NAGISING si Sabrina ng maramdaman niyang mayroong gumagalaw sa kaniyang tabi at pagkadilat ng kaniyang mga mata ay bumungad agad sa kaniya ang gwapong muka ni Aiden. Biglang nag flashback sa kaniya ang lahat ng nangyari sa kaniya ilang oras lamang ang lumipas ay hindi siya nagsisisi doon. Ginusto niya ang nangyari at kung mabuo ‘man ang kanilang ginawa ay mas matutuwa pa siya. Iniangat niya nag kaniyang kamay papunta sa muka nito kung saan siya ay nabibighani sa mga pilik mata nito na mahahaba at ang matangos nitong ilong. Idinampi niya pababa ang kaniyang kamay simula sa noo papuntang pinakang tungki ng ilong nito. Biglang gumalaw si Aiden dahil doon, marahil ay nakakaramdam ito ng kiliti kung kaya napangiti siya. Ang tanawin na iyon ang hindi niya gugustuhin na masira at mawala sa kaniya. Hindi niya akalain na ganoon kalaki ang epekto na nagawa niya sa binate, naalala niya noon na siya ang nasasaktan dahil dikit sila halos ni Angeline ngunit ngayon ay mahal na siya nito. Totoo na
“ANONG nangyayari?!” napatingin sa kaniya ang mga tao sa loob ng tent ng ihatid siya doon ng isang lalaki na kasali sa kanilang organization. Nang makarating siya sa kanilang kampo ay nakita niya na wala na ang napakaraming tent at tanging iisang tent nalamang ang naroroo. Upang mapabilis na din ang pagpunta niya sa Quezon ay agad siyang nagtawag ng helicopter na ang walong oras na byahe ay naging bente minutos nalamang. “Sabrina! Mabuti at andito kana,” tumayo si Karina maging si Nestor at Brian na seryosong nakaharap sa computer na naroroon. Kakunti lamang ang tao sa loob kabilang ang anak ni Karina ay andoon sa isang sulok nakaupo. “You have to see this,” agad na lumapit si Karina sa kinalalagyan ng mga ito at nagulat ng makita ang nasa screen. “Ano ‘yan?” gulat niayng tanong. “They are all enemy.” Sagot ni Brian sa kaniya. Nakita niya na napakaraming dot na pula ang nakatipon sa hilagang parte ng kanilang kagubatan na ikinalalagyan. “Kaya kailangan na nating agad umalis dahil ku
MABILIS na nakarating si Sabrina sa ospital dahil hindi katulad noon na malayo ang kanilang kampo, ngayon ay medyo malapit na sa kabiyasnan ang kaso ay nasa pinakang gitna parin ito ng gubat. Kinakailangan na kabisado mo ang lugar upang makapunta ka sa may sakayan papuntang maynila. Sinabi sa kaniya ni Keon kung saan ang ospital na pinaglalagyan ni Keiron kaya hindi na mahirap sa kaniya na hanapin ito. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon sakto na pagpasok niya sa ospital ay bigla siyang nakaramdam ng kakaiba sa kaniyang pang amoy. Napatakip siya ng kaniyang ilong at feeling niya ay nahihilo siya dahil sa amoy na ito. “Ma’am ayos lang ho ba kayo?” napatingin siya sa kaniyang gilid at nakita niya ang isang lady guard na mukang napansin ang kaniyang paghinto sa gitna ng daan. Agad siyang umiling dito na tila mas nagpalala sa kaniyang sitwasyon. “N-Nahihilo ako,” nagdodoble na ang babaeng gwardya sa kaniyang paningin hanggang sa hindi na niya kinaya at hinimatay na. Mabuti nalamang
Napaangat ng tingin si Sabrina at doon ay nakita niya ang asawa na hindi makapaniwala na nakatingin sa kaniya. “A-Aiden,” nang marinig ni Aiden ang boses ng babae doon niya nasigurado na totoo ang kaniyang nakikita. Dahan-dahan naman na tumayo si Sabrina at hahakbang na sana papalapit sa lalaki ngunit mabilis na hinakbang ni Aiden ang kanilang agwat at niyakap siya ng mahigpit. Hindi niya inaasahan ang pagtakbo ni Aiden kung kaya’t ang pinakang alam niyang gawin ay yakapin ito pabalik. Hindi siya makapagsalita hanggang sa maramdaman niyang yumuyugyog na ang balikat nito tanda ng pagiyak. Umatras ang luha niya dahil doon, naalala niyang sinabi ng doctor kanina na alam na ng magkakapatid ang tungkol sa kalagayan ni Keiron kaya malamang na dahilan kung bakit wala sila ay nagpahangin ang mga ito sandali. “S-Si daddy…” hindi matapos tapos ni Aiden ang kaniyang sasabihin na ikinahagod niya sa likod nito. “Shhh… I know, wala tayong magagawa. Iyon ang gusto ni dad.” Mas lalong hinigpitan n
*** “Mommy!” Nakangiting sinalubong ni Sabrina ang anak na si Samantha ng makauwi siya sa kanilang bahay kasama si Aiden. Napatayo naman agad mula sa pagkakaupo si Jonathan ag Hoven ng makita si Aiden sa likuran ni Sabrina. “Mommy I miss you po!” Hindi nakasagot agad si Sabrina sa sinabi ng anak dahil maging siya ay miss na miss na ang anak. Kung magagawa nga lang niya na pabilisin ang oras ay ginawa na niya lalo na ng mga panahon na inaasikaso pa niya ang organization. Humiwalay siya sa pagkakayakap sa anak at tinignan ito mula ulo hanggang paa. “A-Ayos ka lang ba anak? May masakit ba sayo? Naging good girl kaba?” alala niyang tanong dito. “Mommy yes po! Kahit tanungin mo pa sila ate Xenna, super bait ko po lalo na miss na miss napo kita. Ayaw ko na pag-uwi mo ay pagalitan ako kaya mabait po ako.” Dahil sa sinabi ng anak ay napatingin siya sa likuran nito at ay nagkita niya ang mga kaibigan at ama. Napatayo siya dahil doon habang si Samantha naman ay napatingin sa likod ay nanlak
*** “N-No! We want to see our grandfather! No!” Iyak ng iyak si Samantha at Jared habang inilalabas silang dalawa ni Mica at Hoven. Kanina pa nila nakausap si Keiron at ang sabi nito ay gusto nalang muna nitong magpahinga kung kaya’t naalarma sila dahil doon. “Mica kayo na munang bahala sa mga bata please,” pakiusap ni Sabrina sa dalawa na ikinatango naman ng mga ito. “No! No mommy! Hayaan niyo kami sa tabi ni lolo! Mommy!” hindi matignan ng deretsyo ni Sabrina ang dalawang bata habang papaalis sila sa floor na iyon. Sakto na pagbukas ng elevator ay lumabas doon ang kaniyang ama na tinanguan niya. Nakapag-usap na sila kagabi at napagusapan nila na wag ipakita sa mga bata ang pagkawala nito at mananatili muna sa labas. Dumating si Mica kagabi sa kaniyang bahay at doon ay nalaman niya na nagkakausap pala sila ni Hoven noon pa, alam ni Mica na kasama siya ni Hoven ngunit hindi niya sinasabi sa mga Devaux kung kaya’t nagmistulang invisible din siya sa nakalipas na taon. Kung paano nag
*** “Nasaan si Sabrina?!” Napatigil sa pag-iyak si Addison ng makita si Angeline sa labas ng kwarto ng kaniyang ama. Kakadeklara palang na tuluyan nang nawala ang kanilang ama na si Keiron kung kaya’t hindi niya kinaya at naisipan niyang lumabas. “A-Anong ginagawa mo dito Angeline?” mayroong binuksan si Angeline na isang folder at ibinigay kay Addison ang isang papel. “Ito ang patunay na ang batang si Samantha ay hindi tunay na anak ni Sabrina at Aiden.” Nakangisi nitong sabi na ikinakunot ng noo ni Addison at agad na binasa ang laman niyon. Isa itong DNA at ang nakalagay ay negative. Napatingin siya kay Angeline at mas ngumisi ito dito. “See? Iyan ang patunay na niloloko lang kayo ni Sabrina.” “Anong nangyayari dito?” Sabay silang napatingin sa pinto ng kwarto at nagsilabasan sila sa loob niyon. Kasama ni Sabrina si Aiden na kaiiyak lang, ang kambal, si Keon at ang asawa ni Addison na siyang nagsalita kung anong nangyayari. “Bakit ka nandito Angeline?” deretsyong tanong ni
Iniabot ni Angeline ang papel na hawak niya at kinuha naman iyon ni Aiden at binasa. Bigla siyang pinanghinaan dahil sa nabasang iyon at napatingin kay Angeline na nagtaas noo ng makitang nakatingin si Aiden. Si Sabrina naman ay buong loob na tumayo mag-isa na inalalayan ng asawa ni Addison. “Tanungin mo siya para makasigurado ka kung nagsisinungaling ang DNA Aiden,” walang takot na sabi ni Angeline sa lalaki. Lumingon siya kay Sabrina at nakita niya itong nakatingin sa kaniya at handa ng umiyak. “N-Nagsisinungaling lang ‘yan!” sigaw ni Allard na ikinatingin ng masama ni Angeline dito. “Tumahimik ka bata! Wala kang alam sa mga nangyayari!” ganting sigaw ni Angeline kasabay ng paghakbang ni Aiden papunta sa kaniyang asawa. “T-Totoo ba w-wife?” tinitigan ni Sabrina nag kaniyang asawa sa mata nito at hindi na niya napigilan ang luha sa pagtulo mula sa kaniyang mga mata. “A-Aiden let me explain,” hahawakan sana ni Sabrina ang asawa ng umatras ito kaya natigilan siya at parang dinurog