Pinigil ni Evan ang galit niya at inutos, “Alamin kung kailan bumalik si Casey sa bansa!”Nabigla si Reuben ng malaman na nakabalik na si Casey.“Oh no! Ginalit ni Mr. Jordan si Master Jordan!” naisip niya.Si Casey ang unang anak ni Draco, na pinahahalagahan niya ng sobra. Siguradong siya na lang ang tagapagmana ng pamilya Jordan kung hindi siya napasok sa malaking iskandalo noong nakaraan.Hindi tunay na magkapatid si Casey at Evan, pero alam ni Reuben na tinik sa lalamunan ni Evan si Casey.Bilang kanang kamay ni Evan, naiintindihan niya kung gaano niya kagusto patayin si Casey.Maaaring napatay na ni Evan si Casey kung hindi siya nagtatago abroad.*Sa Bayview Villa.Ngumuso si Liora ng makita ang kapatid niya na nasa laptop madalas. “Masyado kang abala at ayaw mo na akong kalaro, Tyler.”Tumigil sa trabaho si Tyler at tinignan si Liora. “Lia, may importante akong ginagawa.”Kumurap si Lia. “Ano iyon? Sabihin mo sa akin!”Umiling-iling si Tyler at pinisil ang pisngi ni Liora. “Hind
“Bagay na bagay sa iyo ang reputasyon mo bilang tagapagmana ng mga Xander sa elegante mo.”Maraming tagapagmana ang pumuri kay Daniella.“Hindi lang mabait si Ella, mahinhin din siya at edukada…”Pinigilan ni Daniella ngumiti ng malapad habang pinapakinggang ang mga papuri nila. “Ito ang tadhana ko! Ako lang ang nararapat sa pambobola ng mga taong ito!” inisip niya.Sinamahan si Daniella ng mga tagapagmana habang bumababa sa hagdan. Elegante siyang naglakad patungo sa entablado habang naka high heels.Kinuha niya ang mikropono at sinimulan ang kanyang speech. “Salamat sa pagpunta ninyong lahat dito sa birthday party ko…”*Samantala, sa Bayview Villa.Habang binabantayan ang party ni Daniella sa laptop gamit ang surveillance camera, kausap ni Tyler si Axel sa phone.“Ang dami niyang sinasabi.” Malinaw na ubos na ang pasensiya ni Tyler.Sumagot si Axel, “Tuwang tuwa siya sa resulta, sa dami ng suporta niya.”Ngumiti si Tyler. “Ito na ang huling tiyansa niya sa pride. Tandaan mo, inapi n
Nanatiling tahimik si Caroline bago siya tumayo at dumiretso sa kuwarto ng mga anak niya.Malinaw na nagulat si Tyler noong bumukas bigla ang pinto. Mabilis niyang isinarado ang laptop.Ang atensyon ni Caroline ay nasa laptop. Habang seryoso ang mukha, nagtanong siya, “Anong pinapanood mo, Ty?”Tumawa si Tyler. “Cartoons, Mommy.”“Kung cartoons ang pinapanood mo, bakit isinarado mo agad ang laptop ng nagpapanic?” nagdududang tanong ni Caroline.Naisip bigla ni Tyler. “Ayaw ko isipin mo na wala akong ambisyon.”Hinding hindi titignan ni Caroline ang mga sikreto ni Tyler. Naniniwala siyang kailangan may privacy rin ang mga bata.Ngunit, hindi maliit na bagay ang nangyari ngayon.Ang eksena ay nakakagulat para sa mga matatanda, lalo na sa bata na hindi pa physically at mentally developed.Matapos mapansin na ayaw umamin ni Tyler, huminga ng malalim si Caroline at umupo sa tabi niya. “Ty, hindi ko gusto na nagsisinungaling ka. Kahit na hindi mo sinasabi ang totoo para sa ikabubuti ng lahat
Nagtanong si Evan, “Kung maabilidad talaga ang tagasuporta niya, sino ang nagsiwalat nito? Sinasabi mo ba na hindi sapat ang abilidad ng binabayaran ko na team?”Sumagot si Reuben, “Hindi matrace ang IP address, at ang tao na nagsiwalat ng mga litrato sa event ay hindi pa natatagpuan—”“Ito ba ang impormasyon na gusto ko marinig? Ipaalam sa tech division na matatanggal sila kapag hindi nila nalaman kung sino ang may gawa sa loob ng tatlong araw!” galit na sinambit ni Evan.Sumagot si Reuben, “Masusunod, sir.”“Teka!” nagsalita si Evan bago umalis si Reuben.“May iba pa ba, Mr. Jordan?”“Ipa DNA test si Axel.”Sumandal si Evan sa upuan at napaisip habang nakasingkit.Naguluhan si Reuben. “Mr. Jordan, ipina DNA test na namin si Mr. Jordan Jr. noong isinilang siya. Biological son mo siya—”Naintindihan bigla ni Reuben ang ibig sabihin ni Evan.“Masusunod, Mr. Jordan. Pupunta ako sa ospital para alamin ang relasyon ni Ms. Xander at Mr. Jordan Jr.!”*Sa Xander Residence.Sinampal ng malaka
Maingat na ipinaalam ni Axel kay Caroline ang mga ginawa niya laban kay Daniella.Nabigla si Caroline at natagalan bago nakarecover sa gulat. Tanggap niya na maabilidad ang isa sa mga anak niya sa hacking pero dalawa na sila ngayon?Sa totoo lang, higit pa ang abilidad ni Axel kaysa kay Tyler.“Mommy?” nababalisang sinabi ni Axel noong hindi siya nakarinig ng sagot mula kay Caroline.Inayos ni Caroline ang sarili niya. “Nandito ako, Axel… Masaya ako at ginawa ninyo ito ni Tyler para sa akin. Pero, ayaw ko na madamay kayong dalawa at masaktan dahil as problema ng mga matatanda. Ang hiling ko lang ay maging masaya kayo at ligtas. Iyon lang ang gusto ko.”Tumango si Axel. “Naiintindihan ko, Mommy. May isa pa…”“Ano iyon?” tanong ni Caroline.Nag-alinalngangan si Axel. “Gusto mo ba pigilan ko na malaman ni Daddy ang relasyon natin?”Naguluhan si Caroline. “May binabalak ba ang ama mo?”Ipinaliwanag ni Axel, “Balak imbestigahan ni Daddy ang koneksyon ko kay Daniella.”Hindi ito inaasahan ni
Kaswal na nagtanong si Axel, “Anong sinasabi mo, Daddy?”Hindi alam ni Evan ang sasabihin niya. Paano kaya magrereact si Axel kapag sinabi niya agad na hindi siya biological na anak ni Daniella?Bago pa makasagot si Evan, idinagdag ni Axel, “Daddy, ayaw ko kay Mommy, pero gusto ko ang Mommy ni Ty. Napakabait niya talaga at may pakielam sa akin. Hindi katulad ni Mommy na sinasaktan ako at pinapagalitan lagi. Sa totoo lang, gusto ko hilingin na hindi ko sana nanay si Daniella. Hindi ako makaramdam ng pagmamahal ng nanay mula sa kanya.”Nabigla si Evan. “Kaya ba talaga ito sabihin ng 5 taong gulang na bata?” sa isip niya.Pero, may sense nga naman ang sinabi niya. Masasabing mature si Axel dahil sa hacking skills niya. Magandang bagay ito.Tumayo si Evan at sinabi, “Axel, puwede ka pumunta sa kanya para maglaro kung gusto mo. Susunduin kita akapg tapos ka na. Puwede ka din manatili doon kung gusto mo.”Naalala ni Axel, “Hindi ba’t sinasabi mo noon na hindi siya mabuti, Daddy?”Naging sery
Nababalisang naghintay si Caroline at Neil ng tatlong oras bago lumabas ng operation room si Scott. Tinignan niya si Caroline na malinaw na natatakot.“Caroline…”Tumingala si Caroline, tulala at tinignan ang operation room bago nagtanong, “Nasaan si Ms. Smith?”Nanlumo si Scott. “Si Ms. Smith ay in shock noong dumating sa ospital. Tagumpay ang opera, pero critikal ang kundisyon niya. Humanda ka para sa masamang balita.”Nanginig ang mga labi ni Caroline, at nakaramdam siya ng kilabot. “Anong ibig mo sabihin?”“Baka macomatose siya, “ paos na sinabi ni Scott.Nahilo si Caroline, at sumandal siya sa pader.Nasalo siya ni Neil. “Carol?”Nahimasmasan si Caroline, at lumuha siya. Puno ng guilt ang mukha niya. “Kasalanan ko ito…”Nakaramdam ng sakit sa puso si Neil. “Hindi mo ito kasalanan, Carol.”Umiling-iling si Caroline, habang umiiyak at nakatakip ang mukha gamit ang mga kamay. “Sobrang nakafocus ako sa paghihiganti at hindi ko inisip ang mga bata at si Ms. Smith!”“Carol, hindi makak
Naupo si Evan sa apartment, kung saan nananatiling nakatali si Tyler at Liora at may tape ang bibig.Nagulat si Evan ng matanggap ang tawag. Kinontrol niya ang sarili niya na hindi ngumiti at nagtanong ng malalim ang boses, “Anong problema?”Nagmakaawa si Caroline. “Evan, kailangan ko ang tulong mo para iligtas ang mga anak ko.”Nagtanong si Evan, “Anong nangyari sa kanila?”Sinabi ni Caroline ang mga naganap. “Sasangayon ako sa mga gusto mo kapag nakabalik ng ligtas ang mga anak ko,” sambit niya.Naging seryoso ang ekspresyon niya. “Bigyan mo ako ng dahilan para tulungan sila.”Huminga ng malalim si Caroline, “Sasabihin ko sa iyo ang nangyari limang taon na ang nakararaan.”“Nakikipagnegosasyon ka ba sa akin?” naging malamig ang tono ni Evan.Alam niya na kamukha niya si Tyler, pero itinago ni Caroline ang katotohanan.Sumagot si Caroline. “Hindi, Evan. Hindi ito ang oras para dyan. Isipin mo na lang ang pagmamakaawa ko sa iyo.”“Tawagan mo ako kapag nakapagdesisyon ka na,” ibinaba ni