Iginala ni Drew ang mata sa bago niyang opisina. Hindi pa tapos ang pag-aayos doon pero maaliwalas na ito kahit paano.Tumayo siya para umuwi na ng bigla bumukas ang pintuan ng director’s office at isang galit na Thomas Preston ang sinugod siya.Napasalampak siya sa sahig sa lakas ng suntok nito. Dumugo din agad ang ilong niya. Lumuhod ang lalaki at hinawakan ang kwelyo niya.“I told you to stay away from Yara, pero hindi ka nakinig ang you even put her into trouble with that woman of yours!”Bumawi siya ng lakas at buong pwersang hinead bat si Thomas. Pareho silang mabilis bumwelo at tumayo para magsuntukan at kapwa walan gustong magpatalo.“Nakuha mo lang si Phoebe dahil sa panggigipit Preston, but I tell you kahit pa binayaran ko siya noon, she has feelings for me!”Nagpantig ang tenga ni Thomas at muling tinikom ang kamao para suntukin si Drew ngunit nakaiwas naman ang huli.“Damn you! You don’t know how exactly she feels!” sagot naman niya kay Drew.“Why don’t you free her, I am
Parang dinaanan ng buhawi ang unit pagkapasok ni Albus. Maagang tumawag ang kaibigan at pinapupunta siya, hindi nito agad sinabi ang dahilan.“Just come here! Damn it!” parang natulilig pa ang tenga niya sa sigaw nito kanina.Pagdating niya doon ay nahulaan na agad niya ang nangyari. Malamang ay wala si Phoebe pag gising nito at nilayasan siya, sa parehong dahilan kung bakit muntik na siyang makasuhan noon sa UK bago umuwi ng Pilipinas.Nilampasan niya ang mga basag-basag na vase at mga nagkalat na gamit saka nagtungo sa balcony na extended sa living room ng unit.“Thomas…” panimula niya.Nakaupo ito at umiinom na naman.Umupo siya sa katabing bangko.“This is not the first time that you lose control.” Mahinahon niyang sabi.“She can’t do this to me. Find her. Call Torres.” Utos niya kay Albus.Inagaw niya ang alak na iniinom ni Thomas.“Listen here, man. I told you many times na hindi gamit si Phoebe, and the reason you invested this much for her is probably not because she’s an esco
Mabilis tumakbo ang araw, abala ang buong staff ng Zeus para sa bagong magazine na ire-release ng kumpanya. Hindi halos nag uusap-usap ang mga empleyado dahil talagang dedkado sila sa ginagawa nila.“Grabe nakakapagod today.” Inunat ni Angelie ang mga braso. Buong araw din sila nagproofread ni Phoebe.“Kaya nga eh, ang dedicated nila sa trabaho no. Pag tayo nakuha dito, kailangan pa natin mas sipagan.”“Korek ka jan friend. Tara na, gusto ko na humiga.”Kinuha ng dalawang dalaga ang mga gamit nila at nagpaalam na sa mga kasama na hindi pa din tapos sa ginagawa. Dahil intern sila ay hindi na sila pinag-overtime ng boss nila.“Ano kayang masarap kainin?” napaisip si Angelie habang nakasakay sa elevator.“Hmmm…kahit ano na lang. Sumakit din ang ulo ko ngayon araw.” Kumapit siya sa braso ng kaibigan at humilig. “Ilang buwan na lang graduation na Lee.”“Na e-excite na nga ako eh.” Nagkatawanan sila.Napahinto si Phoebe paglabas ng building nang makita niya ang pamilya na kotse.“Uy bakit?
Pagtigil ng kotse ni Thomas sa emergency area ay kaagada tumakbo si Phoebe sa loob. Nakita niya agad si ate Mel na naroon at inaantay siya.“Ate Mel!”“Hija…nasa loob ang kuya mo. Nilalagyan ng oxygen, bigla kase siya kanina sumuka ng dugo.”Napayakap si Phoebe sa babae, at umiyak.“Ate…si kuya na lang ang meron ako…”“Shhh…tahan hija...ipanalganin na lang natin na umayos ang lagay niya.”“Di ba maayos naman siya nong nakaraan bakit biglang nagkaganyan siya?” umiiyak pa din siya ng kumawala sa babae.“Hindi ko din masabi Phoebe. Pero traydor ang cancer hija.”Maya-maya ay lumabas na si Dr. Castro at lumapit sa kanya.”“Doc…doc kamusta si kuya?” agad na tanong niya.“Hija…tatapatin na kita, hindi maganda ang lagay ng kapatid mo. For now ilalagay muna namin siya sa ICU para mamonitor ng maayos.”“Doc please…gawin niyo po lahat.”“Hija…matagal-tagal na din akong doctor ng kuya mo, pero hindi ko kaya magsinungaling sa iyo. Sa ngayon ipagdasal na lang natin ang lagay niya.” Malungkot na sa
Hindi mapakali si Phoebe sa trabaho dahil laman ng isip niya si Prince. Ayaw siya payagan ni Thomas na pumunta ng ospital dahil kay Drew. Hindi niya din naman masuway ang lalaki dahil natatakot siya pwede nitong gawin sa kanya.Nang break nila ang agad niyang tinawagan si ate Mel.“Hello ate Mel, pasensya ka na kung naabala ko pagpapahinga mo ha. Hindi ko kasi alam ang phone number ni Luna.”“Hija…” mahinahon na tawag sa kanya ng babae.“Naku sorry po talaga, sige po mamaya na lang ako tatawag pag nasa ospital na kayo.”“Phoebe alam na ng kapatid mo.”“Po? Ang alin po?” napakunot-noo naman siya nang hindi nakuha agad ang sinabi ng kausap.“Si Prince…alam na niyang si Sir Thomas ang nasa likod ng mga ito…at-at ang relasyon mo sa kanya.”Parang nabingi si Phoebe sa mga sinabi ni ate Mel. Paano? Kailan? Alam ba talaga nito ang lahat?“Ate Mel naman, pano naman malalaman ni kuya yun? Si Drew! Sigurado ako si Drew!”“H-Hindi hija…n-narinig niya kayo noong nasa loob kayo ng ICU, nakausap ko
Lumipas ang ilang pero hindi pa din nakakadalaw sa ospital si Phoebe. Hindi niya din nakakausap ang kapatid dahil nanghihina pa din ito. Lubos ang kanyang pag-aalala pero hindi niya din masuway si Thomas, paano kung bigla siyang bitawan nito ngayon? Paano si Prince? Paano siya?Sa ilang lingo nilang magkasama ay nasanay na siya sa presensya ng binata. Hindi na siya sanay na hindi nakikita pag-gising at bago matulog. Bumibilis ang tibok ng puso niya sa tuwing makikita niya ang sasakyan nito sa di kalayuan paglabas sa Zeus company. Ngunit sa kabila ng maayos na relasyon nilang dalawa, hindi pa din siya tinitigilan ni Drew. Maging ang social media account niya ay binubulabog din nito.Isang umaga pagkagising niya ay kunot-noong tinitigan niya mabuti ang pangalan sa screen ng cellphone niya. Kinusot niya ang mata niya at di nga siya nagkamali.[Ano ba tong tao na to? Hanggang kelang ba niya ako guguluhin?] Sa isip-isip niya.Ngunit agad naman may humablot ng cellphone niya. Paglingon ni
Patay na ang ilaw sa unit pagkauwi ni Thomas, inabot na siya ng pasado alas dose dahil may kalayuan din ang bahay ng magulang. Tanging mga ilaw lang mula sa labas ang nagbigay liwanag sa loob ng unit niya. Naupo siya sa bar area at hinilot ang sintido.Hindi siya sanay magsabi ng problema sa magulang niya, hanggang ngayon ay hindi alam ng mga ito ang nangyari sa kanya matapos malaman ang pagtataksil ni Fiona.Hindi niya din malaman kung san kumukuha ng lakas ng loob ang babae na ipagsiksikan ang sarili sa pamilya niya.Mahimbing na mahimbing na ang tulog ni Phoebe, ni hindi nito naramdaman ang pagdating niya. Natapos na siyang mag-shower ay hindi pa din nagbabago ang posisyon niyo.Napangiti siya at saka lumapit upang halikan ang dalaga.“I hope I made you happy to see your brother.” Bulong ni Thomas.Matutulog na sana siya ng tumunog ang cellphone niya, nakita niya na nagmessage si Ate Mel na caregiver ni Prince.[Sir Thomas, gusto daw po kayo makausap ni Prince.]Nagtaka naman siya
Makalipas ang dalawang oras, tumawag si Albus sa intercom sa opisina ni Thomas at hindi naman siya nabigo na may sumagot doon.“Ehem.” Tikhim niya. “Mr. Preston, the directors of the company are here to give you the report from the previous meeting.”“Okay let them in.” sagot ng lalaki.Tumayo si Albus at nagtungo sa opisina ni Thomas kasunod ang apat na director sa kumpanya. Sinuyod ng tingin ni Albus ang kabuuan ng opisina at wala siyang nakitang bakas ni Phoebe. Malamang ay nasa extension room ito ng opisina.Lihim siyang napangiti, ngunit bumalik siya sa pagseseryoso ng makita niya ang matalim na tingin ni Thomas sa kanya.“Good after Mr. Thompson, we’re here to give you the report you needed..”aniya ni Mrs. Joson, director of human resources“Have a seat, all of you.” Itinuro niya ang mahabang sofa na naroon sa opisina niya.“Uhm… Mr. Preston, we would like to inform you that our sales skyrocketed up to twenty percent in just twenty-four hours. All the businesses, starting from P
Few days ago… “Nasan ba tong babae na to?” asik ni Phoebe habang dahan-dahan pababa ng apartment ni Angelie. “Wala naman sa loob eh.” Nag ring ang phone niya. “Yaya Lita?” “Hija nasan ka ba? Hinahanap ka ni Sir Thomas.” “Pauwi na po, dumaan lang ako kay Angelie.” Nagpunta siya non sa kumpanya ni Mr. Llave at si Yaya Lita ang pansamantalang nagbabantay kay Pierre. Pagbaba niya ng apartment ay may nakita siyang pamilyar na sasakyan sa gilid ng building. Nilapitan niya iyon at laking gulat niya ng makitang tulog si Angelie at Clark sa loob ng sasakyan. Hindi siya agad nakagalaw. Dahan-dahan namang nagmulat ng mata ang kaibigan. Napakurap-kurap ito at alam niyang bigla itong sumigaw ng makilala siya. “OMG! OMG! Anong ginawa mo sakin?” tanong niya kay Clark na nagising sa sigaw niya. Bumaba naman agad si Angelie ng sasakyan. “Pheobe…that man…that man…” “Arghhh…you reek of alcohol.” iwas niya sa kaibigan. “Exactly, Phoebe. At eksaktong nandon sila ng mga katrabaho niya
Maaliwalas ang bahay nang datnan nila. Four years ago ay pinapagawa pa lamang iyon ni Thomas. Ngayon ay buong-buo na ito. Siya ang pumili ng furnitures at appliance kahit nasa England sila at si Albus ang nag-asikaso non sa tulong nila Astrid at Angelie. “Welcome home!!!” sabay-sabay na bati ng mga kaibigan.“Hello Pierre! I’m your tita Angelie and this is Tita Astrid.” magiliw naman silang binati ng tatlong taong gulang na bata at agad nilang nahuli ang loob nito. Maya-maya lang ay kalaro na sila ni Pierre. Habang nagpapalit ng damit si Phoebe mula byahe ay narinig niya ang splash ng tubig at malakas na tawanan ng mga kaibigan. Pagsilip niya ay basang-basa na si Lloyd na umaahon sa pool. Malamang ay naitulak ito ng anak. “Got you uncle Lloyd!” tawa ng bata. Binuhat ito ni Thomas.“So you’re enjoying them?”“Yes dad.”“Why don't you change your clothes before you get wet too?”“Okay.” tango nito. Maya-maya ay dumating ang lolo at lola ni Pierre, kaagad naman sumalubong ang bata sa
“Do you really have to do this?” naiiyak na tanong ni Mrs. Annabelle sa anak. “Mom, you can go visit us anytime.” tinapik niya ang balikat ng mommy niya. Nag-eempake pa lamang sila ng gamit ay umiiyak na ito. “We can visit them anytime hon.” pang-aalo naman ng asawa niya. “We just have to help Albus here because this time he won’t be around our son.” dagdag ni Ben. Bakasyon lang dapat sa England ang balak ni Thomas para sa kanilang dalawa pero matapos malaman ang pinagdaraanang trauma ng asawa na dinagdagan pa ng negatibong balita ng OB ni Phoebe ay minabuti niyang asikasuhin ang papeles ni Phoebe. “It’s been only two months na kasama ka namin dito hija yet heto at aalis naman kayo ni Thomas.”“Babalik din naman po kami mom. Just stay healthy po.”“I wanted to see my apo habang nagbubuntis ka.”Natigilan si Phoebe. “Mom…” saway ni Thomas. Nasabi na din kasi niya sa mommy niya ang kondisyon ni Phoebe. “Okay, alright. We’ll be there pag meron na ha.”“Yes Mom.” niyakap niya ang m
Isang pribadong seremonya ang naganap sa loob ng bakuran ng mga Preston. Tanging pamilya, malalapit na kaibigan nila Thomas at Phoebe ang naroon. Kinuha pa nga nilang ninang at ninong sa kasal ang mga magulang ni Angelie. Si Albus ang best man at si Angelie ang maid of honor sa kasal nila. Hindi lalampas sa trenta ang mga naroon. Sa dami ng pinagdaanan nila ni Thomas at samu’t saring issues ay mas pinili na lamang nila ang tahimik na kasal, dahil kung tutuusin kung sino ang mga naroon ay sila din ang makakasama nila sa bagong yugto ng buhay nila. Aanhin mo ang madaming bisita at engrandeng kasal na alam ng halos ng buong Pilipinas kung sa huli ay hindi maayos ang pagsasama?Nang magsimulang umere ang bridal song ay bumilis ang tibok ng puso ni Thomas, alam naman niyang nasa area lang si Phoebe pero hindi mawala ang takot na baka hindi niya ito muling makita. Paano kung umatras na ito? Paano kung may dumakip na naman dito?Nahawakan niya ang dibdib at pilit inalis ang masasamang ima
Isang linggo ng hindi pumapasok si Thomas sa opisina, mabuti na lamang at naroon si Albus para i-represent ang kompanya.Nagpupunta-punta na lamang si yaya Lita sa condo dahil bumalik na ito sa villa. Malungkot na tinanaw ng yaya niya ang saradong silid nang matapos siyang maglinis sa kabuuan ng unit ng binata. Ibang-iba na ang itsura ng lugar kumpara nong naroon si Phoebe. Hindi nauubos ang upos ng sigarilyo na halos dumikit na sa bawat sulok ng lugar. Tila bar ang lugar dahil sa hindi nauubos na bote ng iba’t ibang alak ang nagkalat sa wine bar at sa kusina. Napabuntong hininga na lamang si yaya Lita. Matapos niyang tupiin at ayusin ang mga bagong nalabhan ay kumatok siya sa silid ni Thomas. “Hijo…Thomas, mauna na ako. Tawagan mo ako kung may ipapagawa ka dito ha.” ilang segundo siyang nakatayo sa labas ng silid ngunit walang tugon ang binata kaya nilisan na niya ang unit nito. Sunod-sunod ang buga niya ng sigarilyo, hindi niya gusto ang makapit na amoy non pero nasanay na siya
“Castillo, may bisita ka!” tawag ng pulis sa kanya. Dahan-dahan bumangon si Rafael sa sahig. Hinang-hina pa ang katawan niya mula sa pambubugbog sa kanya dalawang-araw na ang nakakalipas. “Dito.” utos sa kanya ng pulis, napatingin pa siya dito ng alanganin dahil hindi sa karaniwang lugar kung san naroon ang bisita siya nito tinuro.“Bilis.” Binuksan nito ang pinto at pumasok siya. Isang hindi inaasahang bisita ang nakita niya doon. “B-Benjamin?” aniya, puro pasa pa din ang mukha at namamaga pa ang isang mata niya.“Take a seat.” Parang robot na sumunod siya dito.“I…I just wanted to talk to you after I heard you’re one of the masterminds.” sabi ng tatay ni Thomas. “You’re the reason why my father died. You took our business na pinaghirapan niya.”“I’m sorry for what happened Raf, but it went through a process. You were at the right age at that time and now, a man whom I know can understand how business runs.”“Hindi mo siya binigyan ng chance!” galit na sabi niya. “I gave him s
“Doc! Doc!” tumakbo ang nurse patungo sa silid niya ng makitang nagkamalay ang pasyente nila. “Bakit? Is there something wrong?”“May malay na siya doc.” balita ng nurse. Agad siyang napatayo at lumabas sa study room niya. Tiningnan niyang mabuti ang response ng dalagang nakahiga sa kama.“Thank God!” napaupo si Drew sa tabi ni Phoebe ng makitang nagrerespond ito. “D-Drew…” mahinang sabi nito. “Yeah…ako nga…just take a rest okay. We’ll talk when you’re fine.” Tumingin lamang ito sa kanya at muling pumikit. *****Thomas’ Wedding Day…Hindi mapakali si Drew, alam niyan ngayon ang kasal ni Thomas. Alam niyang sobrang nasasaktan ngayon si Phoebe kaya’t kahit imposible ay pupuntahan niya ito sa condo. Sa di kalayuan ay natanaw niyang sumakay ito ng taxi, may kung anong nagtulak sa kanya para sundan iyon. Hanggang biglang bumilis ang takbo non at patungo sa kung saang lugar. Nakita niyang biglang napahiga si Phoebe sa taxi, kanina lamang ay nakaupo iyon. Kinabahan siya agad at lihim
“I’m sorry Mr. Preston, but my team checked underneath carefully pero–”“And you call yourself a professional, when you cannot find her?!” galit na sigaw niya. “Dude, my team is helping, don't worry.” tapik ni Lloyd sa kanya. Napalingon sila sa naghy-hysterical na babae palapit sa kanila. “Oh my God! Oh my God! Phoebe!” sigaw ni Angelie, sinalubong naman agad siya ni Astrid. “Lee…they’re looking for her.” pinunasan nito ang luha na nagsisimula na namang tumulo.“Kanina pa yan diba? Ano na Astrid?” hindi mapakali si Angelie. Nahagip ng mata niya si Thomas. “Ikaw! Ikaw! Kasalanan mo to eh. Kung pinalaya mo lang yung kaibigan ko hindi magkakaganito. Edi sana hindi siya papatayin ng obsessed na obsessed pabagsakin ka!” Hindi umimik si Thomas. Kahit siya ay sinisisi niya ang sarili sa nangyari. “Kasalanan mo to Preston! May gimik ka pa sa kasala niyo kunware edi sana diba pinaliwanag mo don sa kaibigan ko! Ano maibabalik mo ba siya?!” sigaw muli si Angelie, habang yakap siya ni Astr
Today is the big day for Fiona. Ilang oras na lamang ay Mrs. Fiona Alvarez-Preston na siya. “You are so gorgeous hija.” puri ng ginang sa kanya pagpasok sa bridal room. “Thank you tita.” “Call me mom, para na din kitang anak.” “Sure…mom.” ngumiti siya dito at niyakap ang babae. “Maiwan na kita at iche-check ko ang daddy niyo kung nakapag-ayos na din.” “Sige po.” Pagkalabas ng ginang ay sumunod na din ang make-up artist na nag-ayos sa kanya. Kinuha niya ang cellphone at tinawagan si Raf. “Hello, make sure na hindi ka na sasablay sa araw na ito ha. Wag mo akong bigyan ng sakit ng ulo sa mismong kasal ko.” “Relax, baka mamaya magka-wrinkles ka kakaisip jan.” “Tsk. Umayos ka Raf.” “Yeah.” tamad na tamad na sagot nito. “Sige na bye, I’ll meet you guys next week.” “Okay.” Pagkababa ng tawag ay may narinig siyang katok, bumukas ang pinto at sumilip si Anne. “Hey! Congrats Fiona!” bati nito sa kanya. “Thanks, akala ko hindi ka na darating.” “Ako pa ba? I’m the maid-of-