ISANG linggo ang lumipas, isang lingo na ganoon ang nagging routine ni Sabrina. Nagluluto parati at matyagang inaantay ang asawa. Madalas ay nakakatulog siya sa sofa kakahintay at bagsak ang balikat na kakaing muli mag-isa kapag nagising.
Hindi siya nawawalan ng pag-asa na hindi niya makikita ang asawa dahil alam niyang babalik at babalik din ito. Babalik sila sa dating masaya at walang iniisip na problema. Umakyat na siya sa kaniyang kwarto upang matulog muli dahil katatapos niya lang kumain. Hating gabi nanaman at wala parin ang asawa niya.
Nahiga siya sa higaan at kasabay ng pagpikit ng kaniyang mga mata ay ang pagtulo ng kaniyang mga luha.
“Kailan kaba babalik asawa ko? Nasasaktan na ako,”
Sa ganoon ay umiyak ang babae. Ngayon nalamang siya umiyak matapos ang mga gabing napupuyat siya kakahintay. Ngayong gabi ay tuluyan ng bumagsak ang kaniyang mga luhang pilit niyang pinipigilan. Hinayaan niya ang mga luha na kusang tumulo sa kaniyang mga
NAGISING si Sabrina ng maramdaman niyang wala na siyang katabi sa kaniyang hinihigaan. Agad siyang napabangon at unang hinanap ng kaniyang mga mata ang asawa na kaninang madaling araw lamang ay mayroon silang pinagsaluhan na isang gabing hindi niya pinagsisisihan. “A-Aiden?” Natatakot niyang tanong dahil naisip niya na baka umalis nanaman ito at hindi nanaman bumalik sa bahay nila. Hindi na niya kayang hindi makita ang asawa kung kaya’t agad niyang ibinalot ang katawan gamit ang kumot na nasahigaan at dumeretyo sa banyo na naroroon sa kwartong iyon nagbabasakali na andoon ang lalaki. Pagbukas niya ng pinto ay wala siyang taong nakita doon. Hindi siya nawalan ng pag-asa at mabilis na dinampot ang damit niya sa sahig at kahit na nahihirapan dahil sa sakit na nararamdaman niya sa pagitan ng kaniyang mga hita ay hindi niya ito ininda at mabilis na nagbihis. Matapos niyang mag bihis ay dumeretsyo siya pababa ng hagdan at medyo nahirapan pa siya humakbang dahil sa nangyari kanina. “Aiden
Agad siyang umakyat sa itaas at namili ng kaniyang sosootin. Nahirapan siyang mag-isip kung anong sosootin niya ngunit sa huli ay napagpasiyahan niya na magsoot ng isang black jeans at isang polo shirt na kulay light brown na tutugmang pang opisina. Pagkababa niya ay naka ready na ang kaniyang dadalhin at maging ang sasakyan nito dahil inasikaso na ito ng mga katulong at sinabihan ang driver.“Maraming Salamat talaga sa tulong niyo,”Nakangiti niyang sabi sa mga ito na ikinatango naman nila habang nakangiti rin.“Walang problema ma’am para sa inyo ni sir!”Nagpaalam na siya at sumakay sa kotse.“Ang saya-saya ni ma’am ngayon,”“Tama ka, siguradong ayos na sila ni sir kaya siya masaya,”“Umayos nga kayo, kung ano ‘man ang dahilan nilang dalawa ay manahimik tayo. Supportahan nalamang natin sila bilang sila naman ang amo natin,”Sa kabilang banda naman,
“Ano po ang ibig niyong sabihin?”Napatingin sa paligid ang matanda at tinignan kung mayroong ibang tao sa paligid. Nang masiguro na walang tao ay tyaka ito nagsalita.“H-Hindi ako ang dapat na magsabi sayo hija, siguro dapat umuwi ka nalang,”Natigilan siya dahil sa sinabi ng matanda at napaatras. Wala siyang balak na umuwi dahil buo parin ang desisyon niya na ibigay ang pagkain na niluto niya sa asawa. Napahigpit ang kapit niya sa lalagyan at napatitig siya sandali sa matanda hanggang sa buong loob siyang tumakbo papasok sa loob na ikinalaki ng mata ng matanda.“Sabby!”Gulat na sabi ng matanda ngunit nagtuloy-tuloy lang si Sabrina sa pagtakbo. Takbo lamang siya ng takbo at palingon-lingon sa likod kung mayroon bang nasunod sa kaniya at ng masigurong wala ay huminto narin siya habang hinihingal. Napangiti siya ng makitang maayos pa ang kaniyang dala-dalang pagkain ngunit ng mapatingin siya sa paligid ay nagtaka s
Dahil sa pagsigaw ni Lyn ay doon na nakuha ng ibang empleyado ang atensyon nila. Napatingin sila at napatigil dahil si Sabrina iyon, ang hot talk of the company.“Hindi ko alam ang tungkol doon,pinoprotektahan ko lang ang KAIBIGAN natin,”Talagang pinagdiinan ni Mica ang salitang kaibigan at tumingin sa paligid dahil nakatingin na sa kanila ang lahat.“Kung wala talaga silang relasyon ni Sabby bakit hindi siya umamin?!”Hindi na alam ni Sabrina ang kaniyang sasabihin at iisipin. Napatingin siya sa paligid at ang dami ng taong nakapalibot sa kanila. Feeling niya ay nanliliit na siya at feeling niya ay kung ano-ano na ang sinasabi ng mga ito sa kaniya.“Wala siyang aaminin dahil kami na bago pa ‘man siya mawala,”Napalingon sila sa nagsalita at doon ay nakita nila ang isang lalaki na hindi nila inaasahan na makikisali sa usapan lalo na si Sabrina.“B-Bernard,”Mahinang sabi ni S
HINDI nakaimik ang mga taong nakapaligid sa kanilang lahat matapos iyong sabihin ni Sabrina. Si Mica ay napanganga dahil sa sinabi nito habang sila sila Sophia at Lyn naman ay biglang natameme dahil doon. Si Aiden ay nawala ang ngiti sa kaniyang mga labi at napatingin sa asawa habang si Angeline ay ‘mas lumaki ang ngiti sa kaniayng labi at naglakad papunta kay Sabrina. Hindi inaasahan ni Sabrina na lalapit sa kaniya ang dalaga. Mataas ito sa kaniya sa kadahilanang nakasoot ito ng heels ngunit kung wala itong soot ay alam niyang pareho sila ng height. Nakita niya ng malapitan ang magandang itsura nito, bigla siyang nakaramdam ng insecurity sa katawan at napahigpit ang kapit niya sa kamay ni Bernard na ikinatingin sa kaniya ng lalaki. Nahalata nito na kinakabahan ang babae dahil sa papalapit na nagpapakilalang girlfriend ni Aiden. “Hello Sabr-I mean Sabby, sa wakas nagkita narin tayo sa wakas. Alam mo bang palagi kang kinukwento ni Love at ang sabi niya saakin ay napakasipag mo daw at
“Sino ka ba talaga Bernard?” Seryosong tanong ni Mica sa lalaki habang nasa likuran sila ng sasakyan katabi si Sabrina. Tahimik lamang ang dalaga ngunit nakikinig lang ito sa mga kasama niya sa loob ng kotse. Lumilipad ‘man ang kaniyang isip at hindi mawala-wala sa kaniya ang nangyari kanina sa kumpanya ng asawa ngunit kahit papaano ay alam niya ang nangyayari at aware siya sa paligid niya lalo na at maging siya ay nagtataka sa pagkatao ng matagal na niyang manliligaw. Si Bernard naman ay napatingin sa rearview mirror at doon ay nakita niya nag seryosong muka ni Mica kaya napalunok siya. Nakakatakot tignan ang dalaga kung kaya’t agad siyang sumagot. “Hindi talaga Bernard ang totoo kong pangalan. Ako si Devon Santiago, anak ako ng pamilya Santiago na siyang totoo kong mga magulang,” Napakunot ang noo ni Mica dahil doon habang si Sabrina naman ay napatingin kay Bernard ng hindi makapaniwala. “Santiago? Ibig sabihin isa ka sa pinakang mayamang pa
“I was punished. Nag migrate kami sa states noong anim na taong gulang ako, hindi naging maganda ang record ko sa ibang bansa. Mayaman kami oo pero taliwas ang ugali ko. So they send me back here in the Philippines, kaakibat ng pagpunta ko dito ay ang pagkawala ko ng pera, ang allowance na ibinibigay nila mom and dad saakin ay sapat lang para buhayin ako mag-isa. Tumira ako sa bahay namin, malaki nga ngunit wala naman akong pera at katulong kung kaya’t naghanap ako ng trabaho. I have no choice, and there I met Sabby,”“Anong example ng bad records mo? Grabe di parin ako makapaniwala na kasama namin ang isa sa pinakang mayaman sa pilipinas!”Kinailangang magpanggap ni Mica na namamangha ito na mayroon siyang nakakasalamuha na isang mayaman bilang kilala siya na average person lamang, walang ibang nakakaalam na isa itong Selry na siyang kilalang-kilala sa buong mundo.“Huy di kana sumagot jan!” biglang sabi ni Mica ng hind
Tumango sila sa sinabi nito at naglakad sila papasok sa loob. Pagkapasok nila ay ang malaking pintuan ang makikita at itsura palang nito ay mamahalin na habang kitang-kita na nila ang sarili sa tiles na putting kanilang dinaraanan sa sobrang kinang at kinis nito. Kung titingin ka sa paligid ang lahat ng gamit ay mamahalin at parang walang kadumi-dumi ang bahay.“Nakakahiya namang pumasok dito,” sabi ni Mica.“Tama ka,” sang-ayon ni Sabrina habang inililibot ang paningin sa paligid.“Ano ba kayo, feel at home. This is our house at welcome na welcome kayong dalawa. Tara doon tayo sa may garden maganda ang paligid at fresh at hangin,”Sumunod lamang ang dalawa sa lalaki at pagkarating nila sa garden ay hindi maiwasan ni Sabrina na mamangha dahil sa sobrang dami at makukulay na bulaklak ang meron doon. Nagmistula itong isang lugar ng Paraiso para sa kaniya.“Wow ang ganda! Sa mama mo ba ito?!”Masa