Screeeech! Tumilapon ang sasakyan sa lakas ng impact, gumulong nang dalawang beses bago huminto sa gilid ng daan. Isang matinding dagundong ang bumalot sa paligid kasabay ng tunog ng mga sirang bakal at basag na salamin. "Ugh..." Napasinghap ako, pilit bumabangon mula sa pagkakahandusay sa loob ng sasakyan. Ramdam ko ang hapdi sa aking braso at ang panlalamig ng aking katawan. Hinanap ko si Noah. "Noah!" Hinawakan ko siya sa balikat. May sugat sa kanyang noo, pero humihinga pa siya. Napamulat siya, agad akong hinatak palabas. "We need to move. Now!" Dinig ko ang tunog ng mga paparating na sasakyan. Hindi pa tapos ang habulan. Mabilis naming iniwan ang wasak na kotse at dumaan sa isang madilim na eskinita. Hindi ko alam kung saan kami pupunta, pero kailangan naming makalayo. Nanginginig ang mga kamay ko, ngunit hindi pwedeng huminto. Hindi ngayon. "Lahat ng 'to, nangyayari dahil sa'yo, Ava!" singhal ni Noah habang patuloy kaming tumatakbo. "Ano'ng ibig mong sabihin?!" Hinahabo
Naputol si Noah nang biglang may sumabog sa di kalayuan. Isang matinding alingawngaw ng pagsabog ang yumanig sa paligid, dahilan para mapaatras kami. Kumalat ang alikabok at usok sa madilim na eskinita."Shit! Move!" Hinatak ako ni Noah pabalik habang mabilis siyang bumunot ng baril. Narinig ko ang mga yabag ng paparating na mga tauhan ng misteryosong lalaking pumasok sa warehouse. Malapit na sila.Bago ko pa maintindihan ang nangyayari, naramdaman ko ang mainit na dugo sa aking pisngi. Isa sa mga tauhan ni Noah ang tinamaan ng bala sa likuran. Bumagsak ito sa sahig, nanginginig at hindi na gumagalaw.Napakapit ako sa braso ni Noah. "Hindi natin sila matatalo, Noah! Kailangan nating makaalis dito!""There’s no way out, Ava!" aniya, iniikot ang paningin sa paligid. May pinto sa dulo ng eskinita, pero sarado ito. Mabilis siyang lumapit at sinubukan itong buksan locked. Napamura siya."Walang ibang daan kundi lumaban!" Madiin ang kanyang tono."Lalaban? Ilan tayo? Ilan sila?!" Nangingin
Napuno ng tensyon ang silid. Nakatingin silang tatlo sa isa’t isa, walang gustong bumitaw. "Ava, lumayo ka sa kanya. Ngayon din." Matigas ang tono, puno ng banta. Ngumisi si Dominic, bahagyang yumuko na tila nagmamasid. "Relax. She’s exactly where she needs to be." Napalunok si Ava, mabilis na lumingon kay Noah, nag-aalangan. "Noah…" Mahigpit ang hawak ni Noah sa baril, nanginginig ang panga. "Hindi mo siya pag-aari. Hindi siya laruan na puwede mong idispatsa kung kailan mo gusto." "And yet, here we are." Mapanuksong tingin ang ibinigay ni Dominic. "Pareho pa rin kayong nasa kamay ko. Tell me—sino talaga ang may hawak ng laro?" Nagtaas ng baril si Noah, itinutok sa ulo ni Dominic. "I swear, isang maling galaw mo lang—" Hindi natinag si Dominic, nanatiling kalmado. "Shoot me then. Pero alam mong hindi mo magagawa. Alam mong hindi mo afford ang giyera na ‘to." Tahimik. Tanging bahagyang paghinga lang ang maririnig. Ang tensyon sa pagitan nila ay parang
Nagtaas ang puso ko habang ang pinto ng elevator ay dahan-dahang bumukas. Doon, sa harap ko, nakatambad ang isang grupo ng mga kalaban, at sa kanilang gitna, isang lalaki sa itim na suit na may malamig na tingin. Nang magsalita siya, huminto ang lahat."Finally, we meet again, Ava."Nanigas ang katawan ko. Hindi ko kayang mag isip, hindi ko kayang magsalita. Ang mga mata ko’y nakatutok sa kanya, at bigla kong naaalala yung mga araw na hindi ko inasahan na muling magkakasalubong kami.Noah, na nasa likuran ko, tumingin sa akin. "You know him?"Hindi ko kayang sagutin siya. Nanatili akong nakatayo, tanging ang matalim na titig ng lalaki ang nararamdaman ko. Ang pangalan niya, hindi ko kayang isambit. Pero sa mga mata ko, alam kong siya ang tunay na kalaban.Hindi ko alam kung anong nangyari sa loob ko, pero ang nararamdaman ko ngayon, hindi ko kayang kontrolin. Ang mga kamay ko ay nanginginig habang nakatayo ako, hindi makapaniwala sa kung anong nakikita ko.Dominic, na matagal nang ta
Ang sakit sa dibdib ko ay tumitindi habang nakatutok ang mga mata ko kay Santiago. Ang pangalan niya—isang matalim na alaala na pilit kong iniiwasan. Hindi ko kayang pag-isipan ng malalim. Hindi ko kayang tanggapin ang katotohanan."Santiago," muling sambit ko, ang pangalan na parang may isang matinding bigat sa bawat pantig.Ngumisi siya, tila may tinatagong sikreto na ako lang ang hindi nakakaalam."Remember me now, Ava?" tanong niya, malamig ang boses. "I was the one you thought you could forget. But now, here I am."Naramdaman kong lumapit si Noah sa tabi ko. Hawak na niya ang baril, handa sa anumang mangyayari. Hindi ko kayang mapanatili ang tingin kay Santiago. Ang takot ay gumapang mula sa aking mga paa hanggang sa dulo ng mga daliri ko. Hindi ko alam ang susunod na hakbang."Ava," bulong ni Noah, "anong nangyayari? Sino siya?"Hindi ako sumagot. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag ang koneksyon ko kay Santiago.Humarap ako kay Dominic. "Tama bang nasa gilid pa kita?" tanon
Nagkakagulo ang lahat. Mga bala ang nagsisibagsakan sa paligid. Ang ingay ng putok ng baril ay nagsilbing babala—walang ligtas na daan palabas. Hinila ako ni Noah, ang kamay niya'y mahigpit na nakapulupot sa aking braso. "We need to move! Now!" "Noah!" sumigaw ako, pero hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin. Pakiramdam ko'y bumibilis ang tibok ng puso ko, hinahabol ng takot ang bawat hakbang namin. Si Dominic ay walang kahirap-hirap na umiwas sa mga bala, ang mukha niya'y hindi man lang natinag. Tumingin siya kay Santiago, na ngayon ay may bahagyang ngiti sa labi. "You think this is over, Santiago?" malamig na sabi ni Dominic habang unti-unting nilalapit ang baril sa target nito. Ngunit bago pa siya makaputok, lumapit ang lalaking kanina pa tahimik sa tabi ni Santiago. Isang mabilis na galaw, at natamaan si Dominic ng suntok sa tagiliran. "Ugh—!" Napaatras siya, pero mabilis siyang bumawi. "Tsk. Always so predictable," natatawang sabi ni Santiago. "Kaya hindi mo ako
Masakit ang paghinga ko, at ramdam ko ang init ng dugo at adrenaline na mabilis na dumaloy sa katawan ko. Hindi pa tapos ang laban. "Noah, keep moving!" sigaw ko habang hinahabol ang mabilis niyang hakbang. "Ava, bilisan mo!" Mula sa likuran, narinig ko ang pagtawa ni Santiago—mabagal, puno ng panlilinlang. "You can run all you want, Ava, but you know you’ll never escape me." Pinakawalan niya ang isang putok, at mabilis akong napayuko. Ang bala ay dumaan malapit sa tenga ko. Pakiramdam ko, ramdam ko ang init nito sa balat ko. "Son of a—!" Napamura si Noah bago gumanti ng putok, pilit tinatarget ang mga tauhan ni Santiago. "Daanan natin ang kanan! May sasakyan doon!" sigaw niya. Mabilis kaming lumiko. Nanginginig ang kamay ko, pero hindi ito oras para bumigay. Bago pa kami makasampa sa sasakyan, isang anino ang humarang sa amin. "Going somewhere?" malamig na tanong ni Dominic, hawak pa rin ang baril niya. Napatigil ako. Ang pamilyar na titig niya—ngiting may lihim, tingin na
Gumising ako sa matinding sakit ng ulo, ramdam ko ang pag-ikot ng mundo. Bago ko pa man maisip ang nangyari, naramdaman ko na ang malamig na bakal ng posas sa aking mga kamay, mahigpit na nakatali sa likod ko.Anong nangyari?Sinubukan kong gumalaw, ngunit agad kong naramdaman ang panghihina ng katawan ko. Pinilit kong idilat ang aking mga mata, ngunit nanatiling malabo ang paligid. Hindi ko alam kung nasaan ako, pero isa lang ang tiyak—hindi ito isang lugar kung saan ako magiging ligtas."You're awake," isang pamilyar na boses ang bumasag sa katahimikan. Si Dominic.Napalingon ako sa kanya, pero wala akong lakas upang magsalita."How are you feeling?" tanong niya, malamig ngunit may bahid ng kaswalidad sa boses.Hindi ako sumagot. Hindi ko alam kung ano ang kalagayan ko o kung paano ako nakarating dito. Isang bagay lang ang sigurado ako—hindi ko siya maaaring pagkatiwalaan."Stop looking at me like that," aniya, may bahagyang ngisi sa labi. "I didn’t hurt you. Not yet."Hinayaan ko l
Tumitibok nang masakit ang ulo ko. Itim. Lahat itim. Nanginginig ang daliri ko habang pilit kinapa ang paligid.“Dominic?” mahinang tawag ko, pero walang sagot.Tahimik. Nakabibingi. Parang multo lang ang naririnig kong hininga ko.Biglang—CRASH!Napalingon ako. Putol ang ilaw pero may liwanag mula sa pinto. Punit ang kurtina. Amoy sunog. Amoy panganib.Kinapa ko ang baril. Nasa bulsa pa. Mabuti.Tumakbo ako. Walang ingay. Walang alinlangan.Bawat hakbang, parang pako sa dibdib.Takot? Oo.Pero galit? Mas matindi.Dapat matapos na ’to.Pumasok ako sa isa pang silid. May projector. May timer.00:58… 00:57…“Tangina.”Biglang may nagsalita sa speaker. Boses ni Noah. Kalma. Mapanganib.“Time’s ticking, Ava. You chose the wrong side.”Humigpit ang hawak ko sa baril. Hindi ko alam kung nasaan siya, pero ramdam ko ang presensya niya. Parang bawat dingding, mata niya.Binuksan ko ang susunod na pinto—BOOM!Sumambulat ang usok. Napatakbo ako pabalik, humahabol ang init. Sumigaw ang tenga ko.
Kinabukasan, parang ang bigat ng ulo ko. Kailangan ko ng kape.Diretso ako sa paborito kong café, hoping na sana ma-wash away ang weird vibes mula kagabi. Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ang saya ko, pero parang may mga tanong akong hindi ko kayang sagutin.Pagpasok ko sa café, may nakita akong familiar na mukha.“Luna!” Tawag ni Ethan.Napatingin ako.“Ethan?” tanong ko, parang di makapaniwala.Nakangiti siya.“Hindi ba’t ikaw ‘yung type na masarap ang kape dito?”“Baka,” sagot ko,“pero hindi ibig sabihin noon gusto ko mag-coffee date.”“Doon tayo sa counter.” He led the way.“Ano’ng order mo?”Nagkibit-balikat ako.“Same as usual na lang.”Habang naghihintay, ramdam ko pa rin ang awkwardness. Parang may tinatago siya parang hindi ko siya kilala, kahit pa ilang beses na kaming nagkita.Binigay niya ang kape ko.“Cheers?”“Cheers,” sagot ko, kahit na parang may something na hindi ko kayang i-ignore.Naglakad kami patungong mesa at naupo. Tahimik. May mga pagkakataong gusto ko
BANG! Parang pumunit sa hangin ang putok. Agad kaming napayuko. “Baba!” sigaw ng lalaki sa driver's seat, ang boses niya hindi nagpakita ng kaba. Hinila ako ni Dominic pababa sa upuan. Sumabog ang bintana sa kanan. Sumingit ang malamig na hangin at alikabok. “Trap ‘to,” bulong ko, nanginginig ang kamay kong may hawak sa baril. Bumukas ang pinto sa likod. Mga yabag. Mabilis. Marami sila. “Cover me,” utos ni Dominic habang binuksan ang kabilang pinto. Tumalilis kami palabas ng kotse, gumapang sa damuhan. Ang mga putok sunod-sunod, parang ulan ng bala sa paligid namin. “Galing sa kanan!” sigaw ko habang lumalapit ang mga anino. Humandusay kami sa putikan. Mabigat ang hangin, parang dinudurog ang dibdib ko sa kaba. “Tumatakbo sila!” sigaw ng isa mula sa likod. Hinila ako ni Dominic. “Kaliwa! May alley!” Tumakbo kami, lumiko sa madilim na kanto ng abandonadong gusali. Ang paligid, parang multong patay na lugar basag na bintana, sirang pinto, at dingding na puno ng graffiti. “
Tumakbo kami ni Dominic sa madilim na pasilyo, ang katawan niyang halos hindi na matibay, pero pinipilit ko siyang dalhin. Hindi ko siya kayang iwan hindi ngayon.“Ava…” bulong niya, ang bawat salita’y parang naglalaban laban sa paghinga.“Hindi kita bibitawan,” sagot ko, ang mga mata ko puno ng takot at determinasyon. Hindi ako titigil.Bumangon ako ng mabilis, pilit ko siyang inaakay. Pagdungaw ko sa hallway, narinig ko ang putok ng baril isang mabilis na sigaw mula kay Jacob. Hindi ko na naramdaman ang sakit ko, ang banta ng mga kalaban, ang sakit ng katawan ko tanging ang sigaw ni Jacob ang naririnig ko.“JACOB!” sigaw ko. Ang boses ko, puno ng takot at galit, pero hindi na siya sumagot.Mabilis ang mga hakbang ko, pero ang mga mata ko’y hindi matanggal kay Jacob. Tumumba siya. Ang dugo ay dumaloy mula sa katawan niya.Hindi ko na kaya. Tumigil ako sandali, ang puso ko’y tumigil. “Jacob…” Pero walang sagot. Ang sakit ay tumagos sa aking katawan, isang pakiramdam ng pagkatalo, ng
Isang impit na ungol ang pumunit sa katahimikan.Dahan-dahang gumalaw si Dominic. Duguan ang gilid ng katawan niya, pero buhay. Nanginginig ang kamay kong hawak pa rin ang tubo habang napaluhod ako sa tabi niya.“Ava…” bulong niya, mahina pero buo.“Nandito ka.”Tumulo ang luha ko.“Hindi kita iiwan. Hindi na.”“Tumayo kayo!” sigaw ni Santiago, ngayon ay may kasamang dalawang armadong tauhan. Nakaposisyon sila sa magkabilang dulo ng pasilyo, baril na nakatutok sa amin.Napatayo si Jacob, bahagyang inihaharang ang sarili sa amin.“Tatapusin mo ’to sa coward’s way, Santiago? Dalawang baril laban sa isang sugatan at isang babae?”“Sarili mo ang tingnan, Jacob,” tugon niya.“Tatlo kami. Kayo? Laging kulang.”“Pero mas buo kami kaysa sa ’yo,” sagot ko, tinutok ang tubo kay Santiago.Nagngalit ang panga niya.“Babarilin ko kayong lahat kung hindi kayo—”BANG!Bumagsak ang isang ilaw mula sa kisame. Sumabog ang bumbilya sa taas ng tauhan niya. Kumislap ang paligid. Sandaling pagkabigla. Gumu
Chapter 27: Make Your ChoiceBOOM.Sumabog ang mundo.Tumilapon ako. Tumama ang likod ko sa pader. Nanigas ang katawan ko. Nagdilim ang paningin, puti, pagkatapos ay abo. Sumisigaw ang tenga ko sa lakas ng tunog.Ang amoy ng sunog na goma at pulbura ay sumasakal sa akin. Umuusok ang paligid, mainit ang hangin. Lasang kalawang ang bawat hinga. Hindi lang putok at hiyawan ang naririnig ko, naroon din ang pag-crackle ng apoy, ang pagbagsak ng mga debris, ang pag-iyak ng mga natrap.Gumapang ako. Ang init ng apoy ay tumatama sa aking braso, pero ang pisngi ko'y dumidikit sa malamig na semento habang sinusubukang gumalaw. Ang mga anino ay nagsasayaw sa usok, mahirap makilala kung sino ang buhay, sino ang patay."Dominic!" sigaw ko. Wala. Isang saglit lang siya nasa tabi ko."Dominic!"Nakita ko ang isang relo, pilit na kinikislap sa gitna ng abo. Relo niya. Basag ang salamin, nadurog ang strap.Kumabog ang dibdib ko.Hindi siya puwedeng mawala. Hindi ngayon."Kailangan ko siyang mahanap...
Pagkaalis ni Jacob, naiwan kaming dalawa ni Dominic sa warehouse. Tahimik. Mabigat. Parang bago sumabog ang bagyo. “Gone?” bulong ko, hindi makapaniwala. “Paano siyang mawawala nang ganun lang?” Nakatingin si Dominic sa pintuan, hawak pa rin ang baril. Ang mga kamao niya’y nakasara, nanginginig—hindi lang galit, kundi takot, guilt, at isang lihim na hindi pa niya kayang sabihin. “Tangina naman, Santiago,” bulong niya. “He was never supposed to do that.” Nilapitan ko siya. “Sabihin mo sa’kin, Dominic. Anong hindi ko alam?” Nag-angat siya ng tingin. Matatalim ang mata niya, pagod. “Kung nagpalit ng panig si Santiago, Ava... lahat ng ginawa natin—lahat ng plano—pwedeng maging bahagi ng mas malupit na laro.” Napalunok ako. “At yung folder?” “Hindi lang basta ebidensya ‘yon,” sagot niya. “May mga pangalan, operasyon. Mga taong nagtatago sa likod ng mga trahedya natin.” “Kung hawak na ni Santiago…” “…We lost our leverage,” sabay tapik sa dashboard. “And maybe our only
Tumigil ang mundo sa harap ng tatlong lalaki. Santiago, Noah, at Dominic tatlong anino ng aking nakaraan at kasalukuyan. Ngunit isa lang ang kaya kong tingnan sa ngayon. Si Dominic. Ang mga mata niya’y puno ng galit, kontrol, at isang bagay na mas malalim isang sakit na pilit niyang itinatago, parang sugat na ayaw niyang ipakita pero hindi rin niya kayang itanggi. “Pumili ka, Ava,” ulit ni Santiago. Ang folder sa aking kamay ay parang bomba na hindi ko alam kung kailan sasabog. Nanginginig ang mga daliri ko, hindi dahil sa takot—kundi dahil sa bigat ng katotohanang hinahabol ako. “I... I need time,” sabi ko, pero alam kong wala na kaming oras. Biglang may sumabog na putok sa di kalayuan. Napayuko kami ni Noah. Agad akong hinila ni Dominic papalapit, iniharang ang katawan niya sa akin. “Ano bang ginagawa mo?” sigaw ko. “Protecting what’s mine,” bulong niya. Tumigil ang mundo sa mga salitang iyon. Ang init ng palad niya sa braso ko, ang tibok ng puso naming magkalapit—lahat ng
Sumabog ang mga pader sa paligid namin, tinatamaan ng bala. Ang hangin sa loob ng hideout ay puno ng alikabok at usok. Agad akong tinulak ni Jacob patungo sa isang sulok, ang huling folder sa aking mga kamay."Don’t let go of it, Ava!" Sigaw ni Jacob.Nakatingin lang ako, hindi ko alam kung anong gagawin. "Noah!" Sigaw ko, pero wala na siya sa harapan ko. Wala nang oras. Lahat kami nagsasapantaha na may mas malaki pang panganib."Let’s go!" Hinila ako ni Noah papalabas ng gusali, ang mga paa ko halos hindi matapakan ng mabuti. Nakikita ko ang mga kalaban sa bawat sulok. Mga mata ng pusa, nagmamasid, naghihintay.Mabilis akong natigilan. “Noah, saan tayo pupunta?”“Getaway car! Stay close!” Wala na siyang ibang sinabi, pero may alinlangan sa mga mata niya. Nandiyan na si Dominic. Alam kong makikita niya kami.Nang makarating kami sa parking area, hinarang kami ng mga tauhan ni Dominic. Ang init ng katawan ko, ang kaba ay parang isang malaking bato sa dibdib. Bago ako makagalaw, may is