Agad siyang umakyat sa itaas at namili ng kaniyang sosootin. Nahirapan siyang mag-isip kung anong sosootin niya ngunit sa huli ay napagpasiyahan niya na magsoot ng isang black jeans at isang polo shirt na kulay light brown na tutugmang pang opisina. Pagkababa niya ay naka ready na ang kaniyang dadalhin at maging ang sasakyan nito dahil inasikaso na ito ng mga katulong at sinabihan ang driver.
“Maraming Salamat talaga sa tulong niyo,”
Nakangiti niyang sabi sa mga ito na ikinatango naman nila habang nakangiti rin.
“Walang problema ma’am para sa inyo ni sir!”
Nagpaalam na siya at sumakay sa kotse.
“Ang saya-saya ni ma’am ngayon,”
“Tama ka, siguradong ayos na sila ni sir kaya siya masaya,”
“Umayos nga kayo, kung ano ‘man ang dahilan nilang dalawa ay manahimik tayo. Supportahan nalamang natin sila bilang sila naman ang amo natin,”
Sa kabilang banda naman,
“Ano po ang ibig niyong sabihin?”Napatingin sa paligid ang matanda at tinignan kung mayroong ibang tao sa paligid. Nang masiguro na walang tao ay tyaka ito nagsalita.“H-Hindi ako ang dapat na magsabi sayo hija, siguro dapat umuwi ka nalang,”Natigilan siya dahil sa sinabi ng matanda at napaatras. Wala siyang balak na umuwi dahil buo parin ang desisyon niya na ibigay ang pagkain na niluto niya sa asawa. Napahigpit ang kapit niya sa lalagyan at napatitig siya sandali sa matanda hanggang sa buong loob siyang tumakbo papasok sa loob na ikinalaki ng mata ng matanda.“Sabby!”Gulat na sabi ng matanda ngunit nagtuloy-tuloy lang si Sabrina sa pagtakbo. Takbo lamang siya ng takbo at palingon-lingon sa likod kung mayroon bang nasunod sa kaniya at ng masigurong wala ay huminto narin siya habang hinihingal. Napangiti siya ng makitang maayos pa ang kaniyang dala-dalang pagkain ngunit ng mapatingin siya sa paligid ay nagtaka s
Dahil sa pagsigaw ni Lyn ay doon na nakuha ng ibang empleyado ang atensyon nila. Napatingin sila at napatigil dahil si Sabrina iyon, ang hot talk of the company.“Hindi ko alam ang tungkol doon,pinoprotektahan ko lang ang KAIBIGAN natin,”Talagang pinagdiinan ni Mica ang salitang kaibigan at tumingin sa paligid dahil nakatingin na sa kanila ang lahat.“Kung wala talaga silang relasyon ni Sabby bakit hindi siya umamin?!”Hindi na alam ni Sabrina ang kaniyang sasabihin at iisipin. Napatingin siya sa paligid at ang dami ng taong nakapalibot sa kanila. Feeling niya ay nanliliit na siya at feeling niya ay kung ano-ano na ang sinasabi ng mga ito sa kaniya.“Wala siyang aaminin dahil kami na bago pa ‘man siya mawala,”Napalingon sila sa nagsalita at doon ay nakita nila ang isang lalaki na hindi nila inaasahan na makikisali sa usapan lalo na si Sabrina.“B-Bernard,”Mahinang sabi ni S
HINDI nakaimik ang mga taong nakapaligid sa kanilang lahat matapos iyong sabihin ni Sabrina. Si Mica ay napanganga dahil sa sinabi nito habang sila sila Sophia at Lyn naman ay biglang natameme dahil doon. Si Aiden ay nawala ang ngiti sa kaniyang mga labi at napatingin sa asawa habang si Angeline ay ‘mas lumaki ang ngiti sa kaniayng labi at naglakad papunta kay Sabrina. Hindi inaasahan ni Sabrina na lalapit sa kaniya ang dalaga. Mataas ito sa kaniya sa kadahilanang nakasoot ito ng heels ngunit kung wala itong soot ay alam niyang pareho sila ng height. Nakita niya ng malapitan ang magandang itsura nito, bigla siyang nakaramdam ng insecurity sa katawan at napahigpit ang kapit niya sa kamay ni Bernard na ikinatingin sa kaniya ng lalaki. Nahalata nito na kinakabahan ang babae dahil sa papalapit na nagpapakilalang girlfriend ni Aiden. “Hello Sabr-I mean Sabby, sa wakas nagkita narin tayo sa wakas. Alam mo bang palagi kang kinukwento ni Love at ang sabi niya saakin ay napakasipag mo daw at
“Sino ka ba talaga Bernard?” Seryosong tanong ni Mica sa lalaki habang nasa likuran sila ng sasakyan katabi si Sabrina. Tahimik lamang ang dalaga ngunit nakikinig lang ito sa mga kasama niya sa loob ng kotse. Lumilipad ‘man ang kaniyang isip at hindi mawala-wala sa kaniya ang nangyari kanina sa kumpanya ng asawa ngunit kahit papaano ay alam niya ang nangyayari at aware siya sa paligid niya lalo na at maging siya ay nagtataka sa pagkatao ng matagal na niyang manliligaw. Si Bernard naman ay napatingin sa rearview mirror at doon ay nakita niya nag seryosong muka ni Mica kaya napalunok siya. Nakakatakot tignan ang dalaga kung kaya’t agad siyang sumagot. “Hindi talaga Bernard ang totoo kong pangalan. Ako si Devon Santiago, anak ako ng pamilya Santiago na siyang totoo kong mga magulang,” Napakunot ang noo ni Mica dahil doon habang si Sabrina naman ay napatingin kay Bernard ng hindi makapaniwala. “Santiago? Ibig sabihin isa ka sa pinakang mayamang pa
“I was punished. Nag migrate kami sa states noong anim na taong gulang ako, hindi naging maganda ang record ko sa ibang bansa. Mayaman kami oo pero taliwas ang ugali ko. So they send me back here in the Philippines, kaakibat ng pagpunta ko dito ay ang pagkawala ko ng pera, ang allowance na ibinibigay nila mom and dad saakin ay sapat lang para buhayin ako mag-isa. Tumira ako sa bahay namin, malaki nga ngunit wala naman akong pera at katulong kung kaya’t naghanap ako ng trabaho. I have no choice, and there I met Sabby,”“Anong example ng bad records mo? Grabe di parin ako makapaniwala na kasama namin ang isa sa pinakang mayaman sa pilipinas!”Kinailangang magpanggap ni Mica na namamangha ito na mayroon siyang nakakasalamuha na isang mayaman bilang kilala siya na average person lamang, walang ibang nakakaalam na isa itong Selry na siyang kilalang-kilala sa buong mundo.“Huy di kana sumagot jan!” biglang sabi ni Mica ng hind
Tumango sila sa sinabi nito at naglakad sila papasok sa loob. Pagkapasok nila ay ang malaking pintuan ang makikita at itsura palang nito ay mamahalin na habang kitang-kita na nila ang sarili sa tiles na putting kanilang dinaraanan sa sobrang kinang at kinis nito. Kung titingin ka sa paligid ang lahat ng gamit ay mamahalin at parang walang kadumi-dumi ang bahay.“Nakakahiya namang pumasok dito,” sabi ni Mica.“Tama ka,” sang-ayon ni Sabrina habang inililibot ang paningin sa paligid.“Ano ba kayo, feel at home. This is our house at welcome na welcome kayong dalawa. Tara doon tayo sa may garden maganda ang paligid at fresh at hangin,”Sumunod lamang ang dalawa sa lalaki at pagkarating nila sa garden ay hindi maiwasan ni Sabrina na mamangha dahil sa sobrang dami at makukulay na bulaklak ang meron doon. Nagmistula itong isang lugar ng Paraiso para sa kaniya.“Wow ang ganda! Sa mama mo ba ito?!”Masa
Si Mica naman ay serosong napatingin kay Devon at tinitigan kung ano ang emosyon na kaniyang makikita, kung nagsasabi bai to ng totoo at napabuntong hininga siya maya-maya ng makitang totoo na nasasaktan ang lalaki kahit pa na nakangiti ito.“Bernard why don’t you give up?” biglang tanong niya dito na ikinatingin sa kaniya ng lalaki.“Give up? Wala sa bokubularyo ko yan Mica lalo na ngayon na nakita kong niloloko niya si Sabby? Never.”Napatahimik si Mica dahil sa sinabi ng lalaki dahil muli ay nakita niya ang seryoso at determinadong muka nito. Naisip niya na iba talaga ang nagagawa ng pagmamahal.“Wag kang mag-alala Bernard kilala ko si Aiden hindi niya magagawa saakin ‘yun,” determinado ring sabi ni Sabrina.Matapos ng may mangyari sa kanilang dalawa ni Aiden ay doon niya nasigurado ang lahat. Ang pag-iingat sa kaniya ng lalaki habang may nangyayari sa kanila. Ang masuyo nito halik at haplos ay nag
Napakunot ang noo ni Raymond dahil sa sinabi ng kaniyang kaibigan. “Naguguluhan? You mean may nararamdaman ka pa sa ex mo? Ang akala ko ba ay mahal mon a si Mrs.Devaux at wala ka ng balak nag awing masama sa kaniya?” kunot noong sabi nito dito ngunit hindi makasagot ang lalaki sa kaniya. “Wag mong sabihin na nakita mo lang si Angeline ay bumalik na ang pagmamahal mo sa kaniya?” Dahil doon ay napatingin si Aiden sa kaniya na nakakunot ang noo. “I can’t help it Raymond. She’s my first love yet my first heartbreak at nagiwan siya ng malaking pilat sa puso ko. Ngayon na bumalik na siya ay parang biglang nawala iyon at kumawala ako sa nakaraan,” “I can’t believe you, Aiden.” Iyan nalamang ang nasabi ni Raymond at kahit si Aiden ay hindi rin makapaniwala sa kaniyang sarili. Frustrated na naupo siya sa kaniyang kinauupuan hanngang maya-maya ay muling tumayo. Si Raymond ay naiisip na nababaliw na ang kaibigan dahil sa ikinikilos nito.