Nasaktan ng husto si Caroline ng makita ang mga empleyado na nakaupo sa sahig, gulat sa sunog na nangyari sa factory.“Kailangan nila ng oras para makarecover at hindi magiging madali ang makahanap ng trabaho pagkatapos nito,” sambit ni Caroline.Sumangayon si Naomi.Kumilos si Caroline, inutusan ang mga bodyguard niya na tulungan ang may mga pinsala para dalhin sa kalapit na ospital at pigilan ang mga journalist na idokumento ang insidente. Nanatili siya sa tabi ng mga may pinsalang mga empleyado, pinaguusapan ang tungkol sa compensation.*Sa MK.Pumasok bigla si Reuben sa opisina ni Evan.“Mr. Jordan, may kinakaharap na krisis ang kumpanya ni Ms. Shenton!” inilagay ni Reuben ang tablet sa harap ni Evan, ipinakita ang video ng sunog sa factory.Naging malagim ang ekspresyon ni Evan ng makita ang tindi ng sunog at makapal sa usok sa kalangitan.“Anong sitwasyon?” tanong niya.“Hindi pa alam ang sanhi ng sunog, pero dinala na sa ospital ang mga may pinsala na empleyado. Inaas
“Noted,” sagot ng babae.“Mag-ingat ka para hindi ka mahuli,” kaswal na paalala ni Daniella.“Alam ko ang limitasyon ko,” sagot ng babae bago ibinaba ang tawag.Inihagis ni Daniella ang kanyang phone sa lamesa, malinaw na naiinis.“Isa lang itong simpleng paalala. Wala na akong pakielam kapag nahuli ka,” inisip niya.Basta hindi siya malamangan ni Caroline, walang pakielam si Daniella sa buhay ng iba. May sarili siyang mga bagay na dapat asikasuhin.“Casey…” namula siya habang inaalala si Casey.Nakahihigit siya ng husto kay Evan. Kahit na mahigit sa 40 taong gulang na siya, kapantay niya ang mga lalakeng artista!Titigil na siya sa pagkakaroon ng pakielam kay Evan kapag nakuha na niya ang loob ni Casey. Alam niya na mas pabor si Draco sa nakatatanda niyang anak kaysa kay Evan. Bukod pa doon, mas madali niyang matatalo si Caroline kapag nakipagtulungan siya kay Casey.Nasasabik na tumawa si Daniella habang tinitignan ang balita tungkol sa TYC.Bigla, may isang post na nakapuk
Kalmadong nagsalita si Naomi, “Ms. Shenton, “Inaasses ko lang objectively ang sitwasyon.”Si Caroline, malinaw na galit, ay sumagot, “Depende din ito dapat sa tao! Sa tingin mo ba hindi ko alam kung anong klaseng tao si Kenny?”Natahimik si Naomi at tinitigan si Caroline.Napansin ni Caroline na nagalit siya agad lalo na ng maging tahimik sa kuwarto.“Pasensiya na, Naomi. Naappreciate ko ang analysis mo, pero masyadong overwhelming para sa akin ang araw na ito. Ngunit, hindi ganoon si Kenny, sana mapagkatiwalaan mo siya tulad ng tiwala ko sa kanya.”Tumango si Naomi. “Naiintindihan ko, Ms. Shenton. Gagawin ko ang best ko para makasundo siya.”Tumango si Caroline. “Puwede ka na umuwi.”“Sige.”Noong lumabas ng opisina si Naomi, minasahe ni Caroline ang mga sentido niya, drained ang pakiramdam niya.*Noong hating gabi, nakatulog si Caroline sa desk niya.Bigla, may matangkad na pigura ang nagpakita sa entrance ng opisina. Tahimik siyang pumasok at nakita ang maliit na blanket
Kinuha ni Draco ang ulat at tumingin sa huling pahina, sumimangot siya ng mabasa ito. “Ang hinihinalang ama ay hindi tugma sa tinest na bata.”“Paano ito naging posible?” sambit niya.Naguluhan din ang doktor dahil magkamukha si Evan at Tyler pero hindi sila mag-ama. Gayunpaman, wala siyang makitang malis a resulta. Dinoble niya ang check at siya ang unang nakatanggap ng report.Nag-aalinlangan na sinabi ng doktor, “Possible na magkamukha lang sila—”“Huwag ka na magsalita. Bodyguard!” galit na sinabi ni Draco.Pumasok ang bodyguard agad.Nagtiim bagang si Draco. “Ihatid sa bahay ang mga bata!”Nagtanong si Bernard, “Natutuwa ka sa mga bata, sir. Hindi mo ba sila hahayaan na manatili pa ng matagal dito?”“Para saan? Mukha ba akong magpapalaki sa anak ng iba ng walang dahilan?” sigaw ni Draco.Tumango si Bernard at sinabi, “Tama ka, sir. Ipapahatid namin sila agad.”“Yes, sir!” sagot ng bodyguard.Sa ibaba, natuwa ang mga bata ng marinig ang sigawan.Sinabi ni Axel, “Ty at L
Ipinaalam ni Draco kay Casey na natulog ang anak ni Evan doon kagabi kaya marahil kay Axel ang dugo na tumulo.Lumapit si Casey papunta sa banyo at nagpanic si Axel ng marinig ang mga yabag. Hindi niya gusto may makadiskubre sa pagdugo ng ilong niya, lalo na ang abala niyang ama. Hindi niya gusto na mag-alala si Evan sa kanya.Dumating si Casey sa pinto ng banyo, kung saan napansin niya ang madugong tubig sa planggana at dugo sa maputlang mukha ni Axel.Nabigla si Axel at umatras, tinakpan niya ang kanyang ilong ng makita si Casey. Sinubukan niyang kumalma at nagtanong, “Sino ka?”Kumurap si Casey, nawala ang bangis sa mga mata niya. Nag-aalala niyang tinignan si Axel at nagtanong, “Ikaw ang anak ni Evan, hindi ba? Anong nangyari sa iyo?”Tinitigan ni Axels I Casey, hindi maintindihan kung bakit mabilis na nagbago ang pagtitig niya.Sumagot si Axel, “Nadapa ako at tumama ang ilong ko.”“Punta ba tayo sa doktor para gamutin ito?” tanong ni Casey.“Hindi,” tumanggi si Axel, nagku
Ang deputy factory manager, si Caleb Depp, ay nagtamo ng mga pinsala habang tinutulungan ang mga empleyado na makaalis. Naupo siya sa kama at binati si Caroline, “Ms. Shenton, nandito ka.”Tumayo ang asawa ni Caleb at inalok si Caroline na maupo. “Maupo ka, Ms. Shenton.”Ngumiti si Caroline at nagsignat sa bodyguard na ibigay ang regalong basket. Pagkatapos, naupo siya at sinabi, “Kahit na nakuha na ng mga pulis ang statement mo, gusto ko magtanong tungkol sa ilang mga detalye.”Tumango si Caleb. “Naiintintidihan ko. Ang dahil sa mismanagement namin nag dulot ito para mawalan ka ng malaking halaga ng pera.”“Maliit na bagay ang pera. Ang mahalaga ay ligtas tayong lahat,” sagot ni Caroline habang nakangiti ng kaunti.Idinagdag ni Caleb, “Malalim ang malasakit mo sa lahat, Ms. Shenton. Sa totoo lang, naguguluhan ako sa sanhi ng sunog. Nagsimula ito sa warehouse, kung saan nakatago ang mga fabric. Pero inispeksyon namin ito araw-araw at walang nakita na fire hazard.”Tumango si Caro
Ngumiti si Paige. “Sige! Kung hindi mo gusto ang “Pug”, tatawagin na lang kitang “Puggy” kung ganoon. Mas gusto mo ba iyon?”Kumibot ang mga labi ni Alex ng sumagot siya. “Sige, “Pug” na lang. Pero, anong iniisip mo?”Sumagot si Paige, “Kailangan ko ang tulong mo para ianalisa ang isang bagay. Hindi nakikisama ang utak ko.”“Puwede mo ba ako ikuha ng maiinom?” tanong ni Alex.“Sige! Pero, wala akong budget masyado matapos ang paghahanda para sa birthday party ni Carol,kaya huwag ka pumili ng mamahalin!”Natawa si Alex. “Siguradong pipili ako ng mamahaling lugar para bagay sa palayaw ko na bigay mo.”“T*ng ina mo!”*Naghahanap si Caroline at Naomi ng mga bagong factory para matupad ang mga order nila.Ngunit, walang makatanggap sa request nila mula sa limang mga factory na kanilang binisita, dahil marami ng nakabook sa kanila para sa susunod na mga buwan.Nagbigay ng ideya si Naomi, “May dalawa pa tayong pagpipilian. Tignan ba natin?”Sumagot si Caroline, “Alin ang mga iyon?
Nakatanggap si Alex ng tawag mula kay Reuben ng disoras ng gabi, at ipinaalam sa kanya ang desisyon ni Evan. Matapos ang tawag, tumungo siya sa bar at nkaita si Paige s VIP booth.Habang palapit siya, hindi nag-aksaya ng oras si Paige na pagalitan siya. “Pug, anong problema mo?”Ngumiti si Alex, inalis ang kanyang jacket at sumagot, “Galit ka ba dahil pinaghintay kita ng kalahating oras?”Tinitigan siya ng masama ni Paige. “Ayaw ko sa mga tao na hindi dumadating sa tamang oras!”“Sige, kumalma ka. Ililibre kita ngayon, okay?” alok ni Alex.“Sige!” Nagbago ang mood ni Paige, tumawa siya at tinaggap ang alok.Ibinalik ni Alex ang pinaguusapan nila sa dahilan kung bakit sila naparito. “Bumalik na tayo sa punto. Anong kailangan mo mula sa akin?”Nagbuhos ng inumin si Paige at sinabi, “Sa tingin ko alam mo na ang tungkol sa factory. May hindi tugma. Hindi kabilang si Kenny—”“Teka! Anong ibig mo sabihin na hindi kasama si Kenny?” sambit bigla ni Alex.Kumurap ng inosente si Paige.