Beranda / Romance / Trapped in Love / Kabanata 259 Ang Pinakamatalinong Dapat Gawin

Share

Kabanata 259 Ang Pinakamatalinong Dapat Gawin

Penulis: Kitty Song
last update Terakhir Diperbarui: 2024-02-28 13:57:37
Nakatanggap si Alex ng tawag mula kay Reuben ng disoras ng gabi, at ipinaalam sa kanya ang desisyon ni Evan. Matapos ang tawag, tumungo siya sa bar at nkaita si Paige s VIP booth.

Habang palapit siya, hindi nag-aksaya ng oras si Paige na pagalitan siya. “Pug, anong problema mo?”

Ngumiti si Alex, inalis ang kanyang jacket at sumagot, “Galit ka ba dahil pinaghintay kita ng kalahating oras?”

Tinitigan siya ng masama ni Paige. “Ayaw ko sa mga tao na hindi dumadating sa tamang oras!”

“Sige, kumalma ka. Ililibre kita ngayon, okay?” alok ni Alex.

“Sige!” Nagbago ang mood ni Paige, tumawa siya at tinaggap ang alok.

Ibinalik ni Alex ang pinaguusapan nila sa dahilan kung bakit sila naparito. “Bumalik na tayo sa punto. Anong kailangan mo mula sa akin?”

Nagbuhos ng inumin si Paige at sinabi, “Sa tingin ko alam mo na ang tungkol sa factory. May hindi tugma. Hindi kabilang si Kenny—”

“Teka! Anong ibig mo sabihin na hindi kasama si Kenny?” sambit bigla ni Alex.

Kumurap ng inosente si Paige.
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

  • Trapped in Love   Kabanata 260 Nananatiling Nakatago

    Pinalitan ni Alex ang topic. “May kailangan ako itanong sa iyo.”“Ano iyon?” tanong ni Paige.Dumiretso sa punto si Alex. “Naghahanap ba si Caroline ng partner sa clothing factory?”Sumagot si Paige, “Oo, obvious naman. Kailangan niya makumpleto ang order niya!”“Matutulungan mo ba ako na makameeting siya?” tanong ni Alex.Naghihinala siyang tinignan ni Alex. “Sabihin mo na kung bakit!”“Gusto ko ioffer pansamantala ang factory ko.”“Bakit hindi mo sinabi agad? Aayusin ko para magkita kayo bukas!” sambit ni Paige.*Noong 8:00 p.m., nagising si Caroline at nakita si Neil na tahimik na nakikipagusap sa phone.Pansamantala si Neil na nagulat ng nakitang gising na si Caroline. Mahina niyang sinabi sa phone, “Nandito si Mommy. Hahayaan ko kayo na makausap siya.”Inilagay ni Neil ang phone sa tabi ng tenga ni Caroline. “Ang mga bata ito.”Nagulat si Caroline. “Hello?”“Mommy!” narinig niya ang masayang boses ni Liora.” Nasa bahay na kami ni Tyler. Kailan ka babalik?”Umubo si

    Terakhir Diperbarui : 2024-02-28
  • Trapped in Love   Kabanata 261 Maging Mahigpit

    Sa sumunod na araw, matapos ihatid ang mga bata, nakatanggap ng tawag si Caroline mula kay Paige. Sinabi niya na gusto makipagkita ni Alex at pag-usapan ang clothing factory.Sumangayon si Caroline at nakipagkita sa kanya sa ibaba makalipas ang sampung minuto.*Sa oras na dumating si Caroline sa kumpanya, nakipagmeeting siya ng mabilis sa sales department. Pagkatapos, inimbitahan niya si Naomi para samahan siya magkape.Sa café, nakita niya si Paige at Alex na hinihintay sila.Noong nakita nila si Naomi, nagtinginan sila. Lumapit si Alex kay Paige at bumulong, “Okay lang na magduda, pero huwag natin gawin obvious. Hindi natin masusukat kung magiging kahinahinala siya.”Nagtiim bagang si Paige at ngumiti. “Mukha ba akong ganoon kat*nga?”Mukhang nagulat si Alex. “Kilala mo ng husto ang sarili mo.”Nabigla si Paige. Gusto niya turuan ng leksyon ang taong ito.Ngunit, noong napansin niya na nasa harapan na nila sina Naomi, palihim niyang kinurot ang hita ni Alex sa ilalim ng lam

    Terakhir Diperbarui : 2024-02-28
  • Trapped in Love   Kabanata 262 Walang Kabalibalita

    Nanatiling kalmado si Naomi, pero simple ang sagot niya, “Hmm.”Walang masabi si Paige. Bakit simple ang sagot ni Naomi?Maraming gusto marinig si Paige mula kay Naomi, umaasa na may makikita siyang mali sa mga rason niya.Magaling magtago ng emosyon si Naomi.Wala rin masabi si Alex. Ipinaalala niya kay Paige na huwag ito masyadong isipin ngayon, pero kabaliktaran ang ginawa niya. “Makakalimutin!” naisip niya.Sumabay si Caroline at nagtanong, “Natawagan mo ba si Kenny?”Simple ang sagot ni Naomi, “Hindi.”Natulala si Paige, at sinabi, “Anong problema ni Kenny?”Nilinaw ni Caroline, “Pinatay niya ang kanyang phone sa araw ng aksidente. Hindi pa ako nakakatanggap ng mga update mula sa kanya.”Nanlaki ang mga mata ni Paige, iniisip, “Maaring si Kenny kaya? Kung hindi, bakit nakapatay ang phone niya?”Ngumisi si Alex, sarcastic na iniisip, “Pinagdududahan ba ng hangal na ito si Kenny ngayon?”Napaisip si Caroline, “Balak ko sana na itanong din iyon. Naisip na rin ba ni Paige?”

    Terakhir Diperbarui : 2024-02-28
  • Trapped in Love   Kabanata 263 Mga Kamag-anak Mo

    Tuwang-tuwa si Alex at pakiramdam niya gusto niyang tawanan si Evan sa napahiya niyang ekspresyon. Gusto niyang asarin pa si Evan lalo..Mahigpit na hinawakan ni Evan ang kontrata, nagdilim ang mood niya. Napaisip siya kung tatanggihan ni Caroline ang kabaitan niya, kung may clothing factory si Neil base sa sitwasyon.Kailan pa siya naging second choice ng kahit na sino?Noong naisip niya ito, galit niyang ibinato kay Alex ang kontrata, kay Alex na hirap magpigil ng tawa.*Bibisitahin na ni Caroline ang bagong factory noong tanghali ng kumatok si Naomi sa pinto.“Ms. Shenton, may apat na tao sa ibaba na sinasabing mga kamag-anak mo,” ipinaalam ni Naomi.Nabigla si Caroline. “Kamag-anak?”Nilinaw ni Naomi, “Sinabi nila na pamilya sila ni Bradley Shenton sa hometown nila.”Natulala si Caroline ng mabanggit ang pangalan ni Bradley. Naalala niyang minsan na sinabi ng nanay niya na may nakababatang kapatid si Bradley sa hometown nila. Pero ang laging paliwanag ni Katie ay mahirap

    Terakhir Diperbarui : 2024-02-28
  • Trapped in Love   Kabanata 264 Mga Basura

    Naiinis na natawa si Caroline. “Malapit ba tayo noon?”Noong narinig ni Jade ang tanong, nagalit siya, “Oh, ang kapatid ko! Namatay ka ng miserable. Mayaman na ang anak mo ngayon pero parang hindi niya kami kilala!”“Inay ko, kapatid ko! Sinong kukuha ng hustisya para sa amin? Hindi kami mabubuhay. Mas mabuti ng mamatay…”Sumara ang mga kamao ni Caroline sa hita niya, tinitigan ng masama ang pagiging madrama ni Jade. Hindi niya ito matiis. Maraming utang sa sugal ang ama niya pero hindi sila nakipagusap o nakibalita. Ngayon bigla silang nandito?Walang masabi si Caroline ng bigla siyang makarinig ng malakas na pagbagsak. Tumingala siya at nakita si Gigi na may binasag na rabbit ornament na ibinigay sa kanya ni Neil noong sinimulan niya ang kumpanya.“Basura naman ito! Nabasag ng malaglag,” mapanghamak na sinabi ni Gigi.Ibinuka niya ang mga labi niya at kumuha si Gigi ng isa pang gamit sa display cabinet—isang vase sa ikatlong shelf. Hindi niya ito maabot, kaya nagpatulong siya k

    Terakhir Diperbarui : 2024-02-28
  • Trapped in Love   Kabanata 265 May Sakit Ka

    Makalipas ang dalawampung minutp, dumating si Caroline sa Bayview Villa kasama ang pamilya Shenton. Naunang lumabas ng sasakyan ang mga Shenton at naguluhan silang tinginan ng mga bodyguard.Si Gregory ang unang nakasalubong ng mga bodyguard. Nanlaki ang mga mata niya noong lumapit siya, napaisip siya. “Totoo mga security guard sila? Tuwid na tuwid sila parang mga estatwa.”Nainis ang isang bodyguard at hinawakan sa kuwelyo si Gregory at itinaas. “Hindi ka pa nakakakita ng bodyguard?”“Bodyguard? Ang mga nananakit sa tao?” natakot si Jade ng marinig iyon at mabilis na inayos ang sitwasyon ni Gregory. “Hindi alam ng asawa ko. Huwag mo siya takutin.”Pagkatapos, sinermonan niya si Gregory, “Tumigil ka na sa pakikiusyoso. Pumasok na tayo.”Mapanghamak silang tinignan ng mga bodyguard.Ngumisi si Caroline at mabilis na binuksan ang pinto. Samantala, si Jamie ay nakalugay ang itim na buhok at nakatayo sa entrance suot ang puti na dress.Kinilabutan ang mga Shenton. Napaisip sila, “Ba

    Terakhir Diperbarui : 2024-02-28
  • Trapped in Love   Kabanata 266 Hindi Ko Alam

    Bumaba si Caroline mula sa hagdan at sa oras na iyon. Noong nakita niya ang eksena, wala siyang masabi.Nag-effort ng husto sina Tyler at Liora para gumawa ng kastilyong lego. Hindi pa nadadagdag ang bubong, pero nasira na ito. Masasaktan sila kapag nakauwi sila.Nainis si Caroline at sumandal sa pader. Sinubukan niyang kumalma kahit na naririnig niya ang pag-uusap sa ibaba. Noong iminulat niya ang mga mata niya, malinaw na ang isip niya.Noong bumaba siya sa hagdan nakita niya ang mga sabik nilang mga mukha, malamig niyang sinabi, “May dalawang bakante na kuwarto sa third floor, piliin ninyo kung alin ang gusto niya.”Noong narinig iyon, nabuhayan ng dugo ang mga Shenton.“Tignan natin ang mga kuwarto sa itaas!”Matapos ang sinabi ni Jade, itinulak niya palayo si Caroline at sabik na hinatak ang pamilya niya sa itaas.Bumaba si Caroline mula sa hagdan at patuloy ang pagtingin sa itaas noong lumapit siya kay Caroline. “Ms. Shenton, ang mga taong ito…”“Tiiisin mo lang,” pagod n

    Terakhir Diperbarui : 2024-02-28
  • Trapped in Love   Kabanata 267 Huwag ka Mag-alala

    Matapos inspeksiyunin ang factory, oras na para sunduin ang mga bata sa school. Nagpaalam si Caroline kay Alex at tumungo sa kindergarten. Sa oras na nakasakay ang mga bata, napagdesisyunan ni Caroline na ihanda sila mentally. “Ty, Lia, may kailangan ako sabihin sa inyo.”Kumurap si Liora habang napapaisip. “Ano iyon?”Bumuntong hininga si Caroline. “May mga kamag-anak ang ama ko na nananatili sa bahay natin. Hindi maganda ang ugali nila at aksidenteng nasira ang kastilyo ninyo.”Nagulat si Liora. “Ano? Bakit nila sisirain ang kastilyong pinaghirapan namin?”Nawala ang ngiti ni Tyler habang nakikinig.“May mga tao na walang galang, pero gusto ko na tandaan ninyo,” abiso ni Caroline. “Protektahan ninyo ang mga sarili niyo kahit na anong mangyari. Naiintindihan niyo ba?”Nagtanong si Tyler, “Gaano katagal sila dito?”Sumagot si Caroline, “Hindi ako sigurado.”Naluha si Liora. “Mommy, inapi ka din nila, hindi ba?”Niyakap ni Caroline si Liora. “Kaya ko ang sarili ko. Huwag mo a

    Terakhir Diperbarui : 2024-02-28

Bab terbaru

  • Trapped in Love   Kabanata 364 Wala Kang Karapatan Umiyak

    Hindi matigil si Liora sa pag-iyak, kaya binuhat siya ni Caroline at tinapik ang likod para pakalmahin siya.Patuloy si Liora na nakabaon ang mukha sa leeg ni Caroline, walang tigil sa pag-iyak. “Mommy, hindi ko gusto makita si Lola umalis. Hmm… ayaw ko…”Nalulungkot si Caroline para kay Liora, kaya mahigpit niyang niyakap ang bata. “Patawad. Hindi ko siya naprotektahan ng maayos. Kasalanan ko…”Mapula at namamaga ang mga mata nina Tyler at Axel. Hindi nila alam kung paano pagagaanin ang loob ni Caroline at Liora.Si Evan nakatayo sa puwesto niya at hindi gumagalaw. Bigla siyang paos na nagsalita at deperado ang kanyang boses. “Bakit?”Tinignan siya at nilapitan ni Caroline habang guilty at sinabi. “Patawad.”Matindi ang aura ni Evan habang palapit siya kay Caroline. “Caroline, sabihin mo sa akin! Bakit mo balak na sirain kami at ng nanay ko?”“Sirain?” sumimangot ng gulat si Caroline. “Anong ibig mo sabihin?”“Nagkukuwnari ka pa din na walang alam?” Ngumisi si Evan at tinitiga

  • Trapped in Love   Kabanata 363 Kasalanan Niya Ang Lahat

    Narinig ni Evan ang malakas na komosyon mula sa amusement park sa oras na bumaba siya ng sasakyan sa tapat ng entrance nito.Bigla, nakaramdam siya ng matinding sakit sa puso niya, kung saan napayuko siya sa sakit habang mahigpit ang pagkakahawak sa kanyang dibdib.Lumapit agad si Reuben at mga bodyguard para tulungan siya.“Mr. Jordan, okay ka lang?” sabay na tanong ni Reuben at Julian.Nakaramdam ng matinding panic si Evan, kung saan itinulak niya palayo ang iba. Nahirapan siyang kontrolin ang pagkahilo niya at paninikip ng dibdib habang paputna sa amusement park.Sa loob, nagkakagulo sila habang nagmamadali na lumapit sa Ferris wheel.Hinawakan ni Julian ang isang empleyado at nagtanong tungkol sa aksidente.Sumagot ang nagpapanic na empleyado, “Ang isang pod mula sa Ferris wheel ay nalaglag!”Matapos iyon marinig, tumingala si Reuben at nakita ang bakanteng puwesto kung nasaan ang Ferris wheel, na 200 metro ang taas.Maliit lang ang pag-asa ng tao sa loob…Nagpanic si Eva

  • Trapped in Love   Kabanata 362 Tumigil Ka na Sa Kalokohan

    Agad na tumayo si Caroline para habulin si Jamie, pero hinarangan siya ng empleyado. “Ma’am, tumigil ka sa kalokohan mo! Napakadelikado dito!”Dahil hindi niya mahabol si Jamie, sumigaw siya, “Jamie, huwag mo buksan ang pinto. Dyan ka lang!”Tumango si Jamie.Nagfocus si Caroline sa pod ni Jamie at naabala ng isa pang empleyado na umalis ng platform.Sinabi ni Axel, para pakalmahin si Caroline. “Mommy, gusto ni Lola ng ice cream. Ikuha natin siya.”Dahil wala siyang magawa, ibinili ni Caroline ang mga bata ng ice cream habang nakatitig sa Ferris Wheel.Lumipas ang ilang minuto at umabot sa rurok ang pagkabalisa ni Caroline habang umaabot sa pinakamataas na punto ang pod. Sumayaw ito sa hangin, kung saan nanghina ang mga tuhod ni Caroline.Hindi malaman ni Caroline kung natatakot ba si Jamie o hindi. Ang ipinagdasal niya ay manatili si Jamie na hindi kumikilos.*Samantala, nakaupo si Jamie sa pod, tinitignan ng mabuti ang magandang view sa Angelbay City. Unti-unti siyang nagin

  • Trapped in Love   Kabanata 361 Umakyat Mag-isa

    Malupit na nag-utos si Evan. “Go!”*Nag-eenjoy si Caroline sa pagsama sa mga bata sa amusement park.Pagkatapos, pumila sila para sa Ferris wheel.Noong tumingala si Axel sa mataas na Ferris wheel, na dalawang daang metro ang taas, namutla siya. Natatakot siyang sumakay sa mga rides dahil takot siya sa matataas na lugar. Kahit na ang makita lang ito ay sapat na para mahirapan siyang huminga.Napansin agad ni Tyler na may mali kay Axel at nagtanong, “Axel, hindi ba maganda ang pakiramdam mo?”Sinubukan ni Axel na umiling-iling at magmatapang, “Okay lang—”Bago pa siya natapos magsalita, sumuka siya habang mahigpit ang kapit sa kanyang tiyan.Napalingon agad si Caroline at Jamie sa komosyon.Noong nakita nila si Axel, natakot si Caroline. Nagmadali siya para yumakap.“Axel?” nababalisang tanong ni Caroline. “Anong problema?”Habang nahihilo, mahinang sumagot si Axel, “Mataas…”“Mataas?” tumingala si Liora ay tinignan ang umiikot na Ferris Wheel sa itaas.“Oh! Mommy, takot s

  • Trapped in Love   Kabanata 360 Galaxy Amusement Park

    Linggo, nangako si Caroline na isasama si Jamie at ang tatlong mga bata sa amusement park.Umalis siya matapos magreserve ng mga ticket at dumating sa destinasyon ng 10:00 a.m.Kumportable ang panahon, at nag-ooperate ang lahat ng facilities ng park.Nakatitig si Jamie sa pinakamtaas na Ferris wheel sa oras na pumasok siya sa amusement park.Nagtanong si Caroline, “Jamie, interesado ka sumakay sa Ferris wheel?”“Oo. Naaalala ko na sumakay ako dito ng may kasama…” bulong niya ng mahina bago nadistract.Natawa si Liora at sinabi, “Alam ko. Baka ang boyfriend mo!”Nabigla si Caroline, “Lia, ingat ka sa mga salita mo.”Inilabas ni Liora ang dila niya. “Mommy, nakikipagbiruan lang ako kay Lola.”Naguluhan na nagtanong si Jamie, “Boyfriend?”Nagsalita si Caroline at sinabi, “Nagsasabi lang ng kung ano-ano si Lia. Sasakay tayo mamaya sa Ferris wheel kung gusto mo, Jamie.”Ngumiti si Jamie. “Sige, makipaglaro muna tayo kasama ang mga bata.”“Yehey, Lola!”Natuwa si Liora, hinatak

  • Trapped in Love   Kabanata 359 Babalik sa Aking Date

    Matapos ang dinner, tumungo si Paige sa Bayview Villa.Aalis sana si Caroline para gumala kasama ang mga bata ng makita niya si Paige na nagmamaneho patungo sa hardin niya.“Nandito si Ninang!” tumakbo si Liora palapit sa sasakyan ni Paige at itinaas ang kanyang mga kamay ng buksan ni Paige ang pinto. “Yakapin mo ako, Ninang!”Binuhat ni Caroline si Liora, hinimas ang ilong niya at sinabi, “Ang importante kong Lia, lalabas ka ba?”Masunuring tumango si Liora. “Isasama kami ni Mommy na maglakad-lakad. Sasama ka ba?”“Sige!” binuhat ni Paige si Liora at lumapit kay Caroline. “Carol, puwede ba ako sumama? May pabor akong hihingin sa iyo.”Nagulat si Caroline dahil lumapit si Paige sa kanya para humingi ng pabor. “Sige, tara.”Habang naglalakad, nakipagusap si Paige sandali sa mga bata bago sinabi kay Caroline, “Carol, matutulungan mo ba ako makontak si Ms. Salvatore?”Natulala si Caroline. “Hihingin mo ba ang tulong ng mentor ko sa pagdidisenyo ng damit?”Sinabi ni Paige, “Oo. Gu

  • Trapped in Love   Kabanata 358 Isang Babae

    Gusto magsalita si Caroline, pero sinabi ni Evan, “Caroline, kaya mo ba mangako na wala ka ng nararamdaman para sa akin?”Sumakit ang puso ni Caroline ng marinig ang galit na sainabi ni Evan habang nanliliit siya.Ngunit, alam niya na dapat matapos na ang koneksyon nila sa isa’t isa!Pinigilan niya ang sakit na nararamdaman niya at sinabi, “Pumunta ako sa ospital para suklian ka, Evan. Hindi na kailangan na mangako ako, pero ako ang hindi makatiis sa relasyon natin. Naiintindihan mo ba iyon?”“Ako hindi! Bakit ang dali para sa iyo ang bumalik sa relasyon ng ganoon na lang? Ano ba ang tingin mo sa akin?”Sumandal si Caroline sa upuan habang nanghihina. “Ano ba ang tingin ko sa iyo? Kinuwestiyon mo na ba ang sarili mo sa kung anong kinuha mo mula sa akin? Kabit ang turing mo sa akin limang taon na ang nakararaan at hinahanap mo ako matapos mo malaman na ako ang nagligtas ng buhay mo.”“Paano kung wala ka pa din alam tungkol sa insidente? Si Daniella pa din ang karelasyon mo at mina

  • Trapped in Love   Kabanata 357 Magpakasal sa Iba sa Lalong Madaling Panahon

    Dramatic ang pagpasok ni Alex sa kuwarto, hawak ang phone niya at hirap na hirap magsalita habang tumatawa.“Evan, dapat mo makita ang live stream ni Caroline. Hindi ako matigil kakatawa. Ang sinabi niya ay inaabala mo siya…”Nanigas ang ngiti ni Alex ng makita ang mahigpit na mukha ni Evan at titig.Nakita ni Alex ang tablet ni Evan. “Oh no, lagot ako!” naisip niya bigla.Tense ang ekspresyon ni Evan habang galit na nagtatanong, “Nakakatawa ba ito?”Naging seryoso ang ekspresyon ni Alex. “Hindi ito nakakatuwa! Sumosobra na si Caroline! Ang bait bait mo sa kanya! Paano niya nagawa na magsalita ng ganito? Dapat hindi niya ito sinabi kahit na gusto niyang protektahan ang reputasyon niya!”Lumapit si Alex kay Evan at nagpatuloy. “Evan, sa tingin ko oras na para pag-isipan mo na ito! Naniniwala ako na wala ng nararamdaman si Caroline para sa iyo. Mas mabuti na magpakasal ka sa iba sa lalong madaling panahon kung hindi mawawala ang pagkakataon mo na inisin siya!”Sumingkit ang mga ma

  • Trapped in Love   Kabanata 356 Abalahin

    Higit ng doble ang dami ng pre-order ng TYC kumpara sa MK sa loob lamang ng ilang oras.Matinding sensation ang idinulot nito sa fashion industry.Inisip ng mga tao ang abilidad ng MK na manatili sa leading posistion sa fashion industry.Nagmadali ang journalist na pumunta sa TYC para magconduct ng interview kay Caroline.Sumangayon si Caroline sa interview at sinabihan ang assistant niya, na si Josie Gardner, na samahan ang journalist papunta sa reception room, kung saan sila magkikita.Ang journalist, na si Paxton Parker, ay tumayo at nakipagkamay kay Caroline sa oras na pumasok siya. Maraming salamat sa paglalaan ng oras para gawin ito ngayon, Ms. Shenton.”Nagsalita si Caroline habang nakangiti ng kaunti, “Okay lang. Maupo ka.”Nagtanong si Paxton pagkatapos maupo, “Magsisimula na ang recordin natin. Isa itong live-streamed interview. Sana okay lang ito sa iyo, Ms. Shenton.Sumimangot si Caroline dahil hindi siya nasabihan agad.Ngunit, tumango siya.Tumango si Paxton sa

DMCA.com Protection Status