“Ate Sabby ang ganda mo! Bagay na bagay sayo ang gown na soot mo,” masayang sabi saakin ni Allistair at niyakap ako.
“Thank you Allistair, you look handsome too!”
“Nasa lahi namin ‘yan ate,” pareho kaming natawa dahil doon.
“Hi ate Sabby, you look wonderful tonight.” Sabi ni Allard habang nakangiti at niyakap ako.
“Teka parang lyrics ng kanta ‘yan ah! Hahaha,”
“Ate naman eh binuking pa,”
Natawa kami pareho dahil doon at napatingin ako sa susunod na yayakap saakin. Napalunok ako ng makita si dad na nakangiti at agad na binuka nito ang kaniyang braso kaya naglakad ako papunta dito at niyakap siya ng mahigpit.
“Hija, Sabby! Ang ganda-ganda mo ngayong gabi. Kung hindi lang masquerade ang theme ng party ngayon sigurado akong mas makikita at mapapabilib sila sa ganda mo. Ewan ko ba jan sa asawa mo at naisipang ganito ang theme ng party ngayong taon kun
“PAANONG nagkaroon ng baril si ate Sabby?” Naguguluhan na tanong ni Allistair ngunit walang sumagot sa kaniya dahil lahat sila ay malalim ang iniisip. Nagtataka kung paano nagkaroon ng dalawang baril at dalawang kutsilyo ang dalaga sa ilalim ng kaniyang gown. “Hindi kaya isang espiya si ate Sabby?” “Tumigil ka Keon!” sigaw na sabi ni Addison na ikinagulat nialang lahat. Ngayon lamang ito sumigaw ng ganoon lalo na kung ito ay nananaway. “Hindi isang traydor si ate Sabby! A-Alam kong may rason siya,” Pahina ng pahina ang kaniyang boses habang sinasabi iyon. Nasa labas silang lahat ng kwarto ni Sabrina habang inaantay ang doctor na lumabas mula sa loob ng operating room. Nagulat silang lahat ng dumating ang mga nurses galling sa loob at sinabi na mayroong natagpuaang baril at kutsilyo sa katawan nito. “Intayin nalang nating gumaling ang asawa ko,” malamig na sabi ni Aiden na siyang ikinatinginan ng mga ito at itinikom ang kanilang bibig. Mas lamang parin ang pag-aalala sa kanilang
“Aiden,” napatayo si Raymond ng makita ang lalaki na pumasok sa kinalalagyan niya at agad itong naupo sa upuan niya.“Are you sure about that?”Seryosong tanong ni Aiden na ikinatango ni Raymond.“Malinaw ang CCTV na siyang nakakuha sa ikinikilos ni Sabrina, kanina habang nasa event kayo ay nakita ko na hindi siya mapakali at panay ang tingin sa paligid at kung hindi sa paligid ay sayo naman,”Napasandal sa swivel chair niya si Aiden at tahimik na nag-isip.“Aiden naniniwala ka bang magagawa ‘yan ni Mrs.Devaux?”Napatigil si Aiden dahil doon at napatingin sa kaibigan. Ilang Segundo itong hindi nakapagsalita at hindi alam ang sasabihin ngunit maya-maya ay naisip niya ‘rin ang atamang salita na kaniyang dapat sabihin.“Hindi, pero nasa harapan na natin ang ebidensya,” mabigat sa loob na sagot niya.“Paano kung pinipilit lang siya? Paano kung hindi niya
“ATE Sabby!”Narinig ni Sabrina ang malakas na tawag sa kaniya ni Addison at doon kasabay ng pagdilat niya ay nag unti-unting paglinaw ng kaniya g paningin at nakita nag mga ito. Nakapalibot sa kaniya ang lahat, nakita niya din doon si Mica.Tatlong araw na ang lumipas at ngayon lamang nagising si Sabrina. Feeling niya ay hindi niya maibuka ang kaniyang bibig at hindi magawa na magsalita.“Painumin niyo siya ng tubig,”Napatingin sila sa nagsalita at doon ay nakita nila ang daddy nila, dahil sa gulat at pagtataka sa sinabi ni Keiron ay ito na ang naglakad papunta sa table kung saan naroroon ang isang pitsel at at baso. Nagsalin siya ng tubig sa baso at naglakad papunta sa gawi niya habang si Sabrina naman ay nakatitig lamang sa mga suusnod na gagawin ng lalaki.Inalalayan siya nito na maupo ng maayos at inilapit sa kaniyang lalamunan ang baso kaya hindi na siya tumanggi at uminom. Nang makainom siya ay pakiramdam niya gumaan
SABRINA “Sigurado kabang ayos ka na?” “Ayos na ako guys okay? Kalma lang kayo magaling na ako, wala ng bala sa tiyan ko,” Natatawa kong sabi sa mga ito. After two days matapos ng magising ako ay pinauwi na ako ng doctor ang sabi nito saakin ay kailangan ko paring magpahinga sa bahay dahil hindi pa ako pwedeng mag-kikilos lalo na at baka bumuka ang tahi ko. “Nag-aalala lang naman kami sayo masama ba?!” sabi ni Mica na ikinangiti ko nalamang sa kaniya. Simula ng magising ako ay hindi ko pa nakikita si Aiden, simula ng magising ako kahit anino niya ay wala. Nag tanong ako sa kanila noong una kung pinuntahan ba ako ni Aiden sa kwarto ko at ang sabi nila ay ‘oo’ at ito pa ang unang pumasok sa loob matapos akong operahan pero matapos niyon ay wala na, hindi na siya bumalik. Nalulungkot ako ng malaman ko ang bagay na ‘yan. Nasanay ako na si Aiden ang bubungaran ko tuwing magigising ako dahil paglabas ko ng kwarto ay makikita ko ito ngunit ngayon ay wala siya. Ngayon na narealize ko na m
Para akong sinaksak paharap ni dad dahil sa sinabi niya lalo na at nakita ko itong nakangiti saakin habang nagsasalita. He really knew something at kailangan ko siyang makausap upang alamin kung ano iyon.“T-Totoo ba ‘yun Sabby?”Napatingin ako kay Mica dahil sa sinabi niya at saglit akong tumingin kay dad at tumango ito saakin habang nakangitin kaya wala sa sariling nag-sinungaling ako sa kaniya.“O-Oo totoo iyon,”“I knew it ate Mica! Hindi espiya si ate Sabby!”Nagulat ako ng tumakbo sa gawi ko si Addison at bigla akong niyakap. Pasumandaling natigilan ako at napatingin nalamang sa paligid. Bumalik sa pagiging maingay ang mga lalaki habang si Mica ay nag sorry saakin at muli ay masaya silang nag kwentuhan. Napatingin ako kay dad at masaya na rin itong nakikipag kwentuhan sa mga ito.Ano ba ang alam mo dad?***“Dad?”“Hija! Ikaw pala, tuloy ka.”
Natigilan ako ng maalala ko na sinabi ko ang lahat kay mamang! Sinabi ko sa kaniya na mayroong nagpahirap saakin, sinabi ko sa kaniya ang tungkol saamin ni Aiden. Oh my God, kaya nasabi saakin ni Aiden noon na nakakausap niya si mamang at pinapapunta siya nito sa bahay bago siya mamatay. Ibig sabihin totoo na wala itong sakit at malamang nakausap ng maayos ni Aiden ang mamang at itong kwintas na soot-soot ko ngayon ay hindi saakin, kung di kay Aiden.“A-Anong tulong po? At anong leader?” naguguluhan kong tanong sa kaniya.“Ang tungkol sa huli mong tanong ay saakin nalamang iyon dahil hindi pa ito ang tamang oras para malaman mo iyon habang sa una mong tanong ay tutulungan kita upang matalo ang mga taong nagpahirap sayo,”Muli akong natigilan dahil sa sinabi niya, unti-unti ay napatayo ako sa aking kinakaupuan at nakita ko ang pagkagulat sa mga mata niya at agad na tumayo upang pigilan ako.“Teka hija maupo ka, pakinggan mo ak
Naglakad ako pababa dahil nakaramdam na ako ng gutom. Nakita ko ang malaking orasan at mag aalas dose na ng madaling araw kaya naman pala nagugutom na ako. Ibig sabihin ang tagal ko palang nakatulog. Malaman ay napagod ako kakaluto kanina lalo na dipa gaanong magaling ang tahi ko.Pumunta ako sa kusina upang kumain mag-isa at naghanda para sa aking sarili. Habang kumakain ay kusang tumulo ang aking luha. Namimiss kona si Aiden ngunit wala parin siya at diko pa nakikita. Galit siya saakin, sigurado akong hindi siya naniwala sa pagsisinungaling ni dad kaya marahil nagging ganoon ito.Ang sabi nila ay isang beses lang ako nitong tinignan sa kwarto ko sa ospital at hindi na naulit pa. Ano ba talaga ang nangyari Aiden? Akala ko ba mahal mo ako? Kasi bakit kung kalian tinanggap ko na na mahal kita tyaka ka naman wala sa tabi ko.I miss you, I miss your touch, smell ang kisses. Sinanay mo ako sa mga sweet guesstures mo tapos ngayon wala ka na sa tabi ko. Ang sakit lang
ISANG linggo ang lumipas, isang lingo na ganoon ang nagging routine ni Sabrina. Nagluluto parati at matyagang inaantay ang asawa. Madalas ay nakakatulog siya sa sofa kakahintay at bagsak ang balikat na kakaing muli mag-isa kapag nagising.Hindi siya nawawalan ng pag-asa na hindi niya makikita ang asawa dahil alam niyang babalik at babalik din ito. Babalik sila sa dating masaya at walang iniisip na problema. Umakyat na siya sa kaniyang kwarto upang matulog muli dahil katatapos niya lang kumain. Hating gabi nanaman at wala parin ang asawa niya.Nahiga siya sa higaan at kasabay ng pagpikit ng kaniyang mga mata ay ang pagtulo ng kaniyang mga luha.“Kailan kaba babalik asawa ko? Nasasaktan na ako,”Sa ganoon ay umiyak ang babae. Ngayon nalamang siya umiyak matapos ang mga gabing napupuyat siya kakahintay. Ngayong gabi ay tuluyan ng bumagsak ang kaniyang mga luhang pilit niyang pinipigilan. Hinayaan niya ang mga luha na kusang tumulo sa kaniyang mga