Ginagamit siya ni Caroline para protektahan ang mga anak niya sa ibang lalake!Bakit niya iyon titiisin?*Nakatanggap si Caroline ng tawag mula kay Paige ng 4:00 p.m., pagkatapos ng meeting. Sumagot siya. “Hello, Paige.”“Carol, tignan mo agad ang balita! Alamin mo kung iyon ang eskuwelahan ni Ty at Lia!” pag-udyok ni Paige habang nag-aalala.Nagulat si Caroline at agad na tinignan ang balita, at isinantabi ang kanyang phone.Ang headline ay “School bus mula sa Angelbay Kindergarten Naaksidente, Kaligtasan ng mga Bata Walang Katiyakan” ang nakasulat sa screen.Noong nakita ni Caroline ang kundisyon ng school bus, bumigay ang mga tuhod niya. Sigurado siya na iyon ang bus na sinakyan ng mga bata. Ang mga anak niya…Matapos mapansin ang kundisyon ni Caroline, agad siyang tinulungan ni Naomi na tumayo. “Anong nangyari, Ms. Shenton?”Nabalik sa realidad si Caroline at agad na tumungo sa elevator matapos makatayo ng maayos.Tulala si Naomi.*Matapos ibaba ang tawag, nabalisa si
“Carol!” tawag ni Paige.Nanginginig ang mga mata ni Caroline habang nakatitig kay Paige. Nagmadali lumapit sina Alex at Evan.Seryosong lumapit si Evan, nakahinga siya ng maluwag ng makita na okay lang si Alex. Napatingin siya kay Lia, pero wala si Tyler sa malapit.Humarap si Caroline kay Alice at nagtanong, “May tumingin ba sa kalapit na surveillance camera?”“May nag-iimbestiga na nito,” sagot ni Alice.Tumingala si Caroline at maluha-luha na ang mga mata niya. “Bakit nandito ang lahat ng mga bata maliban kay Tyler?” inisip niya.“Subukan mo kumalma, Ms. Shenton. Posible na naglalaro si Tyler sa kung saan at babalik ng mag-isa.”“Hindi ganoon na klaseng tao ang anak ko! Hindi siya gumagala ng mag-isa!” nanginginig ang boses ni Caroline.Matapos mapansin na problemado si Caroline, niyakap ni Liora ang nanay niya, tumutulo ang mga luha niya. “Mommy… Huwag kang ganyan. Natatakot ako, Mommy…”Humigpit ang mga kamao ni Tyler, ang ekspresyon niya ay guilty. Alam niya na responsa
Tinitigan ng masama ni Evan si Alex, pero nagkibit balikat lang si Alex. “Totoo ang sinasabi ko.”Nagtiim bagang si Evan, nag-aalala siya sa kundisyon ni Caroline. Panandalian siyang nag-isip, mabilis niyang binuhat si Axel at tumungo agad sa lokasyon.Sumunod si Alex.*Makalipas ang dalawampungminuto, natanggap ni Caroline ang tawag ni Wayne noong lumabas siya ng sasakyan sa daungan ng barko. “Anong nangyayari? Bakit maraming tao dito?”Nabigla si Caroline. “Mag-isa ako. Anong sinasabi mo?”“Ipaliwanag mo sa akin kung bakit may dalawang saakyan na tumigil,” demanda ni Wayne.Tumalikod si Caroline at nakita ang sasakyan nila Evan at Alex. “Bakit nila ako sinusundan?” napaisip siya.Nilinaw ni Caroline, “Iyon ang ama ng bata, hindi pulis!”“Sige, kung hindi puputulin ko ang tali,” pananakot ni Wayne.“Tali?”Mabilis na tumingala si Caroline. Nakakita siya ng maliit na pigura na sumasayaw sa hangin, nakatali sa pinakamataas na crane sa harbor. Ilang metro ito mula sa sahig!
Natulala si Caroline. “Anong ibig mo sabihin? Sa tingin mo niloloko kita?”“Ano pa ba?” tanong ni Evan.Kumawala si Caroline mula sa pagkakahawak ni Evan. Mukha siyang disappointed at malamig na sinabi, “Evan! Tandaan mo ang sinabi mo ngayon! Pagsisisihan mo ang mga sinabi mo at mga kilos mo balang araw!”Matapos iyon sabihin, sumakay siya sa sasakyan at nagmaneho patungo sa gusali.Tinignan ni Paige ang boss niyang seryoso ang mukha ng mapanghamak habang buhat si Liora. “Mr. Jordan, sinira mo ang puso ni Carol sa pagkakataong ito at naliwanagan ako.”Tumalikod siya at pinanood ng mabuti ang sasakyan ni Caroline.Huminga ng malalim si Alex, nilapitan si Evan at sinabi, “Evan, hindi siya mukhang nagkukunwari kanina.”Malamig na tinignan ni Evan ang pigurang nakalutang sa ere. At sinabi niya, “Sa tingin ko hindi peke ang bagay na ako mismo ang sumiguro.”*Iniwan ni Caroline ang susi ng sasakyan sa lamesa sa loob ng gusali. Pagkatapos, nagtransfer siya ng dalawang milyong dolyar
Umiyak si Caroline bigla. “Ty, ikaw ba iyan?”Hindi siya makapaniwala na nakatayo siya sa harapan niya ng ligtas. Naalala niya na nahulog siya mula sa mataas…Mukhang nainis si Tyler. “Mommy, anong sinasabi mo? Sino pa ba ito maliban sa akin?”Pinunasan ni Caroline ang mga luha niya matapos makarinig ng sagot. “Wala, Ty. Kung ano ano lang ang sianasabi mo. Parating na ako.”“Tara, Mommy.”Tumango si Caroline at naglakad papunta kay Tyler.Matapos maglakad ng matagal, napagtanto niyang hindi siya makapunta sa tabi ni Tyler!Natakot si Caroline habang nakatingin kay Tyler. “Ty…”“Ang bagal mo, Mommy. Bilisan mo maglakad.”Huminga ng malalim si Caroline at tumakbo papunta kay Tyler.Habang mas mabilis siyang tumakbo, mas lalo naging malayo si Tyler sa paningin niya.“Mommy…” puno ng pagkabigo ang mga mata ni Tyler. “Mommy, bakit wala ka pa dito?”“Parating na ako!” sagot ni Caroline. “Huwag ka gumalaw. Hintayin mo ako.”“Huli na, Mommy…”Naging mahina ang boses ni Tyler, at
“Wala kang pakielam! Evan, bakit mo ba ako pinipigilan na makita ang anak ko! Hindi kita mapapatawad sa buong buhay ko kapag nawala si Ty! Ikaw ang walang ginawa! Wala kang awa at hindi tumulong!” sigaw ni Caroline.Lumapit si Paige para magpaliwanag matapos mapansin ang hindi natutuwang ekspresyon ni Evan. “Kumalma ka, Caroline. Ipapakita ko sa iyo si Ty, okay?”Inilabas niya ang kanyang phone at vinideo call si Axel.Hindi nagtagal bago siya sumagot, at nakita ang mukha niya sa screen.“Ano iyon?” narinig niya ang boses ni Axel.Nagsalita si Paige, “Iharap mo ang camera kay Ty para makita… huh?”Kinuha ni Caroline ang phone bago pa matapos magsalita si Paige. Tinitigan niya ng mabuti ang screen. Naluha siya ng ifocus ni Axel ang camera kay Tyler, tahimik na nakahiga sa kama.“Buhay si Ty…” inisip niya.Wala siyang benda o kaya catheter; ang mayroon lamang siya ay IV drip sa likod ng kamay niya.Umiyak siya, “Anong nangyari sa kanya?”“Nakatanggap siya ng matinding dosage ng
Matapos ang ilang sandali, hindi napigilan ni Caroline magtanong, “Bakit ka nakatitig sa akin?”Naupo ng elegante si Evan sa upuan at nagdekwatro. “Mag-usap tayo tungkol sa atin.”Iniwasan ni Caroline ang topic. “Wala tayong dapat pag-usapan.”“Totoo? Ipaliwanag mo sa akin kung bakit ko ito pagsisisihan,” tanong ni Evan.Sinabini Caroline, “May katotohanan sa mga salita sa oras ng pagiging desperado.”Kalmado ang ekspresyon ni Evan na tila nahulaan na niyang hindi sasabihin ni Caroline ang totoo.“Hindi kita pipilitin kung ayaw mo ipaliwanag. Pero naniniwala ako na gusto mo malaman ang tungkol kay Axel, tama?” sinabi ni Evan.Tinignan siya ni Caroline. “Anong sinasabi mo?”“Anak natin si Axel.”Hindi nagpaligoyligoy si Caroline. “Ano naman?”“Hindi ko balak na makita ka pa muli ni Axel,” sinabi ni Evan.Natulala si Caroline. “Bakit?”Natawa si Evan. “Sa tingin mo nararapat ka maging ina ni Axel?”Tumawa si Caroline. “Ano? Sa tingin mo sa iyo lang ang bata? Anak ko din siya
Tumango si Caroline. “Sige.”Sa totoo lang, tama ang kapatid niya. Hindi sana siya mapupunta sa ganitong sitwasyon kung hindi siya naging pabaya.Ipinaliwanag ni Neil, “Kinausap ko na ang mgapulis. Sinabi nila na si Wayne ang sanhi ng aksidente. Hindi niya sinaktan ang ibang mga bata, si Tyler lang. At sinabi niya kung sino ang tunay na mastermind—si Daniella. Nasa police station siya ngayon. Hindi siya tinutulungan ni Lolo.”“Sino ang bruhang iyon? Gugulpihin ko siya hanggang mamatay!” galit na galit si Kenny.Tinignan siya ni Neil. “Miyembro siya ng pamilya Xander. Itutuloy mo ba?”Nasamid si Kenny. Bago siya sa Angelbay pero alam niya ang tungkol sa tatlong maimpluwensiyang mga tao dito.Mamamatay siya kapag kinalaban niya ang mga Xander.Natakot si Kenny at sinabi, “Uh… mas tatagal ang kumpanya kapag maraming materyales. Mag tulungan muna tayo.”Kinilabutan si Caroline ng maalala si Daniella. Naiintindihan niya na mali ang pagkakaintindi niya sa kung gaano kasama si Daniell