“S-Saan ka pupunta?” napakunot ang noo niya dito dahil doon. “Sa ospital malamang.” Inis niyang sabi. “S-Sasama ako,” hindi na niya sinagot ang dalaga at hinayaan ito sa gusto niya. Nang makarating sila sa ospital ay nasa morgue na ang matanda at ayon sa mga ito ay maya-maya lang maaari na itong makita at ma-iburol. “N-Nakakaawa naman si manang, masyado pa siyang bata.” Rinig niyang sabi ni Angeline ngunit hindi niya ito sinagot. Nalulungkot siya para sa pagkawala ng matanda ngunit mas sigurado siya na hindi ito basta-basta nagpakamatay dahil lang sa problema. Naalala pa niyang nagsabi ito na excited siyang makita si Sabrina matapos ang mahabang panahon kaya malaking katanungan sa kaniya kung bakit ito namatay. “Kasama mo si Sabrina at ang anak niya sa mall?!” napatingin siya kay Angeline ng bigla itong sumigaw. “Anong sinasabi mo jan? Tiyaka pwede ba manahimik ka nasa ospital tayo,” sagot niya dito na lalong ikinasama ng tingin sa kaniya ng dalaga. “Ayun oh!” mayroong itong itinuro
“MAY problema ba wife? Bakit ka namumutla?” Gulat na napatingin si Sabrina sa kaniya ng tanungin niya ito at napakunot lalo ang kaniyang noo dahil doon. “W-Wala, pero yung kaibigan ko meron.” Naglakad ito palapit sa kaniya. “Kailangan ko siyang puntahan, pwede bang ikaw nalang muna ang bahala sa mga bata? Uuwi din ako kaagad kapag nakausap ko na siya.” Napaupo siya dahil sa sinabi nito at ang dalawang bat ana naghihintay sa kaniya ay napatingin din. “Aalis ka mommy?” napatingin siya kay Samantha dahil sa tanong nito at naupo sa kaniyang tabi. “Anak, kailangan umalis ni mommy dahil kailangan ako ng aking kaibigan. Siguro kapag kumalma na siya tyaka ako uuwi, dito ka muna kay daddy, okay? Babalik din ako agad.” Hinalikan nito ang bata sa pisnge at tumingin sa kaniya. “Importante ba talaga ‘yan?” kunot noo niyang tanong dito na ikinatango ng dalaga. Tinitigan niya ito ng maigi at sinigurado kung totoo bang nagsasabi ito. Ngunit kanina palang ng pumasok ito sa kwarto ay halata na niya na
PAGMULAT ng kaniyang mga mata ay bumungad agad ang nakangiting muka ni Aiden. Napatakip siya sa kaniyang dibdib at nanlalaki ang matang tinignan ito. “K-Kanina ka pa jan?!” natawa ito sa kaniyang naging reaction. “Yes, siguro isang oras na.” mas lalong nanlaki ang mata niya dahil doon. “Chill I was just joking, but if I have time I would do it.” Napaiwas siya ng tingin dahil doon at naupo na. “Nasaan ang mga bata?” taka niyang tanong ng di makita ang mga ito. “Nasa labas na sila, maagang nagising since ngayon din ang punta natin sa burol ni manang.” Natauhan siya sa sinabi nito at tatayo na sana ng maalala niya na wala siyang soot na bra kung kaya’t sinamaan niya ng tingin si Aiden na ikinataas naman ng kilay nito. “What?” takang tanong nito. “Get out, sa labas mo nalang ako intyin.” Mas lalong nagtaka ang lalaki dahil doon at kitang-kita niya iyon sa mata nito. “Bakit nga? Ang ganda ng higa ko dito oh,” nahiga pa ito sa higaan na ikinainis niya. “Lumabas ka wala akong bra!” nagulat
NAIWAN na masama ang tingin ni Angeline kay Sabrina habang ito ay papaalis sa loob ng kusina. Hindi niya alam kung paano ito nalaman ng dalaga pero isa lang ang alam niya. Kailangan na niyang kumilos para maunahan niya ito, inilabas niya ang kaniyang cellphone at tinawagan ang tao na alam niyang makakatulong sa kaniya. “Hello!” mahina ngunit pasigaw na tawag niya ng sagutin siya. “Hello? Bakit parang galit ka jan?” natatawang sabi ng kausap niya.“Wag mo akong tawanan! Alam na ni Sabrina na nasa Isabella ako ng manganak siya at ako na ang pinaghihinalaan,” natahimik ang kausap niya sa kabilang liny ana ikinatagal ng halos isang minute. Napatingin siya sa screen ng cellphone kung andoon pa ba ang kausap. “Hello! Anjan ka pa ba?” tanong niya habang patingin-tingin sa paligid. “Wag kang mag-alala Angeline hindi niya alam na hindi mo anak si Jared at alam kong hindi niya ito gagalawin kung kaya’t unahan mo na siya at gamitin si Samantha, mag DNA ka agad.” Napatango siya sa sinabi nito at
Sunod-sunod na tumango ang babae sa kaniyang harapan kaya agad niya itong nabitawan at inilayo ang icepick na hawak niya. “G-Grabe! Ngayon lang ako natakot ng ganon sa tanang buhay ko!” napatingin siya sa babaeng nagpapakilalang Karina ng muli itong nagsalita. Hawak nito ang kaniyang leeg at tinitignan kung ayos lang iyon, nabaling ang mata nito sa kaniya. “Ilang taon ka lang nawala gumaling ka na sa pakikipaglaban, mukang magaling ang ginawang pagtuturo sayo ni Hoven.” Mas lalo siyang nabigla sa sinabi nito at hindi na niya napigilan na hawakan ito sa braso. “Sino ka.” Madiin ngunit kalmado niyang sabi na may halong pagbabanta. Kita niya muli ang pagkagulat sa mata ng babae at pilit na inaalis ang kamay niyang nakahawak dito. “Ano ba ako nga sabi si Karina!” sigaw nitong sabi ngunit hindi siya naniniwala. “Patunayan mo.” Malamig niyang muling sabi dito. “Oo na! Bitawan mo lang ako masakit.” Pinagbigyan niya ang babae at binitawan. Napahawak ito sa braso niya at itinutok niya naman a
Napatawa ito ng mahina dahil sa kaniyang sinabi. “Ano kaba, wag kang magpaka-stress dahil alam kong hindi na bago sayo ang mga organizations.” Iling na sabi ni Karina na ikinatingin niya dito ng masama. “Wag mo akong tawanan! Alam ko ang pinupunto mo pero ang malaman na isa kayong assassins lalo na si mamang ay hindi ko kinakaya!” napasandal siya sa inupuan niya at napahilot sa kaniyang noo. Pumasok sa kaniyang isip ang pag-uusap nila noon ng daddy ni Aiden na kung saan sinasabi nito na nakausap nito ang kaniyang mamang. “I-Ibig bang sabihin wala talagang sakit si mamang?” tanong niya dito habang nakapikit. “Oo, naaawa nga si mamang sayo, matagal ka na niyang sinasabihan na wag ng bumili ng gamut dahil hindi niya naman ito naiinom pero mapilit ka, kaya ipinapamigay ko nalang ito sa nangangailangan.” Lalong sumakit ang ulo niya dahil sa sinabi nito. Natahimik sila ng ilang minute dahil hindi na siya muling nagsalita. Hinayaan niya muna ang sarili na makapag-adjust sa kaniyang nalaman
“ALAM kong kilala mo siya Sabrina, ang tawag mo sa kaniya ay kuya Nestor hindi ba? Siya ang asawa ni mamang.” Hindi na siya tuluyan pang nakapagsalita dahil sa sinabi ni Karina. Nalipat ang mata nito kay Nestor na nakangiti lamang, biglang pumasok sa ala-ala niya nag mga panahon na nakakausap niya ito sa kumpanya na dati niyang pinagtatrabahuhan. Kaya naman pala kakaiba ang pakiramdam niya sa lalaki, parang gusto niya itong pangalagaan na hindi niya maintindihan. Ngayon nga ay ipinapakilala siya nito bilang asawa ng kaniyang mamang. “S-Sandali, kung asawa siya ni mamang ibig sabihin…” hindi niya maituloy tuloy ang sasabihin at nakaturo lamang sa matanda habang nakangiti. “Tama ang iniisip mo Sabrina, isa din siya Assassin.” Hindi nakayanan ni Sabrina ang kaniyang mga naririnig at tuluyan siyang napabagsak sa lupa na siyang ikinaalerto ng mga ito. “Sabrina! Anong nangyari?!” napatingin siya kay Karina dahil doon. Nag-aalala siya nitong tinitignan habang ito ay nakahawak sa balikat n
Hindi siya makapaniwalang nakatingin kay Nestor dahil doon, maging kay Karina na nakangiti lamang sa kaniya ay tumango ng magtagpo ang kanilang mga mata. “A-All this time?” nilapitan at inalalayan siya ni Nestor na tumayo kaya nagpatinood siya dito. Nakatingin ito sa mga mata niya at sinabing “Sabby, may mga bagay na dapat mong malaman at hindi mo dapat malaman. Nang mga panahon na iyon sa tingin mo ba matatanggap mo gayong may problema ka sa asawa mo? Sinasabi namin ito kasi ito na ang tamang oras, marami kaming pagkakataon na pwedeng umamin sayo pero hindi kapa handa.” Dahil sa sinabing iyon ng matanda, unti-unti ay narealize niya ang dahilan kung bakit hindi nagsalita ang mga ito sa mahabang panahon. Isa pa, kabilang siya sa isa pang organisasyon kaya alam niya ang rules and regulations sa mundong kanilang ginagalawan. Napatingin siyang muli sa kaniyang braso at nakita niyang muli ang maliit na simbulo na hindi niya ikinapaniwala na andoon lamang ito sa loob ng limang taon. Kung p