Share

KABANATA 5

NANG ARAW NA UMALIS AKO SA BUILDING NG MGA SY AY IYON NA RIN ANG HULING BESES NA TUMUNTONG PA AKO SA KAHIT ANONG PAG AARI NILA.

Hindi na rin ako kumontak pa o nakibalita sa kahit sino sa kanila. Kahit kay Ayi Hana. I already got rid of my phone and bought something cheaper. Ngayon, ang contacts ko na lang ay sina Tatay Tirso, Nanay Belen, at Pamela. They all offered me their home as my temporary shelter, pero ako na lang din ang kusang tumanggi. Ayoko rin kasing ma-attach pa sa kahit na kanino, especially that I knew how kind-hearted they all were. Tsaka paalis na rin ako pa-France in a few days now.

Dalawang araw mula ngayon ay gaganapin na ang graduation ceremony sa Contessa Fashion School. And yes, I still continued taking my studies there. Bagay na hindi at never kong pagsisisihan dahil bukod sa mahal ko talaga ang fashion designing, ay dahil din sa CFS kung bakit nakatakda na akong makapasok sa pinto na pwedeng maging daan para maabot ko ang mga bagay na pinapangarap ko para sa career ko.

Nagtatakang napatingin ako kay Pamela nang bigla siyang maglabas ng isang malaking paper bag. Kasalukuyan kaming nasa isang restaurant dahil gusto niya raw makipagkita sa akin at may iaabot daw siya ng personal.

“Para saan ito?” tanong ko sa kanya. I was pertaining on the paper bag.

“Mga jacket at mittens ang laman niyan. Binili iyan ni Nanay para sa akin noong papunta sana ako sa Canada. Huwag kang mag alala, maayos pa iyan dahil last year lang naman binili at maayos na naitago. Para raw hindi ka na bumili ng pang-OOTD mo roon, bawas gastos ba,” aniya.

Kahit na nakangiti siya habang nagsasalita ay bakas pa rin sa boses niya ang lungkot. Naalala ko naman ang nakwento niya noon tungkol sa muntikan na niyang pagtatrabaho abroad---sa Canada nga. But a few days before her flight, nalaman nila na fake pala ang agency na in-apply-an nila. It was a pyramiding scam. In short, walang existing na employment agency, walang naghihintay na trabaho abroad, at higit sa lahat, niloko lang sila at pinerahan.

“Wow, pakisabi kay Nanay Belen, thank you, ha?” nakangiti kong saad at kinuha ang paper bag. Sinadya ko ring pasiglahin pa ang boses ko sa pag asang mawala ang lungkot na biglang naramdaman ni Pamela.

“Sige, sasabihin ko sa kanya. Basta… m-mag iingat ka roon, ha? At kapag may napansin kang hindi maganda, tumawag ka agad. Promise, laging bukas ang cell phone ko---”

Hindi ko na siya pinatapos magsalita. Niyakap ko na siya. Tumatawa ako pero sa totoo lang ay naluluha na rin ako.

“I will take care of myself, I promise. Hindi ko hahayaan na may umabuso sa akin. As in, never,” deklara ko. “At kapag medyo nagtagal na ako roon, at naisip mo na subukang mag-abroad ulit, ako nang bahala sa iyo. Ako ang magiging ticket mo to abroad para sure kang hindi ka na mai-scam ulit.”

Napa-aray ako nang marahan niyang hampasin ang balikat ko.

“Ipaalala mo pa, sige,” bulalas niya pa na ikinatawa ko.

After eating our meal, nag-decide kami na mag stay pa kaya nag-order na lang kami ng kape para naman hindi kami magmukhang nakikitambay lang.

Masaya na kaming nag uusap at puro na lang kami tawanan nang biglang mag iba ang timpla niya. Her smile suddenly faded as her eyebrows furrowed. Para rin siyang may tinatanaw na kung ano mula sa malayo.

“Ano nang nangyari sa iyo? Okay ka lang ba?” nagtatakang tanong ko sa kanya.

“O-Oo, ayos lang ako,” sagot niya naman. Hindi niya pa rin inaalis ang tingin niya sa kung anong tinititigan niya. “P-Pero iyong bruhildang stepsister mo iyon, ‘di ba?”

Ako naman ang napakunot-noo.

“Ha? Nasaan?” usisa ko sabay lingon sa paligid.

This was an ordinary resto, iyong afford ng below minimum ang sahod at merong tig-sampung piso na kanin sa menu. Malabo na mapadpad dito si Monica, kung siya nga talaga ang nakita ni Pamela.

“’Ayun, o! Tingnan mo kasi!”

Hinawakan niya ako ng magkabila sa ulo tsaka ibinaling iyon sa labas. Kita kasi ang view sa labas ng resto kung nasaan kami dahil sa clear glass naman ang salamin niyon.

And apparently, Pamela was right. Si Monica nga iyon, at may kasama siyang dalawang tao---babae at lalaki na pamilyar ang pigura sa akin. Saan ko nga ba sila nakita?

I tried my best to remember when and where did I saw those familiar people. Pero bago pa ako makapagsalita ay naunahan na ako ni Pamela.

“Sina Kuya Marlon at Ate Conie? Mga magulang ni Calvin ang kasama ng mahadera mong stepsis, fren!” aniya.

Oo nga. Iniwas ko na ang tingin ko sa kanila at humigop sa kape ko.

“Huy, ano ka ba? Hindi ka ba nakaka-sense ng something shady? Magkasama ang stepsister mo at ang magulang ng cheater mong ex---”

“Hindi na ako nagtataka, Pamela. Calvin was the one who sold me---my information, rather---to that witch kaya ako nabuking ni Dad. Baka nalaman ng magulang niya na nagkaroon siya ng koneksyon kay Monica na related naman sa mga Sy. Nagdedelihensya lang siguro sila ng pangpiyansa para sa magaling nilang anak.”

Pamela’s mouth widen in surprise. Oo nga pala, hindi ko pa naikwento sa kanya kung paanong t-in-raidor ako ni Calvin all for fifty effin’ thousand pesos na ipinambili niya ng luho ng ex-best friend ko na other woman niya.

“Anyway, let’s not just spoil our day, shall we? Marami pang mas may kwentang bagay ang deserve mapag usapan kaysa sa kanila,” saad ko ulit.

Pamela clapped as she laugh in agreement.

“Tama! So, may matitirahan ka na ba pagdating mo sa France?”

NAPASARAP PA ANG KWENTUHAN NAMIN NI PAMELA AT DAHIL DOON AY HINDI KO NA NAMALAYAN ANG PAGLIPAS NG MGA ORAS. BEFORE I KNEW IT, IT WAS ALMOST SIX O’CLOCK IN THE EVENING.

Nang mapagtanto ko ang oras ay agad na rin akong nagpaalam sa kanya, saying na kailangan ko pang ayusin ang mga gagamitin ko para sa graduation ko pati na rin ang mga gamit na dadalhin ko pag alis ko papuntang France.

And now, I am currently lying on my bed---staring at the ceiling and reminiscing everything that happened to me in a course of just… two weeks? Grabe.

Parang kahapon lang, I was still living the life. May malawak na kwarto na halos doble ng buong apartment na nirerentahan ko ngayon, I have my own car, maids, butlers, heiress ng isa sa pinakamalaki at pinakamayamang business sa Asia. I was even probably one of those having the highest net worth even without having a fixed job or earnings. But now, all that I can afford is to rent a small apartment for the mean time, eat normal and non-extraordinary

meals, with my bank account balance in just six digits.

But at least, I’m free now, right? At iyong six digits na iyon sa bank account ko, those were all out of my fashion designing gigs. Yeah, right. Fashion is the one that saved me still even this time. Pero hindi ganoon kalaki ang six digits na iyon, I know I should strive still so that I can sustain living all by myself. No relative, no boyfriend, no other best friend.

Bumaling ako ng higa at aksidenteng nahagip ng paningin ko ang dress na isinuot ko sa manequin---sarili kong design iyon na ginawa ko specially for my graduation. Katabi niyon ay ang isang maleta na may travelling bag sa ibabaw kung saan nakalagay ang mga gamit na dadalhin ko pag alis.

Dawalang araw na lang, and I’ll be one step away from living my dreams. Kinaya ko ang dalawang linggo na ako lang mag isa. Ngayong malapit na ako sa buhay na pinagarap ko, mas kakayanin ko pa.

Napangiti ako.

Yes, Cali. That’s the spirit. Be quiet and let them think you just vanished into thin air---brokenhearted, alone, and pitiful. Hustle in silence and let your success scream for you. Kaya mo ito! Kakayanin mo.

Eyah

From this day, I will be uploading chapters DAILY. Plano kong tapusin 'tong story na 'to by next month. Soooo, puhleaseeee, pa-support mga 'miii! Salamaaatt, MWAAAPSS!!!

| Like

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status