Share

KABANATA 1

6 YEARS AGO…

“I CAN’T BELIEVE THIS. YOU JUST HUMILIATED ME, MS. SY. YOU HUMILIATED US.”

Kusang nabura ang mga ngiti ko nang sabihin iyon ni Mr. Saavedra sa seryosong tono.

Hindi pa man ako tapos sa pagpapaliwanag ng presentation na inihanda ko ay may ganoong komento na akong natanggap agad. And yes, I am already taking it as a negative comment. A sign na maaaring hindi maganda ang kahinatnan ng ginagawa kong ito.

“W-What do you mean by that, S-Sir? Hindi niyo na po ba ako… papatapusin muna before you make your decision?” kinakabahang tanong ko.

“No, no. Hindi na kailangan. I… Together with my constituents right here, already made our decision,” diretsang sagot nito.

Nanghina ako. “I-Is that a no? Ibig po bang sabihin noon na hindi kayo mag-iinvest sa amin six months from now?”

Hindi agad sumagot si Mr. Saavedra. Tiningnan niya lang ako ng mataman, tsaka siya tumingin sa dalawang kasama niya na tumango naman.

“Maupo ka muna, hija,” utos niya na sinunod ko naman.

Sa pagkakataong ito ay naluluha na ako. Hindi ko na alam ang gagawin sakaling hindi mag-work ito.

Isa-isa kong tiningnan ang mga kasama ko---si Ms. Hana na secretary ni Daddy, si Margaret na stepmother ko, at si Monica na stepsister ko. Nginitian lang ako ni Ms. Hana at bahagyang tinanguan, alam kong paraan niya iyon para iparating sa akin na magiging ayos lang ang lahat. While Margaret and Monica looked at me with hatred and mockery. Ngumisi pa sila na animo’y natutuwa sa kinahihinatnan ng mga nangyayari ngayon.

Hindi ko maiwasang mainis. Sa pagpipilit pa lang ng dalawang iyon na sumama ay alam ko na agad na may binabalak silang hindi maganda. They’re just practically waiting for my downfall. At nakakainis mang isipin, mukhang masa-satisfy ang dalawang bruha sa masasaksihan ng mga ito ngayon base pa lang sa mga salitaan ni Mr. Saavedra.

“You know what, hija? For the past few months, marami nang sumubok na ligawan kami to get us to invest in their businesses. May corporation, meron ding mga single proprietor. Ito nga lang kumpanya niyo, I think, may dalawang beses na akong bumisita rito. Dalawa na sa inyo ang nakiharap at kumausap sa akin. One of which is your father, at sa pangalawang beses ay ang mommy at kapatid mo---”

“Stepmother and stepsibling… Sir,” mariin kong pagtatama sa kanya, tsaka ko binalingan ng matalim na tingin ang dalawa. They looked surprise for what I did. Pero saglit lang iyon dahil bumalik din agad ang nakakainis na ngisi ng mga ito.

“As you said so,” sabi ng matanda na mukhang hindi naman napansin ang namumuong tensiyon sa pagitan ko at ng dalawang bruha. “Pero silang dalawa man ay walang nagawa para makumbinsi ako. That was why, naisip ko na hindi basta-basta susuko ang daddy mo. Knowing how persuasive and dedicated he is, alam kong magpapadala ulit siya ng panibagong representative to win our investment. I was expecting someone from the… board of directors, or one of your top advisers. Hindi ko lang inaasahan na ang sixteen years old na panganay niyang anak na babae ang ipapadala niya.”

“...Hindi ko lang inaasahan na ang sixteen years old na panganay niyang anak na babae ang ipapadala niya.”

Paulit-ulit na nag-echo iyon sa pandinig ko. At tuwing mauulit iyon ay hindi ko maiwasang makaramdam ng kakaibang kurot sa dibdib. It was like underestimating my abilities.

Hindi ba pwedeng diretsahin niya na lang ako kung mag-iinvest siya sa amin o hindi? Hindi iyong parang balak niya pa yata akong igisa at maliitin. Ipahiya! For what, to give my freaking stepmother and her bitchy daughter a satisfying show to watch?

“I agree with you, Mr. Saavedra. Because like you, I am expecting more of a… matured indvidual na may sense talaga at ibubuga when it comes to businesses and deals. Kaya nga sinubukan kong pigilan ang asawa ko matapos kong malaman na… iyang anak niya ang balak niyang iharap sa inyo. But he’s persistent. Makulit! ‘Ayan, nagdulot tuloy ng kahihiyan. Maging ako at ang anak ko ay nahihiya sa pagkakalat niya. We’re very, very sorry, Mr. Saavedra.”

Tinapunan ko ng matalim na tingin si Margaret pagkatapos nitong magsalita. Alam ko at inaasahan ko nang mag aakto na naman siya na parang siya ang bida. At naiinis ako roon. Pero hindi ko rin maiwasang masaktan dahil partly ay totoo rin naman ang sinabi niya.

Originally, Dad planned on sending Mr. Juris---isa sa mga good performer na miyembro ng board of directors. Pero dahil sa pagmamarunong ko ay nagpresinta ako na ako na lang. Hinamon ko pa siya para lang mapapayag siya sa gusto ko. And I admit, I only did that para kung sakaling mapapayag ko si Mr. Saavedra na mag-invest sa amin ay mapapatunayan ko at mapapamukha sa mag ina, lalo na kay Margaret na kaya kong gawin ang hindi niya nagawa. It was all out of revenge, yes. Pero mukhang mare-reverse card ako dahil mukhang nasa kanila pa rin ang huling halakhak.

“Mr. Saavedra,” tawag ko. I also cleared my throat to prevent my voice from cracking. “Does this mean… na hindi pa rin kayo mag-iinvest sa amin six months from now?”

“I’m sorry, but no. We won’t be investing in your company six months from now.”

Napatango na lang ako habang mariin kong kagat ang ibabang labi ko. Paraan ko iyon para pigilan ang maiyak dahil alam ko na kapag nagpakita ako ng ni katiting na luha ay madadagdagan lang lalo ang satisfaction ng bruhang mag ina.

Tumayo na ako.

“I… think, that’s it. Salamat pa rin po sa pagbibigay niyo ng konting oras to listen on my proposal,” sabi ko at naghanda na sa pag alis. Kinuha ko na ang laptop at folder na dala ko tsaka ko sinenyasan si Ms. Hana. “Let’s go.”

Habang hinihintay kong makatayo si Ms. Hana ay may narinig pa akong pumalakpak. Kahit hindi ko tingnan ay alam ko na rin naman kung sino ang gumawa noon.

“That’s right, my stepsissy. Go run to your daddy and tell him you failed. Tell him how you brought shame to his name, to our family. Make sure na it is with tears, huh?” saad ng maarteng boses ng babae. It was Monica.

Pinasadahan ko lang siya ng matalim na tingin bago ako nagpasiya na mauna nang lumabas.

“WE WON’T BE INVESTING IN YOUR COMPANY FOR THE NEXT SIX MONTHS, DAHIL BUKAS NA BUKAS MISMO AY ITA-TRANSFER KO NA SA INYO ANG INVESTMENT. CONGRATULATIONS, MS. SY. YOU MADE IT.”

Napahinto ako sa tangkang pag alis nang sabihin iyon ni Mr. Saavedra. Napaharap ulit ako sa kanila, partikular sa kanya.

“W-What did you say?” hindi makapaniwalang tanong ko.

Kailangan kong makatiyak na tama at totoo ang narinig ko. Na hindi ako lang ang nakarinig sa sinabing iyon ng investor, kung may sinabi nga siya.

“CONGATULATIONS!” sabi niya ulit. This time, nakangiti na siya.

Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko na mapangiti. At ang pinipigilan kong luha kanina ay tuluyan nang bumuhos. Pero imbis na luha ng inis at pagkatalo ay luha na iyon ng kasiyahan at pagtatagumpay.

“We made it, Ms. Hana,” nakangiting sabi ko rin sa secretary ni Daddy.

Naluluha rin siya at nakangiti nang tumango siya sa akin.

Tiningnan ko rin ulit sina Margaret at Monica, ang kaninang nang iinis nilang mga ngisi ay napalitan na ng pagsimangot. Kahit yata ang pnakamagaling na pintor sa buong mundo ay hindi magagawang gayahin ang mga mukha nilang hindi maipinta!

Later that day, we settled everything. Mula sa pirmahan ng kontrata hanggang sa kung saan dadaan ang pera na i-invest nila.

Tumagal din ng halos isang oras ang pag uusap namin at nang matapos na ay nagpaalam ako agad. Hindi na ako makapaghintay na sabihin kay Daddy ang lahat!

***

“SAYANG, HINDI KO NA-VIDEO ‘YUNG MUKHA NG MAG INA. PRICELESS, GRABE!”

Sabay kaming napahalakhak ni Ayi Hana matapos niyang sabihin iyon. Yes, Ayi Hana. “Ayi” is the Mandarin term for “Auntie”. She was my father’s secretary and at the same time, my mother’s biological sister. I used to call her “Ms. Hana” everytime that we are in the business and corporate area. Pero kapag kaming dalawa na lang ay doon na lumalabas ang totoong bond namin bilang aunt and niece.

“Yeah, sayang nga,” bulalas ko rin. “Pero grabe naman kasi si Mr. Saavedra. Kahit ako, akala ko hindi talaga sila nakumbinsi sa dami-dami kong sinabi, eh. But thank goodness, he was just joking.”

Then, we laughed again in unison.

“Sayang lang, maagang namaalam ang mommy mo. Kasi kung nabubuhay pa siya ngayon at kasama natin, I’m sure yours would be the perfec family among the world. Tsaka sigurado ako na sobrang proud niya for having a daughter na beautiful and intelligent. At ikaw iyon.”

Unti-unting naglaho ang ngiti ko. The happiness I felt was immediately supressed as it turned into a gleam of sadness. Naalala ko na naman si Mommy.

Ten years old pa lang ako nang mamatay siya dahil sa isang hindi inaasahang aksidente. Plain crash. I may be young at that time, but my heart and mind was already able to tell and decipher things around me. I was broken, so as my dad. Nakita ko kung paano siya pansamantalang nawala sa sarili niya kasabay ng pagkawala ng buhay ni Mommy. I saw how he grieved, I saw how he slowly lost himself. Pero nakita ko rin kung paano siya unti-unting nahumaling sa ibang babae. And yes, that was Margaret. I saw how he slowly healed. I saw how he managed to build himself back, he even got better. Pero kasabay ng pagkabuo niyang iyon, hindi niya alam na I was slowly losing myself in the process.

Everything happened in just a span of one year. Naka-move on si Daddy, pinakasalan niya si Margaret na ilang buwan pa lang mula nang makilala niya, and before everything sink in to my senses, “buo” na ulit ang pamilya namin---my dad and me, kasama ang newly-found family niya, sina Margaret at Monica. Those two witches, na hindi nag aksaya ng panahon para sirain at guluhin ang buhay ko. First, they acted as if they were first, pinamukha nila sa akin na ako ang “sampid” sa sarili kong pamilya, sa sarili kong bahay, at sa sarili kong ama. They made sure to take everything away from my control by transferring all the fortune left by mom behind, inilipat nila lahat ng iyon sa pangalan ni Daddy imbis na sa aming dalawa. And what’s more painful was that, maging si Ayi Hana na kapatid ni Mommy, ang natitira ko na nga lang na kakampi ay sinubukan din nilang ilayo sa akin. Thank goodness, I was able to know what they’re up to even before it happened. Napakiusapan ko agad si Papa na imbis na paalisin siya ay bigyan na lang ng kahit na anong trabaho sa kumpanya---and that’s how she ended up as my father’s secretary. And the rest is history.

“You know what, Ayi? Minsan, napapaisip ako,” sabi ko makalipas ng ilang segundong pananahimik.

“About what?”

“About… what if ikaw na lang ‘yung naging second wife ni Dad? I mean, it’s kinda weird, yes. But I think it will work better than Margaret and her… dumb daughter,” saad ko tsaka ko siya binalingan ng tingin. “What do you think?”

Kitang-kita ko kung paano namutla si Tita Hana. Parang natulala pa nga yata siya dahil siya agad nakasagot sa sinabi ko.

“A-Ano ka ba naman? Why would you think that it’s better if I end up being your dad’s second wife? A-Ate ko ang una niyang asawa. It’ll be more than weird and I’m sure, pag-uusapan tayo at tutuligsain ng press. Kaya hindi pwede iyang sinasabi mo,” nauutal na turan niya, hindi makatingin sa akin ng diretso.

Napabuntung-hininga na lang ako at napasandal sa back rest ng car seat.

“Ugh, nevermind. Just refrain from what I said, Tita. Siguro, masyado lang overfed ang isip ko masyado ng kasamaan at kawalang-hiyaan ng mag inang iyon,” sabi ko at pumikit.

Narinig ko naman ang pagsang-ayon niya na sinabayan niya pa ng mahinang pagtawa.

“Huwag mo na kasing masyadong iniintindi ‘yung dalawang bruhang iyon. You know na hobby na nila ang inisin ka at kung papansinin mo sila, I’m sure ikaw din ang lugi dahil mas masa-satisfy lang sila sa kabaliwan nila,” patawa niya saad. “Anyways---”

Hindi niya na naituloy ang sasabihin niya dahil biglang may nag-ring. Napadilat din ako para tingnan ang cell phone ko, pero hindi doon nanggagaling ang tunog. It was Tita Hana’s phone, I think.

Nakumpirma ko ang hinala ko nang iharap niya sa akin ang screen niyon, tsaka siya nagsalita, “Daddy mo.”

Bahagya na lang akong tumango para sabihing sagutin niya na ang tawag. Bumalik na lang din ako sa pagkakasandal ko sa back rest at muling pumikit.

“Yes, hello?” rinig kong sabi ni Ayi Hana. “Yes, kasama ko siya ngayon.”

Judging from what I heard, alam ko na ako ang itinawag ni Daddy kay Ayi. He has been looking for me. Siguro, nabalitaan niya na ang nangyari sa meeting namin kanina with Mr. Saavedra. Napangiti ako.

“Sige, on the way na kami. Uh, expect us to be there in… ten minutes,” muling sabi ni Ayi Hana. “Sige, thank you.”

“Hinahanap ka na ng dad mo, gusto ka raw makausap,” sabi niya sa akin, marahil pagkatapos nilang mag-usap ni Daddy.

My smile got even wider.

“Baka alam niya na ‘yung nangyari sa meeting natin kanina with Mr. Saavedra,” proud kong saad. “Sayang, he wasn’t able to hear it from me.”

Tumawa si Ayi Hana.

“Malamang, ‘yung dalawang bruha na ang nag-spoil sa daddy mo kasi alam nila na gagamitin mo ‘yung deal na pang-surprise sa daddy mo. Mga insecure talaga,” bulalas niya pa.

Napailing na lang ako. Disappointed man na hindi sa akin unang narinig ni Daddy ang balita ay masaya pa rin ako. Without my effort, without me basically, ay hindi naman magkakaroon ng magandang balita na gaya niyon. Margaret and Monica may be the ones to tell Dad everything in order to spoil my surprise, but they can’t replace the fact that I am still the star of the show.

***

PAGDATING NAMIN SA MAIN BUILDING NG SY CHAINS OF BUSINESSES, KUNG NASAAN ANG OFFICES NG MGA MAY MATATAAS NA POSISYON SA KUMPANYA, AY NAGHIWALAY NA RIN KAMI NI AYI HANA.

May iniutos daw kasi sa kanya si Daddy na kailangan niyang harapin as soonest possible na makabalik siya ng building.

Pagpasok ko pa lang sa entrance ay nakangiti na ako. Hanggang sa pagsakay ko sa elevator at paglakad sa hallway papunta sa office ni Daddy ay hindi pa rin nabubura ang matamis at maluwag na ngiti ko.

And when I finally reached the front door of my father’s office, I stopped for a moment. I let out a deep, relieving sigh. Nang matapos ay doon ko lang binuksan ang pinto tsaka ako agad na pumasok.

“Dad, I’m here---”

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang imbis na ang natutuwang si Daddy ang sumalubong sa akin ay isang malakas na sampal mula sa kanya ang nabungaran ko.

“HOW COULD YOU DO THIS TO ME, CALISTA?! HOW DARE YOU DISOBEY ME?!”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status