Pagkalabas ng intern from Zeus at ni Albus ay sumimangot naman ang binata. He was actually expecting to see that woman na hindi niya alam kung bakit may one-time policy. Nag-send pa nga siya kay Henry ng pera like a ‘reservation’, pero wala pang naririnig na sagot mula sa babae.
“Where do you find an escort like that? Are they that entitled?” nasabi na lang niya habang nakatanaw na naman sa labas.
“Who’s entitled?”
Nagulat pa siya sa pagsulpot ni Albus.
“I escorted Ms. Cruz. Anything you need Mr. Preston?”
“Escort…” he muttered.
“Escort? You need me to escort you somewhere?”
“Nah! Wala, go back, I’ll review these reports.” Itinaas niya ang kamay at sinensyasan si Albus na lumabas.
Inayos naman ng sekretarya niya ang kwelyo at nagsimula ng lumakad palabas nang tawagin siya muli ni Thomas.
“Albus.”
“Thomas.”nginitian niya pa ito ng nakakaloko.
“Are we that really familiar that you talk to me like that?”
“Hmmm…I thought you needed a friendly advice.”
“What kind of advice then?” kunot-noong tanong nya dito.
Nagkibit balikat si Albus. “Information of Miss Guiron…something like that.”
“Oh man! No way!” may paghampas pa sa mesa na tanggi niya.
“C’mon Thomas your lips lied, but your eyes and actions don’t.”
“Stop it man.”
“I heard that her brother is in the hospital that’s why only Miss Cruz was here a while ago. Thank me later.” Kinindatan niya ang boss niya saka lumabas.
Napaisip naman siya paglabas ni Albus. Maya-maya ay minabuti na lang niyang abalahin ang sarili sa trabaho kesa isipin ang babae. Isang beses lang naman sila nagkasama pero bakit ganoon na lang siya maapektuhan nito.
Abala siya sa trabaho nang marinig niya ang notification sound ng social media account niya.
Fiona: Hi, can we talk?
Pinatay niya ang cell phone pagkabasa ng message ng babae. Sumandal siya sa upuan at tinikom ang mga kamao na parang nais niyang manakit.Tiim-bagang siyang tumayo at pinanood ang paglubog ng araw. Hindi pa din niya malilimutan ang ginawa ni Fiona sa kanya.
Tinatahak ni Phoebe ang hallway papunta sa opisina ni Drew, alam niyang tapos na ang working hours nito. Nang marating niya ang clinic ay mejo nakaawang ang pinto, marahan siyang kumatok at pumasok ngunit hindi niya inaasahan ang maaabutan niya.
May curtain division ang clinic nito para sa mga pasyente at kitang-kita niya ang silhouette ng dalawang taong naghahalikan. Para siyang napako sa kinatatayuan, akala niya lang talaga na may ibang interes pa si Drew kung kaya’t nais pa nitong makasama siya, iwinaksi niya ang sarili at dali-daling lumabas.
“What…didn’t you lock the door?” tanong ng babae ng marinig ang tila pag-sara ng pinto
“Oh maybe I forgot. Wait, I’ll double-check.” Napansin ni Drew na hindi niya nai-lock ang pinto, marahil ay nanabik siya sa nobya dahil nagkaayos na sila nito.
I hope it’s not Phoebe. I like that little girl.
“You’re still stupid. Hindi mo ni-lock?” pagsusungit ng babae.
“Shhh…don’t mind them.” Kaagad naman niyang tinuloy ang pagpapaligaya sa kasintahan.
****
Naupo sa isang cubicle sa banyo si Phoebe at doon pinaagos ang mga luha. Wala naman siyang karapatang masaktan dahil hindi sila ni Dr. Martinez pero masakit pala na makitang kasama ng doctor ang totoong mahal niya. Dahil lahat ng halik at haplos ay may kasamang pagmamahal. Hindi gaya nong napagsaluhan nila. Lahat ata ng nagging kliyente niya ay may kanya-kanyang espesyal na tao sa buhay, nabobored kung kaya’t naghahanap ng thrill.
Hanggang ganito na lang ba ako…palipasan ng sakit na nararamdaman ng ibang tao. Pang-aliwan dahil walang magawa sa buhay at hindi alam kung saan dadalhin ang pera nila. Unfair…sobrang unfair…
Parang sasabog ang dibdib niya sa nakita niya. Ayaw naman niyang maging konektado kay Drew dahil nagkabalikan na sila ng girlfriend niya.
May kalahating oras na syang nakaupo doon at halo-halo ang laman ng isip. Lumabas siya at naghilamos. Babalikan na muna niya ang kapatid dahil baka kailanganin siya nito.
Paglabas ng banyo ay tumunog ang cellphone niya, nakita niyang nagmessage si Angelie kaya binuksan binasa niya ito. Hindi pa man niya nasisimulang basahin ay bigla naman siyang nauntog at natumba dahil sa lalaking nakasalubong bigla.
“Aray!”
“Are you okay?” tanong nito.
“Ba’t kase hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo eh.” Asik niya dito habang sapo ang noo.
Kukunin sana niya ang phone na nahulog nang makita niyang inaabot ito sa kanya ng lalaki.
“Here.” Tumingala siya dito. Napaawang ang bibig niya dahil si Thomas Preston ang kaharap niya, bigla siyang napaurong saka tumayo.
“M-Mr. Preston.” Kaagad niyang kinuha ang cellphone dito.”Pasensya na po. Mauna na ako.” Nagmadali siyang naglakad palayo sa lalaki.
Tatawagin pa sana niya si Phoebe nang marinig niyang tinawag siya ng kaibigan.
“Preston!”
“Hey Mike!”
“May sinusundan ka na naman ng tingin jan.” tukso ni Mike sa kaibigan.
“No. Nagkabanggaan kase kami. How’s tita?”
“She’s taking a rest. C’mon silipin mo muna habang di nakakatulog.”
Lumingon muna si Thomas kung makikita pa niya ang dalagang parang kuting na biglang tumakbo.
****
“Sa dami-dami naman ng makikita ko, bakit siya pa.” asik ni Phoebe sa sarili habang lumalakad ng mabilis palayo kay Thomas.
Pagdating niya sa silid ng kapatid ay naroon ang doctor kausap ito.
“Doc, Kuya.” Bati niya.
“Oh mabuti at nandito ka na hija. I would like to give you these para sa gamutan ng kuya mo and his chemotheraphy referral. I hope you both understand na this is the best for him.”
“Yes doc.” Tango niya.
Nang makaalis ang doctor ay wala pa din imik si Prince sa kanya.
“Kuya kamusta na pakiramdam mo?”
“Umuwi na tayo bukas.” Nanghihinang sagot nito sa kanya.
“Kuya bukas itong first therapy mo.”
“Wag na Phoebe, mas mabuting natural way na lang ako mawala diba kesa sa mga therapy na yan.”
Napatingala si Phoebe para pigilan ang luha. “Kuya! Pinipilit kitang ipagamot para bumalik ka sa dati kase ayokong maiwan mag-isa! Pero bakit naman sumusuko ka na agad!” hindi na niya napigilan umiyak. Napaupo siya sa tabi nito ang humagulgol. “Gagawin ko lahat ng raket para mapagamot ka, isasabay ko sa internship ko. Kakayanin ko, kaya please naman, please…magpalakas ka naman.”
“Phee, hindi mo ako responsibilidad. Kaya huwag mo ng ipilit na dugtungan ang buhay ko dahil hindi ka Diyos.”
“Kuya naman!”
“Matagal na ako may nararamdaman sa sarili ko, one week after nong aksidente. Ayoko na kasing mag-alala ka pa dahil pa-graduate ka na. Kahit graduation mo lang sana maabutan ko.” Nangingilid ang luha na sabi ng kuya niya.
“Kuya!” yumakap siya sa kuya niya at nilabas ang sakit na nararamdaman. “Kasalanan to nong naka-hit and run sayo eh. Kasalanan nya to at hanggang ngayon hindi pa din siya nahuhuli.”
“Shhh…” pang-aalo ng kapatid niya.
“Bakit pag mahirap walang hustisya. Bakit ganon kuya? Bakit ang unfair?” samut-saring emosyon na ang nararamdaman niya na iniiyak niya lahat sa kapatid. Hanggang sa di niya namalayan nakatulog na pala siya.
Nagising si Phoebe sa tapik ni Mommy Henry.
“M-Mommy Henry…anong oras na ba?” dahan-dahan siyang kumawala sa yakap ng kapatid na mahimbing natutulog.
“Alas Nueve pa lang naman darling. Dinalhan kita ng hapunan nag-aalala kase ako sayo eh.”
“Mommy Henry…” naiyak na naman siya at yumakap dito.
“Wag ka na umiyak baka magising mo pa ang kuya mo.”
“Labas muna tayo Mommy.”
Kilala ni Prince si Henry as supplier ng mga binebenta ni Phoebe kaya mejo close din sila nito.
“Nagkausap na ba kayo ni Dr. Martinez?” tanong nito pagkaupo sa bench.
Umiling siya. “Hindi na po, nagkabalikan na sila ng girlfriend niya. Mukha pa namang masungit yong babae na yon kaya wag na lang.”
“Ha eh hindi naman kayo magiging mag-jowa eh.”
“Momsh, ayoko kase alam mo naming crush ko yun si dok, Tapos tuwing may gagawin kami feeling ko lang magiging cause pa ako ng break up nila. Isa pa ayokong makalbo ng babaeng yun no.”
“Hmmm… on point. Ikaw bahala.”
“Basta bukas pakibantayan muna si kuya kase madami daw gagawin sa office bukas. Gusto ko tumulong, chance ko nay un eh.”
“No problem darling. O sya mauuna na ako, sinilip lang muna kita, bebe time muna ako tonight. Bye.” Tumayo ito at nagbeso silang dalawa.
Nakaalis na si Mommy Henry pero naiwan pa din nakaupo sa bench si Phoebe at malalim ang iniisip.
“Hay…” buntong hininga niya.
“Ang lalim naman non. Looks like you’re drown into deep problem.”
Tumindig ang balahibo niya sa pamilyar na tinig na iyon. Naramdaman niyang tumabi sa kanya ang lalaki.
“Mr. Preston, please leave me alone.” She said like she’s surrendering.
“Well, I think you need company as you’re seated here alone, don’t you?” Tila wala naman talagang alam sa buhay itong lalak na to at hindi marunong makiramdam na hindi niya kelangan ng company.
“Bakit ikaw Mr. Preston, do you need one?” walang emosyon na tinitigan niya ito.
Nag initial send sakin ng bayad si Mr. Preston darling. Paulit-ulit ang mga salitang ito ni mommy Henry sa isip niya.
Nagde-kwatro ang lalaki at nangalumbabang tumitig din sa kanya.
“I always need company sweetheart.” Mapupungay ang mga matang sabi nito.
Initial na bayad…Initial na bayad…
“I heard you paid Mommy Henry.”
“Oh that? I can add more…and can even buy you Yara.”
Natilihan siya nang banggitin nito ang first name niya.
Buy her…buy her. Well sa pagkakataong iyon naglalaro sa isip niya na iba-iba na din ang gumamit sa kanya, maybe this time mas mabuti na din siguro na baliin niya ang one-time policy niya at ibenta ang sarili sa lalaking kaharap para lang sa kapatid niya. Tatanggapin niya lahat ng insult dito dahil sino ba naman siya? Isang hamak na escort lamang siya.
“Then buy me Mr. Preston.”
“Call me anytime pag kailangan mo ako ha.” Magkahalong disappointment at lungkot na sabi ni Mommy Henry. Sayang din kase ang kita niya kay Phoebe pero, ano bang magagawa niya hindi kaya ng konsensya niya na hadlangan ang mas maayos na buhay para sa dalaga, hindi gaya ng iba niyang alaga na pagiging escort lang ang alam na trabaho.“Oo naman Mommy Henry, salamat sa lahat ng natulong mo sakin.”“Ano ka ba, yan lang kaya kong tulong na gawin sayo. Ise-send ko na lang bahagi mo sa binayad ni Zeus.” Tukoy nit okay Thomas.“Wag na mommy Henry, may usapan na kami. Siya ang sasagot ng lahat ng pangangailangan ni kuya.” Napabuntong-hininga siya. “Ayos na din yun, wala na akong masyado iisipin.” Mas okay na to kesa kung sino-sino ang gumamit sakin. Pang konswelo niya sa sarili.“Sige na mommy Henry, pupuntahan ko muna si kuya baka hinahanap na ako.” Tumayo siya at niyakap ang bading na nag-alaga sa kanya sa ilang buwan.“O sige, mami-miss kitang bata ka. Mag-ingat ka ha.” Mahigpit na niyakap di
“Saan ka nakakuha ng pambayad sa caregiver at sa theraphy ko?” takadong tanong ni Prince sa kapatid nang makabalik ito sa ospital after ng internship.Natigilan bigla si Phoebe sa ginagawang pagliligpit ng ilang gamit para iuwi.“Ano…ah k-kinausap ko kase yung boss ko sa magazine company, tapos…tapos, inofferan niya na ako na ia-absorb ako ng kumpanya after graduation. Kaya saka ko na lang daw bayaran yung magagastos natin dito.” Pagsisinungaling niya habang tuloy-tuloy sa ginagawa para hindi mapansin ng kapatid niya ang pagsisinungaling.Nagkatinginan sila ng caregiver. Kinindatan niya ito at agad naman itong naintindihan ng babae.“Kuya bili lang kami pagkain ni ate Mel ha.” Hinawakan niya sa braso ang caregiver at lumabas silang dalawa.“Ate Mel…please hindi pwede malaman ni kuya na si Thomas Preston ang gumagastos para sa kanya. Please, please, nagmamakaawa ako.” Pakiusap niya sa babae habang hawak-hawak ang kamay nito.“Wag ka mag-alala Phoebe, sinabihan ako ni Sir Thomas bago ak
“Huy girl, nangangalo-mata ka ah.” Puna ni Angelie sa kaibigan. “Dami na ba laman yang eye bags mo?” dagdag pa nito at umupo sa katabing table niya.Agad naman niyang kinuha ang maliit na salamin sa drawer at tiningnan ang itsura niya.“Hala…pangit ko na ba?” tanong niya naman sa kaibigan. “Ilang araw na din ako pagod at puyat kakabalik-balik sa ospital.” Ngumuso siya at kinuha ang make up para ayusin ang sarili.Natawa na lang si Angelie sa kanya. “Kelan ang labas ni kuya Prince?”“Ah di ko pa alam eh, kakausapin ko pa yung doctor.”Nagku-kwentuhan sila nang lapitan sila ng ilang kasama para kamustahin.“Hi girls kamusta? Malapit na graduation niyo ah.” Ani Cesar at inilapag ang dalawang kape sa harap nila.“Wow! Thank po Sir Cesar.” Agad naming kinuha iyon ni Angelie.“Hoy!” si Teddy na binatukan ang katrabaho. “Nag-aaral pa yang mga yan, wag mo pormahan ng pormahan.”“Ikaw naman bro, mangangamusta lang eh.”“Wag ako, yung intern sa kabilang department pinopormahan mo din. Ingat kay
”Good news hija, pwede na makauwi ang kuya mo bukas. Ibibigay ko na lang ang schedule of his chemotherapy. If you see something odd sa kanya at nagde-detoriorate na naman ang katawan niya, dalhin mo agad siya sakin.”Mabuting balita ito para kay Phoebe, naiinip na din kase ang kapatid niya sa ospital.“Yes doc salamat po.”“You may settle the bill today para bukas maiuwi mo na ang kapatid mo. Tanong na din ng tanong kung kelan daw siya pwede umuwi,” natatawang wika ng doctor.“Oo nga po doc eh, sige po salamat po ulit.”Pagkaalis ng doctor ay nagtungo na si Phoebe sa accounting. Alam niyang malaki ang bayarin nila. Maging ang ipon niya siguro sa side job niya ay kulang na kulang pa dahil nagamit na din niya ito pambayad sa apartment nilang magkapatid at sa ibang bills.“Miss pwede po makuha yung bill namin. Guiron po. Prince Guiron yung patient, bukas pa po ang discharge. Titingnan ko lang po sana kung magkano.” Sabi niya sa accounting.“Ah sige wait lang Miss.”Kinakabahan talaga siy
Buong akala ni Phoebe, makakatakas na siya kahit paano sa putik na kinasadlakan noon, pero pinaglalaruan ata talaga siya ng tadhana dahil sa scandal na pinag-uusapan ngayon sa school nila.“Uy Phoebe, tagal mo sa banyo ah. Chichismis ka lang sa GC natin nag-banyo ka pa talaga.” Puna ni Angelie pagkabalik niya.“A-Ano kase, masakit tyan ko. K-Kaya nakibasa muna ako sa GC natin.” Umupo siya at kinuha ang ipo-proofread na article.“Buti naman makakalabas na bukas ni kuya Prince. Kelangan mo ba ng tulong ko?”“Ah sige okay lang. Para makapag-pahinga din yung caregiver ni kuya.”“San ka nga pala nakakuha pambayad sa ospital at sa caregiver?” usisa ni Angelie.“M-may nag sponsor lang from a charity na nilapitan ko. Tapos yung sa caregiver ni kuya, ti-tinulungan ako ng tito naming sa abroad.” Pagsisinungaling nya habang naglalagay ng comment sa mga text na dapat ayusin.“Talaga? Buti naman naisipan kayong tulungan ng kamag-anak nyo na kumakkam ng insurance ng magulang nyo.” Ismid ni Angelie.
Pababa na si Phoebe ng kotse ng bigla siyang iharap ni Thomas at siilin ng halik. Lumalim ng lumalim ang halik nito at nadala na din siya sa ginagawa ng lalaki. Ikinawit niya ang braso sa batok nito habang nakasabunot naman si Thomas sa kanya habang patuloy siyang hinahalikan.“Mmm…” napaungol ni Phoebe ng gumapang pababa ang kamay nito sa mga dibdib niya.“You like it Yara?” tanong nito sa gitna ng ginagawang paghalik sa leeg niya.“Y-Yeah…”Gumapang pa pababa ang kamay ni Thomas sa hita niya at nasiyahan siya dahil naka bodycoon dress ang dalaga. Nakapa niya ang undies nito, napaliyad si Phoebe sa sunod na ginawa ni Thomas sa kanya.“Sebastian…” sambit niya sa pangalan nito. “Ahh…” Her body is on fire as this man’s finger played inside her. “Shittt…”“Moan…go on.” Maya-maya pa ay tinanggal ni Thomas as underwear niya at hinila ang dalaga para makakandong sa kanya.“Come here Yara. Do me.” Parang na-hypnotize si Phoebe at sumunod lang sa pinagagawa nito sa kanya.“Mmm…” napakagat-lab
Nakaupo na siya sa dining table at inaatay na lang si Thomas lumabas ng kwarto. Kanina pa niya tinititigan ang mga inorder nitong pagkain. Dadalawa lang naman sila pero complete set of meal ang dumating mula appetizer hanggang sa dessert. Nainit na rin niya iyon dahil lumamig na sa pag-aantay sa kanilang dalawa.Di naman nagtagal nakitang niyang palapit na si Thomas, o Sebastian sa kanya.She thinks that Sebastian suits him well.“You can eat without me. Why bother wait?” Aniya pagkaupo.Nagkibit balikat lang siya saka sumandok ng pagkain. “Dadalawa na nga lang tayo dito di pa tayo magsasabay kumain.” She pouted and started eating.Tumaas lang ang kilay nito at kumuha na din ng makakain. “Are you used eating with someone?”Inirapan niya ang lalaki. “Mr. Preston alam kong ang babaw lang ng tingin mo sakin, but never ako kumain kasama ang naging kliyente ko. Sanay akong kasabay ang kapatid ko o ang kaibigan ko pag kumakain.” Matapang niyang wika dito, dahil tila namumuro na ito kakainsul
Pagdating nila Phoebe sa bahay nila ay agad niyang inasikaso ang kapatid kahit pa nagpi-prisinta naman ni Ate Mel.“Naku ate Mel kami na muna ni Phoebe mag rest ka na muna. Kaya naming to.” Giniya ni Angelie ang babae sa upuan para magpahinga na din.Medyo nakakakilos na naman kaahit paano si Prince ngunit kailangan pa din ng kasama para mag-asikaso ng kakainin at makainom ng gamot sa tamang oras.Kahit medyo naka-recover na ay hindi na bumalik ang dati nitong lakas. Inalalayan ni Phoebe ang kapatid makaupo sa kama nito sa maliit na silid.“Ah siya nga pala kuya. Yung kwarto ko, ipapagamit ko na muna kay Ate Mel ha, don na muna ako mag i-stay sa quarters namin sa restaurant kase…ano medyo nag oovertime kami minsan don at napapagod na ako magbyahe.” Pagsisinungaling na naman niya.Nakasanayan na ata niya magsinungaling sa kapatid at dere-derecho na ang kwento niya dito.“Pero wag ka mag-alala uuwi naman ako pag kaya ko. Sa ngayo kasi, ang dami kong inaasikaso eh.” Kinuha ng kapatid ni