Pinagmasdan ko ang kontratang nakalatag sa harapan ko. Isang papel na may nakasulat na kasunduan simple, diretso, at walang lusot. Isang pirma lang, at magbabago na ang buhay ko. Napalunok ako.Sa kabilang dulo ng lamesa, nakaupo si Dominic Velasco ang lalaking pumilit sa akin sa sitwasyong ito. Tahimik lang siyang nakamasid, pero ang presensya niya ay parang anino ng panganib na bumabalot sa buong silid. Ang malamlam niyang mga mata ay puno ng misteryo, at ang bahagyang ngiti sa labi niya ay tila nagbabadya ng isang laro kung saan siya lang ang mananalo."This is it, Ava. Wala nang atrasan.""You look nervous,"aniya,ang boses niya’y mababa at puno ng kumpiyansa. "Are you having second thoughts, Ava?"Napalunok ulit ako. Oo. Pero wala akong ibang pagpipilian. Huminga ako nang malalim at itinuwid ang likod ko. Hindi ako pwedeng magpakita ng kahinaan. Hindi sa harap ng isang tulad niya. "Of course not,"sagot ko, pinipilit gawing matatag ang boses ko. Kinuha ko ang panulat at mara
Dahan-dahan kong inikot ang tingin sa loob ng penthouse. Napakalawak ng espasyo, puno ng modernong kasangkapan at mamahaling dekorasyon. Pero kahit gaano ito kaganda, hindi ko mapigilang maramdaman ang bigat sa dibdib ko parang isang ginintuang hawla na hindi ko alam kung kailan ko matatakasan. Tahimik akong naglakad papunta sa floor-to-ceiling window. Mula rito, tanaw ko ang buong lungsod mga ilaw, sasakyan, at mga taong patuloy lang sa buhay nila. Samantalang ako? Nakatayo sa isang lugar na hindi akin, sa isang buhay na hindi ko alam kung paano ko haharapin. "I made sure everything you need is here." Napapitlag ako nang marinig ko ang boses ni Dominic sa likuran ko. Napakabilis ng tibok ng puso ko, hindi ko alam kung dahil sa kaba o sa epekto ng presensya niya. Hindi ako lumingon. "At kung may kailangan akong wala rito?" Naramdaman ko ang paglapit niya. Kahit hindi ko siya nakikita, ramdam ko ang init ng katawan niya sa likuran ko. "Then tell me," sagot niya sa maba
Bago pa ako makagalaw, lumapit si Dominic. Mabagal, pero sigurado parang isang predator na alam nang wala nang kawala ang biktima. Ang pintuan sa likuran niya ay nanatiling bukas, pero pakiramdam ko, kahit anong gawin ko, hindi ako makakatakas. Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa. Mapanuri. Para bang sinusukat niya kung hanggang saan ang kaya kong itago. "Hindi ka sumagot," aniya, bahagyang tumaas ang isang kilay. "Hindi mo ba ako na-miss?" Hindi ko alam kung anong mas dapat kong katakutan ang presensya niyang masyadong malapit o ang epekto ng boses niyang tila dinisenyo para guluhin ang utak ko. "Hindi kita kailangang ma-miss," sagot ko, pilit pinatatatag ang boses ko. "You never really left." Isang mapanganib na ngiti ang gumuhit sa labi niya. "Smart answer." Pero ang susunod niyang ginawa hindi ko inaasahan Bigla siyang lumapit pa. Masyadong malapit. Napalunok ako. "Ano'ng gusto mong laro ngayon, Ava?" bulong niya, mababa, halos lumulutang sa pagitan
Ang hawla ko ay hindi gawa sa bakal. Hindi ko rin ito nakikita. Pero nararamdaman ko ito sa bawat hakbang ko sa loob ng penthouse ni Dominic Velasco.Nakatayo ako sa harap ng malaking salamin sa walk-in closet, suot ang isang cream-colored silk dress na siguradong hindi ko pinili. Lahat ng damit dito, lahat ng gamit, ay hindi akin pero isinakto sa akin.Parang ako mismo ang bahagi ng koleksyon niya Napapikit ako sandali. Hindi. Hindi ako pag-aari ng kahit sino.Biglang bumukas ang pinto. Hindi ko na kailangang lumingon para malaman kung sino iyon.Narinig ko ang mabagal niyang paglapit. "Hindi mo nagustuhan ang damit?"Ibinuka ko ang mata ko at tiningnan ang repleksyon niya sa salamin. Nakatayo siya sa likod ko, naka-black suit, nakaluwag ang kurbata. Kahit hindi siya nagsasalita, ang presensya niya ay parang pader na hindi ko matutulak. "I don’t like wearing things I didn’t choose,"sagot ko nang matigas. Bahagyang lumitaw ang ngiti niya isang ngiting hindi ko alam kung dapat bang
Tahimik ang penthouse. Ngunit hindi ito nakakapagpakalma sa akin. Ang katahimikan dito ay isang ilusyon isang bitag na gustong iparamdam ni Dominic.Ngunit hindi ako magpapadala.Nakatayo ako sa harap ng malalawak na bintana, nakatingin sa kumikinang na city lights sa ibaba. Napakataas ng penthouse na ito parang isang kulungan na hinubog mula sa kayamanan at kapangyarihan.Kahit may mundo sa labas, hindi ko iyon mararating nang hindi dumadaan kay Dominic Velasco. Pero hindi ko siya hahayaang maging bantay ng mundo ko.Humigpit ang hawak ko sa isang papel na nakatago sa bulsa ng suot kong robe ang orihinal na kontrata. Kung tama ang hinala ko, may butas dito. At iyon ang magiging daan ko palabas.Muli kong naalala ang dokumentong nakita ko kanin Project Blackthorn. At ang pangalang nakapirma sa ilalim?Dominic Velasco.Isang matalim na ingay ang pumunit sa katahimikan ang pagbukas ng pinto. Hindi ko kinailangang lumingon. Alam ko kung sino iyon."May iniisip ka na namang hindi mo dapat
Masyado akong natulala para gumalaw.Si Dominic Velasco ay nakatayo sa harapan ko, malamig ang titig, bahagyang nakangiwi parang matagal na niya akong hinayaang mahulog sa patibong.Ang bawat segundo ay parang mas humihigpit ang tanikala sa paligid ko.Pero hindi ako pwedeng magpakita ng takot.Pinilit kong itaas ang ulo ko, pilit pinapatibay ang boses ko kahit kumakabog ang dibdib ko."Matagal mo na akong pinapanood, hindi ba?"Hindi siya sumagot. Sa halip, pumikit siya saglit, para bang sinusuri ang sitwasyon bago bumalik ang titig niya sa akin."I was curious how long it would take you to try something stupid," aniya sa mababang boses.Parang dagok sa dibdib ko ang tono niya hindi nagagalit, hindi rin nagugulat. Para bang alam na niyang gagawin ko ito."At ano? Natutuwa ka dahil tama ang hinala mo?"pilit kong tinawanan, pero kahit ako ay ramdam ang bahagyang pagyanig sa boses ko.Humakbang siya papalapit. Hindi ko namalayan na napaatras ako hanggang sa dumikit ako sa gilid ng mes
Madilim ang silid, tanging ang ilaw mula sa labas ang nagbibigay ng liwanag habang hawak ko ang papel. "You think you can play with fire, Ava? Then let’s see how far you can go." Saglit akong natigilan. Nanginginig ang mga daliri ko habang mabilis kong pinunit ang papel. "Tangina…" Pinulot ko ang mga piraso at itinapon sa basurahan. Huminga ako nang malalim, bumaling sa pinto. "Fine. Kung gusto mong makipaglaro, Dominic…" Kinabukasan, paglabas ko ng kwarto, naabutan ko si Dominic sa hapag-kainan. Kalmado siyang nagkakape, parang walang nangyari kagabi. Nang magtama ang mga mata namin, may bahagyang ngiti sa labi niya—hindi ngiti ng kasiyahan, kundi ng isang taong sigurado sa sarili niyang panalo. "Good morning, Ava. Nagustuhan mo ba ang regalo ko?" Tumawa ako nang bahagya. "Regalo? Isang papel na may banta? Ang cheap naman, Dominic. Akala ko pa naman may class ka." Napailing siya, may bahagyang ngisi sa labi. "Ava, Ava… Alam mo ba kung ilang galaw lang ang kailangan para
Mas lumakas ang ingay ng putukan sa labas. Kumakabog ang dibdib ko, pero hindi ako maaaring magpakita ng takot. Hindi sa harap ni Dominic. "Ava, sumunod ka sa akin," utos niya, matigas ang tono. "At kung hindi?" Bumaling ako sa kanya, mahigpit na hinigpitan ang pagkakapit sa aking bag. Mabilis siyang lumapit, inilapit ang mukha sa akin. "Then I’ll carry you if I have to. You’re not running away from me, sweetheart." Bago ko pa maitulak siya palayo, bumukas ulit ang pinto. Dalawang armadong lalaki ang pumasok, halatang hindi kakampi ni Dominic. "Huwag kayong gagalaw," mariing sabi ng isa, itinutok ang baril kay Dominic. Ngumisi lang si Dominic, walang bahid ng takot. "Mukhang hindi kayo sanay sa ganitong laro." Bago pa sila makareact, sa isang mabilis na galaw, na-disarmahan na niya ang isa. Napasigaw ito sa sakit nang baluktutin ni Dominic ang braso niya, kasabay ng mabilis na suntok sa sentido. "Dominic!" Napaatras ako nang makita kong bumagsak ang lalaki, walang
Ava's PovHindi ako makatulog.Ang tunog ng wall clock sa silid ay tila martilyong bumabagsak sa bawat segundo. Tik. Tik. Tik. Parang paalala na nakakulong ako sa isang kasunduang hindi ko pa rin lubos maintindihan.Ang bawat salitang sinabi niya kanina—"Ikaw ang kabayaran.""This is a game you're not ready to play."—ay paulit-ulit na nag-e-echo sa utak ko.Napasapo ako sa ulo habang nakaupo sa gilid ng kama.Bakit ako? Anong laro ‘to? Sino ang kalaban?Tumayo ako at bumaba nang tahimik. Madilim ang buong mansion, pero kabisado ko na ang bawat hakbang. Tila may humahatak sa akin. Hindi ng takot, kundi ng matinding pangangailangan.Pumasok ako sa study ni Dominic.Tahimik. Malinis. Amoy leather at mamahaling pabango. Ang ilaw mula sa buwan ay sapat lang para maaninag ko ang eleganteng desk sa gitna.Lumapit ako.May ilang papel sa ibabaw—business contracts, confidential reports. Pero ang mata ko, napatigil sa isang drawer na may electronic lock.Napalunok ako.Alam kong mali, pero pi
Ang hangin ay malamig at mahangin, sumisipol sa mga naglalakad na dahon sa paligid ng mansyon. Dahan-dahan akong pumasok sa malawak na sala, ang mga sapatos ko ay tahimik na kumakaluskos sa malamlam na marmol na sahig. Sa bawat hakbang ko, pakiramdam ko’y isang buong mundo ang sumasara sa aking harapan—isang mundo na puno ng mga lihim at pagnanasa na hindi ko kayang itago pa. Hinawakan ko ang hawakan ng malaking salamin sa harap ko, ang aking mukha ay makikita sa ibabaw ng ibabaw ng malamlam na tubig. Ang mga mata ko ay puno ng tanong—tanong na matagal ko nang itinatago, pero hindi ko na kayang pigilan. Kailangan ko ng sagot, at alam kong tanging siya lang ang makapagbibigay nito. Si Dominic. Hindi ko alam kung anong nangyari sa amin. Paano ba kami napadpad sa ganitong punto? Ang kontratang kasal na parang isang prangkisa ng mga panaginip, na ngayon ay nauurong sa mga desisyon na magtatakda ng aming mga buhay. Iniisip ko kung kaya ko pa bang ipagpatuloy ang lahat ng ito, lalo na
Kaharian ng dilim. Ang gabi ay tila nagsisilbing kumot na nagtatago ng mga lihim at kasinungalingan. Sa loob ng mansion na minsan ay puno ng sigla at mga tawanan, ngayon ay pawang katahimikan. Nasa isang sulok ako, tahimik na nagmamasid mula sa bintana, ang malamlam na liwanag ng buwan ang nagsisilbing tanging ilaw. Tinutukso ako ng hangin, dahan-dahang pumapasok sa silid at nagdadala ng malamig na simoy mula sa bukirin sa labas. Hindi ko alam kung bakit ako nagbabalik sa mga alaala ng mga sandaling iyon—mga oras na masaya kami. Bago ang kontratang kasal na ito. Bago ko matutunan kung paano ang magtiis, magpakumbaba, at magbigay ng aking puso nang walang kasiguraduhan. At siya... Dominic Velasco. Ang lalaking isang araw ay pinili kong ipagkatiwala ang aking buhay sa kabila ng lahat ng lihim at misteryo na bumabalot sa kanya. Tinutok ko ang aking mata sa madilim na abot-tanaw. Naalala ko pa ang araw na tinanong ko siya, "Bakit ka ganyan? Bakit mo ginagawa ito?" Ang sagot niya ay
Ava's-Pov Tahimik muli. Pero ibang katahimikan na ito—hindi na lang basta takot o pagkagulat. Ito 'yung uri ng katahimikan na parang may gumigising sa loob mo. Mabagal. Malalim. Mapanakit. Ang amoy ng lumang kahoy at kalawang ay muling sumalubong sa akin habang nakatayo ako roon, nanginginig. Ilang segundo lang ang lumipas simula noong marinig ko ang boses ni Leon, pero pakiramdam ko'y parang isang buhay ang bigat na bumagsak sa dibdib ko. Sino siya? Bakit kilala niya ako? At higit sa lahat… ano'ng kinalaman niya kay Dominic? Humigpit ang hawak ko sa dibdib ko, pilit inaawat ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko na alam kung alin ang mas dapat kong katakutan—ang lalaking nasa harapan ko na may mga mata ng isang mandaragit, o ang lalaking dati kong minahal, pero ngayon ay tila estranghero na. "Dominic..." mahina kong sambit, halos hindi ko na marinig ang sarili ko. "Hindi ba sapat ang sakit na binigay mo? Bakit pati ngayon, parang ako pa rin ang may kasalanan?" Hindi siya
Tahimik. Tahimik na parang ang buong mundo ay huminto sa pag-ikot. Ang amoy ng kalawang at langis ay sumalubong sa akin. Malamig ang hangin, at parang may mahahabang anino sa paligid ko—mga bagay na hindi ko kayang makilala. May kakaibang lamig na tumatagos sa aking balat, parang ang mga pader ay nag-uusapan, at ako’y isa lang sa kanilang mga saksi. Ang katawan ko'y mabigat. May posas sa aking mga kamay. Ang mga sugat sa katawan ko, hindi ko na alam kung alin ang mula sa laban ko o sa mga ulap ng takot na patuloy na bumabalot sa isip ko. Ang bawat paghinga ko’y mabigat. Ang bawat segundo, nararamdaman ko ang tensyon—isang tensyon na hindi ko kayang takasan. Hindi ko alam kung anong nangyari sa aking katawan, pero may isang bagay na tiyak: hindi ko kayang maghintay na walang kasiguraduhan. Wala akong ibang naiisip kundi si Dominic. Buhay ba siya? Ano ang nangyari sa kanya? Bakit ako nandito? Bumangon ako. Nasa sahig ako, malamig. Iniiwasan ko ang mga mata ng dilim sa paligid, ngun
Tahimik ang paligid, ang hangin ay malamig at ang mga puno ay parang nagmamasid sa akin mula sa dilim. Hawak ko ang maliit na device na iniabot sa akin ni Natalie, at kahit hindi ko pa ito binubuksan, nararamdaman ko na may matinding misteryo sa likod nito.“Ava…” Boses ni Natalie, maingat ang tono. “Kailangan mong magtiwala sa ‘kin. Si Dominic… may dahilan kung bakit ako nandito.”Hindi ko siya tinitigan. Ang utak ko’y punong-puno ng katanungan, pero may isang bagay na mas mahalaga kaysa sa lahat ng ‘yon. Si Dominic. Hindi ko kayang maghintay na hindi alam kung ano ang nangyari sa kanya.“Bakit mo ‘to binigay?” tanong ko, ang kamay ko’y nanginginig habang pinipilit ko muling i-focus ang mata ko sa device. “Ano ang laman nito?”Ngumiti si Natalie, pero may kalungkutan sa mga mata niya. Inabot niya ang device sa akin, at siya na ang nagplano kung paano ito bubuksan. Hinintay ko lang na maganap ang lahat ng iyon. Kailangan ko ng sagot.Pinindot niya ang isang button. Biglang nagliwanag
Tahimik ang paligid pero ang ingay sa utak ko ay parang kulog. Ang countdown sa device na hawak ko ay patuloy sa pagbibilang… 02:47...02:46...02:45. Tumunog ang alarm sa loob ng kwarto. Ilang segundo pa at maaaring sumabog ang buong lugar—o baka may iba pang mas malala. “Dominic!” sigaw ko, hawak pa rin ang device. “Ano bang nangyayari?” Hindi siya sumagot. Sa halip, nilapitan niya ako at marahang hinawakan ang braso ko. “Makinig ka, Ava,” bulong niya. “Wala na tayong oras. Sa likod ng painting sa kanan, may secret exit. Dumeretso ka roon. Sundin mo ang daan. At kahit anong mangyari, huwag kang lumingon.” “Paano ka?” tanong ko. “Hindi kita iiwan dito.” Ngumiti siya ng mapait. “Hindi na ito tungkol sa ‘kin. Ang mahalaga, makaligtas ka.” 02:22...02:21... Biglang may sumabog na pinto. Dalawang tauhan ni Voss ang pumasok, armado. “TUMAKBO KA NA, AVA!” sigaw ni Dominic. Pero bago pa ako makagalaw, humarang siya sa harap ko at sinugod ang mga lalaki. Nagsimula ang putukan. Tumil
Tahimik sa loob ng kwarto. Ang tanging tunog na naririnig ko ay ang mabilis na pintig ng puso ko, at ang malalim na hininga ni Dominic. Sobrang tahimik, parang naghihintay ng pinakamalupit na pagbagsak. Nasa harap ko siya, at parang ang bigat ng bawat segundo na lumilipas. “Pinaglaruan mo ba ako, Dominic?” tanong ko, binitiwan ko ang bawat salitang parang may lason. “Lahat ng ito—lahat ng pinagdaanan ko—wala ba talagang halaga sa’yo?” Ang mga mata ni Dominic ay walang kibo. Hindi siya gumagalaw, at parang ang bigat ng katawan niya sa harap ko. Wala siyang sinasabi, at para bang ang sagot niya ay nakatago sa isang lugar na ayaw niyang ipakita. “Ava, please…” Ang boses niya, halos isang bulong. “Hindi ko kayang sagutin ang mga tanong mo.” Tumigil siya, pero alam ko na nararamdaman niya ang sakit ng mga salitang ipinaparamdam ko sa kanya. Hinaplos ko ang aking pisngi at tumingin sa kanya, hindi ko kayang magpatawad, ngunit parang gusto ko na ring marinig mula sa kanya ang lahat n
Tahimik ang paligid, pero ang utak ko, parang orasan na may sirang tunog—paulit-ulit, walang tigil. 2:32AM. Tatlumpu’t walong minuto na lang. Luminga ako sa paligid ng kwarto—pareho pa rin. Walang tao, walang tunog maliban sa tunog ng bentilasyon sa kisame. Pero may nagbago… ako. Hindi na ako parehas ng Ava kahapon. At kung totoo man ang nakita kong sulat, ito na ang tanging pagkakataon ko. “Trust only the Blue.” Tumayo ako mula sa sulok ng kama. Sinubukan kong paikutin ang wrist ko. Masakit, pero kaya na. Pinag-aralan ko ang mga screws sa bakal na cuffs, gamit ang pinakatalim na bahagi ng pagkain tray na kiniskis ko buong araw sa sahig. Kung may camera man, sigurado akong alam na nilang may binabalak ako. Pero bahala na. Ang hindi nila alam—sanay na akong mabuhay sa pagitan ng tiwala at takot. 2:41AM. May tunog ng paa sa labas. Tumigil ako. Hinigpitan ko ang hawak sa tray, tinago ito sa likod. Click. Bumukas ang pinto. Pumasok ang isang babae—nakaputing coat, may dala lang