Comments kayo Kimmie's kasi nanggigigil ako hahahaha ako mismo papatay kay Angeline hahahaha sabagay ako pala writer.
MASAYANG nanonood si Sabrina sa kaniyang mag-ama at kay Jared na naglalaro ng basketball sa Tom’s World, marami kasing binili ang lalaki na mga token para makapaglaro ang mga ito sa lahat ng machines na andodoon. Hindi niya maiwasan na pagmasdan ang magandang tanawin dahil kitang-kita niya ang nakangiting muka ng lalaki, mas gusto niya talaga kapag nakangiti ito. Napalingon ito sa kaniya at nahuli siyang nakatingin dito. “Wife! Halika sumali ka saamin,” tawag sa kaniya nito ngunit tumango lang siya at hindi lumapit. “Nag-enjoy ba kayo kids?” rinig niyang tanong ni Aiden. Feeling niya habang tumatagal ay gumagwapo ito lalo sa kaniyang paningin lalo na ngayon na nakikita niya kung paano ito maging ama sa bata. “Sobrang enjoy daddy! We should do this every Sunday!” sabi ni Jared na ikinawala ng kaniyang ngiti. “Tama si kuya, daddy! Sigurado akong papayag si mommy!” sabay sabay na napatingin ang tatlo sa kaniya. Alam niya na gumawa lang ng paraan ang asawa para makasama niya si Jared ng w
“I’m sorry wife, this should be a prefect day for us.” Natigilan siya sandali sa sinabi nito at umiling sa lalaki pagkatapos ay ipinatong pa niya ang isang kamay dito. “It’s okay Aiden, walang perfect na gala o tao kaya naiintindihan ko. Lalo na ngayon na mainit ang tingin satin ng social media. Siguradong issue nanaman ito,” malungkot niya na sabi na ikinalingon nito sa kaniya sandal lamang dahil ito ay nagmamaneho. “Hayaan mo siya, mas mabuti nga iyon para malaman nil ana ayos tayong pamilya hindi iyon puro si Angeline nalang.” Natigilan siya sa sinabi nito at napatitig. Hindi niya inaasahan na lalabas mismo sa bibig nito ang salitang iyon. “Why?” napakangiting tanong ni Aiden ng mahuli niyang nakatingin siya dito. Agad siyang umiling sa binate at umiwas nalamang ng tingin pagkatapos ay binitawan ang kamay nito, ayaw niyang umasa ngunit ang mga sinasabi at ikinikiloa ni Aiden ay iba na ang dating sa kaniya. “Akin lang ang kamay mo,” muli siyang napatingin dito ng habulin nito ang k
“Jared come here,” tawag niya sa bata. Napangiti ito sa kaniya at agad na pumunta sa kaniyang tabi ay hinawakan ang kamay niya. Magkakasabay sila ni Aiden na naglakad papasok sa loob dahil nas alikuran nila si Allistair at Samantha. Pagkapasok nila sa loob ay napatingin sa kanila ang kabababa palang ng hagdan na si Allard. Nanglaki ang mata nito ng makita siya. “Ate Sabby?! Ate Sabby!” tumakbo ito palapit sa kaniya at bumitaw naman siya sa kamay ng mag-ama at inantay si Allard na mayakap siya. Nang makarating sa kinalalagyan niya ay agad siya nitong niyakap ng mahigpit. “Ate Sabby! Na miss kita sobra! Ba’t ang tagal mong nawala?!” kusa itong humiwalay sa yakapan nila at tinignan siya sa muka. “Ang laki talaga ng pinagbago mo ate! Lalo kang gumada, at naging successful!” masayang sabi nito na lalo niyang ikinangiti. “Salamat Allard, na miss ko ‘rin kayong lahat. At ang pag-alis ko ang nagsilbing gabay saakin patungo sa mas maayos na buhay.” Lumapit sa kaniya si Aiden at hinawakan ang
“Sabrina,” napatingin siya kay Keiron ng tawagin siya nito at napangiti dahil doon. “Hello dad, long time no see.” Lumapit siya sa matanda at niyakap ito. Naramdaman niyang tila totoo na talagang bumalik na siya sa Pilipinas matapos ang limang taon. Ang mmatanda nag nagsilbing pangalawa niyang ama ng hindi pa niya nakikita ang ama kung kaya’t natutuwa siya ng lubusan na makita ito after five years. “I’m sorry hija,” napahiwalay siya sa pagkakayakap dito dahil sa sinabi ng matanda at nagtatakang napatingin dito. “Wag po kayong mag-sorry, wala ho kayong kasalanan.” Umiling ito sa kaniya dahil doon. “Malaki ang kasalanan ko sa pamilya niyo, lalo na sa daddy mo.” Natigilan siya dahil sa sinabi nito at bumalik sa ala-ala niya ang sinabi ng kaniyang ama. Mag fa-file tayo ng divorce papers. Kabilin-bilinan iyon ng kaniyang ama ngunit ngumiti nalang siya at iniba nag usapan. “Kasama po namin si Samantha,” tumingin siya sa likod at agad naman na naglakad papunta si Allard sa kanila at ibiniga
“S-Saan ka pupunta?” napakunot ang noo niya dito dahil doon. “Sa ospital malamang.” Inis niyang sabi. “S-Sasama ako,” hindi na niya sinagot ang dalaga at hinayaan ito sa gusto niya. Nang makarating sila sa ospital ay nasa morgue na ang matanda at ayon sa mga ito ay maya-maya lang maaari na itong makita at ma-iburol. “N-Nakakaawa naman si manang, masyado pa siyang bata.” Rinig niyang sabi ni Angeline ngunit hindi niya ito sinagot. Nalulungkot siya para sa pagkawala ng matanda ngunit mas sigurado siya na hindi ito basta-basta nagpakamatay dahil lang sa problema. Naalala pa niyang nagsabi ito na excited siyang makita si Sabrina matapos ang mahabang panahon kaya malaking katanungan sa kaniya kung bakit ito namatay. “Kasama mo si Sabrina at ang anak niya sa mall?!” napatingin siya kay Angeline ng bigla itong sumigaw. “Anong sinasabi mo jan? Tiyaka pwede ba manahimik ka nasa ospital tayo,” sagot niya dito na lalong ikinasama ng tingin sa kaniya ng dalaga. “Ayun oh!” mayroong itong itinuro
“MAY problema ba wife? Bakit ka namumutla?” Gulat na napatingin si Sabrina sa kaniya ng tanungin niya ito at napakunot lalo ang kaniyang noo dahil doon. “W-Wala, pero yung kaibigan ko meron.” Naglakad ito palapit sa kaniya. “Kailangan ko siyang puntahan, pwede bang ikaw nalang muna ang bahala sa mga bata? Uuwi din ako kaagad kapag nakausap ko na siya.” Napaupo siya dahil sa sinabi nito at ang dalawang bat ana naghihintay sa kaniya ay napatingin din. “Aalis ka mommy?” napatingin siya kay Samantha dahil sa tanong nito at naupo sa kaniyang tabi. “Anak, kailangan umalis ni mommy dahil kailangan ako ng aking kaibigan. Siguro kapag kumalma na siya tyaka ako uuwi, dito ka muna kay daddy, okay? Babalik din ako agad.” Hinalikan nito ang bata sa pisnge at tumingin sa kaniya. “Importante ba talaga ‘yan?” kunot noo niyang tanong dito na ikinatango ng dalaga. Tinitigan niya ito ng maigi at sinigurado kung totoo bang nagsasabi ito. Ngunit kanina palang ng pumasok ito sa kwarto ay halata na niya na
PAGMULAT ng kaniyang mga mata ay bumungad agad ang nakangiting muka ni Aiden. Napatakip siya sa kaniyang dibdib at nanlalaki ang matang tinignan ito. “K-Kanina ka pa jan?!” natawa ito sa kaniyang naging reaction. “Yes, siguro isang oras na.” mas lalong nanlaki ang mata niya dahil doon. “Chill I was just joking, but if I have time I would do it.” Napaiwas siya ng tingin dahil doon at naupo na. “Nasaan ang mga bata?” taka niyang tanong ng di makita ang mga ito. “Nasa labas na sila, maagang nagising since ngayon din ang punta natin sa burol ni manang.” Natauhan siya sa sinabi nito at tatayo na sana ng maalala niya na wala siyang soot na bra kung kaya’t sinamaan niya ng tingin si Aiden na ikinataas naman ng kilay nito. “What?” takang tanong nito. “Get out, sa labas mo nalang ako intyin.” Mas lalong nagtaka ang lalaki dahil doon at kitang-kita niya iyon sa mata nito. “Bakit nga? Ang ganda ng higa ko dito oh,” nahiga pa ito sa higaan na ikinainis niya. “Lumabas ka wala akong bra!” nagulat
NAIWAN na masama ang tingin ni Angeline kay Sabrina habang ito ay papaalis sa loob ng kusina. Hindi niya alam kung paano ito nalaman ng dalaga pero isa lang ang alam niya. Kailangan na niyang kumilos para maunahan niya ito, inilabas niya ang kaniyang cellphone at tinawagan ang tao na alam niyang makakatulong sa kaniya. “Hello!” mahina ngunit pasigaw na tawag niya ng sagutin siya. “Hello? Bakit parang galit ka jan?” natatawang sabi ng kausap niya.“Wag mo akong tawanan! Alam na ni Sabrina na nasa Isabella ako ng manganak siya at ako na ang pinaghihinalaan,” natahimik ang kausap niya sa kabilang liny ana ikinatagal ng halos isang minute. Napatingin siya sa screen ng cellphone kung andoon pa ba ang kausap. “Hello! Anjan ka pa ba?” tanong niya habang patingin-tingin sa paligid. “Wag kang mag-alala Angeline hindi niya alam na hindi mo anak si Jared at alam kong hindi niya ito gagalawin kung kaya’t unahan mo na siya at gamitin si Samantha, mag DNA ka agad.” Napatango siya sa sinabi nito at