana ang date mo, sir!”Idinagdag pa ni Tyler, “Suwertihin ka sana!”Naging seryoso ang ekspresyon ni Evan.Natawa si Alex. “Evan, hindi ko inaakala na makikipagdate ka!”Tinitigan ng masama ni Evan si Alex. “Layas!”*Sabik na tinawagan ni Jade ang pamilya Fleur habang patungo sila sa kanilang destinasyon.Nag-aalinlangan na sumangayon ang mga pamilya Fleur ng malaman na hiwalay sa asawa si Evan na may mga assets na nakakalat sa bansa. “Sige, makipagkita muna tayo sa kanya, at pag-uusapan p
Ginaya ni Jade ang bigkas ni Brandon at sinabi, “Gusto ko bumili ng Gucci! Gucci!”Ang sales attendant, na si Laura Garcia, ay sinabi, “Hello. Welcome sa official Gucci flagship store. Anong partikular na model kayo interesado?”“Hindi mo ba maintindihan ang sinasabi ko? Hindi ko kailangan ng partikular na model, basta Gucci! Gucci!”Nanigas ng kaunti ang ekspresyon ni Laura bago niya matiyagang ipinaliwanag, “Madam, ang bawat bag namin dito ay Gucci. Ito ang official Gucci flagship store. Maaari mo ba ipaalam sa akin kung anong style ng bag ang gusto mo?”Nainis si Jade. “Hindi mo ba ako maintindihan? Anak, ikaw kumaisaip dito. Hindi ko ito kaya!”Gumala sa tindahan si Brandon at itinuro ang ilang mga model na may matataas na numero, at sinabi, “Ito, ito… at ito. Kukuha kami ng tig isa!”Ngumiti si Laura. “Sige!”Matapos kunin ang mga bag at ibalot, humarap si Laura kay Brandon. “Ang total na halaga ay 181,713 dollars. Magbabayad ka ba via card or digital wallet?”“Hindi. Ipad