*** “Nasaan ang asawa ko?!” Napalingon sila Karina, Keon at Hoven sa sumigaw at doon ay nakita nila si Aiden habang buhat si Samantha kasama sina Devon, Mica, at Raymond. Agad silang napatayo at nilapitan ang mga ito. “Kamusta ang mission?” tanong ni Keon ngunit hindi iyon pinansin ng nakakatanda niyang kapatid. “Nasaan ang asawa ko!” Natigilan sila dahil sa muling pagsigaw ni Aiden kaya si Karina na mismo ang sumagot sa lalaki. “Nasa loob pa si Sabrina, hindi pa lumalabas ang mga doctor.” Napatingin si Aiden sa kaisa-isang pinto na naroroon dahil dinala sila sa private emergency room. “Anong nangyari?” tanong ni Hoven kay Mica at niyakap ito. “Ayos ka lang ba?” tumango naman si Mica sa lalaki. “Ayos na. Natapos na naming ang laban, naiwan lang ang iba para linisin ang kalat.” Inilayo ni Hoven si Mica mula sa pagakakayakap nila at hinarap sa kaniya. “Ikaw, ayos ka lang ba? May masakit ba sayo? Tinamaan kaba?” sunod-sunod na tanong ng lalaki na ikingiti ni Mica at umiling. “Ayos l
Mayroon itong oxygen sa ilong nito at maging sa may kamay na nakakonecta sa makina. Nakapikit ang malalalim na mat anito tanda ng pagkapuyat at pagod ngunit hindi parin naaalis ang kagandahan nito. Iniangat niya ang kamay upang hawakan ang kamay nito. “W-Wife?” tawag niya dito at dalawang kamay na ang hinawak niya dito’t naupo sa upuan na nasa tabi nito. “I’m sorry wife, patawarin niyo ako ng anak natin.” Naitungkod nalamang niya ang kaniyang braso sa higaan at hinalikan ang kamay nito habang nakangiti naman ang iba na nakatingin kay Aiden. *** Nagising si Sabrina nang si Aiden ang may hawak sa kaniyang kamay at lahat sila ay natuwa ng makitang maayos ng muli ang dalaga. Malaki ang pasasalamat ni Sabrina dahil maayos lang ang kalagayan ng kaniyang anak, bigla nalamang daw kasi siyang nakaramdam ng hilo na may pagkasakit ng tiyan at hindi na niya kinaya kaya hinimatay ito. Sa kalagitnaan ng kanilang pag-uusap ay bumukas ang pinto at pumasok mula doon ang daddy niya kasama si Jared,
*** Dalawang araw ang lumipas at bumalik na sa normal ang lahat. Natanggap na ng mga bata ang kanilang totoong mga magulang. Malaking pagbabago para sa mga ito ngunit agad din naman nilang tinanggap lalo na at noong una pa naman kahit na hindi nila alam na sila ay magpapamilya magaan na ang kanilang loob sa isa’t-isa. Dalawang araw narin magmula ng maiburol si Keiron patatlong araw na at iyon ang huling araw nito sa lamay dahil bukas ay ililibing na ito. Mas maraming tao ang dumalo sa huling gabi ni Mr.Devaux na siyang nakilala sa buong mundo bilang mayaman na negosyante at sa hindi kapaniwa-paniwalang kwento ng kanilang pamilya. Si Sabrina ay maayo nang muli ang pakiramdam. Noong nakaraang araw ay hindi muna siya pinapunta sa lamay ngunit noong sumunod na araw ay nakadalo na siya at hindi maiwasan ang napakaraming usap-usapan tungkol sa kanila. Hindi nila alam kung paano kumalat ang balitang hiwalay na sila ni Aiden ngunit sa nakikita nila na magkakasama ang mga ito ay taliwas sa
“NASAAN si Karina?” salubong na sabi ni Keon kay Aiden ng makabalik ito mula sa labas na alam niyang sinundan niya si France at Karina. “Umalis na, pinapasabi niya na aalis na daw siya.” Nagataka sila dahil sa sinabi ni Aiden lalo na si Sabrina ngunit si Keon ay hindi ito nagustuhan. “Ano?! Bakit mo naman siya hinayaan kuya?!” bigla nalamang tumayo si Keon at agad na tumakbo palabas. “Ba’t mo naman kasi hinayaan?” kunot noong sabi ni Sabrina sa asawa ng makalapit si Aiden dito sa kanilang inuupuan. “Wife, ano bang malay ko kay Karina? Hindi naman ako ang tatay niya.” Sinamaan ng tingin ni Sabrina ang lalaki dahil doon kaya ngumiti si Aiden at kinurot ang pisnge nito. “Ang weird ni ate France alam niyo ‘yun?” sabi ni Allistair na ikinasaangyon naman nila. “Hindi niyo manlang kami pinakilala,” sabi ni Aichan na ikinatingin nila dito. “Paano ka ipapakilala eh kita mo namang umalis agad yung babae.” Barang sabi ni Hannah sa kaibigan na ikinairap lang nito sa kaniya. “H’wag kayong mag-ala
Kasama ni parin ni Sabrina ang kaniyang mga kaibigan at ang kaniyang ama sa bahay pwera kay Hoven at Xenna. Si Hoven ay bumukod na ng bahay dahil nagsasama na sila ni Mica sa iisang bubong. Suportado naman nilang lahat ang dalawa pwera nalang kapag nag-aaway ang mga ito dahil talagang may banatan na nangyayari ngunit maya-maya ay maayos na sila. Si Xenna ay umalis kasama sina Samantha at Devon papuntang states sa magulang nito. *Flashback* “Mag-iingat ka my princess, okay?” nakangiting sabi ni Sabrina at niyakap si Samantha dahil paalis na ito kasama ni Devon. Nagsabi si Devon tatlong araw matapos ang libing ni Keiron sa kanila na aalis ang mga mag-ama upang ipakilala sa magulang ang anak. Nasampa narin niya ang kaso laban kay Angeline sa pagtapon sa anak nito at tinanggalan ito ng Karapatan sa bata. “Tita-mommy, malaki na po ako kayang kaya ko na sarili ko!” mabibong sabi ni Samantha kay Sabrina. Kahit na alam niyang hindi niya ito tunay na ina ay itinuturing niya parin ito bila
*** “Saan ba tayo pupunta?” tanong ni Sabrina kay Aiden habang nagmamaneho ito papunta sa lugar na hindi niya alam. Nasa likuran si Jared at nakatulog na kakaintay na makarating sila sa patutunguhan. Inaantok na rin kasi si Sabrina kaya nagtatanong na siya sa asawa na hawak-hawak ang kamay nito habang nagmamaneho. “It’s a surprise wife, matulog ka nalang din muna, tignan mo si Jared ang sarap ng tulog.” Napatingin siya sa rearview mirror at tulog na tulog nga ito kaya napabuntong hininga nalang siya at tumango sa lalaki. “Okay sige, basta mag-iingat ka sa pag-dadrive.” Hinigpitan ni Aiden nag pagkakahawak sa kamay ni Sabrina at sandaling tumingin dito na sumandal na sa sandalan ng upuan. “Wife, wag kang mag-alala. Kasama ko ata ang mga buhay ko kaya mag-iingat kao. Magpahinga kana dahil alam kong kanina ka pa inaantok,” napangiti si Sabrina dahil sa sinabi ni Aiden lalo na ng halikan nito ang kaniyang kamay na hawak-hawak ng lalaki. Gamit lamang ni Aiden ang kaniyang kaliwang kamay
Muling bumalik sa pagkakakapit si Jared sa kaniyang ina at sa kabilang kamay naman si Aiden at sa bewang ni Sabrina. Matapos ang ilang minutong paglalakad ay natanaw na ng mag-ama ang malaking bahay na ikinalaki ng mata ni Jared. “Wow! Bahay ba natin ‘yun daddy?! Ang ganda!” masayang sabi ni Jared. “Really anak? Gaano kaganda?” nakangiting tanong ni Sabrina ngunit agad nag senyas si Aiden na wag sabihin dito. “Secret mommy! It’s a surprise!” napasimangot si Sabrina dahil doon at sabay na natawa ang mag-ama sa naging reaction ni Sabrina. “Ang daya niyo!” kunwari ay nagtatampong sabi nito sa dalawa. “Wife, malapit na tayo wag kang mag-alala. Stop, stop muna tapos humakbang ka may stairs.” Napatigil si Sabrina dahil sa sinabi ng asawa at nagtaka siya dahil doon. “Bakit may stairs?” taka niyang tanong. Bumitaw na rin si Jared sa kamay niya ta narinig niya ang pagtakbo ng bata sa tila isang kahoy na daanan. “J-Jared mag-iingat ka anak!” alalang habilin niya sa anak. “Wag kang mag-alala w
“Sasagutin ko ang mga tanong niyo basta wag niyo lang kaming guluhin ng mag-iina ko.” sunod-sunod naman na tumango ang mga press sa kaniya kaya umayos na siya ng tayo. Hindi sila nag inaasahan niyang darating ngunit wala na siyang choice. “Sa tanong kung si Angeline ay pinagpalit ang anak namin, totoo iyon. Siya din ang may kasalanan kung bakit matagal na nawala ang ala-ala ko at pinaikot niya ako sa mga kasinungalingan niya’t nagawa pang pumatay ng walang kamuwang-muwang na matanda! Kaya kung sino ‘man ang makakapagsabi kung nasaan si Angeline ay gagantimpalaan.” Naintriga lalo ang mga press dahil sa sinabi ni Aiden at mas inilapit ang mic sa lalaki. “Sa tanong naman na kung dito na kami titira ay oo, kaya please lang. Bigyan niyo kami ng quality-time, mga tao din kami at lalaki na ang pamilya namin kaya please lang.” “H’wag kayong mag-alala Mr.Devaux, huli na ito. Gusto lang namin masagot ang mga katanungan kumakalat at nabibigyan ng maling sagot.” Tumango si Aiden dahil doon. “Ng