Agad na lumapit ang kambal kay Aiden at maging si Addison ay lumapit din dito. “Kuya kamusta ang pakiramdam mo? May masakit parin ba sayo?” napatingin si Aiden kay Allard dahil sa tanong nito ngunit napaatras siya dahil sa talas nitong makatingin sa kaniya. “I’m okay, at oo bumalik na ang ala-ala ko. Nasaan na ang asawa ko, pati si Samantha?” natigilan sila dahil sa sinabi ni Aiden. Napatingin ang kambal kay Addison na tila nagsasabi na siya nalamang ang sumagot sa tanong ni Aiden. “K-Kuya may kumuha sa kanila—” hindi pa natatapos ni Addison ang sasabihin ng biglang nag react ang kambal. “Kumuha?! Paano nangyari ‘yun? Sino ang kumuha sa mag-ina ko?” matapos iyong itanong ni Aiden ay walang nakasagot sa kaniya habang si Devon ay nasaskatan sa kaniyang narinig. Siya dapat ang tumatawag ng ganon kay Samantha, na anak niya ito. Ngunit narealize niya din na si Aiden ang unang naging ama nito at inalagaan si Samantha lalo na si Sabrina. Dapat pa nga niyang pasalamatan ang mga ito kaya tah
*** Dumating ang doctor sakto na paalis sila Addison at ang kambal upang puntahan ang kanilang ama. Matapos ng usapan nila ay nagplano muna sila kung saan sila magsasagawa ng plano at napagpasiyahan nila na sa bahay nalamang nila Aiden. Binasa lamang ng doctor kay Aiden ang resulta ng kaniyang test at nang masigurado na okay ito ay agaran ding silang umalis. Pagkalabas nila ng kwarto ay sakto na siyang pagdating ni Jonathan na buhat buhat si Jared. Natigilan silang dahil doon at napatingin kay Aiden. Naalala naman ni Aiden ang kaniyang narinig na revelasyon kanina, buong akala niya ay magdurusa pa siya sa pagkawala ng kanilang anak ngunit ang hindi niya alam ay andoonn lamang pala ito at matagal na niyang kasama. Nginitian niya ito at nagsalita. “Jared, ayos lang ba kung kay lolo ka muna? Mayroon pa kaming dapat asikasuhin ng mga tito at tita mo,” napatingin si Jared kay Jonathan dahil sa sinabi ni Aiden at nakangiti lamang ito sa apo. Nakausap na niya ito, umiyak ito kanina ng m
NAGULAT ang mga lalaki dahil sa ginawang iyon ni Sabrina ngunit si Leo ay hindi ito nagustuhan na lalo nitong ikinagalit. “H’wag kayong titigil hanggat hindi niyo napapahirapan ‘yan!” tumango ang mga tauhan nito at agad na sunod-sunod na sumugod kay Sabrina. Samantalang si Samantha naman ay iyak ng iyak lanag sa isang tabi at pilit na kumakawala sa kaniyang pagkakatali, ngunit hindi niya magawa.Hindi hinayaan ni Sabrina na mayroon manlang makahawak sa kaniya kahit na hibla ng kaniyang buhok. Kinailangan niya ‘rin magingat sa pagkilos dahil siya ay dalawang linggong buntis palamang. Napatingin siya sa kaniyang gilid matapos niyang Ilagan ang isang lalaki na sumugod sa kanyia dahil mayroon itong hawak na patalim. Hinawakan niya ang kamay ng lalaki at mabilis na hinila papunta sa likuran na mayroong lalaking pasugod din.Parehong nagulat ang lalaki na may hawak na patalim at ang lalaking nasaksak nito dahil doon. Nginisian niya ang lalaki nasaksak at itinulak ito pagkatapos ay siniko niy
“Paano? Pinatay niya lang naman ang nakababata kong kapatid!” napakurap siya dahil sa sinabi ni Leo at kita niya ang pamumula ng mat anito. “Ilang taon ang inintay ko para lang makapaghiganti sa kaniya! Ilang taon ang nasayang dahil sa lintik na Angeline na ‘yan!” galit na sabi nito. “Ikaw ang taong alam kong makakapagdala saakin kay Aiden kaya maraming salamat sayo.” Napailing si Sabrina dahil sa sinabi ni Leo at hindi ito makapaniwala. “H-Hindi totoo ‘yan! P-paanong magagawa iyon ni Aiden—Hindi niya ‘yun kayang gawin!” dahil sa sinabi ni Sabrina ay nanlilisik ang matang tinignan siya ni leo. “So, sinasabi mong sinungaling ako?!” napatahimik siya dahil doon. “Nawalan ako Sabrina! Alam na alam ko kung paano niya patayin ang kapatid ko! Pinutol niya ang buhay ng napakabata kong kapatid!” Hindi na napigilan ni Leo ang pagtulo ng kaniyang luha kay lalong napatahimik si Sabrina. Kitang-kita niya ang sakit at hinagpis sa muka ng lalaki kasabay ng pagtulo ng kaniyang mga luha. “Pinatay ko
Dahil nga sa maingay na palitan ng mga baril ay agad na nagising si Karina at naalerto sa paligid. Ang dami niyang nararamdaman na presensya na halos ikamura na niya. ‘Sh*t! Hindi ako dapat nakatulog!’ inis na sabi niya sa sarili at nakita niya si Keon na wala ding malay sa kaniyang tabi na ikinalaki ng kaniyang mata at agad itong nilapitan. “Keon! Keon gumising ka!” niyugyog niya ito mula sa hinihigaan ng lalaki ngunit ng halos ilang segundo nang wala parin itong malay ay agad na siyang nakaramdam ng kaba. Napatingin siya sa paligid at nakita niya si Raymond at Devon na nakikipaglaban habang si Aiden at Sabrina ay kaharap si Leo kung kaya wala siyang mahingian ng tulong. “Keon gumising ka naman please oh! Tear gas lang ‘yun for godsake!” naiiyak na si Karina dahil doon ngunit maya-maya ay nakita niya ang paggalaw ng adams apple nito. Natigilan siya dahil doon at agad na napasimangot, tumayo siya mula sa kaniyang pagkakaluhod dito at walang pakundangan niyang sinipa ang sikmura nito
*** “Nasaan ang asawa ko?!” Napalingon sila Karina, Keon at Hoven sa sumigaw at doon ay nakita nila si Aiden habang buhat si Samantha kasama sina Devon, Mica, at Raymond. Agad silang napatayo at nilapitan ang mga ito. “Kamusta ang mission?” tanong ni Keon ngunit hindi iyon pinansin ng nakakatanda niyang kapatid. “Nasaan ang asawa ko!” Natigilan sila dahil sa muling pagsigaw ni Aiden kaya si Karina na mismo ang sumagot sa lalaki. “Nasa loob pa si Sabrina, hindi pa lumalabas ang mga doctor.” Napatingin si Aiden sa kaisa-isang pinto na naroroon dahil dinala sila sa private emergency room. “Anong nangyari?” tanong ni Hoven kay Mica at niyakap ito. “Ayos ka lang ba?” tumango naman si Mica sa lalaki. “Ayos na. Natapos na naming ang laban, naiwan lang ang iba para linisin ang kalat.” Inilayo ni Hoven si Mica mula sa pagakakayakap nila at hinarap sa kaniya. “Ikaw, ayos ka lang ba? May masakit ba sayo? Tinamaan kaba?” sunod-sunod na tanong ng lalaki na ikingiti ni Mica at umiling. “Ayos l
Mayroon itong oxygen sa ilong nito at maging sa may kamay na nakakonecta sa makina. Nakapikit ang malalalim na mat anito tanda ng pagkapuyat at pagod ngunit hindi parin naaalis ang kagandahan nito. Iniangat niya ang kamay upang hawakan ang kamay nito. “W-Wife?” tawag niya dito at dalawang kamay na ang hinawak niya dito’t naupo sa upuan na nasa tabi nito. “I’m sorry wife, patawarin niyo ako ng anak natin.” Naitungkod nalamang niya ang kaniyang braso sa higaan at hinalikan ang kamay nito habang nakangiti naman ang iba na nakatingin kay Aiden. *** Nagising si Sabrina nang si Aiden ang may hawak sa kaniyang kamay at lahat sila ay natuwa ng makitang maayos ng muli ang dalaga. Malaki ang pasasalamat ni Sabrina dahil maayos lang ang kalagayan ng kaniyang anak, bigla nalamang daw kasi siyang nakaramdam ng hilo na may pagkasakit ng tiyan at hindi na niya kinaya kaya hinimatay ito. Sa kalagitnaan ng kanilang pag-uusap ay bumukas ang pinto at pumasok mula doon ang daddy niya kasama si Jared,
*** Dalawang araw ang lumipas at bumalik na sa normal ang lahat. Natanggap na ng mga bata ang kanilang totoong mga magulang. Malaking pagbabago para sa mga ito ngunit agad din naman nilang tinanggap lalo na at noong una pa naman kahit na hindi nila alam na sila ay magpapamilya magaan na ang kanilang loob sa isa’t-isa. Dalawang araw narin magmula ng maiburol si Keiron patatlong araw na at iyon ang huling araw nito sa lamay dahil bukas ay ililibing na ito. Mas maraming tao ang dumalo sa huling gabi ni Mr.Devaux na siyang nakilala sa buong mundo bilang mayaman na negosyante at sa hindi kapaniwa-paniwalang kwento ng kanilang pamilya. Si Sabrina ay maayo nang muli ang pakiramdam. Noong nakaraang araw ay hindi muna siya pinapunta sa lamay ngunit noong sumunod na araw ay nakadalo na siya at hindi maiwasan ang napakaraming usap-usapan tungkol sa kanila. Hindi nila alam kung paano kumalat ang balitang hiwalay na sila ni Aiden ngunit sa nakikita nila na magkakasama ang mga ito ay taliwas sa