Share

Chapter 64

Abala ang team nila Drew pagdating sa sitio na isang oras ang layo sa bayan dahil maputik at malubak ang daan papasok dito. Nalaman nila na maraming bata doon ang malnourished at matatandang may sakit na hindi agad nabibigyang lunas dahil sa kalayuan sa kabihasnan at mukhang nakalimutan na ng gobyerno. Narinig niya sa ilang taga-doon na kapag eleksyon lamang daw sila doon nabibisita kaya ang leader nila sa lugar ay naghanap ng mga maaaring makatulong sa kanila.

“Doc, na-set up na po yung dalwang medical cabin natin. Magpahinga na po muna kayo.” Lumapit ang isang volunteer na nurse sa kanya.

“Sige mamaya na, maglilibot-libot pa ako.” Sagot niya dito.

Nakapwesto sila sa di kalayuan sa barangay hall ng sitio. Nakita niya ang mga kabahayan na tila barong-barong, mangilan-ngilan ang sementado ngunit ang kalahati ng bahay ay pinagtagpi-tagping plywood. Maging ang barangay at health center na tinatawag sa lugar ay hindi din maay

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status