TAHIMIK na nakaupo si Bianca sa kuwarto habang nakatingin sa repleksyon niya sa salamin. Suot na niya ang isang wedding dress na regalo ng mga Hoffman. Maganda ito at mukhang mamahalin.
May bahid ng lungkot at inis nang lumapit sa kanya ang kaibigan niyang maid na si Joan. Hawak nito ang pangsuklay sa buhok ni Bianca. “Miss Bianca, nakakalungkot naman isipin na ikakasal ka na bukas. Tapos sabi nila, disabled raw yung mapapangasawa mo at bastardo pa! Baka pangit din ‘yon, ah?” Napakurap si Bianca sa sinabi ng kaibigan pero hindi niya magawang sumagot agad. Sa halip, pinilit niyang ngumiti rito. “Wala akong choice, Joan. Nalulugi na ang kompanya ni dad, at ako lang ang makakasalba kapag i-merge na ang Hoffman at Mondevan,” paliwanag nu Bianca. Umismid si Joan at bahagyang binaba ang suklay na hawak. “Alam mo, Miss Bianca, hindi ko talaga maintindihan si Sir Antonio. Kahit anak ka sa labas, ikaw pa rin naman ang panganay niya, di ba? Eh si Monica, ilang buwan pa lang nagte-training sa kompanya, siya na raw ang gagawing CEO. Samantalang ikaw, ang tagal mo nang nagtatrabaho sa Mondevan Enterprises.” Napatigil sa pagsusuot ng hikaw si Bianca. Napatingin siya kay Joan sa salamin, at unti-unting lumalim ang kanyang paghinga. “Ba’t hindi ko alam ang tungkol ro’n?” gulat na tanong ni Bianca. Si Monica? Ang spoiled brat niyang kapatid ang gagawing CEO? Samantalang siya, na ilang taon nang nagbuhos ng oras at pagsisikap sa kompanya, ay walang kahit anong magandang position na ibibigay? Kung tutuusin nga mas karapat dapat si Bianca kaysa sa kapatid nito. Napayuko siya at mahigpit na napakapit sa laylayan ng kanyang wedding dress. “This is so unfair, hindi ko matanggap na ang spoiled brat kong kapatid ang gagawing CEO. Well, wala naman akong magagawa kung iyon ang desisyon ni dad,” aniya rito. Ilang sandali ay biglang bumukas ang pinto ng kwarto. “Ano ‘yang narinig ko?” Napatingala si Bianca at nakita niya si Monica na nakapamaywang sa may pinto. May bahagyang ngiti sa labi nito, ‘yong ngiting may halong panunukso. “Sinabi mong spoiled brat ako?” inirapan siya ng nakababatang kapatid. “Ate naman, dapat thankful ka na lang kasi may magpapakasal pa sa’yo. Eh kung tutuusin, wala namang matinong lalaking magkakagusto sa isang katulad mo. We are just saving you na hindi ka magiging matandang dalaga, so be grateful,” ani Monica saka ito tumawa nang marahan. Lihim na napakuyom ng kamao si Bianca, pero hindi siya nagsalita. Hindi niya kayang makipagtalo kay Monica ngayon, lalo na’t nasa ganitong sitwasyon siya. Lumapit si Monica at kunwaring hinaplos ang tela ng wedding dress ni Bianca. “Ang ganda ng wedding dress mo, ate. Kaso… pakakasalan mo lang si Lucien para lang matulungan si Daddy sa negosyo.” Napakagat ng ibabang labi si Bianca. Alam niya iyon. Alam niyang wala siyang halaga sa kasal na ito. Para siyang produktong ipinagbibili para sa pakinabang ng kanyang ama. Napangisi si Monica. “At ang mas masakit? Kahit magpakasal ka, wala ka namang mapapala. Habang ikaw, pinipilit ipakasal sa lalaking bastardo, ako naman ang magiging CEO ng Mondevan Enterprise.” Nagpanting ang tenga ni Bianca sa sinabi ng kapatid, ngunit nanatili siyang tahimik. Wala siyang karapatan na sagutin ito. Kahit naman ipagtanggol niya ang sarili ay talo pa rin siya. Ano pa bang laban niya rito kung halos lahat naman ay pumapabor kay Monica? Ilang sandali pa ay pumasok si Camille, ang madrasta ni Bianca, at tumingin sa kanya ng may kasamang pang-uuyam. Tumayo siya sa harap ni Bianca at tinignan ang suot nitong wedding dress. “Ang ganda ng wedding dress na bigay ng mga Hoffman,” sabi ni Camille, “Sana ganyan ka na lang palagi—maganda, maayos. Kaya lang, sayang, hindi ka naman karapat-dapat para sa ganitong klaseng kasal. Akalain mo iyon? Hoffman ang nag-sponsor sa event na ito at engrande ang kasal. So, kung ako sa’yo, i-enjoy ko na lang ang moment na iyon dahil paniguradong maghihirap ka kapag asawa mo na si Lucien. Kawawa ka naman.” Seryosong tinitigan siya ni Camille. “Kaya magpasalamat ka na lang. Isa ka pa ring Mondevan, at least may lugar ka pa sa pamilyang ito, apelyido nga lang,” dagdag pa nito saka marahang tumawa. Magsasalita sana si Bianca ngunit pinigilan niya ang sarili. Ramdam na ramdam niya ang galit na namumuo sa kanyang dibdib. It was as if Camille was pushing her to the edge of her sanity. Pero kailangan niyang tatagan ang loob niya. “Let's go now, Monica. H’wag na natin pagurin ang bride ngayon dahil magtutulak pa siya ng wheelchair mamaya,” pang-aasar ni Camille kay Bianca dahil usap-usapan na disabled raw si Lucien. Pagkatapos ay nagtawanan ang dalawa. Pagkaalis ng mag-ina ay huminga nang malalim si Joan. Para siyang nanunuod ng teleserye nang makita niya ang eksena kanina. “Grabe naman sina Ma'am Camille at Monica. H’wag kang paapekto sa dalawang iyon, inggit lang sila dahil ikakasal ka sa mga Hoffman. Eh, ang alam ko na mas mayaman ang pamilyang iyon kaysa sa pamilya mo.” “Pero bastardo at disabled naman ang asawa ko, paano sila maiinggit do’n, Joan?” paliwanag ni Bianca. Natahimik na lang si Joan, ilang sandali pa ay marahang tumawa si Bianca. “Joke lang. Alam ko naman pinapagaan mo lang ang loob ko. Pero malay natin na guwapo pala si Lucien at mabait? Hindi ba?” Marahang tumawa si Joan. “Baka nga, Miss Bianca. At saka nagtataka ako, bakit gagawin ng Hoffman na engrande ang kasal kung hindi mahalaga sa kanila si Lucien? Bastardo nga siya at disabled, pero… malay mo mabait pala ang pamilyang Hoffman sa inaakala natin?” Napaisip nang malalim si Bianca. May punto nga si Joan. “Tama. Pero malalaman natin ‘yan mamaya, kaya dalian na natin at baka ma-late pa tayo sa ceremony.” *** Maganda at maaliwalas ang paligid nang masilayan ni Bianca ang lugar ng kanyang kasal. Sa harapan, may isang malaking arko na punong-puno ng mga bulaklak. Ngayon niya lang na-realize na garden wedding pala ang theme. Halos puno na rin ang mga upuan pagdating niya. May mga bisitang pulitiko, negosyante, at ilang kilalang tao. Huminga nang malalim si Bianca dahil sa kaba. Ilang sandali pa ay nagtaka siya dahil wala pa ang groom niya. "Ay, wala pa rin ang groom? Nakakahiya naman, nauna pa ang bride,” sabi ng isang babaeng bisita, saka nakakauyam na tingin ang ginawa nito kay Bianca. "Malalate talaga si Lucien. Eh, ang usap-usapan ay disabled raw ‘yun, di ba? Kung ako kay Bianca, lalayas ako bago mahuli ang lahat,” sagot ng katabi nito saka tumawa nang marahan. "Pero isipin mo, mayaman ang pamilya ni Lucien. Kahit pa disabled siya, okay na rin maging asawa at caregiver niya. Forever ka namang mayaman!" Narinig lahat ‘yon ni Bianca. Napayuko siya ng bahagya at sinubukang iwasan ang mga titig ng mga tao. Hindi niya alam kung dapat ba siyang mainis o mahiya. Hanggang sa mapansin niya ang pamilya niya sa isang tabi. Sina Camille at Monica na parehong lihim na natatawa sa nangyayari. Hindi man ito magsalita ay dama niya ang panunuya mula sa mga mata nito. Samantalang si Chairman Antonio ay walang emosyong tiningnan lang siya. Napakuyom ng kamay si Bianca habang pilit niyang pinakakalma ang sarili. Hindi na niya pinansin ang mga bulong-bulungan at diretso siyang naglakad sa aisle hanggang sa marating niya ang altar. Pinasadahan niya ng tingin ang mga bisita upang hanapin ang ama ni Lucien dahil ito lang ang namumukhaan niya, pero hindi niya ito nakita. Siguro mahuhuli lang ng dating ang mga Hoffman. Maya-maya pa ay may lumapit sa kanyang isang may gulang na lalaki. Mukhang pamilyar ito kay Bianca. "Sorry we're late," malumanay na sabi nito. Napakunot ang noo ni Bianca nang makilala niya ito. Ito ang ama ni Lucien, si Chairman Reynold Hoffman. Malayong-malayo sa inaakala niyang pag-uugali nito dahil mukhang mabait ito nang kausapin siya. “Nasaan po si Lucien?” tanong ni Bianca, ramdam ang kaba sa dibdib. “H’wag kang mag-alala, hija, parating na siya.” Ilang sandali pa ay biglang lumakas ang bulungan ng mga tao. Lahat ng bisita ay napatingin sa isang direksyon. “Lucien Hoffman is here,” ani ng wedding organizer. Napapikit si Bianca at huminga nang malalim. “This is it,” aniya sa isip. Pagmulat ng kanyang mga mata ay natigilan siya. May kung anong kuryenteng dumaloy sa kanyang katawan nang magtama ang kanilang mga mata. Parang biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso, at kasabay noon ay biglang na lang siya natulala sa matinding pagkagulat. "Tama ba ang nakikita ko? Si Lucien Hoffman ba 'to?" tanong niya sa sarili.NAKATUON ang atensyon ng mga tao kay Lucien nang magsimula itong maglakad patungong altar. Hindi makapaniwala ang lahat sa nakita nila. Ang lalaking inaakala nilang disabled ay nakakalakad nang maayos, walang bahid ng kahinaan.Matangkad si Lucien, may malapad na balikat, may matipunong katawan, at may karisma ang dating. Ilang sandali pa ay muling nagtama ang mga mata nila. Halos hindi makagalaw si Bianca dahlil sa nangyayari ngayon, kahit ang mga bisita ay hindi makapaniwala."Akala ko disabled siya?" mahina ngunit gulat na bulong ng isang bisita."Naaksidente si Lucien noon, pero magaling na siya ngayon," sagot ng kanyang ina, si Daniella.Habang patuloy sa paglalakad si Lucien ay lalong lumakas ang bulungan ng mga bisita. Ang dating tsismis tungkol sa kanya ay agad na napalitan ng paghanga. Hindi maigalaw ni Bianca ang katawan niya habang nakatitig siya kay Lucien. Hindi niya alam kung paano siya mag-re-react dito. Ang buong akala niya ay isang sumpa ang maikasal siya rito, pe
MAAGANG bumaba si Bianca mula sa kanyang silid at nadatnan si Lucien sa dining table, tahimik na umiinom ng kape habang nakatutok sa tablet. Napansin niyang nasa tabi nito ang isang brown envelope, sa palagay niya iyon na ang kontrata."Umupo ka," malamig na sabi ni Lucien nang makita siya. "Basahin mo ito," dagdag pa niya saka humigop ng kape.Umupo naman si Bianca at kinuha ang dokumento. Binasa niya ito nang mabuti, sinusuri ang bawat kondisyon. Ngunit habang binabasa niya ay may isang bagay na hindi niya nagustuhan, iyon ang dapat alam ni Lucien ang lahat ng kilos niya—kung saan siya pumunta at kung ano ang ginagawa niya. Tumigil si Bianca sa pagbabasa at tiningnan siya. "At kung hindi ko pirmahan?""Masisira ang plano ng pamilya natin, at ikaw... baka hindi mo magustuhan ang magiging consequences," walang emosyon na sagot ni Lucien.Muli niyang binalikan ang dokumento. Wala siyang ibang choice. Kailangan niyang manatili rito, pero hindi ibig sabihin ay magpapakulong siya ulit tu
PAGKASARA ng pinto ay hinigpitan ni Lucien ang paghawak niya sa braso ni Bianca, dahilan para mapadaing ito sa sakit. "Aray! Nasasaktan ako, Lucien!" usal ni Bianca. "Ano bang ipinunta mo roon, ha?" pigil galit na sabi ni Lucien nang bitawan niya ito. "I'm sorry," nauutal na sagot ni Bianca. "Hindi ko sinasadya—" "Hindi mo sinasadya?" Mariing natawa si Lucien na may halong pagkairita. "Kanina lang tayo nag-usap na hindi natin papakialaman ang buhay natin sa isa't isa, tapos ganito gagawin mo?" Hindi nakasagot si Bianca. Nanikip ang lalamunan niya na makita ang mga titig nito na para bang gusto siyang tunawin sa galit. "Dahil lang ba sa sinabi kong gold digger ka, kaya mo ginagawa ito?" patuloy na sabi ni Lucien. "Or maybe you’re just waiting to see how strong my legs still are. And when I’ll finally be completely disabled and helpless, then you can take my wealth? Are you really this desperate, huh?" Ilang sandali pa ay isang mabigat na sampal sa pisngi ang natamo ni Lucien.
ABALA si Lucien sa pagdadampi ng makeup sa pisngi niya dahil kailangan niyang iharap ang mukha niya mamaya sa event, nang biglang bumukas ang pinto. "What the hell, Lucien?" Napapitlag siya at halos mahulog ang hawak niyang sponge nang marinig ang boses ng matalik niyang kaibigan—si Calix. Napatigil si Calix sa may pintuan, nakakunot-noo habang nakatingin sa kanya. Ilang segundo lang ay bumagsak ang tingin nito sa pulang marka sa pisngi niya, saka biglang natawa. "Anong nangyari sa mukha mo? May sumampal ba sa'yo?" asar na tanong ni Calix, kasabay ng pagtawa nito. Nanlaki ang mga mata ni Lucien at agad niyang tinakpan ang pisngi niya gamit ang kamay. 'Damn it! Bakit ba pumasok ito nang hindi man lang kumatok?!' "Wala!" mariing sagot ni Lucien, saka agad na tumalikod. Pero lalo lang lumakas ang tawa ni Calix. "Dude, obvious naman na may sumampal sa'yo! Hahaha! Sino may gawa niyan? At bakit ka nagme-makeup?" Hindi sumagot si Lucien at nagpatuloy sa pag-a-apply ng concealer, pili
TAHIMIK lang si Bianca habang nakaupo sa kabilang dulo ng limousine. Kahit nakatingin siya sa labas ng bintana ay hindi niya maiwasang mapansin si Lucien sa gilid ng paningin niya. Naka-itim na facemask ito, at kahit hindi halata ay alam niya kung ano ang tinatago nito.Hindi siya nagsalita. Ni hindi rin siya nagtanong. Pero sa loob-loob niya, sigurado siyang bakas pa rin ang iniwang marka ng palad niya sa pisngi no'ng sinampal niya ito.Maya-maya ay tumikhim si Lucien. Masyadong tahimik ang sasakyan, at kahit hindi niya nakita ang reaksyon ni Bianca ay ramdam niyang kanina pa siya tinitingnan nito.Umubo ng bahagya si Lucien, nagpapanggap siyang may sakit. "I am not feeling well," aniya, sabay hinipo ang noo para tinitingnan kung may lagnat siya.Napataas ng kilay si Bianca. Hindi siya nagsalita nang ibaling ang tingin niya rito at saka muling lumingon sa bintana. Napapigil siya ng ngiti. Iniisip niyang deserve naman ni Lucien iyon dahil sa mga pang-aakusa sa kanya.Pinanood ni Lucie
PAGPASOK nina Bianca at Lucien sa venue, agad silang sinalubong ng eleganteng ambiance ng event hall. Tanaw nila ang isang grand stage kung saan doon gaganapin ang pirmahan ng merger agreement.Hindi pa man sila nakakaupo ay lumapit ang isang babaeng naka-red silk dress. Maganda ito, maayos ang tindig at halatang sanay sa ganitong high-profile gatherings.“Lucien,” bati nito, sabay ngiti na may bahid ng panunukso. “Nice to see you, it's been a while," dagdag pa nito.Napakunot ang noo ni Bianca. May kakaibang tension sa pagitan ng babae at ni Lucien.“And you are?” tanong niya. Hindi maitago ang bahagyang curious na tanong ni Bianca.Ngumiti ang babae at inabot ang kamay kay Bianca. “Oh, sorry. I’m Valerie Montenegro, director of investments sa Hoffman Group… and an old friend of Lucien.”Bumaling si Bianca kay Lucien, na tahimik lang at walang emosyon sa mukha. Pero nahalata niya ang bahagyang pag-iwas ng mga mata nito na para bang hindi naging maganda ang alaala niya kay Valerie.Na
NAGTUNGO sila sa isang tahimik na lugar. Pagdating nila ay humarap si Bianca kay Lucien. "May marka ka," sabi nito habang nakaturo sa pisngi niya. "Wala 'to," sagot ni Lucien, bahagyang umiwas ng tingin. "Hindi pwede dahil alam kong haharap sa mamaya sa stage," salaysay ni Bianca. Binuksan ni Bianca ang maliit niyang bag at inilabas ang concealer at compact powder. "Stay still," utos niya. Napataas ng kilay si Lucien. "Talagang may dala ka pang ganito?" Napairap si Bianca. "Syempre, babae ako. At isa pa, ikaw ang dahilan kung bakit napalakas ang sampal ko sa'yo." Bahagyang natawa si Lucien. "So inaamin mong sinaktan mo ako?" "Hindi ko kasalanan 'yon," agad na sabi ni Bianca. Lumapit si Bianca sa kanya na halos magdikit na ang kanilang mukha. Kinuha niya ang concealer at maingat na tinapik-tapik sa pulang marka sa pisngi ni Lucien. Napakurap si Lucien nang maramdaman ang malambot nitong mga daliri sa balat niya. "Dahan-dahan," mahina niyang sabi. Napahinto si
“COME back here, Bianca! Don’t you dare run away!” sigaw ng ama ni Bianca sa malayo.Namilog ang mga mata ni Bianca nang makita ang kanyang ama na si Antonio na naglalakad patungo sa direksyon niya. Bago pa ito makalapit sa kanya ay mabilis siyang kumaripas ng takbo. Ngunit agad niyang napagtanto, wala na pala siyang matatakasan. Sa harap niya ay may isang malaking pader na may matutulis na alambre sa tuktok. Naisip niya na kahit anong gawin niya ay hindi siya makakaalis nang hindi masusugatan.Bumilis bigla ang tibok ng puso niya. Wala na siyang ibang daan, at alam niyang mahuhuli na siya ng mga ito.Napaluhod na lang si Bianca. “Please leave me alone, Dad! H’wag niyo na akong pilitin!” habol hiningang pagmamakaawa niya rito.Galing si Bianca sa mansyon at do’n ginanap ang golden birthday ng ama niya. Pero imbes na magdiwang kasama ang pamilya ay tumakas siya dahil ikakasal na siya bukas kay Lucien—isang disabled at bastardong anak ng mga Hoffman. Kagaya nito, isa rin siyang illegit

NAKATUON ang atensyon ng mga tao kay Lucien nang magsimula itong maglakad patungong altar. Hindi makapaniwala ang lahat sa nakita nila. Ang lalaking inaakala nilang disabled ay nakakalakad nang maayos, walang bahid ng kahinaan.Matangkad si Lucien, may malapad na balikat, may matipunong katawan, at may karisma ang dating. Ilang sandali pa ay muling nagtama ang mga mata nila. Halos hindi makagalaw si Bianca dahlil sa nangyayari ngayon, kahit ang mga bisita ay hindi makapaniwala."Akala ko disabled siya?" mahina ngunit gulat na bulong ng isang bisita."Naaksidente si Lucien noon, pero magaling na siya ngayon," sagot ng kanyang ina, si Daniella.Habang patuloy sa paglalakad si Lucien ay lalong lumakas ang bulungan ng mga bisita. Ang dating tsismis tungkol sa kanya ay agad na napalitan ng paghanga. Hindi maigalaw ni Bianca ang katawan niya habang nakatitig siya kay Lucien. Hindi niya alam kung paano siya mag-re-react dito. Ang buong akala niya ay isang sumpa ang maikasal siya rito, pe
TAHIMIK na nakaupo si Bianca sa kuwarto habang nakatingin sa repleksyon niya sa salamin. Suot na niya ang isang wedding dress na regalo ng mga Hoffman. Maganda ito at mukhang mamahalin. May bahid ng lungkot at inis nang lumapit sa kanya ang kaibigan niyang maid na si Joan. Hawak nito ang pangsuklay sa buhok ni Bianca. “Miss Bianca, nakakalungkot naman isipin na ikakasal ka na bukas. Tapos sabi nila, disabled raw yung mapapangasawa mo at bastardo pa! Baka pangit din ‘yon, ah?” Napakurap si Bianca sa sinabi ng kaibigan pero hindi niya magawang sumagot agad. Sa halip, pinilit niyang ngumiti rito. “Wala akong choice, Joan. Nalulugi na ang kompanya ni dad, at ako lang ang makakasalba kapag i-merge na ang Hoffman at Mondevan,” paliwanag nu Bianca. Umismid si Joan at bahagyang binaba ang suklay na hawak. “Alam mo, Miss Bianca, hindi ko talaga maintindihan si Sir Antonio. Kahit anak ka sa labas, ikaw pa rin naman ang panganay niya, di ba? Eh si Monica, ilang buwan pa lang nagte-train