Pagtigil ng kotse ni Thomas sa emergency area ay kaagada tumakbo si Phoebe sa loob. Nakita niya agad si ate Mel na naroon at inaantay siya.“Ate Mel!”“Hija…nasa loob ang kuya mo. Nilalagyan ng oxygen, bigla kase siya kanina sumuka ng dugo.”Napayakap si Phoebe sa babae, at umiyak.“Ate…si kuya na lang ang meron ako…”“Shhh…tahan hija...ipanalganin na lang natin na umayos ang lagay niya.”“Di ba maayos naman siya nong nakaraan bakit biglang nagkaganyan siya?” umiiyak pa din siya ng kumawala sa babae.“Hindi ko din masabi Phoebe. Pero traydor ang cancer hija.”Maya-maya ay lumabas na si Dr. Castro at lumapit sa kanya.”“Doc…doc kamusta si kuya?” agad na tanong niya.“Hija…tatapatin na kita, hindi maganda ang lagay ng kapatid mo. For now ilalagay muna namin siya sa ICU para mamonitor ng maayos.”“Doc please…gawin niyo po lahat.”“Hija…matagal-tagal na din akong doctor ng kuya mo, pero hindi ko kaya magsinungaling sa iyo. Sa ngayon ipagdasal na lang natin ang lagay niya.” Malungkot na sa
Hindi mapakali si Phoebe sa trabaho dahil laman ng isip niya si Prince. Ayaw siya payagan ni Thomas na pumunta ng ospital dahil kay Drew. Hindi niya din naman masuway ang lalaki dahil natatakot siya pwede nitong gawin sa kanya.Nang break nila ang agad niyang tinawagan si ate Mel.“Hello ate Mel, pasensya ka na kung naabala ko pagpapahinga mo ha. Hindi ko kasi alam ang phone number ni Luna.”“Hija…” mahinahon na tawag sa kanya ng babae.“Naku sorry po talaga, sige po mamaya na lang ako tatawag pag nasa ospital na kayo.”“Phoebe alam na ng kapatid mo.”“Po? Ang alin po?” napakunot-noo naman siya nang hindi nakuha agad ang sinabi ng kausap.“Si Prince…alam na niyang si Sir Thomas ang nasa likod ng mga ito…at-at ang relasyon mo sa kanya.”Parang nabingi si Phoebe sa mga sinabi ni ate Mel. Paano? Kailan? Alam ba talaga nito ang lahat?“Ate Mel naman, pano naman malalaman ni kuya yun? Si Drew! Sigurado ako si Drew!”“H-Hindi hija…n-narinig niya kayo noong nasa loob kayo ng ICU, nakausap ko
Lumipas ang ilang pero hindi pa din nakakadalaw sa ospital si Phoebe. Hindi niya din nakakausap ang kapatid dahil nanghihina pa din ito. Lubos ang kanyang pag-aalala pero hindi niya din masuway si Thomas, paano kung bigla siyang bitawan nito ngayon? Paano si Prince? Paano siya?Sa ilang lingo nilang magkasama ay nasanay na siya sa presensya ng binata. Hindi na siya sanay na hindi nakikita pag-gising at bago matulog. Bumibilis ang tibok ng puso niya sa tuwing makikita niya ang sasakyan nito sa di kalayuan paglabas sa Zeus company. Ngunit sa kabila ng maayos na relasyon nilang dalawa, hindi pa din siya tinitigilan ni Drew. Maging ang social media account niya ay binubulabog din nito.Isang umaga pagkagising niya ay kunot-noong tinitigan niya mabuti ang pangalan sa screen ng cellphone niya. Kinusot niya ang mata niya at di nga siya nagkamali.[Ano ba tong tao na to? Hanggang kelang ba niya ako guguluhin?] Sa isip-isip niya.Ngunit agad naman may humablot ng cellphone niya. Paglingon ni
Patay na ang ilaw sa unit pagkauwi ni Thomas, inabot na siya ng pasado alas dose dahil may kalayuan din ang bahay ng magulang. Tanging mga ilaw lang mula sa labas ang nagbigay liwanag sa loob ng unit niya. Naupo siya sa bar area at hinilot ang sintido.Hindi siya sanay magsabi ng problema sa magulang niya, hanggang ngayon ay hindi alam ng mga ito ang nangyari sa kanya matapos malaman ang pagtataksil ni Fiona.Hindi niya din malaman kung san kumukuha ng lakas ng loob ang babae na ipagsiksikan ang sarili sa pamilya niya.Mahimbing na mahimbing na ang tulog ni Phoebe, ni hindi nito naramdaman ang pagdating niya. Natapos na siyang mag-shower ay hindi pa din nagbabago ang posisyon niyo.Napangiti siya at saka lumapit upang halikan ang dalaga.“I hope I made you happy to see your brother.” Bulong ni Thomas.Matutulog na sana siya ng tumunog ang cellphone niya, nakita niya na nagmessage si Ate Mel na caregiver ni Prince.[Sir Thomas, gusto daw po kayo makausap ni Prince.]Nagtaka naman siya
Makalipas ang dalawang oras, tumawag si Albus sa intercom sa opisina ni Thomas at hindi naman siya nabigo na may sumagot doon.“Ehem.” Tikhim niya. “Mr. Preston, the directors of the company are here to give you the report from the previous meeting.”“Okay let them in.” sagot ng lalaki.Tumayo si Albus at nagtungo sa opisina ni Thomas kasunod ang apat na director sa kumpanya. Sinuyod ng tingin ni Albus ang kabuuan ng opisina at wala siyang nakitang bakas ni Phoebe. Malamang ay nasa extension room ito ng opisina.Lihim siyang napangiti, ngunit bumalik siya sa pagseseryoso ng makita niya ang matalim na tingin ni Thomas sa kanya.“Good after Mr. Thompson, we’re here to give you the report you needed..”aniya ni Mrs. Joson, director of human resources“Have a seat, all of you.” Itinuro niya ang mahabang sofa na naroon sa opisina niya.“Uhm… Mr. Preston, we would like to inform you that our sales skyrocketed up to twenty percent in just twenty-four hours. All the businesses, starting from P
“Congrats Angelie and Phoebe!” masayang bati ng mga staff na kasama nila sa Zeus Compnay.“Thank you po.” Sagot nilang dalawa.Huling araw na nila sa pagiging-intern kaya naghanda si Mrs. Tolentino ng kaunting salo-salo para sa kanila.“Congrats to the both of you. Para kayong professional writer na and your help are truly something.” Puri sa kanila ng boss.“Oo nga, ang gaan niyo kasama.” Dagdag ni Pam.“Mamimiss namin kayo girls.” Niyakap ni Lisa ang dalawang dalaga.“Well, mamimiss niyo lang sila ng ilang lingo, because they will be preparing for their graduation.” Aniya ni Mrs.Tolentino.“Woah! Woooh!!!” nagpalakpakan ang mga kasama nila.“Mam does it mean?” tanong ni Cesar.“Oo nga Mam, makakasama na namin sila?” excited na tanong din ni Teddy.“Well, YES!” kumpirma ng boss nila.Nagpalakpakan at hiyawan sila sa tuwa.“OMG! Congrats ladies.” Kinikilig na niyakap ni Pam ang dalawa. Sumunod din si Lisa.“Talaga po Mam Tolentino?” di pa din makapaniwalang tanong ni Angelie.“After p
“Good morning Mr. Preston.” Magalang na bati ni Mr. Legazpi kay Thomas pagkalabas nito ng kwarto. Maging ang matanga ay naiintimidate sa tindig ng binata.“Mr. Legazpi, do everything to make the situation stop. I want her name be clean.” Sabi niya sa attorney pagkaupo.Tumango naman ito. “Yes, Mr. Preston. I reviewed the case, so rest assured I’ll take care of this.”“Albus?” baling niya sa kaibigan na naroon din.“Mission accomplished. I found out that this Daniel’s family is owning a restaurant inside Prestige Mall which will not function starting today. While the others who bullied her are friends with Daniel, their parents are business partners running a clothing line, and guess what, it’s being sold in our department store. All the products are returned with a reported valid issue, the manager found out that the quality has been changing from time to time.” Pagbabalita sa kanya ni Albus.“Well done. They have to learn their lesson.”“Mr. Preston.” Singit ni Mr. Legazpi. “Hijo, hi
Laking pasalamat ni Phoebe dahil hindi umabot sa kapatid niya ang iskandalong kinasangkutan dahil kung hindi ay baka mas lalo lumala ang sitwasyon nito.“Phoebe hindi pa ata ako makaka-attend ng graduation mo. Hindi pa kaya ng katawan ko, pero susubukan ko.” Sabi ng kuya Prince niya isang araw na dumalaw siya dito.Isang lingo na lamang ang graduation na nila.“Ang mahalaga magpagaling ka kuya, madami pang mas exciting na event na pwedeng mangyari sa atin.” Sagot naman niya at tinabihan ang kapatid.Mejo nakakalakad na naman kahit paano ang kuya niya ngunit giniit ni Thomas na sa ospital na lamang muna ito mag-stay for a complete recovery. Pag daw bumuti ang pakiramdam ni Prince ay maaari na itong ibyahe abroad para sa mas magandang gamutan ayon sa doctor nito. Hindi nadin nila nilipat si Prince kahit masama ang loob ni Thomas dahil magaling ang doctor na nag-aasikaso sa lalaki.“Hi kuya Prince!” magiliw na bati ni Angelie pagpasok sa silid.Napalingon silang magkapatid sa biglang pag