“ATE Sabby!”
Narinig ni Sabrina ang malakas na tawag sa kaniya ni Addison at doon kasabay ng pagdilat niya ay nag unti-unting paglinaw ng kaniya g paningin at nakita nag mga ito. Nakapalibot sa kaniya ang lahat, nakita niya din doon si Mica.
Tatlong araw na ang lumipas at ngayon lamang nagising si Sabrina. Feeling niya ay hindi niya maibuka ang kaniyang bibig at hindi magawa na magsalita.
“Painumin niyo siya ng tubig,”
Napatingin sila sa nagsalita at doon ay nakita nila ang daddy nila, dahil sa gulat at pagtataka sa sinabi ni Keiron ay ito na ang naglakad papunta sa table kung saan naroroon ang isang pitsel at at baso. Nagsalin siya ng tubig sa baso at naglakad papunta sa gawi niya habang si Sabrina naman ay nakatitig lamang sa mga suusnod na gagawin ng lalaki.
Inalalayan siya nito na maupo ng maayos at inilapit sa kaniyang lalamunan ang baso kaya hindi na siya tumanggi at uminom. Nang makainom siya ay pakiramdam niya gumaan
SABRINA “Sigurado kabang ayos ka na?” “Ayos na ako guys okay? Kalma lang kayo magaling na ako, wala ng bala sa tiyan ko,” Natatawa kong sabi sa mga ito. After two days matapos ng magising ako ay pinauwi na ako ng doctor ang sabi nito saakin ay kailangan ko paring magpahinga sa bahay dahil hindi pa ako pwedeng mag-kikilos lalo na at baka bumuka ang tahi ko. “Nag-aalala lang naman kami sayo masama ba?!” sabi ni Mica na ikinangiti ko nalamang sa kaniya. Simula ng magising ako ay hindi ko pa nakikita si Aiden, simula ng magising ako kahit anino niya ay wala. Nag tanong ako sa kanila noong una kung pinuntahan ba ako ni Aiden sa kwarto ko at ang sabi nila ay ‘oo’ at ito pa ang unang pumasok sa loob matapos akong operahan pero matapos niyon ay wala na, hindi na siya bumalik. Nalulungkot ako ng malaman ko ang bagay na ‘yan. Nasanay ako na si Aiden ang bubungaran ko tuwing magigising ako dahil paglabas ko ng kwarto ay makikita ko ito ngunit ngayon ay wala siya. Ngayon na narealize ko na m
Para akong sinaksak paharap ni dad dahil sa sinabi niya lalo na at nakita ko itong nakangiti saakin habang nagsasalita. He really knew something at kailangan ko siyang makausap upang alamin kung ano iyon.“T-Totoo ba ‘yun Sabby?”Napatingin ako kay Mica dahil sa sinabi niya at saglit akong tumingin kay dad at tumango ito saakin habang nakangitin kaya wala sa sariling nag-sinungaling ako sa kaniya.“O-Oo totoo iyon,”“I knew it ate Mica! Hindi espiya si ate Sabby!”Nagulat ako ng tumakbo sa gawi ko si Addison at bigla akong niyakap. Pasumandaling natigilan ako at napatingin nalamang sa paligid. Bumalik sa pagiging maingay ang mga lalaki habang si Mica ay nag sorry saakin at muli ay masaya silang nag kwentuhan. Napatingin ako kay dad at masaya na rin itong nakikipag kwentuhan sa mga ito.Ano ba ang alam mo dad?***“Dad?”“Hija! Ikaw pala, tuloy ka.”
Natigilan ako ng maalala ko na sinabi ko ang lahat kay mamang! Sinabi ko sa kaniya na mayroong nagpahirap saakin, sinabi ko sa kaniya ang tungkol saamin ni Aiden. Oh my God, kaya nasabi saakin ni Aiden noon na nakakausap niya si mamang at pinapapunta siya nito sa bahay bago siya mamatay. Ibig sabihin totoo na wala itong sakit at malamang nakausap ng maayos ni Aiden ang mamang at itong kwintas na soot-soot ko ngayon ay hindi saakin, kung di kay Aiden.“A-Anong tulong po? At anong leader?” naguguluhan kong tanong sa kaniya.“Ang tungkol sa huli mong tanong ay saakin nalamang iyon dahil hindi pa ito ang tamang oras para malaman mo iyon habang sa una mong tanong ay tutulungan kita upang matalo ang mga taong nagpahirap sayo,”Muli akong natigilan dahil sa sinabi niya, unti-unti ay napatayo ako sa aking kinakaupuan at nakita ko ang pagkagulat sa mga mata niya at agad na tumayo upang pigilan ako.“Teka hija maupo ka, pakinggan mo ak
Naglakad ako pababa dahil nakaramdam na ako ng gutom. Nakita ko ang malaking orasan at mag aalas dose na ng madaling araw kaya naman pala nagugutom na ako. Ibig sabihin ang tagal ko palang nakatulog. Malaman ay napagod ako kakaluto kanina lalo na dipa gaanong magaling ang tahi ko.Pumunta ako sa kusina upang kumain mag-isa at naghanda para sa aking sarili. Habang kumakain ay kusang tumulo ang aking luha. Namimiss kona si Aiden ngunit wala parin siya at diko pa nakikita. Galit siya saakin, sigurado akong hindi siya naniwala sa pagsisinungaling ni dad kaya marahil nagging ganoon ito.Ang sabi nila ay isang beses lang ako nitong tinignan sa kwarto ko sa ospital at hindi na naulit pa. Ano ba talaga ang nangyari Aiden? Akala ko ba mahal mo ako? Kasi bakit kung kalian tinanggap ko na na mahal kita tyaka ka naman wala sa tabi ko.I miss you, I miss your touch, smell ang kisses. Sinanay mo ako sa mga sweet guesstures mo tapos ngayon wala ka na sa tabi ko. Ang sakit lang
ISANG linggo ang lumipas, isang lingo na ganoon ang nagging routine ni Sabrina. Nagluluto parati at matyagang inaantay ang asawa. Madalas ay nakakatulog siya sa sofa kakahintay at bagsak ang balikat na kakaing muli mag-isa kapag nagising.Hindi siya nawawalan ng pag-asa na hindi niya makikita ang asawa dahil alam niyang babalik at babalik din ito. Babalik sila sa dating masaya at walang iniisip na problema. Umakyat na siya sa kaniyang kwarto upang matulog muli dahil katatapos niya lang kumain. Hating gabi nanaman at wala parin ang asawa niya.Nahiga siya sa higaan at kasabay ng pagpikit ng kaniyang mga mata ay ang pagtulo ng kaniyang mga luha.“Kailan kaba babalik asawa ko? Nasasaktan na ako,”Sa ganoon ay umiyak ang babae. Ngayon nalamang siya umiyak matapos ang mga gabing napupuyat siya kakahintay. Ngayong gabi ay tuluyan ng bumagsak ang kaniyang mga luhang pilit niyang pinipigilan. Hinayaan niya ang mga luha na kusang tumulo sa kaniyang mga
NAGISING si Sabrina ng maramdaman niyang wala na siyang katabi sa kaniyang hinihigaan. Agad siyang napabangon at unang hinanap ng kaniyang mga mata ang asawa na kaninang madaling araw lamang ay mayroon silang pinagsaluhan na isang gabing hindi niya pinagsisisihan. “A-Aiden?” Natatakot niyang tanong dahil naisip niya na baka umalis nanaman ito at hindi nanaman bumalik sa bahay nila. Hindi na niya kayang hindi makita ang asawa kung kaya’t agad niyang ibinalot ang katawan gamit ang kumot na nasahigaan at dumeretyo sa banyo na naroroon sa kwartong iyon nagbabasakali na andoon ang lalaki. Pagbukas niya ng pinto ay wala siyang taong nakita doon. Hindi siya nawalan ng pag-asa at mabilis na dinampot ang damit niya sa sahig at kahit na nahihirapan dahil sa sakit na nararamdaman niya sa pagitan ng kaniyang mga hita ay hindi niya ito ininda at mabilis na nagbihis. Matapos niyang mag bihis ay dumeretsyo siya pababa ng hagdan at medyo nahirapan pa siya humakbang dahil sa nangyari kanina. “Aiden
Agad siyang umakyat sa itaas at namili ng kaniyang sosootin. Nahirapan siyang mag-isip kung anong sosootin niya ngunit sa huli ay napagpasiyahan niya na magsoot ng isang black jeans at isang polo shirt na kulay light brown na tutugmang pang opisina. Pagkababa niya ay naka ready na ang kaniyang dadalhin at maging ang sasakyan nito dahil inasikaso na ito ng mga katulong at sinabihan ang driver.“Maraming Salamat talaga sa tulong niyo,”Nakangiti niyang sabi sa mga ito na ikinatango naman nila habang nakangiti rin.“Walang problema ma’am para sa inyo ni sir!”Nagpaalam na siya at sumakay sa kotse.“Ang saya-saya ni ma’am ngayon,”“Tama ka, siguradong ayos na sila ni sir kaya siya masaya,”“Umayos nga kayo, kung ano ‘man ang dahilan nilang dalawa ay manahimik tayo. Supportahan nalamang natin sila bilang sila naman ang amo natin,”Sa kabilang banda naman,
“Ano po ang ibig niyong sabihin?”Napatingin sa paligid ang matanda at tinignan kung mayroong ibang tao sa paligid. Nang masiguro na walang tao ay tyaka ito nagsalita.“H-Hindi ako ang dapat na magsabi sayo hija, siguro dapat umuwi ka nalang,”Natigilan siya dahil sa sinabi ng matanda at napaatras. Wala siyang balak na umuwi dahil buo parin ang desisyon niya na ibigay ang pagkain na niluto niya sa asawa. Napahigpit ang kapit niya sa lalagyan at napatitig siya sandali sa matanda hanggang sa buong loob siyang tumakbo papasok sa loob na ikinalaki ng mata ng matanda.“Sabby!”Gulat na sabi ng matanda ngunit nagtuloy-tuloy lang si Sabrina sa pagtakbo. Takbo lamang siya ng takbo at palingon-lingon sa likod kung mayroon bang nasunod sa kaniya at ng masigurong wala ay huminto narin siya habang hinihingal. Napangiti siya ng makitang maayos pa ang kaniyang dala-dalang pagkain ngunit ng mapatingin siya sa paligid ay nagtaka s