Nagprisinta si Phoebe na maghugas ng pinagkainan nila dahil si Thomas naman ang naghanda non. Natanaw niya ang binata sa may pool side kaharap ang laptop nito habang may kausap. Muli na naman niyang naisip ang agwat ng estado nilang dalawa.Thomas is just twenty-seven at malapit na ang birthday nito, at his age he is handling their family business. Sila yung tipo ng pamilya na hindi mamomroblema ng trabahong papasukan, kung may kakainin o wala, kung may pera o wala. Ang problema nila ay kung ano ang pipiliin nila sa dami ng choices na meron sila.Samantala ang mga kagaya niya ay kailangan magsumikap, kumayod umaga at gabi para lang sa pangarap. Ni ang pampalibing eh problema pa nila, kung walang Thomas Preston sa buhay niya, hindi niya alam kung ano ng kalagayan niya nong nagkasakit at nawala ang kapatid.“Hello buddy, kamusta jan sa vacation house?” tanong ni Max kay Thomas ng tawagan nya ito.“Good, we like the place.”“Siyempre naman, hindi ka ipapahiya ng properties ko. Since, nan
Pag gising ni Phoebe kinabukasan ay wala na si Thomas na tabi niya. Bigla siyang nalungkot dahil hindi man lang siya nito inantay na magising o di kaya ay gising para magpaalam. Habang pababa ng hagdan ay tinatawagan niya ang phone nito ngunit nakapatay naman. Lalo siyang nalungkot at napaupo sa hagdan. Yumuko siya na parang bata.“What are you doing there?”Napaangat agad ng mukha ang dalaga.“Are you crying? Anong nangyari?” nag-aalalang lumapit sa kanya si Thomas na nakatopless ulit ng umagang iyon.Napahibi siya at pinunasan ang luha.“Akala ko umalis ka na eh.”Napamaang si Thomas sa sinabi ni Phoebe. She’s a cry baby. Natawa siya dito.“I went down to make some juice for my diet.”“Eh bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?”Tumaas naman ang kilay ng binata. “My phone is upstairs, I’m charging it.”Tumayo si Phoebe at yumakap sa kanya. Gumanti naman ang binata ng mas mahigpit na yakap at hinalikan ang mga labi.“How does it taste?”“Carrots.” Sagot niya.“Let’s go up and change ou
“I didn’t see Preston around the building but I saw his dog na may kinuhang gamit.” Sabi ni Raf kay Fiona ng magkita sila sa isang coffee shop.Kumunot ang noo ni Fiona. “And?”Nagkibit-balikat naman si Raf. “I don’t know, hindi ko na nasundan. I had to meet Luna.” Ngisi niya.“What the hell? Inuuna mo pang mambabae kaysa tulungan ako?”“Fiona, I like this girl, she reminds me of someone. But this one is so submissive. Besides, I need money.” Sagot lamang ni Raf.“Tsk.” Kinuha ni Fiona ang cheke sa bag at sinulatan iyon.“Oh!” hinagis niya sa lalaki ang cheke.“Hmmm…this is just fifty-thousand.”“I’ll pay you every month.” Inis na sagot niya dito. Noong una ay sapat na ang katawan niya pambayad dito. Matapos ang aksidente na kinasangkutan nilang dalwa ay natuto itong hingian siya ng pera.“Okay, call me when you need me.” Tumayo ito at iniwan siya sa coffee shop. Inirapan niya ang lalaki. Nakita niyang may tinawagan Raf, sigurado siyang ang bagong laruan na naman nito ang pupuntahan n
“How are you?” tanong ni Thomas kay Phoebe nang sagutin nito ang tawag niya. Nakita niyang nakahiga pa ang babae sa kama at mukhang nagising niya ito. “Hi! Okay lang ako, medyo malungkot dito sa bahay. But I got a job so may mapaglilibangan naman ako.” “I see, congratulations! I’ll do what I can para makabalik agad.” “Sige, I’m not used to be alone.” Lumabi siya dito. Natawa si Thomas sa inasal niya. “Okay, go back to sleep. I’ll rest when I get to the hotel.” “Okay, bye.” I love you. Nais sana niyang idagdag iyon ngunit wala naman siya sa lugar. UK Napatingin ang driver ni Thomas sa kanya, nang umaliwalas bigla ang mukha nito nang tumawag sa isang babae. Pagdating na pagdating kasi nito ay binriefing na siya ng acting CEO ng kumpanya habang wala siya. Kunot ang noo nito at seryosong-seryoso. Dumaan ito saglit sa kumpanya nila para kausapin ang ilang tao saka nagpahatid sa hotel. Pagkalapag ni Thomas ng mga gamit ay tumunog ang cellphone niya at nakita na tumatawag ang daddy n
Malamya ang araw ni Phoebe dahil hindi sila nagkausap ni Thomas, hanggang makarating siya sa trabaho ay wala pa din itong chat sa kanya. “Uy Phoebe, parang kulang ka sa sustansya ah.” Biro ni Alex. “Eto oh mainit na cheese pandesal.” Alok ng binata. Lumapit naman siya sa maliit na table sa loob opisina, doon sila nagkakape minsan ni Alex habang naka-break. “Hiindi kayo nagkausap ng jowa mo no?” muling hirit neto. “Ah hindi, busy kasi siya eh. Nag-overtime.’ Pagdadahilan niya. “Ganyan talaga pag LDR, kailangan maging matatag kayong dalawa.” Payo naman nito. “Bababa pala ako sa production ikaw muna dito. Tawagan mo na lang ako pag may kailangan ka.” “Sige.” Tango niya. Wala naman sila masyado gagawin kaya kinuha muna niya ang phone para silipin kung may message si Thomas. Gayun na lang nag pagkadismaya niya ng wala pa din itong mensahe sa kanya. Isang lingo mahigit ng nasa ibang bansa ito. Habang nag i-scroll sa social media ay tumambad naman sa kanya ang rumored wedding nila Fiona
“Hey gorgeous, good morning! Just checking you out before I sleep.” Wika ni Thomas habang nagtatanggal ng necktie. “Wag ka mag-alala kumakain ako ng tama, tyaka kakadala lang sakin nila Nanay Lala ng seafoods.” Sagot niya dito saka ngumiti at pinakita pa ang malalaking sugpo na fresh na fresh dinala ng mag-asawa. “If I just don’t know how much you love seafoods, I would assume that you’re pregnant again.” Natatawang sabi ng binata na naupo sa kama. Natahimik naman si Phoebe dahil naalala niya ang insidente na nakunan siya. Siguro kung sinabi niya kay Thomas ang nararamdaman at hindi siya naduwag, baka naprotektahan niya ang anak dapat nila. “What’s wrong?” untag ng binata. “Ah…wala, may naalala lang ako.” “Yara…it’s best that we don’t have a baby yet. I know it pains you a lot. I’m sorry for our lost. But having a kid is something we should discuss.” Paliwanag nito. “I know. I’m sorry if I wasn’t careful. Don’t worry I’m taking my pills regularly.” Mabigat sa kanya sabihin ang m
Dahil walang pasok ay tanghali na bumaba si Phoebe, wala din tawag si Thomas kung kaya’t hindi siya nagising ng maaga. Madalas kasi ito tumawag ng ala sais o alas syete ng umaga.Pagtingin niya sa orasan ay halos tanghalian na. Parang wala pa siya sa sarili habang bumababa. Hanggang sa makaramdam siya ng presensiya sa kusina. Nakailang kurap siya at nakurot ang sariling pisngi.“Sebastian?”Ngumiti lamang ang binata.“Gosh! Nananaginip pa ata ako.”Kagabi lang ay kausap niya ito at nasa ibang bansa pa din, paanong nangyaring narito ito sa kusina.“S-Sino ka? Doppleganger?”“What? Seriously? You believe such thing?” namewang ito sa may counter top habang topless ulit at naka pajamas.Dahan-dahan niyang nilapitan ang lalaki.“I-Ikaw ba talaga yan?” hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito at pinisil.“Yeah.”“Totoo ba?” muli niyang tanong.Hindi na ito sumagot bagkus ay inangkin ang mga labi niya. Tila napako siya sa kinatatayuan at hindi nakagalaw.“Now, tell me if I’m still a dopple
Abala ang team nila Drew pagdating sa sitio na isang oras ang layo sa bayan dahil maputik at malubak ang daan papasok dito. Nalaman nila na maraming bata doon ang malnourished at matatandang may sakit na hindi agad nabibigyang lunas dahil sa kalayuan sa kabihasnan at mukhang nakalimutan na ng gobyerno. Narinig niya sa ilang taga-doon na kapag eleksyon lamang daw sila doon nabibisita kaya ang leader nila sa lugar ay naghanap ng mga maaaring makatulong sa kanila.“Doc, na-set up na po yung dalwang medical cabin natin. Magpahinga na po muna kayo.” Lumapit ang isang volunteer na nurse sa kanya.“Sige mamaya na, maglilibot-libot pa ako.” Sagot niya dito.Nakapwesto sila sa di kalayuan sa barangay hall ng sitio. Nakita niya ang mga kabahayan na tila barong-barong, mangilan-ngilan ang sementado ngunit ang kalahati ng bahay ay pinagtagpi-tagping plywood. Maging ang barangay at health center na tinatawag sa lugar ay hindi din maay