Habang tumatagal mas lalo akong nae-excite eh hahaha
NANLAKI ang mata ni Karina ng makita niya nag lalaking tumayo sa likuran ni Sabrina at alam niya na mayroong kakaibang nangyayari kung kaya’t agad siyang yumuko at nagtago sa isang kotse. Nakiramdam siya sa paligid at maya-maya ay mayroon siyang narinig na mga hakbang paalis at kasabay niyon ang isang impit na pagpupumiglas. Mas naging alerto si Karina dahil doon at ramdam niya na mayroon pang apat na aura ang naroroon bukod sa kanila ni Sabrina kung kaya’t hindi siya nagdalawang isip na sumunod sa pupuntahan ni Sabrina. Tumakbo siya ng tahimik papalapit sa kotse papunta sa kinalagyan ni Sabrina at pasilip niya ay nakita niyang sapilitang itong sinakay sa isang van na kulay itim. Hindi siya nagdalawang isip na mas lumapit sa van na sinakyan ni Sabrina at mayroong inilabas na maliit na tracking device na palagi niyang dala para sa mga emergency katulad niyon. Sumilip siya sa pintuan ng van at wala ng tao sa labas kung kaya dali-dali siyang tumakbo papunta sa kabilang kotse upang hin
“H’wag po kayong mag-alala, narito ang aking cellphone tawagan niyo ang 911 kapag may ginawa akong masama sa inyo.” Inilapag niya ang cellphone at inilagay ito sa emergency call kaya nakampante naman ang babae dahil doon. Tumingin siya kay Devon ng seryoso. “Hapon ng mayroong nag-offer saamin ng trabaho na kumuha ng bata at pagkatapos ay magkakaroon kami ng malaking halaga. Dahil walang wala kami ng panahon na iyon ay pinatos naming magkakaibigan ngunit hindi ko akalain na iyon ang maghahantong saamin sa kamatayan.” Naiiyak na sabi ng babae at hinagod ng asawa ang likuran. “Pasensya ka na hiji, may trauma na ang asawa ko dahil doon. Maging ako ay natatakot kaya hindi namin alam kung bakit pinapasok ka namin. Siguro marahil ay ramdam namin na mabait kang tao.” Sabi ng asawa ni Janice sa kaniya. “Ayos lang po ‘yun. Nabanggit niyo na kumuha kayo ng bata, sanggol ho bai to?” napatingin si Janice sa kaniya at tumango. “Tama ka hijo. Sanggol na kapapanganak palamang, hirap na hirap ang na
*** “Samantha anak!” tawag ni Sabrina sa kaniyang anak ng makapasok siya sa loob ng Van. Nakita niya ito na nakaupo sa isang sulok at ng makita siya ay agad itong lumapit sa kaniya at niyakap siya. “M-Mommy!” niyakap din ito ng mahigpit ni Sabrina at tinulak sila papasok pa sa loob upang makaupo na sila ng maayos. “Shh… Magiging ayos din ang lahat,” bulong na sabi ni Sabrina nang makaupo sila sa sa pinkang gilid ng van. Nanginginig si Samantha at alam niyang takot na takot ito lalo na at alam niya din na masama ang loob nito sa kaniya dahil sa nalaman nito. Napatingin siya sa unahan ng umandar na ang sasakyan at nakita niya si Leo na nasa tabi ng driver at ang isa namang lalaki ay katabi niya. “Saan niyo kami dadalhin?!” sigaw na sabi niya sa mga ito na ikinalingon ni Leo sa kaniya. “Sa lugar na hindi mo alam,” nainis naman siya sa sinabi nito ngunit hindi na niya ito pinatulan dahil kasama niya si Samantha baka kung anong gawin ng mga ito sa kanila. “Patahimikin mo ‘yang anak mob
Iniabot ni Addison ang kamay niya upang mag shake hands sila kaya buong loob niyang tinanggap iyon. “Ako si Karina, kaibigan ako ni Sabrina. Apo ako ni mamang,” nagkaroon ng gulat na expression si Mica at Addison dahil doon. Naalala nila si mamang, na banggit ito ni Sabrina noon at naalala nilang namatay ito. “Apo ka ni mamang? Bakit wala ka noon sa bahay na tinutuluyan ni Sabby?” takang tanong ni Mica na ikinatingin ni Karina dito. “May mga bagay na itinago namin sa kaniya noon.” Maiski lang nitong sagot na ikinatango ni Mica. Ramdam ni Mica ang lakas ni Karina at alam niya na marami itong sekretong tinatago dahil sa tipid nitong sumagot. “Nakita mo ba ang plaka ng van na pinaglagyan kay Samantha at ate Sabby?” tanong nalamang ni Addison kay Karina. “Walang plaka ng van eh,” napabagsak ang balikat nila dahil doon. “Okay, sige ganito nalang. Twins, tignan niyo ang lahat ng CCTV dito at hanapin kung saan nagpunta ang sasakyan—” hindi natapos ni Addison ang kaniyang sasabihin ng magsa
Agad na lumapit ang kambal kay Aiden at maging si Addison ay lumapit din dito. “Kuya kamusta ang pakiramdam mo? May masakit parin ba sayo?” napatingin si Aiden kay Allard dahil sa tanong nito ngunit napaatras siya dahil sa talas nitong makatingin sa kaniya. “I’m okay, at oo bumalik na ang ala-ala ko. Nasaan na ang asawa ko, pati si Samantha?” natigilan sila dahil sa sinabi ni Aiden. Napatingin ang kambal kay Addison na tila nagsasabi na siya nalamang ang sumagot sa tanong ni Aiden. “K-Kuya may kumuha sa kanila—” hindi pa natatapos ni Addison ang sasabihin ng biglang nag react ang kambal. “Kumuha?! Paano nangyari ‘yun? Sino ang kumuha sa mag-ina ko?” matapos iyong itanong ni Aiden ay walang nakasagot sa kaniya habang si Devon ay nasaskatan sa kaniyang narinig. Siya dapat ang tumatawag ng ganon kay Samantha, na anak niya ito. Ngunit narealize niya din na si Aiden ang unang naging ama nito at inalagaan si Samantha lalo na si Sabrina. Dapat pa nga niyang pasalamatan ang mga ito kaya tah
*** Dumating ang doctor sakto na paalis sila Addison at ang kambal upang puntahan ang kanilang ama. Matapos ng usapan nila ay nagplano muna sila kung saan sila magsasagawa ng plano at napagpasiyahan nila na sa bahay nalamang nila Aiden. Binasa lamang ng doctor kay Aiden ang resulta ng kaniyang test at nang masigurado na okay ito ay agaran ding silang umalis. Pagkalabas nila ng kwarto ay sakto na siyang pagdating ni Jonathan na buhat buhat si Jared. Natigilan silang dahil doon at napatingin kay Aiden. Naalala naman ni Aiden ang kaniyang narinig na revelasyon kanina, buong akala niya ay magdurusa pa siya sa pagkawala ng kanilang anak ngunit ang hindi niya alam ay andoonn lamang pala ito at matagal na niyang kasama. Nginitian niya ito at nagsalita. “Jared, ayos lang ba kung kay lolo ka muna? Mayroon pa kaming dapat asikasuhin ng mga tito at tita mo,” napatingin si Jared kay Jonathan dahil sa sinabi ni Aiden at nakangiti lamang ito sa apo. Nakausap na niya ito, umiyak ito kanina ng m
NAGULAT ang mga lalaki dahil sa ginawang iyon ni Sabrina ngunit si Leo ay hindi ito nagustuhan na lalo nitong ikinagalit. “H’wag kayong titigil hanggat hindi niyo napapahirapan ‘yan!” tumango ang mga tauhan nito at agad na sunod-sunod na sumugod kay Sabrina. Samantalang si Samantha naman ay iyak ng iyak lanag sa isang tabi at pilit na kumakawala sa kaniyang pagkakatali, ngunit hindi niya magawa.Hindi hinayaan ni Sabrina na mayroon manlang makahawak sa kaniya kahit na hibla ng kaniyang buhok. Kinailangan niya ‘rin magingat sa pagkilos dahil siya ay dalawang linggong buntis palamang. Napatingin siya sa kaniyang gilid matapos niyang Ilagan ang isang lalaki na sumugod sa kanyia dahil mayroon itong hawak na patalim. Hinawakan niya ang kamay ng lalaki at mabilis na hinila papunta sa likuran na mayroong lalaking pasugod din.Parehong nagulat ang lalaki na may hawak na patalim at ang lalaking nasaksak nito dahil doon. Nginisian niya ang lalaki nasaksak at itinulak ito pagkatapos ay siniko niy
“Paano? Pinatay niya lang naman ang nakababata kong kapatid!” napakurap siya dahil sa sinabi ni Leo at kita niya ang pamumula ng mat anito. “Ilang taon ang inintay ko para lang makapaghiganti sa kaniya! Ilang taon ang nasayang dahil sa lintik na Angeline na ‘yan!” galit na sabi nito. “Ikaw ang taong alam kong makakapagdala saakin kay Aiden kaya maraming salamat sayo.” Napailing si Sabrina dahil sa sinabi ni Leo at hindi ito makapaniwala. “H-Hindi totoo ‘yan! P-paanong magagawa iyon ni Aiden—Hindi niya ‘yun kayang gawin!” dahil sa sinabi ni Sabrina ay nanlilisik ang matang tinignan siya ni leo. “So, sinasabi mong sinungaling ako?!” napatahimik siya dahil doon. “Nawalan ako Sabrina! Alam na alam ko kung paano niya patayin ang kapatid ko! Pinutol niya ang buhay ng napakabata kong kapatid!” Hindi na napigilan ni Leo ang pagtulo ng kaniyang luha kay lalong napatahimik si Sabrina. Kitang-kita niya ang sakit at hinagpis sa muka ng lalaki kasabay ng pagtulo ng kaniyang mga luha. “Pinatay ko