Share

Chapter 3: The Cage

Penulis: James0626
last update Terakhir Diperbarui: 2025-03-28 12:47:16

Bago pa ako makagalaw, lumapit si Dominic. Mabagal, pero sigurado parang isang predator na alam nang wala nang kawala ang biktima. Ang pintuan sa likuran niya ay nanatiling bukas, pero pakiramdam ko, kahit anong gawin ko, hindi ako makakatakas.

Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa. Mapanuri. Para bang sinusukat niya kung hanggang saan ang kaya kong itago.

"Hindi ka sumagot,"

aniya, bahagyang tumaas ang isang kilay.

"Hindi mo ba ako na-miss?"

Hindi ko alam kung anong mas dapat kong katakutan ang presensya niyang masyadong malapit o ang epekto ng boses niyang tila dinisenyo para guluhin ang utak ko.

"Hindi kita kailangang ma-miss,"

sagot ko, pilit pinatatatag ang boses ko.

"You never really left."

Isang mapanganib na ngiti ang gumuhit sa labi niya.

"Smart answer."

Pero ang susunod niyang ginawa hindi ko inaasahan

Bigla siyang lumapit pa. Masyadong malapit. Napalunok ako.

"Ano'ng gusto mong laro ngayon, Ava?"

bulong niya, mababa, halos lumulutang sa pagitan naming dalawa. Alam kong hindi ako pwedeng umatras. Hindi ko pwedeng ipakitang natitinag ako. Pero ang tanong... hanggang kailan ko ito kakayanin?

"Ano'ng gusto mong laro ngayon, Ava?"

Ang boses niya ay parang bulong ng demonyo sa tainga ko malamig pero may halong init na hindi ko maintindihan.

Hindi ako umatras, kahit gusto kong lumayo. Bawal magpakita ng kahinaan.

"Hindi ako naglalaro, Dominic."

Isang ngisi ang sumilay sa labi niya, para bang natutuwa siya sa sagot ko.

"Oh, Ava... but you are."

Bigla siyang lumapit pa, bahagyang yumuko, at idinampi ang labi niya malapit sa tainga ko.

"At sa larong ito…"

bulong niya.

"Ako lang ang nananalo."

Napalunok ako. Alam kong dapat akong matakot. Pero bakit, sa halip na kabahan, may kung anong kilabot na dumaloy sa akin isang bagay na hindi ko gustong maramdaman.

"We'll see."

Ipinakita kong hindi ako natitinag. Pero ang hindi ko inaasahan, ang sumunod niyang ginawa Bigla niyang hinawakan ang baba ko, marahan pero may kontrol.

"Oh, we will."

Hindi ko alam kung bakit nanlamig ang katawan ko dahil ba sa takot? O dahil sa paraan ng paghawak niya sa akin, na parang… pag-aari na niya ako?

Pinilit kong hindi ipakita ang pag-aalinlangan sa mga mata ko. Pero nang hagurin ng hinlalaki niya ang gilid ng labi ko, hindi ko napigilang mapasinghap.

"Anong gusto mong patunayan, Dominic?"

tanong ko, pilit na pinananatili ang boses kong matatag.

Bahagya siyang tumawa, mababa at puno ng misteryo

. "Patunayan? Hindi ko kailangang may patunayan, Ava."

Lumapit pa siya. Mas lalong kumitid ang pagitan namin.

"Pero ikaw…"

Bumaba ang tingin niya sa labi ko, saka muling bumalik sa mga mata ko.

"Handa ka na bang patunayan na akin ka na talaga?"

Muling bumigat ang katahimikan sa pagitan namin. At sa moment na ‘yon, narealize ko Wala akong ligtas.

Parang isang hindi nakikitang gapos ang pumalibot sa akin, isang paalala na mula ngayon, ako ay pag-aari na ni Dominic Velasco.

Hinayaan ko ang sarili kong huminga ng malalim, pinipilit ipanatili ang kontrol sa sarili ko. Hindi ako pwedeng matinag. Hindi ko siya pwedeng bigyan ng kasiyahang makita akong mahulog sa mga patibong niya.

"Akin ka na, Ava. Alam mong wala ka nang atrasan,"

bulong niya, halos nakadikit na ang labi niya sa pisngi ko.

Tumayo ang balahibo ko. Pero imbes na umurong, tumingin ako diretso sa mga mata niya madilim, puno ng kung anong emosyon na hindi ko mabasa.

"Sa papel, oo."

Bahagya siyang ngumiti, pero ang titig niya ay nanatiling matalim.

"Sa lahat ng aspeto."

"Hindi kita pagmamay-ari, Dominic."

Katahimikan. Saglit lang, pero sapat para maramdaman ko ang bigat ng hangin sa pagitan namin.

Tapos, bigla siyang tumawa. Mababa. Mapanganib.

"Ava, Ava, Ava… Alam mong hindi ka na makakatakas."

Lumapit siya, tinakasan ko siya ng isang hakbang paatras, pero hindi sapat para mapalayo ako.

"Hindi ko kailangang tumakas,"

sagot ko, pilit pinapatibay ang boses ko.

"Dahil wala naman akong balak manatili."

At doon, nawala ang ngiti niya. Isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa amin. Tapos, sa isang iglap Hinila niya ako palapit.

Nagpantay ang mga mukha namin, at naramdaman ko ang init ng hininga niya sa balat ko. Mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko, pero hindi ko ipinakita.

"Mali."

Ang boses niya ay bahagyang bumaba, halos paos.

"Dahil hindi ako ang lalaking basta mong iiwan."

"Tingnan na lang natin."

At sa saglit na ‘yon, alam kong mas delikado pa siya kaysa sa inakala ko.

Dahil para kay Dominic Velasco… Ang isang beses na pagpirma ko sa kontrata ay habambuhay na hatol.

At ngayon, heto na ako nakaupo sa loob ng kanyang marangyang mansyon, pero pakiramdam ko’y nakakulong sa isang hawla.

Tahimik akong nagmasid sa paligid. Malalaki ang bintana, ang mga kurtina’y mamahalin, at ang buong silid ay sumisigaw ng kayamanan. Pero sa kabila ng ganda nito, hindi ko maiwasang makaramdam ng bigat sa dibdib.

Ito na ang magiging mundo ko mula ngayon. Biglang bumukas ang pinto Si Dominic.

Suot pa rin niya ang itim na long sleeves niya, bahagyang nakasalikop ang manggas hanggang siko, at bahagyang nakabukas ang unang dalawang butones sa kwelyo. Mapanuri ang tingin niya, parang sinusukat ang reaksyon ko.

Nagtagpo ang mga mata namin, at hindi ko alam kung bakit parang may malamig na kamay na humawak sa leeg ko.

"Miss mo ba ako, Ava?"

Napalunok ako.

Sa tanong niyang iyon, alam kong ang tunay kong laban ay ngayon pa lang magsisimula.

Nagtagpo ang mga mata namin ako, puno ng pag-aalinlangan; siya, puno ng kumpiyansa. Alam kong gusto niyang guluhin ako, sirain ang pader na itinayo ko sa pagitan namin. Pero hindi ako bibigay. Hindi ngayon.

Huminga ako nang malalim.

"Hindi kita na-miss, Dominic."

Ngunit imbes na mainis, ngumisi lang siya isang ngiti na nagpapahiwatig ng isang larong siya ang may kontrol.

"Talaga?"

Bumaba ang boses niya, puno ng panunukso.

"Then why do you look so nervous?"

Napakuyom ako ng palad.

Bago pa ako makasagot, Alam kong nasa loob na ako ng laro niya. Ang tanong kaya ko bang lumabas?

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terkait

  • Trapped by a Dangerous Billionaire's Love   Chapter 4: The Chains You Can't See

    Ang hawla ko ay hindi gawa sa bakal. Hindi ko rin ito nakikita. Pero nararamdaman ko ito sa bawat hakbang ko sa loob ng penthouse ni Dominic Velasco.Nakatayo ako sa harap ng malaking salamin sa walk-in closet, suot ang isang cream-colored silk dress na siguradong hindi ko pinili. Lahat ng damit dito, lahat ng gamit, ay hindi akin pero isinakto sa akin.Parang ako mismo ang bahagi ng koleksyon niya Napapikit ako sandali. Hindi. Hindi ako pag-aari ng kahit sino.Biglang bumukas ang pinto. Hindi ko na kailangang lumingon para malaman kung sino iyon.Narinig ko ang mabagal niyang paglapit. "Hindi mo nagustuhan ang damit?"Ibinuka ko ang mata ko at tiningnan ang repleksyon niya sa salamin. Nakatayo siya sa likod ko, naka-black suit, nakaluwag ang kurbata. Kahit hindi siya nagsasalita, ang presensya niya ay parang pader na hindi ko matutulak. "I don’t like wearing things I didn’t choose,"sagot ko nang matigas. Bahagyang lumitaw ang ngiti niya isang ngiting hindi ko alam kung dapat bang

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-28
  • Trapped by a Dangerous Billionaire's Love   Chapter 5: No Escape

    Tahimik ang penthouse. Ngunit hindi ito nakakapagpakalma sa akin. Ang katahimikan dito ay isang ilusyon isang bitag na gustong iparamdam ni Dominic.Ngunit hindi ako magpapadala.Nakatayo ako sa harap ng malalawak na bintana, nakatingin sa kumikinang na city lights sa ibaba. Napakataas ng penthouse na ito parang isang kulungan na hinubog mula sa kayamanan at kapangyarihan.Kahit may mundo sa labas, hindi ko iyon mararating nang hindi dumadaan kay Dominic Velasco. Pero hindi ko siya hahayaang maging bantay ng mundo ko.Humigpit ang hawak ko sa isang papel na nakatago sa bulsa ng suot kong robe ang orihinal na kontrata. Kung tama ang hinala ko, may butas dito. At iyon ang magiging daan ko palabas.Muli kong naalala ang dokumentong nakita ko kanin Project Blackthorn. At ang pangalang nakapirma sa ilalim?Dominic Velasco.Isang matalim na ingay ang pumunit sa katahimikan ang pagbukas ng pinto. Hindi ko kinailangang lumingon. Alam ko kung sino iyon."May iniisip ka na namang hindi mo dapat

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-28
  • Trapped by a Dangerous Billionaire's Love   Chapter 6: Breaking the Illusion

    Masyado akong natulala para gumalaw.Si Dominic Velasco ay nakatayo sa harapan ko, malamig ang titig, bahagyang nakangiwi parang matagal na niya akong hinayaang mahulog sa patibong.Ang bawat segundo ay parang mas humihigpit ang tanikala sa paligid ko.Pero hindi ako pwedeng magpakita ng takot.Pinilit kong itaas ang ulo ko, pilit pinapatibay ang boses ko kahit kumakabog ang dibdib ko."Matagal mo na akong pinapanood, hindi ba?"Hindi siya sumagot. Sa halip, pumikit siya saglit, para bang sinusuri ang sitwasyon bago bumalik ang titig niya sa akin."I was curious how long it would take you to try something stupid," aniya sa mababang boses.Parang dagok sa dibdib ko ang tono niya hindi nagagalit, hindi rin nagugulat. Para bang alam na niyang gagawin ko ito."At ano? Natutuwa ka dahil tama ang hinala mo?"pilit kong tinawanan, pero kahit ako ay ramdam ang bahagyang pagyanig sa boses ko.Humakbang siya papalapit. Hindi ko namalayan na napaatras ako hanggang sa dumikit ako sa gilid ng mes

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-28
  • Trapped by a Dangerous Billionaire's Love   Chapter 7 A Deadly Game Begins

    Madilim ang silid, tanging ang ilaw mula sa labas ang nagbibigay ng liwanag habang hawak ko ang papel. "You think you can play with fire, Ava? Then let’s see how far you can go." Saglit akong natigilan. Nanginginig ang mga daliri ko habang mabilis kong pinunit ang papel. "Tangina…" Pinulot ko ang mga piraso at itinapon sa basurahan. Huminga ako nang malalim, bumaling sa pinto. "Fine. Kung gusto mong makipaglaro, Dominic…" Kinabukasan, paglabas ko ng kwarto, naabutan ko si Dominic sa hapag-kainan. Kalmado siyang nagkakape, parang walang nangyari kagabi. Nang magtama ang mga mata namin, may bahagyang ngiti sa labi niya—hindi ngiti ng kasiyahan, kundi ng isang taong sigurado sa sarili niyang panalo. "Good morning, Ava. Nagustuhan mo ba ang regalo ko?" Tumawa ako nang bahagya. "Regalo? Isang papel na may banta? Ang cheap naman, Dominic. Akala ko pa naman may class ka." Napailing siya, may bahagyang ngisi sa labi. "Ava, Ava… Alam mo ba kung ilang galaw lang ang kailangan para

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-31
  • Trapped by a Dangerous Billionaire's Love   Chapter 8: NO WAY OUT

    Mas lumakas ang ingay ng putukan sa labas. Kumakabog ang dibdib ko, pero hindi ako maaaring magpakita ng takot. Hindi sa harap ni Dominic. "Ava, sumunod ka sa akin," utos niya, matigas ang tono. "At kung hindi?" Bumaling ako sa kanya, mahigpit na hinigpitan ang pagkakapit sa aking bag. Mabilis siyang lumapit, inilapit ang mukha sa akin. "Then I’ll carry you if I have to. You’re not running away from me, sweetheart." Bago ko pa maitulak siya palayo, bumukas ulit ang pinto. Dalawang armadong lalaki ang pumasok, halatang hindi kakampi ni Dominic. "Huwag kayong gagalaw," mariing sabi ng isa, itinutok ang baril kay Dominic. Ngumisi lang si Dominic, walang bahid ng takot. "Mukhang hindi kayo sanay sa ganitong laro." Bago pa sila makareact, sa isang mabilis na galaw, na-disarmahan na niya ang isa. Napasigaw ito sa sakit nang baluktutin ni Dominic ang braso niya, kasabay ng mabilis na suntok sa sentido. "Dominic!" Napaatras ako nang makita kong bumagsak ang lalaki, walang

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-31
  • Trapped by a Dangerous Billionaire's Love   Chapter 9: No More Running

    Ang biglaang putok ng baril ay nag-iwan ng katahimikan sa loob ng sasakyan. Humigpit ang hawak ko sa upuan habang si Dominic ay hindi natinag, tila sanay na sa ganitong eksena. "Shit," bulong ko, nilingon ang likuran kung saan nagkalat ang mga lalaking pinatumba niya. "Ava, eyes on me," madiin niyang utos habang hinahataw ang manibela, mabilis na lumiliko sa madilim na eskinita. "We don’t have much time." "Ano bang plano mo? Ilabas mo ako rito ngayon din!" Sigaw ko, pero imbes na magpabagal, mas lalo niyang binilisan ang takbo ng sasakyan. "That’s not an option, sweetheart. They want you just as much as they want me. And I’m not handing you over." Bago pa ako makasagot, isang itim na van ang bumalandra sa harapan namin. Mabilis na inapakan ni Dominic ang preno, dahilan para halos sumubsob ako sa dashboard. "Stay down!" sigaw niya, sabay bunot ng baril mula sa gilid. Tatlong lalaki ang lumabas mula sa van, lahat armado. Isa sa kanila ang naglakad palapit, ang mukha'y may halon

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-31
  • Trapped by a Dangerous Billionaire's Love   Chapter 10: No Turning Back

    "Not happening! Hindi kita iiwan!" Isang sasakyan ang bumangga sa harapan namin, halos ikinatuwad ako ng lakas ng impact. May tatlong lalaking bumaba, lahat armado. "Surrender, Velasco. We have you surrounded." "Tsk. You wish." Walang babala, bumunot siya ng baril at pinaputukan ang isa. Tumama sa balikat, napasigaw ito. Lumundag kami sa gilid ng isang nakataob na drum habang sumabog ang sunod-sunod na putok. "Ano'ng plano mo? Hindi tayo pwedeng magtago habang buhay!" "Watch and learn, sweetheart." Hinila niya ako patungo sa isang lumang hagdan. Mabilis kaming umakyat habang ang bala ay bumabagsak sa paligid namin. "They’re heading to the rooftop! Block all exits!" "Shit! Paano tayo makakalabas kung lahat ng daan nakaharang?" "We improvise." Pagdating namin sa rooftop, napahinto ako. Walang ibang daan kundi ang kabilang gusali—isang napakalayong lundag. "You’re insane if you think I’m jumping that!" "Then stay and get shot. Your choice." Bago pa ako makareklam

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-31
  • Trapped by a Dangerous Billionaire's Love   Chapter 11: Trapped in His Game

    Tumigil kami sa isang madilim na silid. Tahimik. Tanging ang mabilis naming paghinga ang maririnig. "Tapos na ang habulan, Ava," malamig na sabi ni Dominic. "Wala ka nang ibang mapupuntahan." "Anong ibig mong sabihin?" Sumandal ako sa pader, pilit hinahanap ang daan palabas. Humakbang siya palapit. "Hindi mo pa rin ba naiintindihan? Hindi kita hahayaang mawala." "Hindi ako pag-aari mo, Dominic!" sumiklab ako. Napangiti siya. Isang ngiting may halong pananakot. "Sa tingin mo ba may choice ka pa?" Napatingin ako sa hawak niyang baril. Isang maling galaw, tapos na ang lahat. "Anong plano mo? Patayin ako?" Lumingon siya, marahang inikot ang baril sa daliri niya. "Depende. Susubukan mo bang tumakas?" Nanigas ako. May paraan para makatakas. Kailangan ko lang ng tiyempo. "Ava," lumapit siya, bumaba ang boses. "Alam mong hindi mo ako matatakasan." Napaatras ako. "Ano bang gusto mo talaga sa akin?" Huminto siya, saglit akong tinitigan. "Lahat." Tumawa ako ng pilit. "

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-31

Bab terbaru

  • Trapped by a Dangerous Billionaire's Love   CHAPTER 65: The Woman Behind the Locked Drawer

    Ava's PovHindi ako makatulog.Ang tunog ng wall clock sa silid ay tila martilyong bumabagsak sa bawat segundo. Tik. Tik. Tik. Parang paalala na nakakulong ako sa isang kasunduang hindi ko pa rin lubos maintindihan.Ang bawat salitang sinabi niya kanina—"Ikaw ang kabayaran.""This is a game you're not ready to play."—ay paulit-ulit na nag-e-echo sa utak ko.Napasapo ako sa ulo habang nakaupo sa gilid ng kama.Bakit ako? Anong laro ‘to? Sino ang kalaban?Tumayo ako at bumaba nang tahimik. Madilim ang buong mansion, pero kabisado ko na ang bawat hakbang. Tila may humahatak sa akin. Hindi ng takot, kundi ng matinding pangangailangan.Pumasok ako sa study ni Dominic.Tahimik. Malinis. Amoy leather at mamahaling pabango. Ang ilaw mula sa buwan ay sapat lang para maaninag ko ang eleganteng desk sa gitna.Lumapit ako.May ilang papel sa ibabaw—business contracts, confidential reports. Pero ang mata ko, napatigil sa isang drawer na may electronic lock.Napalunok ako.Alam kong mali, pero pi

  • Trapped by a Dangerous Billionaire's Love   Chapter 64: Mga Lihim ng Nakaraan

    Ang hangin ay malamig at mahangin, sumisipol sa mga naglalakad na dahon sa paligid ng mansyon. Dahan-dahan akong pumasok sa malawak na sala, ang mga sapatos ko ay tahimik na kumakaluskos sa malamlam na marmol na sahig. Sa bawat hakbang ko, pakiramdam ko’y isang buong mundo ang sumasara sa aking harapan—isang mundo na puno ng mga lihim at pagnanasa na hindi ko kayang itago pa. Hinawakan ko ang hawakan ng malaking salamin sa harap ko, ang aking mukha ay makikita sa ibabaw ng ibabaw ng malamlam na tubig. Ang mga mata ko ay puno ng tanong—tanong na matagal ko nang itinatago, pero hindi ko na kayang pigilan. Kailangan ko ng sagot, at alam kong tanging siya lang ang makapagbibigay nito. Si Dominic. Hindi ko alam kung anong nangyari sa amin. Paano ba kami napadpad sa ganitong punto? Ang kontratang kasal na parang isang prangkisa ng mga panaginip, na ngayon ay nauurong sa mga desisyon na magtatakda ng aming mga buhay. Iniisip ko kung kaya ko pa bang ipagpatuloy ang lahat ng ito, lalo na

  • Trapped by a Dangerous Billionaire's Love   Chapter 63: Lingering Shadows

    Kaharian ng dilim. Ang gabi ay tila nagsisilbing kumot na nagtatago ng mga lihim at kasinungalingan. Sa loob ng mansion na minsan ay puno ng sigla at mga tawanan, ngayon ay pawang katahimikan. Nasa isang sulok ako, tahimik na nagmamasid mula sa bintana, ang malamlam na liwanag ng buwan ang nagsisilbing tanging ilaw. Tinutukso ako ng hangin, dahan-dahang pumapasok sa silid at nagdadala ng malamig na simoy mula sa bukirin sa labas. Hindi ko alam kung bakit ako nagbabalik sa mga alaala ng mga sandaling iyon—mga oras na masaya kami. Bago ang kontratang kasal na ito. Bago ko matutunan kung paano ang magtiis, magpakumbaba, at magbigay ng aking puso nang walang kasiguraduhan. At siya... Dominic Velasco. Ang lalaking isang araw ay pinili kong ipagkatiwala ang aking buhay sa kabila ng lahat ng lihim at misteryo na bumabalot sa kanya. Tinutok ko ang aking mata sa madilim na abot-tanaw. Naalala ko pa ang araw na tinanong ko siya, "Bakit ka ganyan? Bakit mo ginagawa ito?" Ang sagot niya ay

  • Trapped by a Dangerous Billionaire's Love   Chapter 62: Mga Lihim sa Dilim

    Ava's-Pov Tahimik muli. Pero ibang katahimikan na ito—hindi na lang basta takot o pagkagulat. Ito 'yung uri ng katahimikan na parang may gumigising sa loob mo. Mabagal. Malalim. Mapanakit. Ang amoy ng lumang kahoy at kalawang ay muling sumalubong sa akin habang nakatayo ako roon, nanginginig. Ilang segundo lang ang lumipas simula noong marinig ko ang boses ni Leon, pero pakiramdam ko'y parang isang buhay ang bigat na bumagsak sa dibdib ko. Sino siya? Bakit kilala niya ako? At higit sa lahat… ano'ng kinalaman niya kay Dominic? Humigpit ang hawak ko sa dibdib ko, pilit inaawat ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko na alam kung alin ang mas dapat kong katakutan—ang lalaking nasa harapan ko na may mga mata ng isang mandaragit, o ang lalaking dati kong minahal, pero ngayon ay tila estranghero na. "Dominic..." mahina kong sambit, halos hindi ko na marinig ang sarili ko. "Hindi ba sapat ang sakit na binigay mo? Bakit pati ngayon, parang ako pa rin ang may kasalanan?" Hindi siya

  • Trapped by a Dangerous Billionaire's Love   Chapter 61: Sa Likod ng Kadiliman

    Tahimik. Tahimik na parang ang buong mundo ay huminto sa pag-ikot. Ang amoy ng kalawang at langis ay sumalubong sa akin. Malamig ang hangin, at parang may mahahabang anino sa paligid ko—mga bagay na hindi ko kayang makilala. May kakaibang lamig na tumatagos sa aking balat, parang ang mga pader ay nag-uusapan, at ako’y isa lang sa kanilang mga saksi. Ang katawan ko'y mabigat. May posas sa aking mga kamay. Ang mga sugat sa katawan ko, hindi ko na alam kung alin ang mula sa laban ko o sa mga ulap ng takot na patuloy na bumabalot sa isip ko. Ang bawat paghinga ko’y mabigat. Ang bawat segundo, nararamdaman ko ang tensyon—isang tensyon na hindi ko kayang takasan. Hindi ko alam kung anong nangyari sa aking katawan, pero may isang bagay na tiyak: hindi ko kayang maghintay na walang kasiguraduhan. Wala akong ibang naiisip kundi si Dominic. Buhay ba siya? Ano ang nangyari sa kanya? Bakit ako nandito? Bumangon ako. Nasa sahig ako, malamig. Iniiwasan ko ang mga mata ng dilim sa paligid, ngun

  • Trapped by a Dangerous Billionaire's Love   Chapter 60: The Device and the Truth

    Tahimik ang paligid, ang hangin ay malamig at ang mga puno ay parang nagmamasid sa akin mula sa dilim. Hawak ko ang maliit na device na iniabot sa akin ni Natalie, at kahit hindi ko pa ito binubuksan, nararamdaman ko na may matinding misteryo sa likod nito.“Ava…” Boses ni Natalie, maingat ang tono. “Kailangan mong magtiwala sa ‘kin. Si Dominic… may dahilan kung bakit ako nandito.”Hindi ko siya tinitigan. Ang utak ko’y punong-puno ng katanungan, pero may isang bagay na mas mahalaga kaysa sa lahat ng ‘yon. Si Dominic. Hindi ko kayang maghintay na hindi alam kung ano ang nangyari sa kanya.“Bakit mo ‘to binigay?” tanong ko, ang kamay ko’y nanginginig habang pinipilit ko muling i-focus ang mata ko sa device. “Ano ang laman nito?”Ngumiti si Natalie, pero may kalungkutan sa mga mata niya. Inabot niya ang device sa akin, at siya na ang nagplano kung paano ito bubuksan. Hinintay ko lang na maganap ang lahat ng iyon. Kailangan ko ng sagot.Pinindot niya ang isang button. Biglang nagliwanag

  • Trapped by a Dangerous Billionaire's Love   Chapter 59: The Escape Countdown

    Tahimik ang paligid pero ang ingay sa utak ko ay parang kulog. Ang countdown sa device na hawak ko ay patuloy sa pagbibilang… 02:47...02:46...02:45. Tumunog ang alarm sa loob ng kwarto. Ilang segundo pa at maaaring sumabog ang buong lugar—o baka may iba pang mas malala. “Dominic!” sigaw ko, hawak pa rin ang device. “Ano bang nangyayari?” Hindi siya sumagot. Sa halip, nilapitan niya ako at marahang hinawakan ang braso ko. “Makinig ka, Ava,” bulong niya. “Wala na tayong oras. Sa likod ng painting sa kanan, may secret exit. Dumeretso ka roon. Sundin mo ang daan. At kahit anong mangyari, huwag kang lumingon.” “Paano ka?” tanong ko. “Hindi kita iiwan dito.” Ngumiti siya ng mapait. “Hindi na ito tungkol sa ‘kin. Ang mahalaga, makaligtas ka.” 02:22...02:21... Biglang may sumabog na pinto. Dalawang tauhan ni Voss ang pumasok, armado. “TUMAKBO KA NA, AVA!” sigaw ni Dominic. Pero bago pa ako makagalaw, humarang siya sa harap ko at sinugod ang mga lalaki. Nagsimula ang putukan. Tumil

  • Trapped by a Dangerous Billionaire's Love   Chapter 58: Unraveling the Truth

    Tahimik sa loob ng kwarto. Ang tanging tunog na naririnig ko ay ang mabilis na pintig ng puso ko, at ang malalim na hininga ni Dominic. Sobrang tahimik, parang naghihintay ng pinakamalupit na pagbagsak. Nasa harap ko siya, at parang ang bigat ng bawat segundo na lumilipas. “Pinaglaruan mo ba ako, Dominic?” tanong ko, binitiwan ko ang bawat salitang parang may lason. “Lahat ng ito—lahat ng pinagdaanan ko—wala ba talagang halaga sa’yo?” Ang mga mata ni Dominic ay walang kibo. Hindi siya gumagalaw, at parang ang bigat ng katawan niya sa harap ko. Wala siyang sinasabi, at para bang ang sagot niya ay nakatago sa isang lugar na ayaw niyang ipakita. “Ava, please…” Ang boses niya, halos isang bulong. “Hindi ko kayang sagutin ang mga tanong mo.” Tumigil siya, pero alam ko na nararamdaman niya ang sakit ng mga salitang ipinaparamdam ko sa kanya. Hinaplos ko ang aking pisngi at tumingin sa kanya, hindi ko kayang magpatawad, ngunit parang gusto ko na ring marinig mula sa kanya ang lahat n

  • Trapped by a Dangerous Billionaire's Love   Chapter 57: The Silent Countdown

    Tahimik ang paligid, pero ang utak ko, parang orasan na may sirang tunog—paulit-ulit, walang tigil. 2:32AM. Tatlumpu’t walong minuto na lang. Luminga ako sa paligid ng kwarto—pareho pa rin. Walang tao, walang tunog maliban sa tunog ng bentilasyon sa kisame. Pero may nagbago… ako. Hindi na ako parehas ng Ava kahapon. At kung totoo man ang nakita kong sulat, ito na ang tanging pagkakataon ko. “Trust only the Blue.” Tumayo ako mula sa sulok ng kama. Sinubukan kong paikutin ang wrist ko. Masakit, pero kaya na. Pinag-aralan ko ang mga screws sa bakal na cuffs, gamit ang pinakatalim na bahagi ng pagkain tray na kiniskis ko buong araw sa sahig. Kung may camera man, sigurado akong alam na nilang may binabalak ako. Pero bahala na. Ang hindi nila alam—sanay na akong mabuhay sa pagitan ng tiwala at takot. 2:41AM. May tunog ng paa sa labas. Tumigil ako. Hinigpitan ko ang hawak sa tray, tinago ito sa likod. Click. Bumukas ang pinto. Pumasok ang isang babae—nakaputing coat, may dala lang

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status