Kasama ni parin ni Sabrina ang kaniyang mga kaibigan at ang kaniyang ama sa bahay pwera kay Hoven at Xenna. Si Hoven ay bumukod na ng bahay dahil nagsasama na sila ni Mica sa iisang bubong. Suportado naman nilang lahat ang dalawa pwera nalang kapag nag-aaway ang mga ito dahil talagang may banatan na nangyayari ngunit maya-maya ay maayos na sila. Si Xenna ay umalis kasama sina Samantha at Devon papuntang states sa magulang nito. *Flashback* “Mag-iingat ka my princess, okay?” nakangiting sabi ni Sabrina at niyakap si Samantha dahil paalis na ito kasama ni Devon. Nagsabi si Devon tatlong araw matapos ang libing ni Keiron sa kanila na aalis ang mga mag-ama upang ipakilala sa magulang ang anak. Nasampa narin niya ang kaso laban kay Angeline sa pagtapon sa anak nito at tinanggalan ito ng Karapatan sa bata. “Tita-mommy, malaki na po ako kayang kaya ko na sarili ko!” mabibong sabi ni Samantha kay Sabrina. Kahit na alam niyang hindi niya ito tunay na ina ay itinuturing niya parin ito bila
*** “Saan ba tayo pupunta?” tanong ni Sabrina kay Aiden habang nagmamaneho ito papunta sa lugar na hindi niya alam. Nasa likuran si Jared at nakatulog na kakaintay na makarating sila sa patutunguhan. Inaantok na rin kasi si Sabrina kaya nagtatanong na siya sa asawa na hawak-hawak ang kamay nito habang nagmamaneho. “It’s a surprise wife, matulog ka nalang din muna, tignan mo si Jared ang sarap ng tulog.” Napatingin siya sa rearview mirror at tulog na tulog nga ito kaya napabuntong hininga nalang siya at tumango sa lalaki. “Okay sige, basta mag-iingat ka sa pag-dadrive.” Hinigpitan ni Aiden nag pagkakahawak sa kamay ni Sabrina at sandaling tumingin dito na sumandal na sa sandalan ng upuan. “Wife, wag kang mag-alala. Kasama ko ata ang mga buhay ko kaya mag-iingat kao. Magpahinga kana dahil alam kong kanina ka pa inaantok,” napangiti si Sabrina dahil sa sinabi ni Aiden lalo na ng halikan nito ang kaniyang kamay na hawak-hawak ng lalaki. Gamit lamang ni Aiden ang kaniyang kaliwang kamay
Muling bumalik sa pagkakakapit si Jared sa kaniyang ina at sa kabilang kamay naman si Aiden at sa bewang ni Sabrina. Matapos ang ilang minutong paglalakad ay natanaw na ng mag-ama ang malaking bahay na ikinalaki ng mata ni Jared. “Wow! Bahay ba natin ‘yun daddy?! Ang ganda!” masayang sabi ni Jared. “Really anak? Gaano kaganda?” nakangiting tanong ni Sabrina ngunit agad nag senyas si Aiden na wag sabihin dito. “Secret mommy! It’s a surprise!” napasimangot si Sabrina dahil doon at sabay na natawa ang mag-ama sa naging reaction ni Sabrina. “Ang daya niyo!” kunwari ay nagtatampong sabi nito sa dalawa. “Wife, malapit na tayo wag kang mag-alala. Stop, stop muna tapos humakbang ka may stairs.” Napatigil si Sabrina dahil sa sinabi ng asawa at nagtaka siya dahil doon. “Bakit may stairs?” taka niyang tanong. Bumitaw na rin si Jared sa kamay niya ta narinig niya ang pagtakbo ng bata sa tila isang kahoy na daanan. “J-Jared mag-iingat ka anak!” alalang habilin niya sa anak. “Wag kang mag-alala w
“Sasagutin ko ang mga tanong niyo basta wag niyo lang kaming guluhin ng mag-iina ko.” sunod-sunod naman na tumango ang mga press sa kaniya kaya umayos na siya ng tayo. Hindi sila nag inaasahan niyang darating ngunit wala na siyang choice. “Sa tanong kung si Angeline ay pinagpalit ang anak namin, totoo iyon. Siya din ang may kasalanan kung bakit matagal na nawala ang ala-ala ko at pinaikot niya ako sa mga kasinungalingan niya’t nagawa pang pumatay ng walang kamuwang-muwang na matanda! Kaya kung sino ‘man ang makakapagsabi kung nasaan si Angeline ay gagantimpalaan.” Naintriga lalo ang mga press dahil sa sinabi ni Aiden at mas inilapit ang mic sa lalaki. “Sa tanong naman na kung dito na kami titira ay oo, kaya please lang. Bigyan niyo kami ng quality-time, mga tao din kami at lalaki na ang pamilya namin kaya please lang.” “H’wag kayong mag-alala Mr.Devaux, huli na ito. Gusto lang namin masagot ang mga katanungan kumakalat at nabibigyan ng maling sagot.” Tumango si Aiden dahil doon. “Ng
“Hoy! Anong pinag-uusapan niyo?!” nakangiting sabi ni Addison at lumapit sa kambal niya at niyakap ito. “I miss you kuya,” sabi nito kay Aiden na ikinahalik ng lalaki sa noo ng kambal. “I miss you too, Addi. Kamusta ang pagbubuntis?” humiwalay ito sa pagkakayakap at sumimangot sa kaniya. “Ang tagal kamo ng asawa ko hanapin ang gusto ko.” sabi ni Addison. “Kaya nga pati kami inistorbo ng asawa mo ate Addi!” reklamong sabi ni Allard na ikinatawa ni Aiden. “Mukang kailangan ko narin maghanda diba?” napangiti sila dahil doon. “Kailangan talaga kuya! Malayo kami sayo hahahha!” sagot ni Allistair na ikinangiwi ng Aiden ngunit napatingin sa asawa kaya bigla iyong nawala. “Basta makita ko lang siyang masaya ayos na ako.” Nakangiting sabi ni Aiden. “Kailan ka mag po-propose kuya?” tanong ni Keon na ikinatingin dito ng lalaki. “This Sunday,” ngiting malaki ni Aiden dito. “Kaya wag muna kayong aalis dito, sa resort muna kayong lahat.” Dugtong pa niyang sabi. *** “Excuse me lang po muna,”
NAKAUPO si Sabrina sa ginta ng mahabang mesa sa isang pavilion sa hotel na nasa resort nila Aiden habang katabi niya rin ang lalaki na masayang nakikipag-usap sa mga kasama nila sa mesa. Nakapalibot sa kanila ang mga kakilala, friends at pamilya nila. Pawang masasaya sa muling pagka-engaged nila ni Aiden ngunit si Sabrina ay lutang at wala sa hapagkainan ang kaniyang isip.Noong makita niyang lumuhod si Aiden sa harapan niya at alukin ito ng kasal ay nagdadalawang isip siya. Napatingin siya sa sing-sing na nasa kaniyang palasingsingan, isa itong diamond na alam niyang mamahalin dahil sa kinang nito. Gusto niyang tumanggi sa lalaki ngunit pinapanalangin niya ang sandalling iyon, ang mag-propose ulit sa kaniya si Aiden sa unang pagkakataon na mahal na nila ang isa’t-isa ngunit hindi naman niya akalain na sasabay ito kung kalian kailangan niyang umalis at pangalagaan ang organization nila.Nakita niya na mayroong humawak sa kamay niya at pagkatingin niya sa taong iyon ay si Aiden pala it
NGAYON na ang araw na pinakanghihintay ni Sabrina. Ang araw kung kalian niya iiwan ang pamilya niya para isa-alang-alang ang kanilang organization. Nag-request siya kay Aiden na pumunta sila sa palawan upang magbakasyon ngunit ang totoo ay nag book siya ng ibang flight papunta sa Japan. Nasabihan na niya sila Karina kagabi na mauuna na siyang pumunta sa Japan at ang mga ito ay isasakay niya sa isang private plain na nakahanda para sa mga ito. Habang papalapit sila ng papalapit sa airport ay nanlalamig na ang kamay niya. Hindi nila sinama si Jared dahil nag request din siya dito na sila lang sanang dalawa pero ang totoo ay ayaw niya lang makita ng anak ang pagkawala niya sa airport. Naisip niya na pabilhin ito ng pagkain at isasakto niya s abording ng kaniyang flight at iiwan ito ng mag-isa doon. Lahat na ng lakas ng loob na mayroon siya ay inilabas na niya upang magawa ang plano na iyon. Alam niya na mag-aalala ang lahat sa pag-alis niya kaya nag-iwan na siya ng sulat sa mga ito at
“KAILANGAN mong maniwala Karina dahil ito ang katotohanan!” sigaw na sabi ni Sabrina kay Karina na hindi makatingin sa kaniya dahil kakaiyak at umiiling na umaatras sa kinatatayuan nila. “H-Hindi totoo ‘yan Sabrina, nagsisinungaling ka lang!” naguguluhan na sabi ni Karina dahil hindi niya matanggap ang katotohanan. Agad na lumapit si Sabrina kay Karina at hinawakan ito sa magkabila niyang balikat. “Makinig ka saakin Karina, gusto ko na bumalik sa ayos ang buhay mo. Tanggapin mo ang katotohanan at babalik sa ayos ang lahat maging ang organization! S-Si Papang! Si Papang siya ang magpapatunay!” mas lalong umiyak si Karina dahil sa sinabing iyon ni Sabrina at sabay silang napatingin sa pinto ng mayroong tumawag kay Karina. “A-Apo,” napabitaw si Sabrina sa pagkakahawak niya kay Karina lalo na ng maglakad ito papunta sa papang nilang si Nestor. “T-Totoo ba ang sinabi ni Sabrina papang?” hindi nakasagot si Nestor dahil sa tanong ni Karina at napayuko. “Totoo ba iyon papang?!” muling sigaw