Kinuha ni Draco ang ulat at tumingin sa huling pahina, sumimangot siya ng mabasa ito. “Ang hinihinalang ama ay hindi tugma sa tinest na bata.”“Paano ito naging posible?” sambit niya.Naguluhan din ang doktor dahil magkamukha si Evan at Tyler pero hindi sila mag-ama. Gayunpaman, wala siyang makitang malis a resulta. Dinoble niya ang check at siya ang unang nakatanggap ng report.Nag-aalinlangan na sinabi ng doktor, “Possible na magkamukha lang sila—”“Huwag ka na magsalita. Bodyguard!” galit na sinabi ni Draco.Pumasok ang bodyguard agad.Nagtiim bagang si Draco. “Ihatid sa bahay ang mga bata!”Nagtanong si Bernard, “Natutuwa ka sa mga bata, sir. Hindi mo ba sila hahayaan na manatili pa ng matagal dito?”“Para saan? Mukha ba akong magpapalaki sa anak ng iba ng walang dahilan?” sigaw ni Draco.Tumango si Bernard at sinabi, “Tama ka, sir. Ipapahatid namin sila agad.”“Yes, sir!” sagot ng bodyguard.Sa ibaba, natuwa ang mga bata ng marinig ang sigawan.Sinabi ni Axel, “Ty at L
Ipinaalam ni Draco kay Casey na natulog ang anak ni Evan doon kagabi kaya marahil kay Axel ang dugo na tumulo.Lumapit si Casey papunta sa banyo at nagpanic si Axel ng marinig ang mga yabag. Hindi niya gusto may makadiskubre sa pagdugo ng ilong niya, lalo na ang abala niyang ama. Hindi niya gusto na mag-alala si Evan sa kanya.Dumating si Casey sa pinto ng banyo, kung saan napansin niya ang madugong tubig sa planggana at dugo sa maputlang mukha ni Axel.Nabigla si Axel at umatras, tinakpan niya ang kanyang ilong ng makita si Casey. Sinubukan niyang kumalma at nagtanong, “Sino ka?”Kumurap si Casey, nawala ang bangis sa mga mata niya. Nag-aalala niyang tinignan si Axel at nagtanong, “Ikaw ang anak ni Evan, hindi ba? Anong nangyari sa iyo?”Tinitigan ni Axels I Casey, hindi maintindihan kung bakit mabilis na nagbago ang pagtitig niya.Sumagot si Axel, “Nadapa ako at tumama ang ilong ko.”“Punta ba tayo sa doktor para gamutin ito?” tanong ni Casey.“Hindi,” tumanggi si Axel, nagku
Ang deputy factory manager, si Caleb Depp, ay nagtamo ng mga pinsala habang tinutulungan ang mga empleyado na makaalis. Naupo siya sa kama at binati si Caroline, “Ms. Shenton, nandito ka.”Tumayo ang asawa ni Caleb at inalok si Caroline na maupo. “Maupo ka, Ms. Shenton.”Ngumiti si Caroline at nagsignat sa bodyguard na ibigay ang regalong basket. Pagkatapos, naupo siya at sinabi, “Kahit na nakuha na ng mga pulis ang statement mo, gusto ko magtanong tungkol sa ilang mga detalye.”Tumango si Caleb. “Naiintintidihan ko. Ang dahil sa mismanagement namin nag dulot ito para mawalan ka ng malaking halaga ng pera.”“Maliit na bagay ang pera. Ang mahalaga ay ligtas tayong lahat,” sagot ni Caroline habang nakangiti ng kaunti.Idinagdag ni Caleb, “Malalim ang malasakit mo sa lahat, Ms. Shenton. Sa totoo lang, naguguluhan ako sa sanhi ng sunog. Nagsimula ito sa warehouse, kung saan nakatago ang mga fabric. Pero inispeksyon namin ito araw-araw at walang nakita na fire hazard.”Tumango si Caro
Ngumiti si Paige. “Sige! Kung hindi mo gusto ang “Pug”, tatawagin na lang kitang “Puggy” kung ganoon. Mas gusto mo ba iyon?”Kumibot ang mga labi ni Alex ng sumagot siya. “Sige, “Pug” na lang. Pero, anong iniisip mo?”Sumagot si Paige, “Kailangan ko ang tulong mo para ianalisa ang isang bagay. Hindi nakikisama ang utak ko.”“Puwede mo ba ako ikuha ng maiinom?” tanong ni Alex.“Sige! Pero, wala akong budget masyado matapos ang paghahanda para sa birthday party ni Carol,kaya huwag ka pumili ng mamahalin!”Natawa si Alex. “Siguradong pipili ako ng mamahaling lugar para bagay sa palayaw ko na bigay mo.”“T*ng ina mo!”*Naghahanap si Caroline at Naomi ng mga bagong factory para matupad ang mga order nila.Ngunit, walang makatanggap sa request nila mula sa limang mga factory na kanilang binisita, dahil marami ng nakabook sa kanila para sa susunod na mga buwan.Nagbigay ng ideya si Naomi, “May dalawa pa tayong pagpipilian. Tignan ba natin?”Sumagot si Caroline, “Alin ang mga iyon?
Nakatanggap si Alex ng tawag mula kay Reuben ng disoras ng gabi, at ipinaalam sa kanya ang desisyon ni Evan. Matapos ang tawag, tumungo siya sa bar at nkaita si Paige s VIP booth.Habang palapit siya, hindi nag-aksaya ng oras si Paige na pagalitan siya. “Pug, anong problema mo?”Ngumiti si Alex, inalis ang kanyang jacket at sumagot, “Galit ka ba dahil pinaghintay kita ng kalahating oras?”Tinitigan siya ng masama ni Paige. “Ayaw ko sa mga tao na hindi dumadating sa tamang oras!”“Sige, kumalma ka. Ililibre kita ngayon, okay?” alok ni Alex.“Sige!” Nagbago ang mood ni Paige, tumawa siya at tinaggap ang alok.Ibinalik ni Alex ang pinaguusapan nila sa dahilan kung bakit sila naparito. “Bumalik na tayo sa punto. Anong kailangan mo mula sa akin?”Nagbuhos ng inumin si Paige at sinabi, “Sa tingin ko alam mo na ang tungkol sa factory. May hindi tugma. Hindi kabilang si Kenny—”“Teka! Anong ibig mo sabihin na hindi kasama si Kenny?” sambit bigla ni Alex.Kumurap ng inosente si Paige.
Pinalitan ni Alex ang topic. “May kailangan ako itanong sa iyo.”“Ano iyon?” tanong ni Paige.Dumiretso sa punto si Alex. “Naghahanap ba si Caroline ng partner sa clothing factory?”Sumagot si Paige, “Oo, obvious naman. Kailangan niya makumpleto ang order niya!”“Matutulungan mo ba ako na makameeting siya?” tanong ni Alex.Naghihinala siyang tinignan ni Alex. “Sabihin mo na kung bakit!”“Gusto ko ioffer pansamantala ang factory ko.”“Bakit hindi mo sinabi agad? Aayusin ko para magkita kayo bukas!” sambit ni Paige.*Noong 8:00 p.m., nagising si Caroline at nakita si Neil na tahimik na nakikipagusap sa phone.Pansamantala si Neil na nagulat ng nakitang gising na si Caroline. Mahina niyang sinabi sa phone, “Nandito si Mommy. Hahayaan ko kayo na makausap siya.”Inilagay ni Neil ang phone sa tabi ng tenga ni Caroline. “Ang mga bata ito.”Nagulat si Caroline. “Hello?”“Mommy!” narinig niya ang masayang boses ni Liora.” Nasa bahay na kami ni Tyler. Kailan ka babalik?”Umubo si
Sa sumunod na araw, matapos ihatid ang mga bata, nakatanggap ng tawag si Caroline mula kay Paige. Sinabi niya na gusto makipagkita ni Alex at pag-usapan ang clothing factory.Sumangayon si Caroline at nakipagkita sa kanya sa ibaba makalipas ang sampung minuto.*Sa oras na dumating si Caroline sa kumpanya, nakipagmeeting siya ng mabilis sa sales department. Pagkatapos, inimbitahan niya si Naomi para samahan siya magkape.Sa café, nakita niya si Paige at Alex na hinihintay sila.Noong nakita nila si Naomi, nagtinginan sila. Lumapit si Alex kay Paige at bumulong, “Okay lang na magduda, pero huwag natin gawin obvious. Hindi natin masusukat kung magiging kahinahinala siya.”Nagtiim bagang si Paige at ngumiti. “Mukha ba akong ganoon kat*nga?”Mukhang nagulat si Alex. “Kilala mo ng husto ang sarili mo.”Nabigla si Paige. Gusto niya turuan ng leksyon ang taong ito.Ngunit, noong napansin niya na nasa harapan na nila sina Naomi, palihim niyang kinurot ang hita ni Alex sa ilalim ng lam
Nanatiling kalmado si Naomi, pero simple ang sagot niya, “Hmm.”Walang masabi si Paige. Bakit simple ang sagot ni Naomi?Maraming gusto marinig si Paige mula kay Naomi, umaasa na may makikita siyang mali sa mga rason niya.Magaling magtago ng emosyon si Naomi.Wala rin masabi si Alex. Ipinaalala niya kay Paige na huwag ito masyadong isipin ngayon, pero kabaliktaran ang ginawa niya. “Makakalimutin!” naisip niya.Sumabay si Caroline at nagtanong, “Natawagan mo ba si Kenny?”Simple ang sagot ni Naomi, “Hindi.”Natulala si Paige, at sinabi, “Anong problema ni Kenny?”Nilinaw ni Caroline, “Pinatay niya ang kanyang phone sa araw ng aksidente. Hindi pa ako nakakatanggap ng mga update mula sa kanya.”Nanlaki ang mga mata ni Paige, iniisip, “Maaring si Kenny kaya? Kung hindi, bakit nakapatay ang phone niya?”Ngumisi si Alex, sarcastic na iniisip, “Pinagdududahan ba ng hangal na ito si Kenny ngayon?”Napaisip si Caroline, “Balak ko sana na itanong din iyon. Naisip na rin ba ni Paige?”
Hindi matigil si Liora sa pag-iyak, kaya binuhat siya ni Caroline at tinapik ang likod para pakalmahin siya.Patuloy si Liora na nakabaon ang mukha sa leeg ni Caroline, walang tigil sa pag-iyak. “Mommy, hindi ko gusto makita si Lola umalis. Hmm… ayaw ko…”Nalulungkot si Caroline para kay Liora, kaya mahigpit niyang niyakap ang bata. “Patawad. Hindi ko siya naprotektahan ng maayos. Kasalanan ko…”Mapula at namamaga ang mga mata nina Tyler at Axel. Hindi nila alam kung paano pagagaanin ang loob ni Caroline at Liora.Si Evan nakatayo sa puwesto niya at hindi gumagalaw. Bigla siyang paos na nagsalita at deperado ang kanyang boses. “Bakit?”Tinignan siya at nilapitan ni Caroline habang guilty at sinabi. “Patawad.”Matindi ang aura ni Evan habang palapit siya kay Caroline. “Caroline, sabihin mo sa akin! Bakit mo balak na sirain kami at ng nanay ko?”“Sirain?” sumimangot ng gulat si Caroline. “Anong ibig mo sabihin?”“Nagkukuwnari ka pa din na walang alam?” Ngumisi si Evan at tinitiga
Narinig ni Evan ang malakas na komosyon mula sa amusement park sa oras na bumaba siya ng sasakyan sa tapat ng entrance nito.Bigla, nakaramdam siya ng matinding sakit sa puso niya, kung saan napayuko siya sa sakit habang mahigpit ang pagkakahawak sa kanyang dibdib.Lumapit agad si Reuben at mga bodyguard para tulungan siya.“Mr. Jordan, okay ka lang?” sabay na tanong ni Reuben at Julian.Nakaramdam ng matinding panic si Evan, kung saan itinulak niya palayo ang iba. Nahirapan siyang kontrolin ang pagkahilo niya at paninikip ng dibdib habang paputna sa amusement park.Sa loob, nagkakagulo sila habang nagmamadali na lumapit sa Ferris wheel.Hinawakan ni Julian ang isang empleyado at nagtanong tungkol sa aksidente.Sumagot ang nagpapanic na empleyado, “Ang isang pod mula sa Ferris wheel ay nalaglag!”Matapos iyon marinig, tumingala si Reuben at nakita ang bakanteng puwesto kung nasaan ang Ferris wheel, na 200 metro ang taas.Maliit lang ang pag-asa ng tao sa loob…Nagpanic si Eva
Agad na tumayo si Caroline para habulin si Jamie, pero hinarangan siya ng empleyado. “Ma’am, tumigil ka sa kalokohan mo! Napakadelikado dito!”Dahil hindi niya mahabol si Jamie, sumigaw siya, “Jamie, huwag mo buksan ang pinto. Dyan ka lang!”Tumango si Jamie.Nagfocus si Caroline sa pod ni Jamie at naabala ng isa pang empleyado na umalis ng platform.Sinabi ni Axel, para pakalmahin si Caroline. “Mommy, gusto ni Lola ng ice cream. Ikuha natin siya.”Dahil wala siyang magawa, ibinili ni Caroline ang mga bata ng ice cream habang nakatitig sa Ferris Wheel.Lumipas ang ilang minuto at umabot sa rurok ang pagkabalisa ni Caroline habang umaabot sa pinakamataas na punto ang pod. Sumayaw ito sa hangin, kung saan nanghina ang mga tuhod ni Caroline.Hindi malaman ni Caroline kung natatakot ba si Jamie o hindi. Ang ipinagdasal niya ay manatili si Jamie na hindi kumikilos.*Samantala, nakaupo si Jamie sa pod, tinitignan ng mabuti ang magandang view sa Angelbay City. Unti-unti siyang nagin
Malupit na nag-utos si Evan. “Go!”*Nag-eenjoy si Caroline sa pagsama sa mga bata sa amusement park.Pagkatapos, pumila sila para sa Ferris wheel.Noong tumingala si Axel sa mataas na Ferris wheel, na dalawang daang metro ang taas, namutla siya. Natatakot siyang sumakay sa mga rides dahil takot siya sa matataas na lugar. Kahit na ang makita lang ito ay sapat na para mahirapan siyang huminga.Napansin agad ni Tyler na may mali kay Axel at nagtanong, “Axel, hindi ba maganda ang pakiramdam mo?”Sinubukan ni Axel na umiling-iling at magmatapang, “Okay lang—”Bago pa siya natapos magsalita, sumuka siya habang mahigpit ang kapit sa kanyang tiyan.Napalingon agad si Caroline at Jamie sa komosyon.Noong nakita nila si Axel, natakot si Caroline. Nagmadali siya para yumakap.“Axel?” nababalisang tanong ni Caroline. “Anong problema?”Habang nahihilo, mahinang sumagot si Axel, “Mataas…”“Mataas?” tumingala si Liora ay tinignan ang umiikot na Ferris Wheel sa itaas.“Oh! Mommy, takot s
Linggo, nangako si Caroline na isasama si Jamie at ang tatlong mga bata sa amusement park.Umalis siya matapos magreserve ng mga ticket at dumating sa destinasyon ng 10:00 a.m.Kumportable ang panahon, at nag-ooperate ang lahat ng facilities ng park.Nakatitig si Jamie sa pinakamtaas na Ferris wheel sa oras na pumasok siya sa amusement park.Nagtanong si Caroline, “Jamie, interesado ka sumakay sa Ferris wheel?”“Oo. Naaalala ko na sumakay ako dito ng may kasama…” bulong niya ng mahina bago nadistract.Natawa si Liora at sinabi, “Alam ko. Baka ang boyfriend mo!”Nabigla si Caroline, “Lia, ingat ka sa mga salita mo.”Inilabas ni Liora ang dila niya. “Mommy, nakikipagbiruan lang ako kay Lola.”Naguluhan na nagtanong si Jamie, “Boyfriend?”Nagsalita si Caroline at sinabi, “Nagsasabi lang ng kung ano-ano si Lia. Sasakay tayo mamaya sa Ferris wheel kung gusto mo, Jamie.”Ngumiti si Jamie. “Sige, makipaglaro muna tayo kasama ang mga bata.”“Yehey, Lola!”Natuwa si Liora, hinatak
Matapos ang dinner, tumungo si Paige sa Bayview Villa.Aalis sana si Caroline para gumala kasama ang mga bata ng makita niya si Paige na nagmamaneho patungo sa hardin niya.“Nandito si Ninang!” tumakbo si Liora palapit sa sasakyan ni Paige at itinaas ang kanyang mga kamay ng buksan ni Paige ang pinto. “Yakapin mo ako, Ninang!”Binuhat ni Caroline si Liora, hinimas ang ilong niya at sinabi, “Ang importante kong Lia, lalabas ka ba?”Masunuring tumango si Liora. “Isasama kami ni Mommy na maglakad-lakad. Sasama ka ba?”“Sige!” binuhat ni Paige si Liora at lumapit kay Caroline. “Carol, puwede ba ako sumama? May pabor akong hihingin sa iyo.”Nagulat si Caroline dahil lumapit si Paige sa kanya para humingi ng pabor. “Sige, tara.”Habang naglalakad, nakipagusap si Paige sandali sa mga bata bago sinabi kay Caroline, “Carol, matutulungan mo ba ako makontak si Ms. Salvatore?”Natulala si Caroline. “Hihingin mo ba ang tulong ng mentor ko sa pagdidisenyo ng damit?”Sinabi ni Paige, “Oo. Gu
Gusto magsalita si Caroline, pero sinabi ni Evan, “Caroline, kaya mo ba mangako na wala ka ng nararamdaman para sa akin?”Sumakit ang puso ni Caroline ng marinig ang galit na sainabi ni Evan habang nanliliit siya.Ngunit, alam niya na dapat matapos na ang koneksyon nila sa isa’t isa!Pinigilan niya ang sakit na nararamdaman niya at sinabi, “Pumunta ako sa ospital para suklian ka, Evan. Hindi na kailangan na mangako ako, pero ako ang hindi makatiis sa relasyon natin. Naiintindihan mo ba iyon?”“Ako hindi! Bakit ang dali para sa iyo ang bumalik sa relasyon ng ganoon na lang? Ano ba ang tingin mo sa akin?”Sumandal si Caroline sa upuan habang nanghihina. “Ano ba ang tingin ko sa iyo? Kinuwestiyon mo na ba ang sarili mo sa kung anong kinuha mo mula sa akin? Kabit ang turing mo sa akin limang taon na ang nakararaan at hinahanap mo ako matapos mo malaman na ako ang nagligtas ng buhay mo.”“Paano kung wala ka pa din alam tungkol sa insidente? Si Daniella pa din ang karelasyon mo at mina
Dramatic ang pagpasok ni Alex sa kuwarto, hawak ang phone niya at hirap na hirap magsalita habang tumatawa.“Evan, dapat mo makita ang live stream ni Caroline. Hindi ako matigil kakatawa. Ang sinabi niya ay inaabala mo siya…”Nanigas ang ngiti ni Alex ng makita ang mahigpit na mukha ni Evan at titig.Nakita ni Alex ang tablet ni Evan. “Oh no, lagot ako!” naisip niya bigla.Tense ang ekspresyon ni Evan habang galit na nagtatanong, “Nakakatawa ba ito?”Naging seryoso ang ekspresyon ni Alex. “Hindi ito nakakatuwa! Sumosobra na si Caroline! Ang bait bait mo sa kanya! Paano niya nagawa na magsalita ng ganito? Dapat hindi niya ito sinabi kahit na gusto niyang protektahan ang reputasyon niya!”Lumapit si Alex kay Evan at nagpatuloy. “Evan, sa tingin ko oras na para pag-isipan mo na ito! Naniniwala ako na wala ng nararamdaman si Caroline para sa iyo. Mas mabuti na magpakasal ka sa iba sa lalong madaling panahon kung hindi mawawala ang pagkakataon mo na inisin siya!”Sumingkit ang mga ma
Higit ng doble ang dami ng pre-order ng TYC kumpara sa MK sa loob lamang ng ilang oras.Matinding sensation ang idinulot nito sa fashion industry.Inisip ng mga tao ang abilidad ng MK na manatili sa leading posistion sa fashion industry.Nagmadali ang journalist na pumunta sa TYC para magconduct ng interview kay Caroline.Sumangayon si Caroline sa interview at sinabihan ang assistant niya, na si Josie Gardner, na samahan ang journalist papunta sa reception room, kung saan sila magkikita.Ang journalist, na si Paxton Parker, ay tumayo at nakipagkamay kay Caroline sa oras na pumasok siya. Maraming salamat sa paglalaan ng oras para gawin ito ngayon, Ms. Shenton.”Nagsalita si Caroline habang nakangiti ng kaunti, “Okay lang. Maupo ka.”Nagtanong si Paxton pagkatapos maupo, “Magsisimula na ang recordin natin. Isa itong live-streamed interview. Sana okay lang ito sa iyo, Ms. Shenton.Sumimangot si Caroline dahil hindi siya nasabihan agad.Ngunit, tumango siya.Tumango si Paxton sa