Sunod-sunod na tumango ang babae sa kaniyang harapan kaya agad niya itong nabitawan at inilayo ang icepick na hawak niya. “G-Grabe! Ngayon lang ako natakot ng ganon sa tanang buhay ko!” napatingin siya sa babaeng nagpapakilalang Karina ng muli itong nagsalita. Hawak nito ang kaniyang leeg at tinitignan kung ayos lang iyon, nabaling ang mata nito sa kaniya. “Ilang taon ka lang nawala gumaling ka na sa pakikipaglaban, mukang magaling ang ginawang pagtuturo sayo ni Hoven.” Mas lalo siyang nabigla sa sinabi nito at hindi na niya napigilan na hawakan ito sa braso. “Sino ka.” Madiin ngunit kalmado niyang sabi na may halong pagbabanta. Kita niya muli ang pagkagulat sa mata ng babae at pilit na inaalis ang kamay niyang nakahawak dito. “Ano ba ako nga sabi si Karina!” sigaw nitong sabi ngunit hindi siya naniniwala. “Patunayan mo.” Malamig niyang muling sabi dito. “Oo na! Bitawan mo lang ako masakit.” Pinagbigyan niya ang babae at binitawan. Napahawak ito sa braso niya at itinutok niya naman a
Napatawa ito ng mahina dahil sa kaniyang sinabi. “Ano kaba, wag kang magpaka-stress dahil alam kong hindi na bago sayo ang mga organizations.” Iling na sabi ni Karina na ikinatingin niya dito ng masama. “Wag mo akong tawanan! Alam ko ang pinupunto mo pero ang malaman na isa kayong assassins lalo na si mamang ay hindi ko kinakaya!” napasandal siya sa inupuan niya at napahilot sa kaniyang noo. Pumasok sa kaniyang isip ang pag-uusap nila noon ng daddy ni Aiden na kung saan sinasabi nito na nakausap nito ang kaniyang mamang. “I-Ibig bang sabihin wala talagang sakit si mamang?” tanong niya dito habang nakapikit. “Oo, naaawa nga si mamang sayo, matagal ka na niyang sinasabihan na wag ng bumili ng gamut dahil hindi niya naman ito naiinom pero mapilit ka, kaya ipinapamigay ko nalang ito sa nangangailangan.” Lalong sumakit ang ulo niya dahil sa sinabi nito. Natahimik sila ng ilang minute dahil hindi na siya muling nagsalita. Hinayaan niya muna ang sarili na makapag-adjust sa kaniyang nalaman
“ALAM kong kilala mo siya Sabrina, ang tawag mo sa kaniya ay kuya Nestor hindi ba? Siya ang asawa ni mamang.” Hindi na siya tuluyan pang nakapagsalita dahil sa sinabi ni Karina. Nalipat ang mata nito kay Nestor na nakangiti lamang, biglang pumasok sa ala-ala niya nag mga panahon na nakakausap niya ito sa kumpanya na dati niyang pinagtatrabahuhan. Kaya naman pala kakaiba ang pakiramdam niya sa lalaki, parang gusto niya itong pangalagaan na hindi niya maintindihan. Ngayon nga ay ipinapakilala siya nito bilang asawa ng kaniyang mamang. “S-Sandali, kung asawa siya ni mamang ibig sabihin…” hindi niya maituloy tuloy ang sasabihin at nakaturo lamang sa matanda habang nakangiti. “Tama ang iniisip mo Sabrina, isa din siya Assassin.” Hindi nakayanan ni Sabrina ang kaniyang mga naririnig at tuluyan siyang napabagsak sa lupa na siyang ikinaalerto ng mga ito. “Sabrina! Anong nangyari?!” napatingin siya kay Karina dahil doon. Nag-aalala siya nitong tinitignan habang ito ay nakahawak sa balikat n
Hindi siya makapaniwalang nakatingin kay Nestor dahil doon, maging kay Karina na nakangiti lamang sa kaniya ay tumango ng magtagpo ang kanilang mga mata. “A-All this time?” nilapitan at inalalayan siya ni Nestor na tumayo kaya nagpatinood siya dito. Nakatingin ito sa mga mata niya at sinabing “Sabby, may mga bagay na dapat mong malaman at hindi mo dapat malaman. Nang mga panahon na iyon sa tingin mo ba matatanggap mo gayong may problema ka sa asawa mo? Sinasabi namin ito kasi ito na ang tamang oras, marami kaming pagkakataon na pwedeng umamin sayo pero hindi kapa handa.” Dahil sa sinabing iyon ng matanda, unti-unti ay narealize niya ang dahilan kung bakit hindi nagsalita ang mga ito sa mahabang panahon. Isa pa, kabilang siya sa isa pang organisasyon kaya alam niya ang rules and regulations sa mundong kanilang ginagalawan. Napatingin siyang muli sa kaniyang braso at nakita niyang muli ang maliit na simbulo na hindi niya ikinapaniwala na andoon lamang ito sa loob ng limang taon. Kung p
“Nanganak ako matapos ang siyam na buwan dito sa kampo, noong hinahanap ko ang anak mo bigla nalamang sumama ang aking pakiramdam kaya nagpasya akong umuwi. Ang kaso ay hinimatay ako nang palapit na ako dito noon, mabuti at isa saatin ang nakakita sakin kung hindi baka kung nasaan na kami ng anak ko.” Hindi makapaniwalang nakatingin si Sabrina kay Karina na nagkukwento habang sila ay nasa loob ng tent at kumakain. Matapos ng kanilang laban kanina ni Brian ay nagluto na sila ng umagahan at kaniya-kaniya nang kuha ng pagkain ang mga ito. “Alam ba ito ng daddy niya?” tanong niya na ikinatingin sa kaniya ni Karina at hinayaan ang anak na kumain. Magkakatapat sila at katabi niya si Nestor habang kumakain. “Hindi niya alam, aware naman ang anak ko na hindi alam ng daddy niya ang tungkol sa kaniya. Hindi ba anak?” tumango ng sunod-sunod si Katerin dahil doon at muling kumain. Wala siyang nagawa kung di ang mapatango nalang. Naalala niya si Keon, alalang-alala at ginagawa nito ang lahat par
“Grabe hindi ako makapaniwala,” napatingin siya kay Hannah dahil doon at napangisi. “Well, maniwala ka ate Hannah. Hidni ko ginusto ito, pero hindi ko pwedeng talikuran ang obligasyon ko.” Labas ilong niyang sabi dito. “Okay fine. Paano ang mission ngayon? Mas mahalaga parin ang mission ngayong gabi.” Napatango siya sa sinabi nito at maging ang mga ito ay napatango. “About that, may maganda na akong plano.” *** Rinig na rinig nila nag malalakas na sigawan ng mga nanonood para sa magaganap na car racing ngayong gabi. Pinaandar niya ang kaniyang kotse papunta sa pinakang sa kanilang linya at hindi pa lumalabas sa gitna. “Team yellow! Team yellow!” “Team blue! Team blue!” “Team orange! Team orange!” Paulit-ulit na sigaw ng mga tao na naroroon. “Handa na ba kayo?” tanong niya sa earpice ng mga ito na ikinasagot ng tatlo ng oo. Ang laban ngayong gabi ay mayroong limang laps na iikutan kung saan kada laps ay mag papapalit-palit ng kagrupo sa pagkarera. Kung sinong team ang unan
“Talagang kailangan mong magpaliwanag saakin.” Lalo siyang napangiwi dahil doon at hinawakan ni Aiden ang kaniyang kamay pagakatapos ay hinila na nito ang kamay niya paalis sa ligar na iyon. Nakasalubong nila ang tatlong kapatid ni Aiden na kumakaway sa kaniya kaya kinawayan nalang din niya. “Good luck ate Sabby!” Pang aarar pa ni Allard na ikinasama ng tingin niya dito at nagpatinood nalang kay Aiden papunta sa hindi niya alam na lugar. Pumasok sila sa isang silid na parang isang office dahil air-conditioning ang loob at mayroong mga nakasabit na racing car pictures na kung hindi siya nagkakamali ay kotse nila Aiden. “Sa inyo tong room?” huminto sa paglalakad si Aiden at sinamaan siya ng tingin kung kaya’t napaiwas siya ng tingin at walang walang napapansin. “Seriously wife?” napatingin siya dito at nag cross arms. “Fine! Ikaw din naman eh kasali sa racing team! Ikaw pa ang leader ng blue team!” dinuro niya pa ito na lalong ikinainit ng ulo ng kaniyang asawa. “Alisin mo ‘yan kun
WALANG ganang pumasok si Sabrina sa kaniyang trabho at maging ang kaniyang mga empleyado ay hindi niya mabati ng magandang umaga dahil sa malungkot na balitang natanggap niya kagabi. Maaga siyang umalis sa bahay at hindi na ginising si Samantha dahil alam niya na tatanungin siya nito sa kalungkutan niya kaya hindi na siya nag-abala pa. Pagkarating niya sa trabaho ay isinubsob niya ang sarili sa mga papeles upang makalimutan niya ang sinabi ng kaniyang ama. Mahigpit na bilin nito na sa oras na magkita sila ni Aiden ay sabihin na nito ang tungkol sa divorce papers at h’wag ng makikipagkita sa kaniya kaya ganoon nalamang ang mood niya hanggang sa magtanghali. “Madame, ayos lang ho ba kayo?” napatingin siya kay Olivia ng magtanong ito na hindi niya alam na nandodoon pala kung kaya’t agad siyang umiling dito. “No, I’m fine. Thank you.” Nakangiti niyang sabi at muling bumalik sa pagtatrabaho. “Hindi pa ho kayo nag tatanghalian,” napatigil siya sandali dahil doon at muling umiling sa baba