“Evan, tama siya sa hindi in demand ang second-hand na mga lalake. Hahaha!” nalukot ang mukha niya sa pagtawa ni Alex.“Tumahimik ka!” pinagalitan siya ni Evan.Samantala, lumapit ang waiter kay Alex at sinabi, “Sir, handa na ang childrens meal ninyo.”Pinigil ni Alex ang tawa niya. “Pakilagay dito.”Tumango ang waiter at inilagay sa harap ni Alex ang pagkain.Mapanghamak na tinignan ni Jade si Alex at humarap kay Evan para sabihin, “Sapagkat pareho ang opinyon ninyo, ibigay mo sa akin ang address mo. Bibisita ako matapos ko kausapin ang pinakamaganda sa village namin!”Ngumiti si Evan at humarap sa waiter na nasa malapit. “Maikukuha mo ba ako ng panulat at papel?”Kumuha ang waiter ng papel at panulat mula sa bulsa niya.Isinulat ni Evan ang address at ibinigay ang papel kay Jade. “Puntahan mo ako ng tanghali. Dito ako nakatira.”Inilagay ni Jade ang papel sa bulsa niya. “Sige, pogi. Hindi ko na iistorbohin ang pagkain ninyo!”“Sandali, lang ma’am!” Tinawag ni Alex si Jade,
Nagtanong si Caroline, “Ang pagiging malapit namin ay hindi pumipigil sa iyo para makipagdate, hindi ba?”Malungkot na nagsalita si Alex. “Wala bang magtatanong tungkol sa akin?”Sabay na sinabi ni Caroline at Evan, “Ikaw ang naglagay sa sarili mo sa gulong ito, hindi ba?”Panandaliang natulala sina Caroline at Evan. Nagkatinginan sila agad at umiwas ng tingin.Sinabi ni Caroline sa mga anak niya, “Sumama kayo sa trabaho ko, mga anak.”Kumaway ng masaya si Liora kay Evan. “Maging masaya sana ang date mo, sir!”Idinagdag pa ni Tyler, “Suwertihin ka sana!”Naging seryoso ang ekspresyon ni Evan.Natawa si Alex. “Evan, hindi ko inaakala na makikipagdate ka!”Tinitigan ng masama ni Evan si Alex. “Layas!”*Sabik na tinawagan ni Jade ang pamilya Fleur habang patungo sila sa kanilang destinasyon.Nag-aalinlangan na sumangayon ang mga pamilya Fleur ng malaman na hiwalay sa asawa si Evan na may mga assets na nakakalat sa bansa. “Sige, makipagkita muna tayo sa kanya, at pag-uusapan p
Ginaya ni Jade ang bigkas ni Brandon at sinabi, “Gusto ko bumili ng Gucci! Gucci!”Ang sales attendant, na si Laura Garcia, ay sinabi, “Hello. Welcome sa official Gucci flagship store. Anong partikular na model kayo interesado?”“Hindi mo ba maintindihan ang sinasabi ko? Hindi ko kailangan ng partikular na model, basta Gucci! Gucci!”Nanigas ng kaunti ang ekspresyon ni Laura bago niya matiyagang ipinaliwanag, “Madam, ang bawat bag namin dito ay Gucci. Ito ang official Gucci flagship store. Maaari mo ba ipaalam sa akin kung anong style ng bag ang gusto mo?”Nainis si Jade. “Hindi mo ba ako maintindihan? Anak, ikaw kumaisaip dito. Hindi ko ito kaya!”Gumala sa tindahan si Brandon at itinuro ang ilang mga model na may matataas na numero, at sinabi, “Ito, ito… at ito. Kukuha kami ng tig isa!”Ngumiti si Laura. “Sige!”Matapos kunin ang mga bag at ibalot, humarap si Laura kay Brandon. “Ang total na halaga ay 181,713 dollars. Magbabayad ka ba via card or digital wallet?”“Hindi. Ipad
Inulat ni Reuben, “Natuklasan ko na, Mr. Jordan. Ang babaeng iyon ay kapatid ng ama ni Ms. Shenton na umampon sa kanya. Wala sila halos interaskyon sa isa’t isa, at kinokontak lang niya si Bradley para sa pera. Ang motibo niya ng pagbisita kay Ms. Shenton ay malinaw. Para sa pera. Sinubukan namin alamin kung magkano ang eksaktong gusto nila, pero hindi pa namin ito nalalaman.”Sumingkit ang mga mata ni Evan at humigpit ang kapit sa upuan. Malalim ang boses niya ng nagsalita siya, “Para itong walang katapusang butas.”“Eksakto. Ang mga taong ito ay karaniwan na pinapaandar ng kasakiman. Noong una, gustong kumilos laban ni Ms. Shenton, pero sinubukan nila na takutin siya.”Natawa si Evan. “Pananakot? Ang gusto lang nila gawin ay isiwalat ang ingratang ugali ni Caroline sa media.”“Oo, at eto ang kicker. Gumastos na sila ng mahigit sa 2,000,000 dollars ng pera ni Ms. Shenton kaninang tanghali, pero ginanap ito sa mall ng MK.”Naging malamig ang ekspresyon ni Evan. “Sa tingin siguro n
Inaasahan ni Caroline na mananatili sa labas ng matagal ang mga Shenton, pero nagualt siya dahil umuwi sila ng tanghali. Pumasok sila kung kailan paalis si Caroline kasama ang mga bata para managhalian.Masaya ang itsura ni Jade na tila may kahanga-hangang nangyari. Ang suot niya, makulat na damit na pinaghalo-halo mula sa pinamili niya kahapon kung saan naging kakaiba nag itsuran iya.Matapos makita na paalis si Caroline, binati siya ni Jade at nagtanong, “Aalis ka?”Walang emosyon na sinabi ni Caroline, “Gusto mo ba sumama sa amin?”Bago pa makasagot si Jade, nakielam si Gregory at sinabi ng madiin, “Hindi, hindi kami sasama.”Hindi niya gusto sumama dahil ayaw niyang makasama si Jamie. Nakumbinsi siyang nagtatago siya sa sasakyan ni Caroline kahit na hindi niya nakita na nasa sasakyan mismo si Jamie.Ngumisi si Caroline at inutos sa driver, “Tara na.”Sa oras na umalis si Caroline kasama ang mga bata, nakahinga ng maluwag si Gregory. Ibinulong niya, “Mas pipiliin ko na hindi
Madiin ang pagtanggi ni Caroline na hindi idamay si Neil sa magulong pamilya niya.Gahaman ang mga Shenton, kaya lalala ang ugali nila kapag nalaman ang tungkol kay Neil at abilidad niya.Naiintindihan niya rin ang kanyang kapatid—hindi siya mauupo lang kapag nalaman niya ang sitwasyon.Ngunit, kung agresibong aasikasuhin ang problema, lalala lamang ito lalo.May plano si Caroline para mahulog sa patibong ang mga Shenton sa pagkakataong ito.Ipinagbuhos ni Neil ng baso ng tubig si Caroline bago humarap kay Liora at nagtanong, “Anong nangyayari, Lia?”Nakielam si Tyler sa tamang oras at sinabi, “Nakagat siya ng as,” para mawala ang paghihinala ni Neil.Nabigla si Neil. Tinignan niya ang kamay ni Liora at nag-alala. “Saan ka nakagat? Masakit ba?”Matalino si Liora at naintidihan niya na hindi gusto ng nanay niya na madamay si Neil sa sitwasyon, kaya sinakyan niya ang istorya ni Tyler.“Okay lang, Tito Neil. Hindi lang maganda ang pakiramdam ko. Maliit na bagay lang ito,” sinigur
Nagtanong si Alex, “Hindi ka ba naaawa kay Evan sa nakalipas na limang taon? Itinago ninyong lahat nag impormasyon tungkol kay Caroline. Nagtatrabaho ka sa MK. Hindi mo ba alam kung anong nangyari sa kanya all this time?”Sinabi ng prangka ni Paige, “Oo, Mahirap ang sitwasyon ni Mr. Jordan. Pero paano naman si Caroline? Ang lalake ay karaniwang pinapaandar ng sexual desires. Malaya ka na kapag natapos na, pero ang babae kakaharap ng ilang buwan ng pagdadalang tao!”“Triplets ang dinadala ni Caroline, pero ipinadala siya sa kulungan. Bulag ka ba sa lahat ng iyon? Kung sinusubukan mo kumuha ng impormasyon tungkol kay Caroline mula sa akin, kalimutan mo na!”“Pug, hayaan mo na linawin ko sa iyo ngayon. Kung gusto mo ako makasama, okay lang. Pero huwag mo na ako kokontakin pa kung gagamitin mo ang relasyon natin para kumuha ng impormasyon!”Sumimangot si Alex at sinabi, “Hindi ganoon ang ibig ko sabihin. May misunderstanding sa pagitan nila—”“Misunderstanding mo mukha mo! Dahil ito s
Noong 8:30 a.m., dumating sina Tyler at Liora sa kindergarten.Isinama ni Tyler si Axel sa meeting room, binuksan ang kanyang laptop, at nagtanong, “Axel, dala mo ang laptop mo?”Tumango si Axel at tahimik na kinuha ang kanyang laptop, “Oo, dala ko.”Naupo si Tyler. “Ihack mo ang surveillance system habang hinahack ko ang security key ng kumpanya.”Sumangayon si Axel, “Sige.”Nagtrabaho ng mabisa si Axel at naging tagumpay sa paghack sa security system ng kumpanya ni Daniella sa loob ng sampung minuto.“Tapos na, ikaw naman,” ipinaalam ni Axel.Sumagot si Tyler ng kumpiyansa at mapaglaro ang ngiti. “Hmm, tignan natin kung anong mangyayari!”*Samantala, sa YN.Bumaba mula sa sasakyan si Daniella, pumasok sa company building at dumating sa office floor. Noong lumabas siya ng elevator, magalang siya na binati ng mga empleyado at sinabi, “Ms. Love!”Pumasok sa meeting room si Daniella, kumpiyansa ang dating at nakataas ang noo.Sa meeting room, ang assistant niya na si Julian
Hindi matigil si Liora sa pag-iyak, kaya binuhat siya ni Caroline at tinapik ang likod para pakalmahin siya.Patuloy si Liora na nakabaon ang mukha sa leeg ni Caroline, walang tigil sa pag-iyak. “Mommy, hindi ko gusto makita si Lola umalis. Hmm… ayaw ko…”Nalulungkot si Caroline para kay Liora, kaya mahigpit niyang niyakap ang bata. “Patawad. Hindi ko siya naprotektahan ng maayos. Kasalanan ko…”Mapula at namamaga ang mga mata nina Tyler at Axel. Hindi nila alam kung paano pagagaanin ang loob ni Caroline at Liora.Si Evan nakatayo sa puwesto niya at hindi gumagalaw. Bigla siyang paos na nagsalita at deperado ang kanyang boses. “Bakit?”Tinignan siya at nilapitan ni Caroline habang guilty at sinabi. “Patawad.”Matindi ang aura ni Evan habang palapit siya kay Caroline. “Caroline, sabihin mo sa akin! Bakit mo balak na sirain kami at ng nanay ko?”“Sirain?” sumimangot ng gulat si Caroline. “Anong ibig mo sabihin?”“Nagkukuwnari ka pa din na walang alam?” Ngumisi si Evan at tinitiga
Narinig ni Evan ang malakas na komosyon mula sa amusement park sa oras na bumaba siya ng sasakyan sa tapat ng entrance nito.Bigla, nakaramdam siya ng matinding sakit sa puso niya, kung saan napayuko siya sa sakit habang mahigpit ang pagkakahawak sa kanyang dibdib.Lumapit agad si Reuben at mga bodyguard para tulungan siya.“Mr. Jordan, okay ka lang?” sabay na tanong ni Reuben at Julian.Nakaramdam ng matinding panic si Evan, kung saan itinulak niya palayo ang iba. Nahirapan siyang kontrolin ang pagkahilo niya at paninikip ng dibdib habang paputna sa amusement park.Sa loob, nagkakagulo sila habang nagmamadali na lumapit sa Ferris wheel.Hinawakan ni Julian ang isang empleyado at nagtanong tungkol sa aksidente.Sumagot ang nagpapanic na empleyado, “Ang isang pod mula sa Ferris wheel ay nalaglag!”Matapos iyon marinig, tumingala si Reuben at nakita ang bakanteng puwesto kung nasaan ang Ferris wheel, na 200 metro ang taas.Maliit lang ang pag-asa ng tao sa loob…Nagpanic si Eva
Agad na tumayo si Caroline para habulin si Jamie, pero hinarangan siya ng empleyado. “Ma’am, tumigil ka sa kalokohan mo! Napakadelikado dito!”Dahil hindi niya mahabol si Jamie, sumigaw siya, “Jamie, huwag mo buksan ang pinto. Dyan ka lang!”Tumango si Jamie.Nagfocus si Caroline sa pod ni Jamie at naabala ng isa pang empleyado na umalis ng platform.Sinabi ni Axel, para pakalmahin si Caroline. “Mommy, gusto ni Lola ng ice cream. Ikuha natin siya.”Dahil wala siyang magawa, ibinili ni Caroline ang mga bata ng ice cream habang nakatitig sa Ferris Wheel.Lumipas ang ilang minuto at umabot sa rurok ang pagkabalisa ni Caroline habang umaabot sa pinakamataas na punto ang pod. Sumayaw ito sa hangin, kung saan nanghina ang mga tuhod ni Caroline.Hindi malaman ni Caroline kung natatakot ba si Jamie o hindi. Ang ipinagdasal niya ay manatili si Jamie na hindi kumikilos.*Samantala, nakaupo si Jamie sa pod, tinitignan ng mabuti ang magandang view sa Angelbay City. Unti-unti siyang nagin
Malupit na nag-utos si Evan. “Go!”*Nag-eenjoy si Caroline sa pagsama sa mga bata sa amusement park.Pagkatapos, pumila sila para sa Ferris wheel.Noong tumingala si Axel sa mataas na Ferris wheel, na dalawang daang metro ang taas, namutla siya. Natatakot siyang sumakay sa mga rides dahil takot siya sa matataas na lugar. Kahit na ang makita lang ito ay sapat na para mahirapan siyang huminga.Napansin agad ni Tyler na may mali kay Axel at nagtanong, “Axel, hindi ba maganda ang pakiramdam mo?”Sinubukan ni Axel na umiling-iling at magmatapang, “Okay lang—”Bago pa siya natapos magsalita, sumuka siya habang mahigpit ang kapit sa kanyang tiyan.Napalingon agad si Caroline at Jamie sa komosyon.Noong nakita nila si Axel, natakot si Caroline. Nagmadali siya para yumakap.“Axel?” nababalisang tanong ni Caroline. “Anong problema?”Habang nahihilo, mahinang sumagot si Axel, “Mataas…”“Mataas?” tumingala si Liora ay tinignan ang umiikot na Ferris Wheel sa itaas.“Oh! Mommy, takot s
Linggo, nangako si Caroline na isasama si Jamie at ang tatlong mga bata sa amusement park.Umalis siya matapos magreserve ng mga ticket at dumating sa destinasyon ng 10:00 a.m.Kumportable ang panahon, at nag-ooperate ang lahat ng facilities ng park.Nakatitig si Jamie sa pinakamtaas na Ferris wheel sa oras na pumasok siya sa amusement park.Nagtanong si Caroline, “Jamie, interesado ka sumakay sa Ferris wheel?”“Oo. Naaalala ko na sumakay ako dito ng may kasama…” bulong niya ng mahina bago nadistract.Natawa si Liora at sinabi, “Alam ko. Baka ang boyfriend mo!”Nabigla si Caroline, “Lia, ingat ka sa mga salita mo.”Inilabas ni Liora ang dila niya. “Mommy, nakikipagbiruan lang ako kay Lola.”Naguluhan na nagtanong si Jamie, “Boyfriend?”Nagsalita si Caroline at sinabi, “Nagsasabi lang ng kung ano-ano si Lia. Sasakay tayo mamaya sa Ferris wheel kung gusto mo, Jamie.”Ngumiti si Jamie. “Sige, makipaglaro muna tayo kasama ang mga bata.”“Yehey, Lola!”Natuwa si Liora, hinatak
Matapos ang dinner, tumungo si Paige sa Bayview Villa.Aalis sana si Caroline para gumala kasama ang mga bata ng makita niya si Paige na nagmamaneho patungo sa hardin niya.“Nandito si Ninang!” tumakbo si Liora palapit sa sasakyan ni Paige at itinaas ang kanyang mga kamay ng buksan ni Paige ang pinto. “Yakapin mo ako, Ninang!”Binuhat ni Caroline si Liora, hinimas ang ilong niya at sinabi, “Ang importante kong Lia, lalabas ka ba?”Masunuring tumango si Liora. “Isasama kami ni Mommy na maglakad-lakad. Sasama ka ba?”“Sige!” binuhat ni Paige si Liora at lumapit kay Caroline. “Carol, puwede ba ako sumama? May pabor akong hihingin sa iyo.”Nagulat si Caroline dahil lumapit si Paige sa kanya para humingi ng pabor. “Sige, tara.”Habang naglalakad, nakipagusap si Paige sandali sa mga bata bago sinabi kay Caroline, “Carol, matutulungan mo ba ako makontak si Ms. Salvatore?”Natulala si Caroline. “Hihingin mo ba ang tulong ng mentor ko sa pagdidisenyo ng damit?”Sinabi ni Paige, “Oo. Gu
Gusto magsalita si Caroline, pero sinabi ni Evan, “Caroline, kaya mo ba mangako na wala ka ng nararamdaman para sa akin?”Sumakit ang puso ni Caroline ng marinig ang galit na sainabi ni Evan habang nanliliit siya.Ngunit, alam niya na dapat matapos na ang koneksyon nila sa isa’t isa!Pinigilan niya ang sakit na nararamdaman niya at sinabi, “Pumunta ako sa ospital para suklian ka, Evan. Hindi na kailangan na mangako ako, pero ako ang hindi makatiis sa relasyon natin. Naiintindihan mo ba iyon?”“Ako hindi! Bakit ang dali para sa iyo ang bumalik sa relasyon ng ganoon na lang? Ano ba ang tingin mo sa akin?”Sumandal si Caroline sa upuan habang nanghihina. “Ano ba ang tingin ko sa iyo? Kinuwestiyon mo na ba ang sarili mo sa kung anong kinuha mo mula sa akin? Kabit ang turing mo sa akin limang taon na ang nakararaan at hinahanap mo ako matapos mo malaman na ako ang nagligtas ng buhay mo.”“Paano kung wala ka pa din alam tungkol sa insidente? Si Daniella pa din ang karelasyon mo at mina
Dramatic ang pagpasok ni Alex sa kuwarto, hawak ang phone niya at hirap na hirap magsalita habang tumatawa.“Evan, dapat mo makita ang live stream ni Caroline. Hindi ako matigil kakatawa. Ang sinabi niya ay inaabala mo siya…”Nanigas ang ngiti ni Alex ng makita ang mahigpit na mukha ni Evan at titig.Nakita ni Alex ang tablet ni Evan. “Oh no, lagot ako!” naisip niya bigla.Tense ang ekspresyon ni Evan habang galit na nagtatanong, “Nakakatawa ba ito?”Naging seryoso ang ekspresyon ni Alex. “Hindi ito nakakatuwa! Sumosobra na si Caroline! Ang bait bait mo sa kanya! Paano niya nagawa na magsalita ng ganito? Dapat hindi niya ito sinabi kahit na gusto niyang protektahan ang reputasyon niya!”Lumapit si Alex kay Evan at nagpatuloy. “Evan, sa tingin ko oras na para pag-isipan mo na ito! Naniniwala ako na wala ng nararamdaman si Caroline para sa iyo. Mas mabuti na magpakasal ka sa iba sa lalong madaling panahon kung hindi mawawala ang pagkakataon mo na inisin siya!”Sumingkit ang mga ma
Higit ng doble ang dami ng pre-order ng TYC kumpara sa MK sa loob lamang ng ilang oras.Matinding sensation ang idinulot nito sa fashion industry.Inisip ng mga tao ang abilidad ng MK na manatili sa leading posistion sa fashion industry.Nagmadali ang journalist na pumunta sa TYC para magconduct ng interview kay Caroline.Sumangayon si Caroline sa interview at sinabihan ang assistant niya, na si Josie Gardner, na samahan ang journalist papunta sa reception room, kung saan sila magkikita.Ang journalist, na si Paxton Parker, ay tumayo at nakipagkamay kay Caroline sa oras na pumasok siya. Maraming salamat sa paglalaan ng oras para gawin ito ngayon, Ms. Shenton.”Nagsalita si Caroline habang nakangiti ng kaunti, “Okay lang. Maupo ka.”Nagtanong si Paxton pagkatapos maupo, “Magsisimula na ang recordin natin. Isa itong live-streamed interview. Sana okay lang ito sa iyo, Ms. Shenton.Sumimangot si Caroline dahil hindi siya nasabihan agad.Ngunit, tumango siya.Tumango si Paxton sa