Masyado akong natulala para gumalaw.
Si Dominic Velasco ay nakatayo sa harapan ko, malamig ang titig, bahagyang nakangiwi parang matagal na niya akong hinayaang mahulog sa patibong. Ang bawat segundo ay parang mas humihigpit ang tanikala sa paligid ko. Pero hindi ako pwedeng magpakita ng takot. Pinilit kong itaas ang ulo ko, pilit pinapatibay ang boses ko kahit kumakabog ang dibdib ko. "Matagal mo na akong pinapanood, hindi ba?" Hindi siya sumagot. Sa halip, pumikit siya saglit, para bang sinusuri ang sitwasyon bago bumalik ang titig niya sa akin. "I was curious how long it would take you to try something stupid," aniya sa mababang boses. Parang dagok sa dibdib ko ang tono niya hindi nagagalit, hindi rin nagugulat. Para bang alam na niyang gagawin ko ito. "At ano? Natutuwa ka dahil tama ang hinala mo?" pilit kong tinawanan, pero kahit ako ay ramdam ang bahagyang pagyanig sa boses ko. Humakbang siya papalapit. Hindi ko namalayan na napaatras ako hanggang sa dumikit ako sa gilid ng mesa. "Tell me, Ava," bulong niya, "anong plano mo pagkatapos mong makuha ‘yang dokumentong hawak mo?" Tinitigan ko siya. Sa loob-loob ko, naghahanap ako ng paraan para mabali ang kontrol niya sa sitwasyon. Pero nauna siyang gumalaw. Mabilis niyang kinuha ang papel sa kamay ko bago ko pa ito mailayo. "No!" Napakapit ako sa braso niya, pero huli na. Pinunit niya ang dokumento sa harap ko mabagal, walang kahirap-hirap, para bang gusto niyang ipakita na kahit anong pagsisikap ko, siya pa rin ang may huling salita. Pinanood ko ang mga piraso ng papel na bumagsak sa sahig. Parang doon rin bumagsak ang huling pag-asa ko. "You don’t know what you’re doing, Dominic," mariin kong sabi, pilit itinatago ang panlalamig sa katawan ko. "No, Ava," tugon niya, "ikaw ang hindi nakakaalam kung sino ang kinalaban mo." Napasinghap ako nang bigla niyang hawakan ang pulso ko. Hindi masakit, pero sapat para maramdaman kong wala akong ligtas. "Akala mo ba may kontrol ka?" Matalim ang tingin niya, at sa titig pa lang niya, pakiramdam ko’y hinuhubaran niya ako ng kahit anong depensa. "Hindi mo pa ba nare-realize? Hindi mo ako matatakasan, Ava." Muling lumakas ang kaba sa dibdib ko. "Hindi mo ako pag-aari, Dominic." Bahagya siyang tumawa, pero walang saya sa halakhak niya. "You signed the contract. You are mine." Napakuyom ako ng kamao. "Hindi ako laruan mo." Isang malalim na katahimikan ang bumalot sa pagitan namin. Hanggang sa dahan-dahan niyang binitawan ang pulso ko. Lumayo siya ng bahagya, pero hindi nawala ang bigat ng presensya niya. "Kung gano’n," aniya, "then prove it." Nanlaki ang mata ko. "What?" Nagtagpo ang mga mata namin. "Prove to me that you’re more than just my possession." Nanginginig ang mga daliri ko sa gilid ng damit ko, pero hindi ako umurong sa titig niya. Alam kong may deeper meaning ang hamon niya. At alam kong hindi lang basta pagsunod ang hinihintay niya sa akin gusto niyang makita kung hanggang saan ko kayang lumaban. Nag-aalab ang dugo ko, kahit na ramdam ko ang malamig na hangin sa pagitan namin. At doon ko naintindihan hindi lang ito laban ng kapangyarihan. Isa itong laro. At kung gusto kong mabuhay dito, kailangan kong matutong lumaro ayon sa sarili kong patakaran. "Fine," bulong ko. "Let’s play, Dominic." Nagtagal ang titig niya sa akin. At sa kauna-unahang pagkakataon, nakita kong lumalim ang ngiti niya hindi dahil nanalo siya, kundi dahil sa wakas, natanggap ko na ang alok niyang laban. At doon, sa katahimikan ng gabing iyon, isang bagay ang sigurado. Wala nang atrasan ito. Nagtagpo ang mga mata namin isang silent battle kung sino ang unang babawi ng tingin. At doon ko naisip ang isang bagay. Kung gusto kong lumabas dito nang buhay kung gusto kong manalo kailangan kong matutunang makipagsayaw sa apoy nang hindi natutupok. Huminga ako nang malalim, itinago ang kaba sa likod ng isang kalmadong ekspresyon. Kung may isang bagay na natutunan ko kay Dominic Velasco, ito ay ang katotohanang hindi siya nagpapalaro nang patas. "If there are consequences, then bring it on," sagot ko, hindi natinag sa titig niya. Bahagyang tumango si Dominic, tila natutuwa sa sagot ko. Pero sa likod ng mapanuksong ngiti niya, may kung anong nakatagong panganib. "Very well, Ava," bulong niya, inilapit pa ang mukha niya sa akin, halos magdikit ang mga labi namin. "Just remember... hindi lahat ng laro ay may panalo." Nagsalubong ang mga titig namin, puno ng tensyon at hindi natitinag na determinasyon. Hindi ko alam kung ano ang magiging susunod na galaw niya, pero isang bagay ang sigurado ko hindi ko siya hahayaang kontrolin ang laban na ito. At sa laban naming dalawa, hindi ako ang unang bibigay. Nakatitig pa rin ako kay Dominic, pilit iniintindi ang bawat salitang binitiwan niya. Pero bago pa ako makapagsalita, bigla siyang umatras, iniwan akong bitin sa sagot na gusto kong makuha. "Get some rest, Ava." Isang huling tingin ang ibinigay niya bago siya tuluyang lumabas ng kwarto. Naiwan akong mag-isa, pero hindi rin nagtagal bago ako napatingin sa pinto kung saan siya nawala. Alam kong hindi ito tapos Sa larong ito, kailangan kong manatiling isang hakbang sa unahan niya. Kahit pa pakiramdam ko, unti-unti na akong nahuhulog sa patibong na siya mismo ang naghabi. Pero pagharap ko sa salamin, doon ko lang napansin may isang papel na iniwan siya sa mesa. At nang basahin ko ito… nanlamig akoMadilim ang silid, tanging ang ilaw mula sa labas ang nagbibigay ng liwanag habang hawak ko ang papel. "You think you can play with fire, Ava? Then let’s see how far you can go." Saglit akong natigilan. Nanginginig ang mga daliri ko habang mabilis kong pinunit ang papel. "Tangina…" Pinulot ko ang mga piraso at itinapon sa basurahan. Huminga ako nang malalim, bumaling sa pinto. "Fine. Kung gusto mong makipaglaro, Dominic…" Kinabukasan, paglabas ko ng kwarto, naabutan ko si Dominic sa hapag-kainan. Kalmado siyang nagkakape, parang walang nangyari kagabi. Nang magtama ang mga mata namin, may bahagyang ngiti sa labi niya—hindi ngiti ng kasiyahan, kundi ng isang taong sigurado sa sarili niyang panalo. "Good morning, Ava. Nagustuhan mo ba ang regalo ko?" Tumawa ako nang bahagya. "Regalo? Isang papel na may banta? Ang cheap naman, Dominic. Akala ko pa naman may class ka." Napailing siya, may bahagyang ngisi sa labi. "Ava, Ava… Alam mo ba kung ilang galaw lang ang kailangan para
Mas lumakas ang ingay ng putukan sa labas. Kumakabog ang dibdib ko, pero hindi ako maaaring magpakita ng takot. Hindi sa harap ni Dominic. "Ava, sumunod ka sa akin," utos niya, matigas ang tono. "At kung hindi?" Bumaling ako sa kanya, mahigpit na hinigpitan ang pagkakapit sa aking bag. Mabilis siyang lumapit, inilapit ang mukha sa akin. "Then I’ll carry you if I have to. You’re not running away from me, sweetheart." Bago ko pa maitulak siya palayo, bumukas ulit ang pinto. Dalawang armadong lalaki ang pumasok, halatang hindi kakampi ni Dominic. "Huwag kayong gagalaw," mariing sabi ng isa, itinutok ang baril kay Dominic. Ngumisi lang si Dominic, walang bahid ng takot. "Mukhang hindi kayo sanay sa ganitong laro." Bago pa sila makareact, sa isang mabilis na galaw, na-disarmahan na niya ang isa. Napasigaw ito sa sakit nang baluktutin ni Dominic ang braso niya, kasabay ng mabilis na suntok sa sentido. "Dominic!" Napaatras ako nang makita kong bumagsak ang lalaki, walang
Ang biglaang putok ng baril ay nag-iwan ng katahimikan sa loob ng sasakyan. Humigpit ang hawak ko sa upuan habang si Dominic ay hindi natinag, tila sanay na sa ganitong eksena. "Shit," bulong ko, nilingon ang likuran kung saan nagkalat ang mga lalaking pinatumba niya. "Ava, eyes on me," madiin niyang utos habang hinahataw ang manibela, mabilis na lumiliko sa madilim na eskinita. "We don’t have much time." "Ano bang plano mo? Ilabas mo ako rito ngayon din!" Sigaw ko, pero imbes na magpabagal, mas lalo niyang binilisan ang takbo ng sasakyan. "That’s not an option, sweetheart. They want you just as much as they want me. And I’m not handing you over." Bago pa ako makasagot, isang itim na van ang bumalandra sa harapan namin. Mabilis na inapakan ni Dominic ang preno, dahilan para halos sumubsob ako sa dashboard. "Stay down!" sigaw niya, sabay bunot ng baril mula sa gilid. Tatlong lalaki ang lumabas mula sa van, lahat armado. Isa sa kanila ang naglakad palapit, ang mukha'y may halon
"Not happening! Hindi kita iiwan!" Isang sasakyan ang bumangga sa harapan namin, halos ikinatuwad ako ng lakas ng impact. May tatlong lalaking bumaba, lahat armado. "Surrender, Velasco. We have you surrounded." "Tsk. You wish." Walang babala, bumunot siya ng baril at pinaputukan ang isa. Tumama sa balikat, napasigaw ito. Lumundag kami sa gilid ng isang nakataob na drum habang sumabog ang sunod-sunod na putok. "Ano'ng plano mo? Hindi tayo pwedeng magtago habang buhay!" "Watch and learn, sweetheart." Hinila niya ako patungo sa isang lumang hagdan. Mabilis kaming umakyat habang ang bala ay bumabagsak sa paligid namin. "They’re heading to the rooftop! Block all exits!" "Shit! Paano tayo makakalabas kung lahat ng daan nakaharang?" "We improvise." Pagdating namin sa rooftop, napahinto ako. Walang ibang daan kundi ang kabilang gusali—isang napakalayong lundag. "You’re insane if you think I’m jumping that!" "Then stay and get shot. Your choice." Bago pa ako makareklam
Tumigil kami sa isang madilim na silid. Tahimik. Tanging ang mabilis naming paghinga ang maririnig. "Tapos na ang habulan, Ava," malamig na sabi ni Dominic. "Wala ka nang ibang mapupuntahan." "Anong ibig mong sabihin?" Sumandal ako sa pader, pilit hinahanap ang daan palabas. Humakbang siya palapit. "Hindi mo pa rin ba naiintindihan? Hindi kita hahayaang mawala." "Hindi ako pag-aari mo, Dominic!" sumiklab ako. Napangiti siya. Isang ngiting may halong pananakot. "Sa tingin mo ba may choice ka pa?" Napatingin ako sa hawak niyang baril. Isang maling galaw, tapos na ang lahat. "Anong plano mo? Patayin ako?" Lumingon siya, marahang inikot ang baril sa daliri niya. "Depende. Susubukan mo bang tumakas?" Nanigas ako. May paraan para makatakas. Kailangan ko lang ng tiyempo. "Ava," lumapit siya, bumaba ang boses. "Alam mong hindi mo ako matatakasan." Napaatras ako. "Ano bang gusto mo talaga sa akin?" Huminto siya, saglit akong tinitigan. "Lahat." Tumawa ako ng pilit. "
Bzzzzt.Nag-vibrate ang phone ni Dominic. Saglit siyang lumingon.Sinamantala ko ang pagkakataon. Mabilis kong sinunggaban ang braso niya, hinampas ang kamay niya para mahulog ang remote device.Tok! Gumulong ito sa sahig."Ava!" sigaw niya.Naitulak ko siya. Tumakbo ako papunta sa kabilang dulo ng warehouse."Huwag mong subukan!" Malamig ang boses niya pero ramdam ang galit.Hindi ko siya pinansin. Kailangan kong makatakas. May lumang hagdan sa gilid. Sumampa ako.Lagapak!Isang hakbang na lang ako sa sirang bintana nang maramdaman kong nasa likuran ko na siya."Ava, bumalik ka rito."Huminto ako. Ang baril niya, nakatutok na sa akin."Hindi mo ako mapipigilan, Dominic.""Babagsak ka." Kalma ang tinig niya, pero may ngisi sa labi."Sigurado ka ba diyan?"Humakbang ako paatras."Ava—"Tumalon ako.Crash! Sumalpok ako sa bubong ng isang lumang sasakyan."Damn it, Ava!"Masakit. Pero kailangan kong tumakbo. Lumiko ako sa madilim na eskinita—Click.May baril na nakatutok sa akin."Nice
Screeeech! Tumilapon ang sasakyan sa lakas ng impact, gumulong nang dalawang beses bago huminto sa gilid ng daan. Isang matinding dagundong ang bumalot sa paligid kasabay ng tunog ng mga sirang bakal at basag na salamin. "Ugh..." Napasinghap ako, pilit bumabangon mula sa pagkakahandusay sa loob ng sasakyan. Ramdam ko ang hapdi sa aking braso at ang panlalamig ng aking katawan. Hinanap ko si Noah. "Noah!" Hinawakan ko siya sa balikat. May sugat sa kanyang noo, pero humihinga pa siya. Napamulat siya, agad akong hinatak palabas. "We need to move. Now!" Dinig ko ang tunog ng mga paparating na sasakyan. Hindi pa tapos ang habulan. Mabilis naming iniwan ang wasak na kotse at dumaan sa isang madilim na eskinita. Hindi ko alam kung saan kami pupunta, pero kailangan naming makalayo. Nanginginig ang mga kamay ko, ngunit hindi pwedeng huminto. Hindi ngayon. "Lahat ng 'to, nangyayari dahil sa'yo, Ava!" singhal ni Noah habang patuloy kaming tumatakbo. "Ano'ng ibig mong sabihin?!" Hinahabo
Naputol si Noah nang biglang may sumabog sa di kalayuan. Isang matinding alingawngaw ng pagsabog ang yumanig sa paligid, dahilan para mapaatras kami. Kumalat ang alikabok at usok sa madilim na eskinita."Shit! Move!" Hinatak ako ni Noah pabalik habang mabilis siyang bumunot ng baril. Narinig ko ang mga yabag ng paparating na mga tauhan ng misteryosong lalaking pumasok sa warehouse. Malapit na sila.Bago ko pa maintindihan ang nangyayari, naramdaman ko ang mainit na dugo sa aking pisngi. Isa sa mga tauhan ni Noah ang tinamaan ng bala sa likuran. Bumagsak ito sa sahig, nanginginig at hindi na gumagalaw.Napakapit ako sa braso ni Noah. "Hindi natin sila matatalo, Noah! Kailangan nating makaalis dito!""There’s no way out, Ava!" aniya, iniikot ang paningin sa paligid. May pinto sa dulo ng eskinita, pero sarado ito. Mabilis siyang lumapit at sinubukan itong buksan locked. Napamura siya."Walang ibang daan kundi lumaban!" Madiin ang kanyang tono."Lalaban? Ilan tayo? Ilan sila?!" Nangingin
BANG! Tahimik. Ramdam ko ang panginginig ng katawan ko. Isa. Dalawa. Tatlo. Wala pa ring gumagalaw. Malamig ang hangin, pero mas malamig ang kaba sa dibdib ko. Isang katawan ang bumagsak sa sahig. "Santiago...?" mahina kong bulong. Bago ko pa maabot ang katawan, isang matigas na boses ang bumasag sa katahimikan. "Step away from her." Napalunok ako. Kilala ko ang boses na 'yun. Kahit sa kadiliman, kahit walang ilaw, kahit hindi ko siya nakikita... alam kong si Noah 'yon. Mula sa anino, lumitaw siya. Mahigpit ang hawak niya sa baril, nakatutok kay Dominic. "Noah...?" Tinitigan niya ako, pero hindi siya sumagot. Napangisi si Dominic. "Tsk. Tsk. Akala ko ba tapos na ang laro mo, Noah? Bakit andito ka pa rin?" Hindi natinag si Noah. "Bitawan mo siya, Dominic." Tumawa si Dominic, pero may panganib sa kanyang ngiti. "And then what? You take her and run? Alam mong hindi ganun kadali ‘to." Nanatili si Noah sa puwesto niya, hindi bumibitaw sa pagkakatutok ng baril. "Ava, lu
Gumising ako sa matinding sakit ng ulo, ramdam ko ang pag-ikot ng mundo. Bago ko pa man maisip ang nangyari, naramdaman ko na ang malamig na bakal ng posas sa aking mga kamay, mahigpit na nakatali sa likod ko.Anong nangyari?Sinubukan kong gumalaw, ngunit agad kong naramdaman ang panghihina ng katawan ko. Pinilit kong idilat ang aking mga mata, ngunit nanatiling malabo ang paligid. Hindi ko alam kung nasaan ako, pero isa lang ang tiyak—hindi ito isang lugar kung saan ako magiging ligtas."You're awake," isang pamilyar na boses ang bumasag sa katahimikan. Si Dominic.Napalingon ako sa kanya, pero wala akong lakas upang magsalita."How are you feeling?" tanong niya, malamig ngunit may bahid ng kaswalidad sa boses.Hindi ako sumagot. Hindi ko alam kung ano ang kalagayan ko o kung paano ako nakarating dito. Isang bagay lang ang sigurado ako—hindi ko siya maaaring pagkatiwalaan."Stop looking at me like that," aniya, may bahagyang ngisi sa labi. "I didn’t hurt you. Not yet."Hinayaan ko l
Masakit ang paghinga ko, at ramdam ko ang init ng dugo at adrenaline na mabilis na dumaloy sa katawan ko. Hindi pa tapos ang laban. "Noah, keep moving!" sigaw ko habang hinahabol ang mabilis niyang hakbang. "Ava, bilisan mo!" Mula sa likuran, narinig ko ang pagtawa ni Santiago—mabagal, puno ng panlilinlang. "You can run all you want, Ava, but you know you’ll never escape me." Pinakawalan niya ang isang putok, at mabilis akong napayuko. Ang bala ay dumaan malapit sa tenga ko. Pakiramdam ko, ramdam ko ang init nito sa balat ko. "Son of a—!" Napamura si Noah bago gumanti ng putok, pilit tinatarget ang mga tauhan ni Santiago. "Daanan natin ang kanan! May sasakyan doon!" sigaw niya. Mabilis kaming lumiko. Nanginginig ang kamay ko, pero hindi ito oras para bumigay. Bago pa kami makasampa sa sasakyan, isang anino ang humarang sa amin. "Going somewhere?" malamig na tanong ni Dominic, hawak pa rin ang baril niya. Napatigil ako. Ang pamilyar na titig niya—ngiting may lihim, tingin na
Nagkakagulo ang lahat. Mga bala ang nagsisibagsakan sa paligid. Ang ingay ng putok ng baril ay nagsilbing babala—walang ligtas na daan palabas. Hinila ako ni Noah, ang kamay niya'y mahigpit na nakapulupot sa aking braso. "We need to move! Now!" "Noah!" sumigaw ako, pero hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin. Pakiramdam ko'y bumibilis ang tibok ng puso ko, hinahabol ng takot ang bawat hakbang namin. Si Dominic ay walang kahirap-hirap na umiwas sa mga bala, ang mukha niya'y hindi man lang natinag. Tumingin siya kay Santiago, na ngayon ay may bahagyang ngiti sa labi. "You think this is over, Santiago?" malamig na sabi ni Dominic habang unti-unting nilalapit ang baril sa target nito. Ngunit bago pa siya makaputok, lumapit ang lalaking kanina pa tahimik sa tabi ni Santiago. Isang mabilis na galaw, at natamaan si Dominic ng suntok sa tagiliran. "Ugh—!" Napaatras siya, pero mabilis siyang bumawi. "Tsk. Always so predictable," natatawang sabi ni Santiago. "Kaya hindi mo ako
Ang sakit sa dibdib ko ay tumitindi habang nakatutok ang mga mata ko kay Santiago. Ang pangalan niya—isang matalim na alaala na pilit kong iniiwasan. Hindi ko kayang pag-isipan ng malalim. Hindi ko kayang tanggapin ang katotohanan."Santiago," muling sambit ko, ang pangalan na parang may isang matinding bigat sa bawat pantig.Ngumisi siya, tila may tinatagong sikreto na ako lang ang hindi nakakaalam."Remember me now, Ava?" tanong niya, malamig ang boses. "I was the one you thought you could forget. But now, here I am."Naramdaman kong lumapit si Noah sa tabi ko. Hawak na niya ang baril, handa sa anumang mangyayari. Hindi ko kayang mapanatili ang tingin kay Santiago. Ang takot ay gumapang mula sa aking mga paa hanggang sa dulo ng mga daliri ko. Hindi ko alam ang susunod na hakbang."Ava," bulong ni Noah, "anong nangyayari? Sino siya?"Hindi ako sumagot. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag ang koneksyon ko kay Santiago.Humarap ako kay Dominic. "Tama bang nasa gilid pa kita?" tanon
Nagtaas ang puso ko habang ang pinto ng elevator ay dahan-dahang bumukas. Doon, sa harap ko, nakatambad ang isang grupo ng mga kalaban, at sa kanilang gitna, isang lalaki sa itim na suit na may malamig na tingin. Nang magsalita siya, huminto ang lahat."Finally, we meet again, Ava."Nanigas ang katawan ko. Hindi ko kayang mag isip, hindi ko kayang magsalita. Ang mga mata ko’y nakatutok sa kanya, at bigla kong naaalala yung mga araw na hindi ko inasahan na muling magkakasalubong kami.Noah, na nasa likuran ko, tumingin sa akin. "You know him?"Hindi ko kayang sagutin siya. Nanatili akong nakatayo, tanging ang matalim na titig ng lalaki ang nararamdaman ko. Ang pangalan niya, hindi ko kayang isambit. Pero sa mga mata ko, alam kong siya ang tunay na kalaban.Hindi ko alam kung anong nangyari sa loob ko, pero ang nararamdaman ko ngayon, hindi ko kayang kontrolin. Ang mga kamay ko ay nanginginig habang nakatayo ako, hindi makapaniwala sa kung anong nakikita ko.Dominic, na matagal nang ta
Napuno ng tensyon ang silid. Nakatingin silang tatlo sa isa’t isa, walang gustong bumitaw. "Ava, lumayo ka sa kanya. Ngayon din." Matigas ang tono, puno ng banta. Ngumisi si Dominic, bahagyang yumuko na tila nagmamasid. "Relax. She’s exactly where she needs to be." Napalunok si Ava, mabilis na lumingon kay Noah, nag-aalangan. "Noah…" Mahigpit ang hawak ni Noah sa baril, nanginginig ang panga. "Hindi mo siya pag-aari. Hindi siya laruan na puwede mong idispatsa kung kailan mo gusto." "And yet, here we are." Mapanuksong tingin ang ibinigay ni Dominic. "Pareho pa rin kayong nasa kamay ko. Tell me—sino talaga ang may hawak ng laro?" Nagtaas ng baril si Noah, itinutok sa ulo ni Dominic. "I swear, isang maling galaw mo lang—" Hindi natinag si Dominic, nanatiling kalmado. "Shoot me then. Pero alam mong hindi mo magagawa. Alam mong hindi mo afford ang giyera na ‘to." Tahimik. Tanging bahagyang paghinga lang ang maririnig. Ang tensyon sa pagitan nila ay parang
Naputol si Noah nang biglang may sumabog sa di kalayuan. Isang matinding alingawngaw ng pagsabog ang yumanig sa paligid, dahilan para mapaatras kami. Kumalat ang alikabok at usok sa madilim na eskinita."Shit! Move!" Hinatak ako ni Noah pabalik habang mabilis siyang bumunot ng baril. Narinig ko ang mga yabag ng paparating na mga tauhan ng misteryosong lalaking pumasok sa warehouse. Malapit na sila.Bago ko pa maintindihan ang nangyayari, naramdaman ko ang mainit na dugo sa aking pisngi. Isa sa mga tauhan ni Noah ang tinamaan ng bala sa likuran. Bumagsak ito sa sahig, nanginginig at hindi na gumagalaw.Napakapit ako sa braso ni Noah. "Hindi natin sila matatalo, Noah! Kailangan nating makaalis dito!""There’s no way out, Ava!" aniya, iniikot ang paningin sa paligid. May pinto sa dulo ng eskinita, pero sarado ito. Mabilis siyang lumapit at sinubukan itong buksan locked. Napamura siya."Walang ibang daan kundi lumaban!" Madiin ang kanyang tono."Lalaban? Ilan tayo? Ilan sila?!" Nangingin
Screeeech! Tumilapon ang sasakyan sa lakas ng impact, gumulong nang dalawang beses bago huminto sa gilid ng daan. Isang matinding dagundong ang bumalot sa paligid kasabay ng tunog ng mga sirang bakal at basag na salamin. "Ugh..." Napasinghap ako, pilit bumabangon mula sa pagkakahandusay sa loob ng sasakyan. Ramdam ko ang hapdi sa aking braso at ang panlalamig ng aking katawan. Hinanap ko si Noah. "Noah!" Hinawakan ko siya sa balikat. May sugat sa kanyang noo, pero humihinga pa siya. Napamulat siya, agad akong hinatak palabas. "We need to move. Now!" Dinig ko ang tunog ng mga paparating na sasakyan. Hindi pa tapos ang habulan. Mabilis naming iniwan ang wasak na kotse at dumaan sa isang madilim na eskinita. Hindi ko alam kung saan kami pupunta, pero kailangan naming makalayo. Nanginginig ang mga kamay ko, ngunit hindi pwedeng huminto. Hindi ngayon. "Lahat ng 'to, nangyayari dahil sa'yo, Ava!" singhal ni Noah habang patuloy kaming tumatakbo. "Ano'ng ibig mong sabihin?!" Hinahabo