Share

Chapter Twenty-Four: Pagbabalik ni Angeline (PART ONE OF PART FOUR)

NAGISING si Sabrina ng maramdaman niyang wala na siyang katabi sa kaniyang hinihigaan. Agad siyang napabangon at unang hinanap ng kaniyang mga mata ang asawa na kaninang madaling araw lamang ay mayroon silang pinagsaluhan na isang gabing hindi niya pinagsisisihan.

“A-Aiden?”

Natatakot niyang tanong dahil naisip niya na baka umalis nanaman ito at hindi nanaman bumalik sa bahay nila. Hindi na niya kayang hindi makita ang asawa kung kaya’t agad niyang ibinalot ang katawan gamit ang kumot na nasahigaan at dumeretyo sa banyo na naroroon sa kwartong iyon nagbabasakali na andoon ang lalaki. Pagbukas niya ng pinto ay wala siyang taong nakita doon.

Hindi siya nawalan ng pag-asa at mabilis na dinampot ang damit niya sa sahig at kahit na nahihirapan dahil sa sakit na nararamdaman niya sa pagitan ng kaniyang mga hita ay hindi niya ito ininda at mabilis na nagbihis. Matapos niyang mag bihis ay dumeretsyo siya pababa ng hagdan at medyo nahirapan pa siya humakbang dahil sa nangyari kanina.

“Aiden
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status