Bumaba si Caroline mula sa hagdan at sa oras na iyon. Noong nakita niya ang eksena, wala siyang masabi.Nag-effort ng husto sina Tyler at Liora para gumawa ng kastilyong lego. Hindi pa nadadagdag ang bubong, pero nasira na ito. Masasaktan sila kapag nakauwi sila.Nainis si Caroline at sumandal sa pader. Sinubukan niyang kumalma kahit na naririnig niya ang pag-uusap sa ibaba. Noong iminulat niya ang mga mata niya, malinaw na ang isip niya.Noong bumaba siya sa hagdan nakita niya ang mga sabik nilang mga mukha, malamig niyang sinabi, “May dalawang bakante na kuwarto sa third floor, piliin ninyo kung alin ang gusto niya.”Noong narinig iyon, nabuhayan ng dugo ang mga Shenton.“Tignan natin ang mga kuwarto sa itaas!”Matapos ang sinabi ni Jade, itinulak niya palayo si Caroline at sabik na hinatak ang pamilya niya sa itaas.Bumaba si Caroline mula sa hagdan at patuloy ang pagtingin sa itaas noong lumapit siya kay Caroline. “Ms. Shenton, ang mga taong ito…”“Tiiisin mo lang,” pagod n
Matapos inspeksiyunin ang factory, oras na para sunduin ang mga bata sa school. Nagpaalam si Caroline kay Alex at tumungo sa kindergarten. Sa oras na nakasakay ang mga bata, napagdesisyunan ni Caroline na ihanda sila mentally. “Ty, Lia, may kailangan ako sabihin sa inyo.”Kumurap si Liora habang napapaisip. “Ano iyon?”Bumuntong hininga si Caroline. “May mga kamag-anak ang ama ko na nananatili sa bahay natin. Hindi maganda ang ugali nila at aksidenteng nasira ang kastilyo ninyo.”Nagulat si Liora. “Ano? Bakit nila sisirain ang kastilyong pinaghirapan namin?”Nawala ang ngiti ni Tyler habang nakikinig.“May mga tao na walang galang, pero gusto ko na tandaan ninyo,” abiso ni Caroline. “Protektahan ninyo ang mga sarili niyo kahit na anong mangyari. Naiintindihan niyo ba?”Nagtanong si Tyler, “Gaano katagal sila dito?”Sumagot si Caroline, “Hindi ako sigurado.”Naluha si Liora. “Mommy, inapi ka din nila, hindi ba?”Niyakap ni Caroline si Liora. “Kaya ko ang sarili ko. Huwag mo a
Pagkatapos, isinama ni Caroline sina Tyler at Liora sa kuwarto nila para maglinis ng sarili. Kailangan ito dahil nakisalamuha sila sa mga maduduming mga bagay.Ngunit, hinarangan siya ni Jade. “Sandali! Anong ibig mo sabihin? Anong ginawang mali ng anak ko? Bakit siya inapi ng bastos mo na anak?”Naging malamig ang mga mata ni Caroline. “Ano?”Nabigla si Jade sa titig ni Caroline, nautal si Jade, “S…Sasabihin ko ulit. Hindi ako natatakot sa iyo. Ang anak mo—”“Ang ingay…”Biga, narinig nila ang boses ni Jamie mula sa itaas.Nanginig si Jade sa takot at agad na natahimik. Humarap siya kay Gigi na umiiyak at tinakpan ang bibig niya, mabilis siyang tumungo sa banyo.Naguluhan na kumurap si Jamie at tumagilid ang ulo niya ng makita si Liora na namumula ang mga mata.Nag-aalala siyang lumapit kita ang pagkairita ng makita ang laway sa mukha ni Liora. “Sinong umapi sa iyo?”Kinagat ni Liora ang labi niya at sumagot, “Madam, inapi kami ni Tyler at ni Mommy ng babaeng iyon.”Sumugod
Nakakita na sawakas si Daniella ng walang kapantay na lalake, at hindi niya gusto na mawala siya. Kaya tinext niya ito.Daniella: [Mr. Jordan, pasensiya na sa kabastusan ko kanina. Hindi kita iistorbohin kung hindi ito mahalaga.]Casey : [Ms. Love, hindi mo kailangan maging pormal. Makakarating ako sa susunod.]Nagulat si Daniella. Mukhang hindi siya sadyang tinanggihan ni Casey.Noong inisip niya ito, minessage niya ang technician na sinuhulan niya noon sa kumpanya ni Evan.Daniella: [Bibigyan kita ng 7,000 dollars. Pakiimbestigahan si Casey Jordan kung kasal na siya o hindi pa. Nakatatanda siyang kapatid ng boss mo. Siguraduhin mong tamang tao ang iimbestigahan mo.]Technician: [Okay, babalikan kita bukas ng tanghali.]Pagkatapos, tinignan niya ang kanyang social media at nakakita ng nakakaintriga na post.[Anong pakiramdam tumira sa villa ng TYC Fashion CEO?]Napaisip siya at tinignan ito para tignan ang mga litrato ng villa. Noong nakakita siya ng litrato ni Caroline at da
“Ano ba naman, kanina mo pa iyan sinasabi,” sambit ni Jade. “Hindi ko inaasahan na napakamahal ng pagkain dito. Walang awa ang lungsod.”Nagbigay ng suhestiyon si Gregory, “Kaya, dapat nakinig ka sa akin. Sumabay tayo kumain sa kanila bukas. Libre naman. Puwede natin gastusan ang mga sarili natin ng pera.”“Hindi, hindi natin ito dapat gastusin. Kailangan natin ito itabi. Sapagkat nakatira tayo dito, dapat siya ang magbayad sa mga gastusin natin. Magpapabili ako sa kanya ng bahay sa kinalaunan,” pilit ni Jade.Nagsalita si Brandon. “Ma, ang ganda ng naisip mo! Malaking flat na bahay na sikat sa lungsod. Tignan natin ang mga ito.”Tumango si Jade. “Sige, tignan natin.”Noong narinig ni Jamie ang pinaguusapan nila, sumarado ang mga kamao niya at inisip, “Hindi! May problema si Carol. Kailangan ko siya tulungan!”*Matapos maligo ni Caroline, tinawagan niya si Neil.Sumagot si Neil, “Carol, abala ka pa din ba sa oras na ito?”Pagod na pinisil ni Caroline ang kilay niya at sumagot
“Evan, hindi rin ito madali para sa kanya. Huwag mo hayaan na hindi ka makamove on dahil sa mga bata,” payo ni Alex.Pinigilan ni Evan ang galit niya at sinabi, “Ipaliwanag mo sa akin kung bakit may dalawa pa siyang anak mula kay Neil kung napakalungkot niya.”“Baka paraan niya iyon para makacope,” suhestiyon ni Alex.Nagalit si Evan at ihinagis ang kanyang baso. “Coping? Ang coping niya ay makasama ang ibang lalake?”“Sapagkat puwede makuha ni Daniella ang anak ni Caroline, maaari niyang saktan ang iba. Hindi maiintindihan ng lalake ang tindi ng selos ng babae!”Sumingkit ang mga mata ni Evan. “Iimbestigahan ko ito.”Bumuntong hininga si Alex. “Hindi ito magiging madali.” Sa isip niya.Pakiramdam niya mas mas kumplikado pa si Daniella kaysa sa itsura niya at may makapangyarihan siyang backer!Anong papel ni Daniella sa murder case ilang taon na ang nakararaan kung hindi si Caroline ang salarin? Inosenteng biktima lang ba siya?Ayaw niyang maniwala doon!*Sabado, hinayaan n
Mahirap pagkasiyahin ang maraming tao sa pangkaraniwang sasakyan. Mabuti na lang at isa itong minivan.Magtatanong sana si Caroline ng may narinig siyang sigaw mula sa pinto.“Hintayin ninyo ako! Sasama din ako!” nagmadali lumabas si Jamie, kasama niya si Freya.Nagulat ang mga Shenton sa boses.“P*ta! Sasama din ang baliw na babaeng iyon?!” takot na sinabi ni Brandon.Nanginginig si Gregory. “Hindi ko na gusto sumama! Bababa na ako!”Pero nakapasok na si Jamie sa sasakyan ng matapo sila magsalita.Nanginig sa takot ang mga Shenton.Ngumisi si Caroline, hindi inaasahan na ganito katindi ang epekto ni Jamie sa kanila.Tinitigan ni Jamie ang mga Shenton ng masama, at humarap kay Caroline. “Gusto ko din sumama, Carol.”“Sige,” sumangayon si Caroline.Tumawa si Tyler at Liora sa isang tabi. “Natatakot ang mga taong ito kay Madam Jamie, huh?” naisip nila.Nanatiling tahimik ang mga Shenton at dumistansiya mula kay Jamie sa buong biyahe.*Nagmadali bumaba mula sa sasakyan ang
Nagtawanan ng mahina ang mga patron ng restaurant habang pinapanood ang mga Shenton na gumawa ng eksena.“Nararapat talaga sa taong iyon ang mga sampal.”“Tama ka!”Gusto makielam ni Freya, pero pinigilan siya ni Caroline. “Hintayin natin ang waiter.”Tumango lang si Freya at sumangayon.*Samantala, sa labas ng restaurant.Binagalan ni Alexa ng Ferrari niya at tumigil sa red light. Dahil nababagot siya, tumingin siya mula sa labas ng bintana, at napunta ang atensyon niya sa restaurant sa tapat. Nanlaki bigla ang mga mata niya at hindi siya makapaniwala.Mabilis siyang kumilos, ibinaba niya ang bintana ng sasakyan at tinignan ang babaeng nakaputi na sinasampal ang isang tao.“Hindi ba’t iyon ang nanay ni Evan?” sambit niya.Walang alinlangan niyang kinuha ang phone niya at tinawagan si Evan.Noong sumagot si Evan, nababalisa ang tono ni Alex. “Evan, kakakita ko lang sa nanay mo sa Fidelio Restaurant. Bilisan mo at pumunta ka dito!”“Fidelio Restaurant?” Bakit nandoon ang na