Short update Kimmie's
Hindi siya makapaniwalang nakatingin kay Nestor dahil doon, maging kay Karina na nakangiti lamang sa kaniya ay tumango ng magtagpo ang kanilang mga mata. “A-All this time?” nilapitan at inalalayan siya ni Nestor na tumayo kaya nagpatinood siya dito. Nakatingin ito sa mga mata niya at sinabing “Sabby, may mga bagay na dapat mong malaman at hindi mo dapat malaman. Nang mga panahon na iyon sa tingin mo ba matatanggap mo gayong may problema ka sa asawa mo? Sinasabi namin ito kasi ito na ang tamang oras, marami kaming pagkakataon na pwedeng umamin sayo pero hindi kapa handa.” Dahil sa sinabing iyon ng matanda, unti-unti ay narealize niya ang dahilan kung bakit hindi nagsalita ang mga ito sa mahabang panahon. Isa pa, kabilang siya sa isa pang organisasyon kaya alam niya ang rules and regulations sa mundong kanilang ginagalawan. Napatingin siyang muli sa kaniyang braso at nakita niyang muli ang maliit na simbulo na hindi niya ikinapaniwala na andoon lamang ito sa loob ng limang taon. Kung p
“Nanganak ako matapos ang siyam na buwan dito sa kampo, noong hinahanap ko ang anak mo bigla nalamang sumama ang aking pakiramdam kaya nagpasya akong umuwi. Ang kaso ay hinimatay ako nang palapit na ako dito noon, mabuti at isa saatin ang nakakita sakin kung hindi baka kung nasaan na kami ng anak ko.” Hindi makapaniwalang nakatingin si Sabrina kay Karina na nagkukwento habang sila ay nasa loob ng tent at kumakain. Matapos ng kanilang laban kanina ni Brian ay nagluto na sila ng umagahan at kaniya-kaniya nang kuha ng pagkain ang mga ito. “Alam ba ito ng daddy niya?” tanong niya na ikinatingin sa kaniya ni Karina at hinayaan ang anak na kumain. Magkakatapat sila at katabi niya si Nestor habang kumakain. “Hindi niya alam, aware naman ang anak ko na hindi alam ng daddy niya ang tungkol sa kaniya. Hindi ba anak?” tumango ng sunod-sunod si Katerin dahil doon at muling kumain. Wala siyang nagawa kung di ang mapatango nalang. Naalala niya si Keon, alalang-alala at ginagawa nito ang lahat par
“Grabe hindi ako makapaniwala,” napatingin siya kay Hannah dahil doon at napangisi. “Well, maniwala ka ate Hannah. Hidni ko ginusto ito, pero hindi ko pwedeng talikuran ang obligasyon ko.” Labas ilong niyang sabi dito. “Okay fine. Paano ang mission ngayon? Mas mahalaga parin ang mission ngayong gabi.” Napatango siya sa sinabi nito at maging ang mga ito ay napatango. “About that, may maganda na akong plano.” *** Rinig na rinig nila nag malalakas na sigawan ng mga nanonood para sa magaganap na car racing ngayong gabi. Pinaandar niya ang kaniyang kotse papunta sa pinakang sa kanilang linya at hindi pa lumalabas sa gitna. “Team yellow! Team yellow!” “Team blue! Team blue!” “Team orange! Team orange!” Paulit-ulit na sigaw ng mga tao na naroroon. “Handa na ba kayo?” tanong niya sa earpice ng mga ito na ikinasagot ng tatlo ng oo. Ang laban ngayong gabi ay mayroong limang laps na iikutan kung saan kada laps ay mag papapalit-palit ng kagrupo sa pagkarera. Kung sinong team ang unan
“Talagang kailangan mong magpaliwanag saakin.” Lalo siyang napangiwi dahil doon at hinawakan ni Aiden ang kaniyang kamay pagakatapos ay hinila na nito ang kamay niya paalis sa ligar na iyon. Nakasalubong nila ang tatlong kapatid ni Aiden na kumakaway sa kaniya kaya kinawayan nalang din niya. “Good luck ate Sabby!” Pang aarar pa ni Allard na ikinasama ng tingin niya dito at nagpatinood nalang kay Aiden papunta sa hindi niya alam na lugar. Pumasok sila sa isang silid na parang isang office dahil air-conditioning ang loob at mayroong mga nakasabit na racing car pictures na kung hindi siya nagkakamali ay kotse nila Aiden. “Sa inyo tong room?” huminto sa paglalakad si Aiden at sinamaan siya ng tingin kung kaya’t napaiwas siya ng tingin at walang walang napapansin. “Seriously wife?” napatingin siya dito at nag cross arms. “Fine! Ikaw din naman eh kasali sa racing team! Ikaw pa ang leader ng blue team!” dinuro niya pa ito na lalong ikinainit ng ulo ng kaniyang asawa. “Alisin mo ‘yan kun
WALANG ganang pumasok si Sabrina sa kaniyang trabho at maging ang kaniyang mga empleyado ay hindi niya mabati ng magandang umaga dahil sa malungkot na balitang natanggap niya kagabi. Maaga siyang umalis sa bahay at hindi na ginising si Samantha dahil alam niya na tatanungin siya nito sa kalungkutan niya kaya hindi na siya nag-abala pa. Pagkarating niya sa trabaho ay isinubsob niya ang sarili sa mga papeles upang makalimutan niya ang sinabi ng kaniyang ama. Mahigpit na bilin nito na sa oras na magkita sila ni Aiden ay sabihin na nito ang tungkol sa divorce papers at h’wag ng makikipagkita sa kaniya kaya ganoon nalamang ang mood niya hanggang sa magtanghali. “Madame, ayos lang ho ba kayo?” napatingin siya kay Olivia ng magtanong ito na hindi niya alam na nandodoon pala kung kaya’t agad siyang umiling dito. “No, I’m fine. Thank you.” Nakangiti niyang sabi at muling bumalik sa pagtatrabaho. “Hindi pa ho kayo nag tatanghalian,” napatigil siya sandali dahil doon at muling umiling sa baba
MAAGANG umuwi si Sabrina sa kanila dahil pakiramdam niya ay magkakasakit siya sa tuwing maaalala niya ang nangyaring pag-uusap nila ni Aiden. Tawag ito ng tawag matapos nilang mag-usap kaya napilitan siyang patayin ang kaniyang telepono at nag focus nalang sa kaniyang trabaho. Ngunit kahit ganoon ay hindi siya makapag-focus ng maayos dahil sa sakit na nararamdaman. “Mommy!” nakita niya ang anak na tumatakbo papunta sa gawi niya kaya automatic na napangiti siya dahil doon. Kahit pala na nasasaktan siya at nahihirapan ay mayroon parin siyang dahilan para ngumiti. “Hello my princess,” niyakap niya ito ng mahigpit at lumuhod pa upang makapantay ang bata. “I miss you mommy!” hinagod niya ang likod ng bata dahil doon. Alam niyang matagal silang hindi nagkausap. “I’m so sorry Sabrina if wala ako, masyado lang akong naging busy at alam mo bang miss na miss din kita.” Humiwalay ito mula sa kanilang pagkakayakap at umiling sa kaniya. “No, it’s okay mommy. Naiintindihan ko naman po na busy kay
Pagdating nila sa simbahan ay nagsisimula na ang misa para sa paglibing kay manang kung kaya’t naupo silang lahat sa pinakang dulo at kitang-kita ni Sabrina ang pamilya Devaux na nasa unahan kasama si Jared at Angeline. Nakasoot siya ng sunglasses na itim habang nagpalit na rin siya ng damit into white dress at lahat sila ay pawang mga naka putting damit. Katabi niya ang anak na nagtataka kanina kung sino si manang mabuti nalang at na explain na ni Xenna ang tungkol sa matanda. Pigil na pigil si Sabrina sa pag-iyak habang sila ay nakikinig sa misa ng pare dahil ayaw niya na ipakita sa matanda na malungkot siya sa pagkawala nito. Ang kaso ay hindi na niya alam kung hanggang kalian niya ito pipigilin. Nang matapos ang misa ay nagbigay ng message si Aiden sa harapan ng marami para sa pag alala sa mga kabutihang nagawa nito. Medyo maraming tao ang nakiramay sa matanda lalo na sa pamilya ng mga kasama niya sa pagkakatulong na sina Alyssa, Danna at Thea. Ang kanilang mga iyak din ang nang
ARAW nang kasal ni Addison ay siya ang itinalagang maid of honor ng babae kung kaya’t nasa iisang kwarto sila kung saan doon ay inaayusan ito at magbibihis upang sa naturang kasal. Napatayo si Sabrina ng makita niyang bumukas na ang pinto ng banyo kung saan pumasok si Addison upang magbihin sa gown nitong pangkasal. Napangiti siya kasabay ng pagtulo ng kaniyang mga luha ng makita niya si Addison soot ang wedding gown nito. “You looked so gorgeous.” Nakangiti niyang sabi na ikinangiti din ni Addison. “Ate Sabby wag kang umiyak, baka maiyak din ako.” Natawa siya dahil doon at pinalapit niya ang babae sa kinalalagyan niya. “Bagay na bagay sayo ang damit mo Addi,” tumingin sila sa malaking salamat at kitang-kita nila ang kanilang reflections. Nakasoot si Sabrina ng isang pink na pang abay na damit na at backless ito habang si Addison naman ay nakasoot naman ng isang malaking wedding gown at mayroon itong maliit na korona sa ulo at nasalikuran niya ang kaniyang vail na mamaya lang ay iba