Dahil walang pasok ay tanghali na bumaba si Phoebe, wala din tawag si Thomas kung kaya’t hindi siya nagising ng maaga. Madalas kasi ito tumawag ng ala sais o alas syete ng umaga.Pagtingin niya sa orasan ay halos tanghalian na. Parang wala pa siya sa sarili habang bumababa. Hanggang sa makaramdam siya ng presensiya sa kusina. Nakailang kurap siya at nakurot ang sariling pisngi.“Sebastian?”Ngumiti lamang ang binata.“Gosh! Nananaginip pa ata ako.”Kagabi lang ay kausap niya ito at nasa ibang bansa pa din, paanong nangyaring narito ito sa kusina.“S-Sino ka? Doppleganger?”“What? Seriously? You believe such thing?” namewang ito sa may counter top habang topless ulit at naka pajamas.Dahan-dahan niyang nilapitan ang lalaki.“I-Ikaw ba talaga yan?” hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito at pinisil.“Yeah.”“Totoo ba?” muli niyang tanong.Hindi na ito sumagot bagkus ay inangkin ang mga labi niya. Tila napako siya sa kinatatayuan at hindi nakagalaw.“Now, tell me if I’m still a dopple
Abala ang team nila Drew pagdating sa sitio na isang oras ang layo sa bayan dahil maputik at malubak ang daan papasok dito. Nalaman nila na maraming bata doon ang malnourished at matatandang may sakit na hindi agad nabibigyang lunas dahil sa kalayuan sa kabihasnan at mukhang nakalimutan na ng gobyerno. Narinig niya sa ilang taga-doon na kapag eleksyon lamang daw sila doon nabibisita kaya ang leader nila sa lugar ay naghanap ng mga maaaring makatulong sa kanila.“Doc, na-set up na po yung dalwang medical cabin natin. Magpahinga na po muna kayo.” Lumapit ang isang volunteer na nurse sa kanya.“Sige mamaya na, maglilibot-libot pa ako.” Sagot niya dito.Nakapwesto sila sa di kalayuan sa barangay hall ng sitio. Nakita niya ang mga kabahayan na tila barong-barong, mangilan-ngilan ang sementado ngunit ang kalahati ng bahay ay pinagtagpi-tagping plywood. Maging ang barangay at health center na tinatawag sa lugar ay hindi din maay
Excited si Phoebe nang araw na iyon sa free diving nila ni Thomas. Matagal na din kasi siyang hindi nakakalangoy kaya iyon ang kinuha ng binata para sa kanya. “Are you happy?” “Super!” sagot niya dito, habang nagreready sa pag-dive. “Okay, kalma lang mam. Wag kang kakabahan sa ilalim kasama mo naman ako pati tong forever mo.” Biro ng coach na kasama nila. “Ready Mam…Sir?” “Ready na po.” Isa-isa silang nagdive. Enjoy na enjoy siya sa ilalim ng tubig, malinaw iyon at kitang-kita ang mga coral reefs at iba’t ibang klase ng isda. Nag-thumbs up siya sa mga kasama. Nakita naman niya ang camera man at nagpapicture siya doon. Kasunod lamang niya si Thomas at ang coach. Iyon na ata ang isa sa pinaka-memorable na activity nila ni Thomas na hindi niya malilimutan. Pangarap niya lang iyon dati. Pinangako ng magulang niya na susuportahan siya ng mga ito sa swimming career niya ngunit nawala ang mga ito ng maaga. Parang nakikita niya ang mga magulang sa ilalim ng tubig at masaya para sa ka
“Can I use this car for the mean time, habang nandito ako sa probinsya niyo?” tanong ni Fiona kay Raf habang nasa garahe sila.Natahimik si Raf habang nag-iisip.“C’mon Raf. We have a lot of fake plate numbers here. Isa pa wala naman masyadong nagbabantay dito unlike in the city.”“Just be mindful of your actions, dahil sabit ka din dito.” Aniya ni Raf kay Fiona.Tinanggal niya ang cover ng kotse at pinalitan ng bagong fake plate number ang kotse.“Don’t worry, I’ll park it here and I won’t touch your girl.”“Tsk.” Ngumisi ang lalaki habang inaayos ang plaka.Nakamasid naman si Luna mula sa balkonahe ng mansion habang kunwari inaabala ang sarili sa laptop.Nagkatinginan sila ni Fiona pagkalabas nito sa garahe. Ngumiti siya dito ngunit inirapan naman siya ng babae.“Tsss…kala mo naman masaya din ako sa presensiya mo.” Irap ni Luna saka pumasok sa kwarto.Maya-maya pa ay nakita niyang nilabas ni Raf ang kotse at nililinis iyon.“Interesting, mukhang pinahupa muna nila ang kung anong iss
Ilang minute bago ang uwian nang may dumating na delivery para kay Phoebe. May ilang empleyado ang nakisilip para makita kung kanino iyon.“Grabe naman yung boquet.” Sabi ng isa.“Nakita ko galing don sa pinakamahal na flowershop.”“Talaga? Sobrang fresh nong roses. With chocolates at teddybear pa.”“Gusto ko din makatanggap ng ganyan.” Naiinggit na umusyoso ang ilang empleyado.“Delivery for Miss Yara Guiron po.” Kumatok ang delivery man sa opisina nila Phoebe at Alex.Napalingon si Alex sa delivery man na halos matabunan na ng dalang teddybear at boquet.“A-Ako po?”“Miss Yara Guiron, Mam?”Napatayo si Phoebe at lumapit.“Ako nga po.”“Paki-receive na lang mam. Tyaka picturan ko po kayo.” Sabi ng lalaki.Kahit naguguluhan ay sumunod naman siya.“One…two…three…Ayan mam. Thank you.”Lumapit si Alex sa kanya para tulungan siya buhatin ang teddybear na malapit na maging kasing laki ng dalaga.“Mukhang bumabawi ang boyfriend mo ah.”“Boyfriend…” agad niyang hinanap kung may note sa boque
Magtatagal pa sana si Drew kasama ang tatlong babae nang tumaawag ang kasama niyang doctor sa site kailangan daw siya doon dahil emergency.“Mauuna na ako sa inyo, kailangan na ako sa site.” Paalam niya sa tatlo. “Mag-ingat kayo Astrid.”“Okay kuya. Bye.”“Bye Dr. Martinez, salamat.” Aniya ni Phoebe.“Thanks po sa libreng breakfast.” Dagdag ni Angelie.“Sige.” Tipid siyang ngumiti at nagtungo sa sasakyan.Muli niyang nilingon ang tatlong babae bago tuluyang pinaandar ang kotse.*****“Thanks Phoebe, mag-iingat ka dito mag-isa. Sa susunod sabay na kami ni Angelie papunta dito.”“Oo nga.” Nag-apir pa ang dalawa.Hinatid siya ng dalawang babae sa opisina nila.“Pano mauna na ako, sabihan nyo ako pag nakabalik na kayo ha.”“Sure!” sabay na sabi nila Angelie at Astrid.Kumaway siya sa mga ito bago pumasok.Pag dating sa opisina nila ay wala si Alex, madalas itong nauuna sa kanya.“Good morning!” masiglang bati ng boss niya.“Good morning po Sir, gusto niyo po ng kape.”“Sure.” Ngumiti ito
Bago matulog ay ininom ni Drew ang ilang medication sa kanya ng tyuhin na doctor din. Galing pa iyon sa ibang bansa.Umupo siya sa kama at sumandal. Muli na naman niyang naalala ang nakaraan niya. Matapos ang insidenteng iyon ay lalong lumala ang anxiety niya na lubhang ikinabahala ng magulang niya. Hindi iyon alam ni Astrid, mabuti na lamang at mula ng magtrabaho siya sa ospital nila ay bumukod siya sa mga magulang.Nahilot niya ang sintido. Nasa ganoong estado siya ng may kumatok sa pintuan.“Hi doc good evening.” Bati ng igang nurse sa kanya.Matagal na ito sa ospital at nakilala niya ito dahil lagi itong nagvo-volunteer sa medical mission nila.“Nurse Irish…may kailangan ka ba?” tanong niya sa babae.“Ah bibigay ko lang sana sayo to doc, gumawa kasi kami ng fruit shake.” Nakangiting inabot ng babae ang baso sa kanya.“Oh thanks Irish.” Ngumiti din siya dito.“Any time doc. Goodnight.” Pagkasabi non ay tumalikod na ang babae.Muli niyang nilingon ang pinto pagkasara ni Drew at saka
Hindi mawala sa isip ni Phoebe ang kotse na nakita. Parang nagflashback sa kanya ang kotse na nakabangga sa kapatid. Ni hindi man lang ito huminto. “Are you okay?” tanong ni Thomas habang nilolock ang pinto ng bahay pag-uwi nila. “Ah oo. Medyo pagod lang.” sagot niya lamang dito. “You go upstairs and rest. I’ll just send an email to my assistant.” Sabi ng binata sa kanya. Nauna na nga siya umakyat at binabad ang katawan sa malamig na tubig sa bathtub. Nang matapos siya ay wala pa din si Thomas kaya madali siyang nag-email sa contact person niya noon na public attorney na nilapitan nong nabangga ang kapatid. Nakatulog na siya sa pag-aantay sa binata. Medyo malalim na ang tulog niya nang muli siyang bumalik sa bakanteng silid ng safe house. Naririnig niya paulit-ulit ang boses ng lalaking nanamantala sa kanya at ang mga ginawa nito sa kanya. “Please wag…tama na…” mahina niyang usal. Naramdaman niyang huminto ito sa ginagawa. “Yara…Yara….wake up…” marahang tapik ni Thomas sa kanya.