“Hey gorgeous, good morning! Just checking you out before I sleep.” Wika ni Thomas habang nagtatanggal ng necktie. “Wag ka mag-alala kumakain ako ng tama, tyaka kakadala lang sakin nila Nanay Lala ng seafoods.” Sagot niya dito saka ngumiti at pinakita pa ang malalaking sugpo na fresh na fresh dinala ng mag-asawa. “If I just don’t know how much you love seafoods, I would assume that you’re pregnant again.” Natatawang sabi ng binata na naupo sa kama. Natahimik naman si Phoebe dahil naalala niya ang insidente na nakunan siya. Siguro kung sinabi niya kay Thomas ang nararamdaman at hindi siya naduwag, baka naprotektahan niya ang anak dapat nila. “What’s wrong?” untag ng binata. “Ah…wala, may naalala lang ako.” “Yara…it’s best that we don’t have a baby yet. I know it pains you a lot. I’m sorry for our lost. But having a kid is something we should discuss.” Paliwanag nito. “I know. I’m sorry if I wasn’t careful. Don’t worry I’m taking my pills regularly.” Mabigat sa kanya sabihin ang m
Dahil walang pasok ay tanghali na bumaba si Phoebe, wala din tawag si Thomas kung kaya’t hindi siya nagising ng maaga. Madalas kasi ito tumawag ng ala sais o alas syete ng umaga.Pagtingin niya sa orasan ay halos tanghalian na. Parang wala pa siya sa sarili habang bumababa. Hanggang sa makaramdam siya ng presensiya sa kusina. Nakailang kurap siya at nakurot ang sariling pisngi.“Sebastian?”Ngumiti lamang ang binata.“Gosh! Nananaginip pa ata ako.”Kagabi lang ay kausap niya ito at nasa ibang bansa pa din, paanong nangyaring narito ito sa kusina.“S-Sino ka? Doppleganger?”“What? Seriously? You believe such thing?” namewang ito sa may counter top habang topless ulit at naka pajamas.Dahan-dahan niyang nilapitan ang lalaki.“I-Ikaw ba talaga yan?” hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito at pinisil.“Yeah.”“Totoo ba?” muli niyang tanong.Hindi na ito sumagot bagkus ay inangkin ang mga labi niya. Tila napako siya sa kinatatayuan at hindi nakagalaw.“Now, tell me if I’m still a dopple
Abala ang team nila Drew pagdating sa sitio na isang oras ang layo sa bayan dahil maputik at malubak ang daan papasok dito. Nalaman nila na maraming bata doon ang malnourished at matatandang may sakit na hindi agad nabibigyang lunas dahil sa kalayuan sa kabihasnan at mukhang nakalimutan na ng gobyerno. Narinig niya sa ilang taga-doon na kapag eleksyon lamang daw sila doon nabibisita kaya ang leader nila sa lugar ay naghanap ng mga maaaring makatulong sa kanila.“Doc, na-set up na po yung dalwang medical cabin natin. Magpahinga na po muna kayo.” Lumapit ang isang volunteer na nurse sa kanya.“Sige mamaya na, maglilibot-libot pa ako.” Sagot niya dito.Nakapwesto sila sa di kalayuan sa barangay hall ng sitio. Nakita niya ang mga kabahayan na tila barong-barong, mangilan-ngilan ang sementado ngunit ang kalahati ng bahay ay pinagtagpi-tagping plywood. Maging ang barangay at health center na tinatawag sa lugar ay hindi din maay
Excited si Phoebe nang araw na iyon sa free diving nila ni Thomas. Matagal na din kasi siyang hindi nakakalangoy kaya iyon ang kinuha ng binata para sa kanya. “Are you happy?” “Super!” sagot niya dito, habang nagreready sa pag-dive. “Okay, kalma lang mam. Wag kang kakabahan sa ilalim kasama mo naman ako pati tong forever mo.” Biro ng coach na kasama nila. “Ready Mam…Sir?” “Ready na po.” Isa-isa silang nagdive. Enjoy na enjoy siya sa ilalim ng tubig, malinaw iyon at kitang-kita ang mga coral reefs at iba’t ibang klase ng isda. Nag-thumbs up siya sa mga kasama. Nakita naman niya ang camera man at nagpapicture siya doon. Kasunod lamang niya si Thomas at ang coach. Iyon na ata ang isa sa pinaka-memorable na activity nila ni Thomas na hindi niya malilimutan. Pangarap niya lang iyon dati. Pinangako ng magulang niya na susuportahan siya ng mga ito sa swimming career niya ngunit nawala ang mga ito ng maaga. Parang nakikita niya ang mga magulang sa ilalim ng tubig at masaya para sa ka
“Can I use this car for the mean time, habang nandito ako sa probinsya niyo?” tanong ni Fiona kay Raf habang nasa garahe sila.Natahimik si Raf habang nag-iisip.“C’mon Raf. We have a lot of fake plate numbers here. Isa pa wala naman masyadong nagbabantay dito unlike in the city.”“Just be mindful of your actions, dahil sabit ka din dito.” Aniya ni Raf kay Fiona.Tinanggal niya ang cover ng kotse at pinalitan ng bagong fake plate number ang kotse.“Don’t worry, I’ll park it here and I won’t touch your girl.”“Tsk.” Ngumisi ang lalaki habang inaayos ang plaka.Nakamasid naman si Luna mula sa balkonahe ng mansion habang kunwari inaabala ang sarili sa laptop.Nagkatinginan sila ni Fiona pagkalabas nito sa garahe. Ngumiti siya dito ngunit inirapan naman siya ng babae.“Tsss…kala mo naman masaya din ako sa presensiya mo.” Irap ni Luna saka pumasok sa kwarto.Maya-maya pa ay nakita niyang nilabas ni Raf ang kotse at nililinis iyon.“Interesting, mukhang pinahupa muna nila ang kung anong iss
Ilang minute bago ang uwian nang may dumating na delivery para kay Phoebe. May ilang empleyado ang nakisilip para makita kung kanino iyon.“Grabe naman yung boquet.” Sabi ng isa.“Nakita ko galing don sa pinakamahal na flowershop.”“Talaga? Sobrang fresh nong roses. With chocolates at teddybear pa.”“Gusto ko din makatanggap ng ganyan.” Naiinggit na umusyoso ang ilang empleyado.“Delivery for Miss Yara Guiron po.” Kumatok ang delivery man sa opisina nila Phoebe at Alex.Napalingon si Alex sa delivery man na halos matabunan na ng dalang teddybear at boquet.“A-Ako po?”“Miss Yara Guiron, Mam?”Napatayo si Phoebe at lumapit.“Ako nga po.”“Paki-receive na lang mam. Tyaka picturan ko po kayo.” Sabi ng lalaki.Kahit naguguluhan ay sumunod naman siya.“One…two…three…Ayan mam. Thank you.”Lumapit si Alex sa kanya para tulungan siya buhatin ang teddybear na malapit na maging kasing laki ng dalaga.“Mukhang bumabawi ang boyfriend mo ah.”“Boyfriend…” agad niyang hinanap kung may note sa boque
Magtatagal pa sana si Drew kasama ang tatlong babae nang tumaawag ang kasama niyang doctor sa site kailangan daw siya doon dahil emergency.“Mauuna na ako sa inyo, kailangan na ako sa site.” Paalam niya sa tatlo. “Mag-ingat kayo Astrid.”“Okay kuya. Bye.”“Bye Dr. Martinez, salamat.” Aniya ni Phoebe.“Thanks po sa libreng breakfast.” Dagdag ni Angelie.“Sige.” Tipid siyang ngumiti at nagtungo sa sasakyan.Muli niyang nilingon ang tatlong babae bago tuluyang pinaandar ang kotse.*****“Thanks Phoebe, mag-iingat ka dito mag-isa. Sa susunod sabay na kami ni Angelie papunta dito.”“Oo nga.” Nag-apir pa ang dalawa.Hinatid siya ng dalawang babae sa opisina nila.“Pano mauna na ako, sabihan nyo ako pag nakabalik na kayo ha.”“Sure!” sabay na sabi nila Angelie at Astrid.Kumaway siya sa mga ito bago pumasok.Pag dating sa opisina nila ay wala si Alex, madalas itong nauuna sa kanya.“Good morning!” masiglang bati ng boss niya.“Good morning po Sir, gusto niyo po ng kape.”“Sure.” Ngumiti ito
Bago matulog ay ininom ni Drew ang ilang medication sa kanya ng tyuhin na doctor din. Galing pa iyon sa ibang bansa.Umupo siya sa kama at sumandal. Muli na naman niyang naalala ang nakaraan niya. Matapos ang insidenteng iyon ay lalong lumala ang anxiety niya na lubhang ikinabahala ng magulang niya. Hindi iyon alam ni Astrid, mabuti na lamang at mula ng magtrabaho siya sa ospital nila ay bumukod siya sa mga magulang.Nahilot niya ang sintido. Nasa ganoong estado siya ng may kumatok sa pintuan.“Hi doc good evening.” Bati ng igang nurse sa kanya.Matagal na ito sa ospital at nakilala niya ito dahil lagi itong nagvo-volunteer sa medical mission nila.“Nurse Irish…may kailangan ka ba?” tanong niya sa babae.“Ah bibigay ko lang sana sayo to doc, gumawa kasi kami ng fruit shake.” Nakangiting inabot ng babae ang baso sa kanya.“Oh thanks Irish.” Ngumiti din siya dito.“Any time doc. Goodnight.” Pagkasabi non ay tumalikod na ang babae.Muli niyang nilingon ang pinto pagkasara ni Drew at saka
Few days ago… “Nasan ba tong babae na to?” asik ni Phoebe habang dahan-dahan pababa ng apartment ni Angelie. “Wala naman sa loob eh.” Nag ring ang phone niya. “Yaya Lita?” “Hija nasan ka ba? Hinahanap ka ni Sir Thomas.” “Pauwi na po, dumaan lang ako kay Angelie.” Nagpunta siya non sa kumpanya ni Mr. Llave at si Yaya Lita ang pansamantalang nagbabantay kay Pierre. Pagbaba niya ng apartment ay may nakita siyang pamilyar na sasakyan sa gilid ng building. Nilapitan niya iyon at laking gulat niya ng makitang tulog si Angelie at Clark sa loob ng sasakyan. Hindi siya agad nakagalaw. Dahan-dahan namang nagmulat ng mata ang kaibigan. Napakurap-kurap ito at alam niyang bigla itong sumigaw ng makilala siya. “OMG! OMG! Anong ginawa mo sakin?” tanong niya kay Clark na nagising sa sigaw niya. Bumaba naman agad si Angelie ng sasakyan. “Pheobe…that man…that man…” “Arghhh…you reek of alcohol.” iwas niya sa kaibigan. “Exactly, Phoebe. At eksaktong nandon sila ng mga katrabaho niya
Maaliwalas ang bahay nang datnan nila. Four years ago ay pinapagawa pa lamang iyon ni Thomas. Ngayon ay buong-buo na ito. Siya ang pumili ng furnitures at appliance kahit nasa England sila at si Albus ang nag-asikaso non sa tulong nila Astrid at Angelie. “Welcome home!!!” sabay-sabay na bati ng mga kaibigan.“Hello Pierre! I’m your tita Angelie and this is Tita Astrid.” magiliw naman silang binati ng tatlong taong gulang na bata at agad nilang nahuli ang loob nito. Maya-maya lang ay kalaro na sila ni Pierre. Habang nagpapalit ng damit si Phoebe mula byahe ay narinig niya ang splash ng tubig at malakas na tawanan ng mga kaibigan. Pagsilip niya ay basang-basa na si Lloyd na umaahon sa pool. Malamang ay naitulak ito ng anak. “Got you uncle Lloyd!” tawa ng bata. Binuhat ito ni Thomas.“So you’re enjoying them?”“Yes dad.”“Why don't you change your clothes before you get wet too?”“Okay.” tango nito. Maya-maya ay dumating ang lolo at lola ni Pierre, kaagad naman sumalubong ang bata sa
“Do you really have to do this?” naiiyak na tanong ni Mrs. Annabelle sa anak. “Mom, you can go visit us anytime.” tinapik niya ang balikat ng mommy niya. Nag-eempake pa lamang sila ng gamit ay umiiyak na ito. “We can visit them anytime hon.” pang-aalo naman ng asawa niya. “We just have to help Albus here because this time he won’t be around our son.” dagdag ni Ben. Bakasyon lang dapat sa England ang balak ni Thomas para sa kanilang dalawa pero matapos malaman ang pinagdaraanang trauma ng asawa na dinagdagan pa ng negatibong balita ng OB ni Phoebe ay minabuti niyang asikasuhin ang papeles ni Phoebe. “It’s been only two months na kasama ka namin dito hija yet heto at aalis naman kayo ni Thomas.”“Babalik din naman po kami mom. Just stay healthy po.”“I wanted to see my apo habang nagbubuntis ka.”Natigilan si Phoebe. “Mom…” saway ni Thomas. Nasabi na din kasi niya sa mommy niya ang kondisyon ni Phoebe. “Okay, alright. We’ll be there pag meron na ha.”“Yes Mom.” niyakap niya ang m
Isang pribadong seremonya ang naganap sa loob ng bakuran ng mga Preston. Tanging pamilya, malalapit na kaibigan nila Thomas at Phoebe ang naroon. Kinuha pa nga nilang ninang at ninong sa kasal ang mga magulang ni Angelie. Si Albus ang best man at si Angelie ang maid of honor sa kasal nila. Hindi lalampas sa trenta ang mga naroon. Sa dami ng pinagdaanan nila ni Thomas at samu’t saring issues ay mas pinili na lamang nila ang tahimik na kasal, dahil kung tutuusin kung sino ang mga naroon ay sila din ang makakasama nila sa bagong yugto ng buhay nila. Aanhin mo ang madaming bisita at engrandeng kasal na alam ng halos ng buong Pilipinas kung sa huli ay hindi maayos ang pagsasama?Nang magsimulang umere ang bridal song ay bumilis ang tibok ng puso ni Thomas, alam naman niyang nasa area lang si Phoebe pero hindi mawala ang takot na baka hindi niya ito muling makita. Paano kung umatras na ito? Paano kung may dumakip na naman dito?Nahawakan niya ang dibdib at pilit inalis ang masasamang ima
Isang linggo ng hindi pumapasok si Thomas sa opisina, mabuti na lamang at naroon si Albus para i-represent ang kompanya.Nagpupunta-punta na lamang si yaya Lita sa condo dahil bumalik na ito sa villa. Malungkot na tinanaw ng yaya niya ang saradong silid nang matapos siyang maglinis sa kabuuan ng unit ng binata. Ibang-iba na ang itsura ng lugar kumpara nong naroon si Phoebe. Hindi nauubos ang upos ng sigarilyo na halos dumikit na sa bawat sulok ng lugar. Tila bar ang lugar dahil sa hindi nauubos na bote ng iba’t ibang alak ang nagkalat sa wine bar at sa kusina. Napabuntong hininga na lamang si yaya Lita. Matapos niyang tupiin at ayusin ang mga bagong nalabhan ay kumatok siya sa silid ni Thomas. “Hijo…Thomas, mauna na ako. Tawagan mo ako kung may ipapagawa ka dito ha.” ilang segundo siyang nakatayo sa labas ng silid ngunit walang tugon ang binata kaya nilisan na niya ang unit nito. Sunod-sunod ang buga niya ng sigarilyo, hindi niya gusto ang makapit na amoy non pero nasanay na siya
“Castillo, may bisita ka!” tawag ng pulis sa kanya. Dahan-dahan bumangon si Rafael sa sahig. Hinang-hina pa ang katawan niya mula sa pambubugbog sa kanya dalawang-araw na ang nakakalipas. “Dito.” utos sa kanya ng pulis, napatingin pa siya dito ng alanganin dahil hindi sa karaniwang lugar kung san naroon ang bisita siya nito tinuro.“Bilis.” Binuksan nito ang pinto at pumasok siya. Isang hindi inaasahang bisita ang nakita niya doon. “B-Benjamin?” aniya, puro pasa pa din ang mukha at namamaga pa ang isang mata niya.“Take a seat.” Parang robot na sumunod siya dito.“I…I just wanted to talk to you after I heard you’re one of the masterminds.” sabi ng tatay ni Thomas. “You’re the reason why my father died. You took our business na pinaghirapan niya.”“I’m sorry for what happened Raf, but it went through a process. You were at the right age at that time and now, a man whom I know can understand how business runs.”“Hindi mo siya binigyan ng chance!” galit na sabi niya. “I gave him s
“Doc! Doc!” tumakbo ang nurse patungo sa silid niya ng makitang nagkamalay ang pasyente nila. “Bakit? Is there something wrong?”“May malay na siya doc.” balita ng nurse. Agad siyang napatayo at lumabas sa study room niya. Tiningnan niyang mabuti ang response ng dalagang nakahiga sa kama.“Thank God!” napaupo si Drew sa tabi ni Phoebe ng makitang nagrerespond ito. “D-Drew…” mahinang sabi nito. “Yeah…ako nga…just take a rest okay. We’ll talk when you’re fine.” Tumingin lamang ito sa kanya at muling pumikit. *****Thomas’ Wedding Day…Hindi mapakali si Drew, alam niyan ngayon ang kasal ni Thomas. Alam niyang sobrang nasasaktan ngayon si Phoebe kaya’t kahit imposible ay pupuntahan niya ito sa condo. Sa di kalayuan ay natanaw niyang sumakay ito ng taxi, may kung anong nagtulak sa kanya para sundan iyon. Hanggang biglang bumilis ang takbo non at patungo sa kung saang lugar. Nakita niyang biglang napahiga si Phoebe sa taxi, kanina lamang ay nakaupo iyon. Kinabahan siya agad at lihim
“I’m sorry Mr. Preston, but my team checked underneath carefully pero–”“And you call yourself a professional, when you cannot find her?!” galit na sigaw niya. “Dude, my team is helping, don't worry.” tapik ni Lloyd sa kanya. Napalingon sila sa naghy-hysterical na babae palapit sa kanila. “Oh my God! Oh my God! Phoebe!” sigaw ni Angelie, sinalubong naman agad siya ni Astrid. “Lee…they’re looking for her.” pinunasan nito ang luha na nagsisimula na namang tumulo.“Kanina pa yan diba? Ano na Astrid?” hindi mapakali si Angelie. Nahagip ng mata niya si Thomas. “Ikaw! Ikaw! Kasalanan mo to eh. Kung pinalaya mo lang yung kaibigan ko hindi magkakaganito. Edi sana hindi siya papatayin ng obsessed na obsessed pabagsakin ka!” Hindi umimik si Thomas. Kahit siya ay sinisisi niya ang sarili sa nangyari. “Kasalanan mo to Preston! May gimik ka pa sa kasala niyo kunware edi sana diba pinaliwanag mo don sa kaibigan ko! Ano maibabalik mo ba siya?!” sigaw muli si Angelie, habang yakap siya ni Astr
Today is the big day for Fiona. Ilang oras na lamang ay Mrs. Fiona Alvarez-Preston na siya. “You are so gorgeous hija.” puri ng ginang sa kanya pagpasok sa bridal room. “Thank you tita.” “Call me mom, para na din kitang anak.” “Sure…mom.” ngumiti siya dito at niyakap ang babae. “Maiwan na kita at iche-check ko ang daddy niyo kung nakapag-ayos na din.” “Sige po.” Pagkalabas ng ginang ay sumunod na din ang make-up artist na nag-ayos sa kanya. Kinuha niya ang cellphone at tinawagan si Raf. “Hello, make sure na hindi ka na sasablay sa araw na ito ha. Wag mo akong bigyan ng sakit ng ulo sa mismong kasal ko.” “Relax, baka mamaya magka-wrinkles ka kakaisip jan.” “Tsk. Umayos ka Raf.” “Yeah.” tamad na tamad na sagot nito. “Sige na bye, I’ll meet you guys next week.” “Okay.” Pagkababa ng tawag ay may narinig siyang katok, bumukas ang pinto at sumilip si Anne. “Hey! Congrats Fiona!” bati nito sa kanya. “Thanks, akala ko hindi ka na darating.” “Ako pa ba? I’m the maid-of-