Share

To Keep a Homeless Mafia Boss
To Keep a Homeless Mafia Boss
Author: Eyah

PROLOGO

“DUMATING NA ANG HINIHINTAY MONG SHIPMENT, BOSS! KUNIN KO NA BA?”

Agad sinasal ng kaba ang dibdib ko matapos kong marinig ang malakas na boses na iyon ng isang lalaki. Oh, my gosh. Nasaan na ako?

Inilibot ko ang paningin ko sa paligid---madilim. Sinubukan ko ring kumilos pero bigo ako. Then I realized… I was trapped! Nakabaluktot akong nakahiga ngayon sa isang matigas na sahig. Mahapdi ang mga kamay at paa ko, parehong hindi ko maigalaw dahil… nakatali ako!

Nagsimula na akong mag-panic. Sinubukan kong sumigaw pero maging ang bibig ko ay nakatakip. May kung anong makapal na tela ang nakabusal ngayon sa bibig ko. Para bang alam ng kung sinumang kumuha sa akin na magdudulot ako ng ingay sa oras na magising ako.

Wala na akong nagawa kundi ang mapapikit ng mariin habang umiiyak. Paano ba ako napunta rito?

Pinilit kong alalahanin ang mga naunang nangyari bago ako magising at matagpuan ang sarili ko na nasa lugar nang ito.

I was out with Pamela, celebrating the victory of the third fashion show I hosted. Milestone na maituturing ang success ng fashion show na iyon dahil finally, matatawag ko nang “multi-million” ang fashion business na meron ako matapos mag-skyrocket ng kinita ng show na iyon. It was a clear and shining eight digits profit, earned in just one week! Pauwi na ako at nagmamanehong mag isa nang biglang tumirik ang sasakyan ko. Lumabas ako agad para tingnan ang problema---I had a flat tire. May dala akong reserbang gulong at tools, pero ang problema ay hindi ako marunong magkalas at mag ayos niyon. That’s when I decided to call Calvin. Pero hindi ko pa man naidi-dial ang number niya ay may huminto nang itim na van ilang hakbang lang ang layo sa akin. Mula roon ay bumaba ang limang hindi ko nakikilalang mga lalaki. They were all wearing black attires and bonnets. Sinalakay nila ako---two of them immediately hold me by the hand as the other one stomped my face with a piece of fabric. Nakakahilo ang amoy ng tela na iyon. Pumiglas pa ako pero dahil na rin sa lakas ng mga lalaki at sa masangsang na amoy ng tela ay unti-unti akong nanghina. Hanggang sa tuluyan na akong nawalan ng malay.

And now, I just woke up inside this tiny, dark container. Hindi ko alam kung nasaan ako o kung sino ba ang nasa likod ng pagtangay sa akin. I was hopeless. I was doomed.

Wala akong narinig na anumang tugon mula sa kausap ng lalaki na tinawag nitong “Boss”. Pero mayamaya lang ay narinig ko na ang mga yabag ng paa na tila palapit sa kinaroroonan ko. Dali-dali akong pumikit para magkunwaring tulog at walang narinig. I was afraid that they might hurt me once they find out that I am already awake.

Hindi nga ako nagkamali ng hinala dahil segundo lang ang lumipas ay narinig ko na ang pag-click ng kung ano. Pagkatapos noon ay may sumiwang nang liwanag. Kahit nakapikit ay nasilaw ako sa liwanag na sakto pang tumambad sa mukha ko. But still, I pretended to be asleep.

Pagkatapos ng nakakasilaw na liwanag, naramdaman ko naman ang paghawak ng kung sino sa katawan ko. Then he---whoever he is---lifted me and carried me away from that tiny container I’ve been put in before. Binuhat niya ako sa paraang parang isinampay niya ako sa balikat niya---hawak niya ako sa hita at lungayngay naman ang ulo ko sa bandang likuran niya.

Bahagya kong idinilat ang mga mata ko sa pag asang masilayan ang lalaking may buhat sa akin ngayon. Pero dahil galing sa dilim ay nanlalabo pa ang mga mata ko. Ang tanging nakita ko lang ay ang likod ng lalaki---nakasuot ito ng itim na damit, longsleeved na itinupi hanggang sa siko niya base na rin sa nararamdaman kong tela sa braso niya na nakadikit naman sa hita ko. And whoever he is, obvious na matangkad siya.

Pasimple ko ring iginala ang paningin ko sa paligid. Maayos naman at parang tipikal na bahay lang pala ang kinaroroonan ko. Parang mansiyon nga lang dahil maraming mamahaling gamit sa paligid. Even the floor was nice and flawless.

“Okay, medyo nakahinga na ako ng maluwag dahil hindi naman mukhang sindikato ang may hawak sa akin ngayon,” usal ko sa sarili.

The man walked continuously until he reached the stairs. Walang pagdadalawang isip na umakyat siya roon. Napapikit naman na ako dahil nakakaramdam na ako ng hilo. Mabilis akong malula at baka sumuka lang ako ng wala sa oras.

Mayamaya pa ay narinig ko na ang pagbukas ng pinto. Doon lang ulit ako naglakas ng loob na dumilat. Nakita kong papasok na kami sa isang malaking kwarto.

The man closed the door shut as he continued to enter. Narinig ko pa ang tunog ng pag-lock ng pinto bago siya tumalikod. Pabagsak niya akong ibinaba sa kama. Mabuti na lang at sobrang lambot niyon kaya kahit may pwersa ang pagkakabagsak niya sa akin ay wala akong naramdaman na kahit anong sakit.

“No need to pretend that you’re asleep. Dllat na.”

Ang kaba na nararamdaman ko kanina ay dumoble pa nang sa wakas ay marinig ko ang boses ng lalaking nagdala sa akin sa lugar na ito. And judging by the sceneries, alam ko na hindi imposibleng siya ang “boss” na tinutukoy ng naunang lalaki kanina. Ang “boss” at mastermind ng pag-kidnap sa akin.

Pero ang mas nagpakabog ng dibdib ko ay ang isiping pamilyar sa akin ang boses na iyon ng lalaki. Parang… Parang narinig ko na iyon dati. Only this time, it was colder. It sounds mysterious and… scary.

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Sa nanlalabo ko pang mga mata ay tumambad sa akin ang isang pamilyar na pigura ng matangkad na lalaki.

Nang makapag-adjust na sa liwanag ay unti-unti ko nang nakita ng malinaw ang lalaki. And upon recognizing who he was, I was shocked. Natulala na lang ako nang tumambad sa akin ang lalaking hindi ko na inaasahan at hindi ko na pinangarap pang makita.

“Luke—Niccolo…” sambit ko habang hindi inaalis ang pagkakatitig sa kanya.

It’s been a year since we last saw each other. Malayung-malayo na ang itsura nito sa dating Niccolo na nakilala ko. He looks so soft and simple before. Pero ngayon… sa itsura at suot niya ay parang ibang tao na ang kaharap ko. He looked… elegant. And fierce. Wala na ang maamong itsura nito. His looks now screamed authority. And his gaze was enough to send shivers down on anyone’s spine. And most importantly, mas lalo itong gumwapo.

“Never in my wildest imagination did I thought na kailangan pa kitang ipa-kidnap para lang magkita tayo ulit,” sabi niya sa malamig na tinig. Tumawa siya, pero imbis na matuwa rin ay kinilabutan pa ako bunga niyon. Lumapit siya sa akin. Yumuko siya, hinawakan niya ako sa baba, at saka niya tinitigan ng diretso ang mga mata ko. “Hindi na ako papayag na makawala ka pa sa akin ulit, Calista. You’re in my possession now. And once mine, will forever be mine.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status