“Okay, okay! Talo na ako, kumalma kayo sasabihin ko na.” sabi niya sa mga ito na parang sumusuko na. Nakita niya ang nag-aabang na mga muka ng tatlo habang si Mica at naka cross arms sa kaniya. Bumuntong hininga muna siya bago tuluyang nagsalita. “Umalis ako five years ago, para sa ikabubuti nila Aiden, okay? May gulo noon sa pamilya naming na hindi niyo pwedeng malaman kung ano.” Napabusangot ang tatlo dahil doon. “Ang daya!” natawa siya sa naging reaction ng mga ito ngunit alam niya na hindi na sila magtatanong pa, kilala niya ang mga ito. Masaya ang naging usapan nila at tinanong niya kung ano na ang ganap sa kanilang mga buhay at doon ay nalaman niya na lilipat pala ang mga ito sa kaniyang kumpanya kaya sila nandodoon. Masaya niya naming tinaggap ang apat at sa isang linggo na magsisimula nag mga ito sa kanilang trabaho. “Ewan ko ba jan kay Mica, nagtatyaga magtrabaho ng ganito samantalang mayaman naman pala!” nagtatakang sabi ni Sophia ng biglang mapunta ang topic sa pagiging m
“May kailangan tayong puntahan. At kung magpapatuloy ka kakadada jan hindi tayo aabot sa oras.” Hindi siya makapaniwalang nakatingin sa likod nito at nang makasakay sa kotse ay mabilis na pinaharurot ang sasakyan. “Saan ba tayo pupunta at nagmamadali ka?” tanong niya dito dahil sa bilis nitong magpatakbo ng sasakyan. Hindi naman siya natatakot ngunit nagtataka lamang. “You will see,” napa-cross arms siya dahil doon. Kanina pa sobrang iksing sumagot ng lalaki kung kaya’t nagpasiya siyang tumingin nalamang sa bintana upang libangin ang sarili doon. “Wife! Wife wake up.” Naalimpungatan siya sa pagtawag sa kaniya ni Aiden at nakatulog pala siya kakatingin sa bintana. “A-Andito na ba tayo?” tanong niya sa lalaki na ikinangiti nito at tumango. Hindi niya maintindihan ang lalaki, kanina lang ay parang may regla ngayon naman ay nakangiti na. Lumabas ito ng kotse at pinagbuksan siya ng pinto na siyang ikinakita niya sa isang madaming sahig. Inabot niya ang kamay sa lalaki upang makababa siya
Hindi niya nagawang makasagot sa sinabi ng lalaki, hindi niya alam kung totoo bai yon o gawa-gawa lang nito ngunit ayon dito ay nirerespeto niyang hindi siya naniniwala basta ay ipapakita na lamang daw nito. Matapos nilang panoorin ng sabay ang sunset ay nagpasya na silang kumain sa isang restaurant at umuwi na din dahil aabutin na sila ng anong oras sa byahe. Hinatid siya ni Aiden sa kaniyang bahay na itinuro niya ang daan dito, hindi na pwede sa kaniyang opisina dahil gabi na, pasado alas dyes na ng gabi. Ipapakuha nalang niya nag kotse niya bukas. “Salamat sa paghatid Aiden.” Ngumiti ito sa kaniya at tumango. Isinara na niya ang pinto at tinanaw iyong umalis sa kaniyang pananaw. “Sabi ko na nga ba at may kakaiba sayo dahil ayos na kayo ng asawa mo.” Nagulat siya sa nagsalita at paglingon niya ay nakita niya doon si Hannah. Napabuntong hininga siya dahil doon. “I can explain.” Huling nasabi niya sa dalaga. “Nasisiraan kana Sabrina! Alam mong may mga bagay na hindi dapat malaman ng
“Tara na son,” sabi niya dito at naglakad na sila palabas. Kita niya sa kaniyang paningin na nakatayo lamang si Angeline na nakatanaw sa kanila. Panalangin niya na sana ay hindi nito maisipan na pumunta sa mall dahil mabubuking sila. Mabilis lang ang naging byahe nila at pagkarating sa mall ay hinanap agad si Sabrina ayon sa sinabi nitong tagpuan. Mula sa malayo ay nakita niya ang isang matangkad na babae habang nakasoot ng red na fitted dress habang nakabun ang buhok nito sa likuran, hawak-hawak nito ang isang batang babae nan aka red dress din ngunit hindi siya fitted at pareho silang naka bun ang buhok sa likuran. “Sabrina.” Tawag niya dito na ikinalingon ng dalawa dito. Napangiti si Sabrina ng makita siya ngunit ng makita si Jared ay natigilan ito. “Siya nga pala ang anak ko, si Jared.” Pakilala niya dito at agad na tumakbo ang batang lalaki kay Sabrina’t niyakap siya sa binti dahil iyon lang ang inabot nito. Kita niyang lumuhod si Sabrina upang makapantay niya ito. “Hello po!
MASAYANG nanonood si Sabrina sa kaniyang mag-ama at kay Jared na naglalaro ng basketball sa Tom’s World, marami kasing binili ang lalaki na mga token para makapaglaro ang mga ito sa lahat ng machines na andodoon. Hindi niya maiwasan na pagmasdan ang magandang tanawin dahil kitang-kita niya ang nakangiting muka ng lalaki, mas gusto niya talaga kapag nakangiti ito. Napalingon ito sa kaniya at nahuli siyang nakatingin dito. “Wife! Halika sumali ka saamin,” tawag sa kaniya nito ngunit tumango lang siya at hindi lumapit. “Nag-enjoy ba kayo kids?” rinig niyang tanong ni Aiden. Feeling niya habang tumatagal ay gumagwapo ito lalo sa kaniyang paningin lalo na ngayon na nakikita niya kung paano ito maging ama sa bata. “Sobrang enjoy daddy! We should do this every Sunday!” sabi ni Jared na ikinawala ng kaniyang ngiti. “Tama si kuya, daddy! Sigurado akong papayag si mommy!” sabay sabay na napatingin ang tatlo sa kaniya. Alam niya na gumawa lang ng paraan ang asawa para makasama niya si Jared ng w
“I’m sorry wife, this should be a prefect day for us.” Natigilan siya sandali sa sinabi nito at umiling sa lalaki pagkatapos ay ipinatong pa niya ang isang kamay dito. “It’s okay Aiden, walang perfect na gala o tao kaya naiintindihan ko. Lalo na ngayon na mainit ang tingin satin ng social media. Siguradong issue nanaman ito,” malungkot niya na sabi na ikinalingon nito sa kaniya sandal lamang dahil ito ay nagmamaneho. “Hayaan mo siya, mas mabuti nga iyon para malaman nil ana ayos tayong pamilya hindi iyon puro si Angeline nalang.” Natigilan siya sa sinabi nito at napatitig. Hindi niya inaasahan na lalabas mismo sa bibig nito ang salitang iyon. “Why?” napakangiting tanong ni Aiden ng mahuli niyang nakatingin siya dito. Agad siyang umiling sa binate at umiwas nalamang ng tingin pagkatapos ay binitawan ang kamay nito, ayaw niyang umasa ngunit ang mga sinasabi at ikinikiloa ni Aiden ay iba na ang dating sa kaniya. “Akin lang ang kamay mo,” muli siyang napatingin dito ng habulin nito ang k
“Jared come here,” tawag niya sa bata. Napangiti ito sa kaniya at agad na pumunta sa kaniyang tabi ay hinawakan ang kamay niya. Magkakasabay sila ni Aiden na naglakad papasok sa loob dahil nas alikuran nila si Allistair at Samantha. Pagkapasok nila sa loob ay napatingin sa kanila ang kabababa palang ng hagdan na si Allard. Nanglaki ang mata nito ng makita siya. “Ate Sabby?! Ate Sabby!” tumakbo ito palapit sa kaniya at bumitaw naman siya sa kamay ng mag-ama at inantay si Allard na mayakap siya. Nang makarating sa kinalalagyan niya ay agad siya nitong niyakap ng mahigpit. “Ate Sabby! Na miss kita sobra! Ba’t ang tagal mong nawala?!” kusa itong humiwalay sa yakapan nila at tinignan siya sa muka. “Ang laki talaga ng pinagbago mo ate! Lalo kang gumada, at naging successful!” masayang sabi nito na lalo niyang ikinangiti. “Salamat Allard, na miss ko ‘rin kayong lahat. At ang pag-alis ko ang nagsilbing gabay saakin patungo sa mas maayos na buhay.” Lumapit sa kaniya si Aiden at hinawakan ang
“Sabrina,” napatingin siya kay Keiron ng tawagin siya nito at napangiti dahil doon. “Hello dad, long time no see.” Lumapit siya sa matanda at niyakap ito. Naramdaman niyang tila totoo na talagang bumalik na siya sa Pilipinas matapos ang limang taon. Ang mmatanda nag nagsilbing pangalawa niyang ama ng hindi pa niya nakikita ang ama kung kaya’t natutuwa siya ng lubusan na makita ito after five years. “I’m sorry hija,” napahiwalay siya sa pagkakayakap dito dahil sa sinabi ng matanda at nagtatakang napatingin dito. “Wag po kayong mag-sorry, wala ho kayong kasalanan.” Umiling ito sa kaniya dahil doon. “Malaki ang kasalanan ko sa pamilya niyo, lalo na sa daddy mo.” Natigilan siya dahil sa sinabi nito at bumalik sa ala-ala niya ang sinabi ng kaniyang ama. Mag fa-file tayo ng divorce papers. Kabilin-bilinan iyon ng kaniyang ama ngunit ngumiti nalang siya at iniba nag usapan. “Kasama po namin si Samantha,” tumingin siya sa likod at agad naman na naglakad papunta si Allard sa kanila at ibiniga