“How are you?” tanong ni Thomas kay Phoebe nang sagutin nito ang tawag niya. Nakita niyang nakahiga pa ang babae sa kama at mukhang nagising niya ito. “Hi! Okay lang ako, medyo malungkot dito sa bahay. But I got a job so may mapaglilibangan naman ako.” “I see, congratulations! I’ll do what I can para makabalik agad.” “Sige, I’m not used to be alone.” Lumabi siya dito. Natawa si Thomas sa inasal niya. “Okay, go back to sleep. I’ll rest when I get to the hotel.” “Okay, bye.” I love you. Nais sana niyang idagdag iyon ngunit wala naman siya sa lugar. UK Napatingin ang driver ni Thomas sa kanya, nang umaliwalas bigla ang mukha nito nang tumawag sa isang babae. Pagdating na pagdating kasi nito ay binriefing na siya ng acting CEO ng kumpanya habang wala siya. Kunot ang noo nito at seryosong-seryoso. Dumaan ito saglit sa kumpanya nila para kausapin ang ilang tao saka nagpahatid sa hotel. Pagkalapag ni Thomas ng mga gamit ay tumunog ang cellphone niya at nakita na tumatawag ang daddy n
Malamya ang araw ni Phoebe dahil hindi sila nagkausap ni Thomas, hanggang makarating siya sa trabaho ay wala pa din itong chat sa kanya. “Uy Phoebe, parang kulang ka sa sustansya ah.” Biro ni Alex. “Eto oh mainit na cheese pandesal.” Alok ng binata. Lumapit naman siya sa maliit na table sa loob opisina, doon sila nagkakape minsan ni Alex habang naka-break. “Hiindi kayo nagkausap ng jowa mo no?” muling hirit neto. “Ah hindi, busy kasi siya eh. Nag-overtime.’ Pagdadahilan niya. “Ganyan talaga pag LDR, kailangan maging matatag kayong dalawa.” Payo naman nito. “Bababa pala ako sa production ikaw muna dito. Tawagan mo na lang ako pag may kailangan ka.” “Sige.” Tango niya. Wala naman sila masyado gagawin kaya kinuha muna niya ang phone para silipin kung may message si Thomas. Gayun na lang nag pagkadismaya niya ng wala pa din itong mensahe sa kanya. Isang lingo mahigit ng nasa ibang bansa ito. Habang nag i-scroll sa social media ay tumambad naman sa kanya ang rumored wedding nila Fiona
“Hey gorgeous, good morning! Just checking you out before I sleep.” Wika ni Thomas habang nagtatanggal ng necktie. “Wag ka mag-alala kumakain ako ng tama, tyaka kakadala lang sakin nila Nanay Lala ng seafoods.” Sagot niya dito saka ngumiti at pinakita pa ang malalaking sugpo na fresh na fresh dinala ng mag-asawa. “If I just don’t know how much you love seafoods, I would assume that you’re pregnant again.” Natatawang sabi ng binata na naupo sa kama. Natahimik naman si Phoebe dahil naalala niya ang insidente na nakunan siya. Siguro kung sinabi niya kay Thomas ang nararamdaman at hindi siya naduwag, baka naprotektahan niya ang anak dapat nila. “What’s wrong?” untag ng binata. “Ah…wala, may naalala lang ako.” “Yara…it’s best that we don’t have a baby yet. I know it pains you a lot. I’m sorry for our lost. But having a kid is something we should discuss.” Paliwanag nito. “I know. I’m sorry if I wasn’t careful. Don’t worry I’m taking my pills regularly.” Mabigat sa kanya sabihin ang m
Dahil walang pasok ay tanghali na bumaba si Phoebe, wala din tawag si Thomas kung kaya’t hindi siya nagising ng maaga. Madalas kasi ito tumawag ng ala sais o alas syete ng umaga.Pagtingin niya sa orasan ay halos tanghalian na. Parang wala pa siya sa sarili habang bumababa. Hanggang sa makaramdam siya ng presensiya sa kusina. Nakailang kurap siya at nakurot ang sariling pisngi.“Sebastian?”Ngumiti lamang ang binata.“Gosh! Nananaginip pa ata ako.”Kagabi lang ay kausap niya ito at nasa ibang bansa pa din, paanong nangyaring narito ito sa kusina.“S-Sino ka? Doppleganger?”“What? Seriously? You believe such thing?” namewang ito sa may counter top habang topless ulit at naka pajamas.Dahan-dahan niyang nilapitan ang lalaki.“I-Ikaw ba talaga yan?” hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito at pinisil.“Yeah.”“Totoo ba?” muli niyang tanong.Hindi na ito sumagot bagkus ay inangkin ang mga labi niya. Tila napako siya sa kinatatayuan at hindi nakagalaw.“Now, tell me if I’m still a dopple
Abala ang team nila Drew pagdating sa sitio na isang oras ang layo sa bayan dahil maputik at malubak ang daan papasok dito. Nalaman nila na maraming bata doon ang malnourished at matatandang may sakit na hindi agad nabibigyang lunas dahil sa kalayuan sa kabihasnan at mukhang nakalimutan na ng gobyerno. Narinig niya sa ilang taga-doon na kapag eleksyon lamang daw sila doon nabibisita kaya ang leader nila sa lugar ay naghanap ng mga maaaring makatulong sa kanila.“Doc, na-set up na po yung dalwang medical cabin natin. Magpahinga na po muna kayo.” Lumapit ang isang volunteer na nurse sa kanya.“Sige mamaya na, maglilibot-libot pa ako.” Sagot niya dito.Nakapwesto sila sa di kalayuan sa barangay hall ng sitio. Nakita niya ang mga kabahayan na tila barong-barong, mangilan-ngilan ang sementado ngunit ang kalahati ng bahay ay pinagtagpi-tagping plywood. Maging ang barangay at health center na tinatawag sa lugar ay hindi din maay
Excited si Phoebe nang araw na iyon sa free diving nila ni Thomas. Matagal na din kasi siyang hindi nakakalangoy kaya iyon ang kinuha ng binata para sa kanya. “Are you happy?” “Super!” sagot niya dito, habang nagreready sa pag-dive. “Okay, kalma lang mam. Wag kang kakabahan sa ilalim kasama mo naman ako pati tong forever mo.” Biro ng coach na kasama nila. “Ready Mam…Sir?” “Ready na po.” Isa-isa silang nagdive. Enjoy na enjoy siya sa ilalim ng tubig, malinaw iyon at kitang-kita ang mga coral reefs at iba’t ibang klase ng isda. Nag-thumbs up siya sa mga kasama. Nakita naman niya ang camera man at nagpapicture siya doon. Kasunod lamang niya si Thomas at ang coach. Iyon na ata ang isa sa pinaka-memorable na activity nila ni Thomas na hindi niya malilimutan. Pangarap niya lang iyon dati. Pinangako ng magulang niya na susuportahan siya ng mga ito sa swimming career niya ngunit nawala ang mga ito ng maaga. Parang nakikita niya ang mga magulang sa ilalim ng tubig at masaya para sa ka
“Can I use this car for the mean time, habang nandito ako sa probinsya niyo?” tanong ni Fiona kay Raf habang nasa garahe sila.Natahimik si Raf habang nag-iisip.“C’mon Raf. We have a lot of fake plate numbers here. Isa pa wala naman masyadong nagbabantay dito unlike in the city.”“Just be mindful of your actions, dahil sabit ka din dito.” Aniya ni Raf kay Fiona.Tinanggal niya ang cover ng kotse at pinalitan ng bagong fake plate number ang kotse.“Don’t worry, I’ll park it here and I won’t touch your girl.”“Tsk.” Ngumisi ang lalaki habang inaayos ang plaka.Nakamasid naman si Luna mula sa balkonahe ng mansion habang kunwari inaabala ang sarili sa laptop.Nagkatinginan sila ni Fiona pagkalabas nito sa garahe. Ngumiti siya dito ngunit inirapan naman siya ng babae.“Tsss…kala mo naman masaya din ako sa presensiya mo.” Irap ni Luna saka pumasok sa kwarto.Maya-maya pa ay nakita niyang nilabas ni Raf ang kotse at nililinis iyon.“Interesting, mukhang pinahupa muna nila ang kung anong iss
Ilang minute bago ang uwian nang may dumating na delivery para kay Phoebe. May ilang empleyado ang nakisilip para makita kung kanino iyon.“Grabe naman yung boquet.” Sabi ng isa.“Nakita ko galing don sa pinakamahal na flowershop.”“Talaga? Sobrang fresh nong roses. With chocolates at teddybear pa.”“Gusto ko din makatanggap ng ganyan.” Naiinggit na umusyoso ang ilang empleyado.“Delivery for Miss Yara Guiron po.” Kumatok ang delivery man sa opisina nila Phoebe at Alex.Napalingon si Alex sa delivery man na halos matabunan na ng dalang teddybear at boquet.“A-Ako po?”“Miss Yara Guiron, Mam?”Napatayo si Phoebe at lumapit.“Ako nga po.”“Paki-receive na lang mam. Tyaka picturan ko po kayo.” Sabi ng lalaki.Kahit naguguluhan ay sumunod naman siya.“One…two…three…Ayan mam. Thank you.”Lumapit si Alex sa kanya para tulungan siya buhatin ang teddybear na malapit na maging kasing laki ng dalaga.“Mukhang bumabawi ang boyfriend mo ah.”“Boyfriend…” agad niyang hinanap kung may note sa boque