Nahirapan si Caroline magdesisyon, matapos marinig kung paano magwala si Evan noong nakidnap siya.“Sinabi sa akin ni Ms. Smith na halos hindi kumain si Mr. Jordan ng tatlong araw,” sinabi ni Paige habang umiiling-iling.“Madalas mo nakakausap si Lily, tama ba?” tanong ni Caroline.“Oo, siya ang nagalaga sa akin noong wala ka. Marami akong natutunan mula sa kanya, kabilang na rin ang impormasyon na tinakot ni Mr. Jordan si Daniella para hanapin ka.”Nanlaki ang mga mata ni Caroline. “Gusto niyang ipaabort ang bata?”Tumango si Paige. “Sana nga, para sa kapakanan ng mga anak ninyo.”Ibinuka ni Caroline ang bibig niya. “Marami akong iniisip simula ng makidnap ako. Gusto ko na lumaki ang mga anak ko ng may proteksyon ng ama nila. Hindi ko maatim isipin na malagay sila muli sa panganib.”“So, makikipagbalikan ka kay Evan?” tanong ni Paige.“Hindi, sasabihin ko ang totoo sa kanya. Hindi ako magiging kabit niya, pero sasabihin ko ang pagdadalang tao ko at mga kagustuhan ko. Siya na ang magde
“Huwag mong isipin na magdahilan para sa isang kabit!” galit na galit si Grayson.Ang iniisip niya, “Marahil nabaliw na siya! Ang lakas ng loob niyang sabihin ito sa akin!”Tumayo ng mabagal si Evan at tinignan si Grayson, mata sa mata. “Kung ganoon, huwag mo akong sisihin sa hindi pagrespeto sa dating relasyon ng pamilya natin.”“Evan! Sa tingin mo makapangyarihan ka sa buong Angelbay?” galit na tanong ni Grayson.Walang pakielam na sinabi ni Evan, “Mukhang hindi mo alam ang sitwasyon dahil sa edad mo, Master Xander. Hindi magkakaroon ng puwesto ang mga Xander sa lipunan kung hindi dahil kay Neil.”Naglakad palayo si Evan matapos magsalita, iniwan niya si Grayson na nakatitig sa kanya ng masama at nanginginig sa galit.Matapos ang mahabang oras, nakarecover si Grayson mula sa pagkagulat niya at kinuha ang phone niya para tawagan si Draco.*Tatlong araw ng inaatake ng MK ang Xander Group.Maliban sa pagbagsak ng mga stock prices, kinuha ng MK ang dalawang mahalagang proyekto nito.Wal
Nabigla si Daniella, at napaisip, “Paanong nakabalik siya agad? Isang buwan pa lang noong nagpaplastic surgery siya!”Magrerequest si Nicholas ng hindi rasonable kapag nalaman niyang nasa Xander Residence si Daniella.Iba na ngayon sapagkat mukhang naiinis si Neil sa kanyang presensiya. Alam niyang maghihinala si Neil kapag nakipagkita siya kay Nicholas.Habang nag-iisip, may ideya bigla si Daniella.Nakahanap siya ng paraan para iligpit si Caroline at Nicholas.Daniella:[Maligayang pagbabalik, Nic. May kailangan ako sabihin sa iyo.]Nicholas: [Mag-usap tayo kapag nagkita na tayo. Namiss kita ng husto!]Daniella: [Huwag tayo magmadali, Nic. Nasa Xander Residence ako ngayon.]Nagpadala ng gulat na emoji si Nicholas.Nicholas: [Xander Residence, ang isa sa tatlong pinakamaimpluwensiyang mga pamilya sa Angelbay City?]Daniella: [Oo, kailangan natin maging maingat sa pagkikita! Magkita tayo sa makalawa. Pipili ako ng lugar at ipapaalam sa iyo, okay?]Nicholas: [Sige! Umaasa akong makarinig
Pumasok ng mag-isa si Daniella sa bahay, dala ang mga regalo, at inihatid siya ng butler para makita si Draco.Habang nakangiti, matamis niyang binati si Draco, “Hello, Mr. Jordan. Maraming salamat sa pag-imbita mo sa akin ngayon.”Matapos ang kaunting pagyuko, iniabot ni Daniella ang mga regalo sa katulong at naupo.Tinignan ni Draco si Daniella mula ulo hanggang paa at ngumiti ng hindi sinsero. “Inimbitahan kita dito para tanungin kung anong masasabi mo tungkol kay Caroline.”Tumigil sandali si Daniella at naisip, “Ito na ba ang pagkakataon ko para ipakita ang kabaitan ko bilang fiancée ni Evan?”“Naniniwala ako na tatlong taon ng kasama ni Caroline si Evan, tumulong siya at nagkaroon ng mga achievements para sa kanya,” sagot niya.“Hindi ka ba nag-aalala na kasama pa din niya si Evan?” tanong ni Draco.Nanatiling kalmado si Daniella at sinabi, “May tiwala ako kay Evan na maaayos niya ang sitwasyon.”Ngumiti si Draco, at inobserbahan siya ng mabuti. “Mukhang hindi ka natatakot sa pos
Nabigla si Caroline sa boses at humarap doon.Kailan nahiga si Evan sa kama? Bakit hindi niya naramdaman ang paghiga niya?Itinago niya ang panic niya at yumuko, “Oo.”Naupo si Evan para pagaanin ang loob niya. “Ang mga panaginip ay kabaliktaran ng realidad. Huwag mo ito damdamin.”Ibinuka ni Caroline at bibig niya at iniba ang topic, “Kailan ka pumasok?”“Noong alas tres ng madaling araw. Hindi kita gusto gisingin kasi late na akong nakauwi,” sinabi ni Evan matapos alisin ang kumot para bumangon.Tinignan niya ang pagod na mukha ni Evan at nagtanong, “Ikaw at ang pamilya Xander—”Hindi siya pinatapos magsalita ni Evan. “Huwag ka mag-alala. Magfocus ka lang sa kalusugan mo.”Inayos niya ang pajama niya at dumiretso sa dressing room.Nababalisa niyang hinawakan ang kumot at nag-alinlangan siya bago nagtanong, “Evan, seryoso ka ba sa sinabi mo kay Daniella?”Tumigil si Evan at humarap sa kanya. “Anong sinabi ko?”“Na hindi ka papayag na dalhin ng isang kabit ang anak mo,” sagot ni Caroli
Ibinaba ni Caroline ang phone niya. Hindi natutuwa ang kanyang ekspresyon. “Anong sinusubukan ni Daniella gawin?”Kadalasang may nalalaman si Daniella, ang hindi maintindihan ni Caroline ay kung bakit niya pinili sabihin ang impormasyon sa kanya.Ang lokasyon ng Dylan’s Café sa Sail Road ay kadalasang matao, kaya ang inisip ni Caroline ay hindi gagawa ng problema si Daniella.7:30 p.m. na ang oras ng natapos si Caroline asikasuhin ang mga bagay. Hinintay niya si Evan para bumalik sa bahay ng kalahating oras, noong hindi siya dumating. Nag-aalala siyang tumungo sa kuwarto ni Lily.Matapos mapansin ang ilaw sa ilalim ng pinto niya, kumatok si Caroline at binuksan ni Lily ang pinto.“Bakit gising ka pa?” tanong ni Lily habang kumukuha ng baso ng tubig para kay Caroline.Ibinuka ni Caroline ang bibig niya at sinabi, “Aalis ako bukas, Lily.”“Saan ka pupunta?” nagulat si Lily. “Hindi ka ba nag-aalala sa dalawang pamilya na iyon?”“Nag-aalala ako,” sagot ni Caroline. “At balak ko din sabihin
“Master Jordan?”Naging malabo ang boses ni Daniella noong nawalan ng malay si Caroline.*Noong nagising si Caroline, nakita niyang nasa tila apartment na bahay, at maamoy ang dugo sa paligid. Naramdaman niyang may mali, naupo siya at napansin ang balisong na may dugo sa kamay niya. Natakot siya at agad na itinapon ang balisong palayo.Kahit na marami siyang dugo na nakita sa katawan niya, wala siyang naramdaman na masakit. Kinilabutan siya matapos bumangon mula sa kama, hindi makatayo ng tuwid. Dahan-dahan siyang tumungo sa living room.Sa oras na makita niya ang lalake na nakahiga sa sahig, na puro dugo, at nanlalaki ang mga mata, nawalan ng lakas ang mga tuhod niya at bumagsak siya sa sahig.“Anong nangyayari?” napaisip siya.Nakarinig si Caroline ng mga yabag mula sa corridor bago niya naayos ang sarili niya mula sa pagkakagulat.Hindi nagtagal, dumating ang mga pulis sa bahay dala ang mga baril nila.Naintindihan ni Caroline ang sitwasyon noong makita niya ang mga pulis.Patibon
Tense ang panga ni Evan noong malamig siyang nagsalita. “Sa tingin mo ba ginawa niya ito?”“Mr. Jordan, hindi ganoong klase ng tao si Ms. Shenton, pero…”Bumuntong hininga si Reuben bago natapos magsalita. Wala siyang masabi.“Sa pulis station tayo.”Tumayo si Evan matapos ito sabihin.*Ininda ni Caroline ang ilang oras ng pagtatanong sa police station. Hindi siya makapagbigay ng sagot sa mga tanong ng detective. Desperado siyang malaman kung paano siyang napunta sa Redwood Neighborhood, na pinatay daw niya si Nicholas at sinaksak si Daniella.Ang nananatili lang sa kanya ay mga alaala na may sinabi si Daniella bago siya nawalan ng malay. Kahit na si Daniella ang pinaghihinalaan niya, walang ebidensiya si Caroline.Wala siyang magawa kung hindi hintayin si Evan na dumating para iligtas siya.Noong iniisip niya ang sitwasyon, bumukas ang pinto ng detention room, at isang babaeng pulis ang nag-utos, “Labas, Caroline.”Naisip niya bigla si Evan, tumayo siya at sinundan ang babaeng pulis
Hindi matigil si Liora sa pag-iyak, kaya binuhat siya ni Caroline at tinapik ang likod para pakalmahin siya.Patuloy si Liora na nakabaon ang mukha sa leeg ni Caroline, walang tigil sa pag-iyak. “Mommy, hindi ko gusto makita si Lola umalis. Hmm… ayaw ko…”Nalulungkot si Caroline para kay Liora, kaya mahigpit niyang niyakap ang bata. “Patawad. Hindi ko siya naprotektahan ng maayos. Kasalanan ko…”Mapula at namamaga ang mga mata nina Tyler at Axel. Hindi nila alam kung paano pagagaanin ang loob ni Caroline at Liora.Si Evan nakatayo sa puwesto niya at hindi gumagalaw. Bigla siyang paos na nagsalita at deperado ang kanyang boses. “Bakit?”Tinignan siya at nilapitan ni Caroline habang guilty at sinabi. “Patawad.”Matindi ang aura ni Evan habang palapit siya kay Caroline. “Caroline, sabihin mo sa akin! Bakit mo balak na sirain kami at ng nanay ko?”“Sirain?” sumimangot ng gulat si Caroline. “Anong ibig mo sabihin?”“Nagkukuwnari ka pa din na walang alam?” Ngumisi si Evan at tinitiga
Narinig ni Evan ang malakas na komosyon mula sa amusement park sa oras na bumaba siya ng sasakyan sa tapat ng entrance nito.Bigla, nakaramdam siya ng matinding sakit sa puso niya, kung saan napayuko siya sa sakit habang mahigpit ang pagkakahawak sa kanyang dibdib.Lumapit agad si Reuben at mga bodyguard para tulungan siya.“Mr. Jordan, okay ka lang?” sabay na tanong ni Reuben at Julian.Nakaramdam ng matinding panic si Evan, kung saan itinulak niya palayo ang iba. Nahirapan siyang kontrolin ang pagkahilo niya at paninikip ng dibdib habang paputna sa amusement park.Sa loob, nagkakagulo sila habang nagmamadali na lumapit sa Ferris wheel.Hinawakan ni Julian ang isang empleyado at nagtanong tungkol sa aksidente.Sumagot ang nagpapanic na empleyado, “Ang isang pod mula sa Ferris wheel ay nalaglag!”Matapos iyon marinig, tumingala si Reuben at nakita ang bakanteng puwesto kung nasaan ang Ferris wheel, na 200 metro ang taas.Maliit lang ang pag-asa ng tao sa loob…Nagpanic si Eva
Agad na tumayo si Caroline para habulin si Jamie, pero hinarangan siya ng empleyado. “Ma’am, tumigil ka sa kalokohan mo! Napakadelikado dito!”Dahil hindi niya mahabol si Jamie, sumigaw siya, “Jamie, huwag mo buksan ang pinto. Dyan ka lang!”Tumango si Jamie.Nagfocus si Caroline sa pod ni Jamie at naabala ng isa pang empleyado na umalis ng platform.Sinabi ni Axel, para pakalmahin si Caroline. “Mommy, gusto ni Lola ng ice cream. Ikuha natin siya.”Dahil wala siyang magawa, ibinili ni Caroline ang mga bata ng ice cream habang nakatitig sa Ferris Wheel.Lumipas ang ilang minuto at umabot sa rurok ang pagkabalisa ni Caroline habang umaabot sa pinakamataas na punto ang pod. Sumayaw ito sa hangin, kung saan nanghina ang mga tuhod ni Caroline.Hindi malaman ni Caroline kung natatakot ba si Jamie o hindi. Ang ipinagdasal niya ay manatili si Jamie na hindi kumikilos.*Samantala, nakaupo si Jamie sa pod, tinitignan ng mabuti ang magandang view sa Angelbay City. Unti-unti siyang nagin
Malupit na nag-utos si Evan. “Go!”*Nag-eenjoy si Caroline sa pagsama sa mga bata sa amusement park.Pagkatapos, pumila sila para sa Ferris wheel.Noong tumingala si Axel sa mataas na Ferris wheel, na dalawang daang metro ang taas, namutla siya. Natatakot siyang sumakay sa mga rides dahil takot siya sa matataas na lugar. Kahit na ang makita lang ito ay sapat na para mahirapan siyang huminga.Napansin agad ni Tyler na may mali kay Axel at nagtanong, “Axel, hindi ba maganda ang pakiramdam mo?”Sinubukan ni Axel na umiling-iling at magmatapang, “Okay lang—”Bago pa siya natapos magsalita, sumuka siya habang mahigpit ang kapit sa kanyang tiyan.Napalingon agad si Caroline at Jamie sa komosyon.Noong nakita nila si Axel, natakot si Caroline. Nagmadali siya para yumakap.“Axel?” nababalisang tanong ni Caroline. “Anong problema?”Habang nahihilo, mahinang sumagot si Axel, “Mataas…”“Mataas?” tumingala si Liora ay tinignan ang umiikot na Ferris Wheel sa itaas.“Oh! Mommy, takot s
Linggo, nangako si Caroline na isasama si Jamie at ang tatlong mga bata sa amusement park.Umalis siya matapos magreserve ng mga ticket at dumating sa destinasyon ng 10:00 a.m.Kumportable ang panahon, at nag-ooperate ang lahat ng facilities ng park.Nakatitig si Jamie sa pinakamtaas na Ferris wheel sa oras na pumasok siya sa amusement park.Nagtanong si Caroline, “Jamie, interesado ka sumakay sa Ferris wheel?”“Oo. Naaalala ko na sumakay ako dito ng may kasama…” bulong niya ng mahina bago nadistract.Natawa si Liora at sinabi, “Alam ko. Baka ang boyfriend mo!”Nabigla si Caroline, “Lia, ingat ka sa mga salita mo.”Inilabas ni Liora ang dila niya. “Mommy, nakikipagbiruan lang ako kay Lola.”Naguluhan na nagtanong si Jamie, “Boyfriend?”Nagsalita si Caroline at sinabi, “Nagsasabi lang ng kung ano-ano si Lia. Sasakay tayo mamaya sa Ferris wheel kung gusto mo, Jamie.”Ngumiti si Jamie. “Sige, makipaglaro muna tayo kasama ang mga bata.”“Yehey, Lola!”Natuwa si Liora, hinatak
Matapos ang dinner, tumungo si Paige sa Bayview Villa.Aalis sana si Caroline para gumala kasama ang mga bata ng makita niya si Paige na nagmamaneho patungo sa hardin niya.“Nandito si Ninang!” tumakbo si Liora palapit sa sasakyan ni Paige at itinaas ang kanyang mga kamay ng buksan ni Paige ang pinto. “Yakapin mo ako, Ninang!”Binuhat ni Caroline si Liora, hinimas ang ilong niya at sinabi, “Ang importante kong Lia, lalabas ka ba?”Masunuring tumango si Liora. “Isasama kami ni Mommy na maglakad-lakad. Sasama ka ba?”“Sige!” binuhat ni Paige si Liora at lumapit kay Caroline. “Carol, puwede ba ako sumama? May pabor akong hihingin sa iyo.”Nagulat si Caroline dahil lumapit si Paige sa kanya para humingi ng pabor. “Sige, tara.”Habang naglalakad, nakipagusap si Paige sandali sa mga bata bago sinabi kay Caroline, “Carol, matutulungan mo ba ako makontak si Ms. Salvatore?”Natulala si Caroline. “Hihingin mo ba ang tulong ng mentor ko sa pagdidisenyo ng damit?”Sinabi ni Paige, “Oo. Gu
Gusto magsalita si Caroline, pero sinabi ni Evan, “Caroline, kaya mo ba mangako na wala ka ng nararamdaman para sa akin?”Sumakit ang puso ni Caroline ng marinig ang galit na sainabi ni Evan habang nanliliit siya.Ngunit, alam niya na dapat matapos na ang koneksyon nila sa isa’t isa!Pinigilan niya ang sakit na nararamdaman niya at sinabi, “Pumunta ako sa ospital para suklian ka, Evan. Hindi na kailangan na mangako ako, pero ako ang hindi makatiis sa relasyon natin. Naiintindihan mo ba iyon?”“Ako hindi! Bakit ang dali para sa iyo ang bumalik sa relasyon ng ganoon na lang? Ano ba ang tingin mo sa akin?”Sumandal si Caroline sa upuan habang nanghihina. “Ano ba ang tingin ko sa iyo? Kinuwestiyon mo na ba ang sarili mo sa kung anong kinuha mo mula sa akin? Kabit ang turing mo sa akin limang taon na ang nakararaan at hinahanap mo ako matapos mo malaman na ako ang nagligtas ng buhay mo.”“Paano kung wala ka pa din alam tungkol sa insidente? Si Daniella pa din ang karelasyon mo at mina
Dramatic ang pagpasok ni Alex sa kuwarto, hawak ang phone niya at hirap na hirap magsalita habang tumatawa.“Evan, dapat mo makita ang live stream ni Caroline. Hindi ako matigil kakatawa. Ang sinabi niya ay inaabala mo siya…”Nanigas ang ngiti ni Alex ng makita ang mahigpit na mukha ni Evan at titig.Nakita ni Alex ang tablet ni Evan. “Oh no, lagot ako!” naisip niya bigla.Tense ang ekspresyon ni Evan habang galit na nagtatanong, “Nakakatawa ba ito?”Naging seryoso ang ekspresyon ni Alex. “Hindi ito nakakatuwa! Sumosobra na si Caroline! Ang bait bait mo sa kanya! Paano niya nagawa na magsalita ng ganito? Dapat hindi niya ito sinabi kahit na gusto niyang protektahan ang reputasyon niya!”Lumapit si Alex kay Evan at nagpatuloy. “Evan, sa tingin ko oras na para pag-isipan mo na ito! Naniniwala ako na wala ng nararamdaman si Caroline para sa iyo. Mas mabuti na magpakasal ka sa iba sa lalong madaling panahon kung hindi mawawala ang pagkakataon mo na inisin siya!”Sumingkit ang mga ma
Higit ng doble ang dami ng pre-order ng TYC kumpara sa MK sa loob lamang ng ilang oras.Matinding sensation ang idinulot nito sa fashion industry.Inisip ng mga tao ang abilidad ng MK na manatili sa leading posistion sa fashion industry.Nagmadali ang journalist na pumunta sa TYC para magconduct ng interview kay Caroline.Sumangayon si Caroline sa interview at sinabihan ang assistant niya, na si Josie Gardner, na samahan ang journalist papunta sa reception room, kung saan sila magkikita.Ang journalist, na si Paxton Parker, ay tumayo at nakipagkamay kay Caroline sa oras na pumasok siya. Maraming salamat sa paglalaan ng oras para gawin ito ngayon, Ms. Shenton.”Nagsalita si Caroline habang nakangiti ng kaunti, “Okay lang. Maupo ka.”Nagtanong si Paxton pagkatapos maupo, “Magsisimula na ang recordin natin. Isa itong live-streamed interview. Sana okay lang ito sa iyo, Ms. Shenton.Sumimangot si Caroline dahil hindi siya nasabihan agad.Ngunit, tumango siya.Tumango si Paxton sa