Share

Chapter 5

Sunod-sunod ang trabaho sa department nila Phoebe kung kaya’t hindi siya makapag sideline. Pinaliwanag naman niya iyon kay Henry na naintindihan din naman ng huli.

“Oo nga pala, nakausap ko si Dr. Martinez nong sinamahan ko si Kelly magpacheck-up. Himala he is asking for you. And told me na you met.” Tumataas ang kilay na pang-iintriga niya sa alaga isang hapon na bumisita ito sa kanya.

“Talaga mommy Henry? Ano sabi mo?” kumabog bigla ang dibdib niya.

“Edi sabi ko busy ka ngayon sa internship mo.” Humalukipkip ito. “Teka nga, bakit parang gusto mo pa ulitin? Bago ata yon sayo.”

Nahihiyang ngumit siya dito.

“Ang totoo kase niyan mommy Henry…matagal ko ng gusto si Dr. Martinez kaya lang may girlfriend siya.”

“At ngayon?”

Nagkibit balikat siya. “Sabi niya break na daw sila.”

“Ah kaya ka inalok, nangati siguro.” Natatawang komento ng mommy Henry niya.

“Ouch ha!” ngumuso siya dito. “Mommy Henry, pwede bang kay Dr. Martinez mo na lang muna ako ibigay habang sobrang busy pa namin? Baka hindi ko na kayanin mag duty kagaya dati kasi eh.”

Nasamid naman ang bakla na umiinom ng kape. “Ah! You’re unbelievable darling.” Nailing at tila naninibagong tumingin ito sa kanya. “You’ve learned na talaga. Well bukas ay sasamahan ko naman si Ella, I’ll give him a signal.”

Kinikilig na tumango siya dito.

“Kaso…” kaagad niyang dagdag.

“Ano yun mommy?”

“Nag initial send sakin ng bayad si Mr. Preston darling.”

“Ha?!” napatanga siya sa kaharap.

“Iba din karisma mo no? Maiinggit na naman yung mga girls ko sayo. Ano balak mo?”

Napahinga siya ng malalim.

Alas-otso na nang makauwi siya sa bahay nilang magkapatid. Naabutan niya ang kuya niya na naghahain na ng pagkain.

“Wow! Anong meron kuya?” kaagad naman siyang lumapit sa kapatid.

“Pay day.” Natatawang sagot nito.

“Nagluto naman ako ng paborito mong liempo. Bumili din ako ng maliit na cake para naman may dessert diba?”

“Eh? Hindi na kailangan kuya.Ikaw talaga.”

“Hayaan mo na minsan lang naman eh, kain na tayo.” Nauna na itong naupo na tila pagod na pagod sa trabaho.

“Okay ka lang ba kuya?” nag-aalala siyang lumapit dito.

“Oo pagod lang.”

Kaagad naman siyang naghugas ng kamay at umupo sa tapat ng kuya niya.

“Nagustuhan mo naman yung sapatos kuya?”

“Oo naman pero dapat tinabi mo na lang pang-allowance mo.”

Tumawa siya at sumubo ng pagkain. “Eh di ba sabi mo nga ‘minsan lang naman’. Isa pa malaki yung tip na binigay samin sa company eh.”

Bigla niyang binalik ang tingin sa pagkain dahil ang totoo galing sa pagbebenta niya ng sarili ang pera na iyon.

Matapos kumain ay nagprisinta na si Phoebe na magligpit at naligo na si Prince. Tapos na sya sa ginagawa ng marinig niya ang kalabog sa kwarto ng kapatid. Kaagad naman siyang pumunta doon.

“Kuya ano yan?”

Napasigaw siya ng makita niyang nakahandusay sa sahig ang kapatid niya.

“Kuyaaaa!!!”

***

Umiiyak si Phoebe habang nasa ospital at inaantay ang doctor na tumitingin sa kuya niya.

“Phoebe anong nangyari?” humihingal na tanong ni Angelie.

“Si kuya…bigla na lang siya natumba eh hindi ko alam kung bakit.”

“Shhh…tahan na.”

Maya-maya ay lumabas ang doctor.

“Doc…kamusta po si kuya?”

“Hija…your brother has traumatic brain injury. Napapansin mo ba if may iniinda siyang masakit?”

“Wala doc, lagi po kase nasa trabaho si kuya at nasa intership ko naman po ako.”

“Well hija, I’m certain na dahil ito sa aksidente niya noong nakaraan. Malamang hindi lang sinasabi ng kuya mo sayo. But as we took some tests, I’m sorry but he developed brain cancer.”

“Po?” parang binuhusan ng malamig na tubig si Phoebe sa narinig.

“Ililipat namin siya sa kwarto. Let him rest muna.”

Matapos non ay iniwan na sila ng doctor.

“Angelie…Angelie…” niyakap siya ng kaibigan at parehas na silang umiyak sa kalagayan ni Prince. “Hindi ko kaya mawala si kuya…it’s brain cancel Liee…”

“Eveything will be okay Phee.” Pang-aalo niya sa kaibigan.

***

Hindi nakapag-duty si Phoebe sa Zeus, pinaliwanag naman ni Angelie ang sitwasyon. Binantayan niya ang kapatid niya sa ospital. Nang makatulog ng mahimbing si Prince ay tinawagan niya si Mommy Henry, kaagad naman siyang pinuntahan nito.

“Oh Phoebe.” Inabot ng mommy Henry niya ang isang frappe habang nakaupo siya sa bench sa labas ng ospital. “Kamusta na ang kuya mo?”

“Ayun nagpapahinga na.” kaagad naman tumulo ang luha niya.

“Tissue darling.”

“Mommy Henry…kelangan ko ng pera. Kelangang ng gamutan ni kuya.” Humagulgol na naman siya.

“Ah actually, nasabi ko nga to kay Dr. Martinez, handa naman siyang tumulong kaso nga lang may condition.”

“Kahit ano mommy Henry. Kahit sino pa yan. Mailigtas lang si kuya.” Nagmamakaawa niyang sabi dito.

“Sige, puntahan mo daw siya mamaya sa opisina niya. Mag-usap kayo.”

Tumango siya.

***

Excited at hindi mapakali si Angelie habang hawak-hawak niya ang ilang copy ng magazine na pinaaabot sa kanya sa Preston Prestige Grp. Of Companies. Sila dapat ni Phoebe yon eh, kaso wala ang kaibigan.

“Good morning po, I’m from Zeus Company. I’m here to deliver these magazines as per Mr. Preston’s request.” Sabi niya sa receptionist.

“Yes, they are expecting you. Proceed to tenth floor Miss, Mr. Albus Olivar will see you.” Magalang naman nitong sagot.

“Okay po thank you.”

Umakyat na sya sa taas at sinalubong siya ng secretary ni Mr. Preston.

“Good morning are you from Zeus?”

“Yes po Sir. I’m Angelie Cruz po.”

“I’m Albus Olivar his secretary.”

“Woah! Talaga po?” namangha naman si Angelis dahil first time niya makakita ng lalaki na sekretatrya.

Hindi inaasahan ni Albus ang reaksyon ng dalaga kaya natawa siya dito.

“Sorry po, akala ko po kase for girls lang ang secretary. Intern po ako sa Zeus Sir.”

“It’s okay, come on.”

Sinamahan siya nito patungo sa opisina ni Thomas na noon ay nakaupo sa swivel chair at minamasdan ang kalawakan ng syudad.

“Mr. Preston, Zeus staff is here.”

Tumaas ang kilay ni Thomas at tila may mga paru-paro sa tiyan niya. Kinikilig ba siya?

Impossible. Sagot niya sa sarili.

“Oka let her in.” he proudly turn around ngunit ganon na lang ang inasim ng mukha niya nang hindi iyon ang babaeng inaasahan niya.

“A-Are you the intern from Zeus?” dala nito package at may boquet pa.

“Y-Yes Sir. I’m Miss Cruz. Aparently my partner can’t make it because of some personal matter.” Pinilit niyang ngumiti dito dahil pakiramdam niya ay wala sa mood ang lalaki.

“Tsk. Personal matter? She’s your partner in that job yet she’s not around.” Asik niya.

“Po? Ki-kilala nyo po ba yung tinutukoy ko sir?”

Napatingin siya sa kaharap na babae at lumipat ang tingin niya kay Albus.

“Uhmm…my secretary told me during the party that Zeus has two female interns.”

“Ah…okay po.” Tatango-tangong sagot niya sa binata. “Iiwan ko na po ito sir. Also pinabibigay po ni Mam Tolentino itong boquet.” Inabot naman ni Albus ang mga iyon.

“Okay, tell Mrs. Tolentino my great appreciation.”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status