Paalala na ang part na ito ay ang siyang Ending ng MIRACLE TWINS ko na story kung kaya't puro gulo at lungkot ang nangyayari na siyang tunay na side story nila ng mamatay si Keiron Kent Devaux. Paalala ulit na sa June 28 ang ending ng story ni Aiden at Sabrina. Marami pang araw kaya wag kayong panghinaan ng loob kung puro iyak kayo ngayon dahil maganda ang plano ko para sa inyo, at para sa love story nila. Salamat sa suporta Kimmie's!
*** “Mommy!” Nakangiting sinalubong ni Sabrina ang anak na si Samantha ng makauwi siya sa kanilang bahay kasama si Aiden. Napatayo naman agad mula sa pagkakaupo si Jonathan ag Hoven ng makita si Aiden sa likuran ni Sabrina. “Mommy I miss you po!” Hindi nakasagot agad si Sabrina sa sinabi ng anak dahil maging siya ay miss na miss na ang anak. Kung magagawa nga lang niya na pabilisin ang oras ay ginawa na niya lalo na ng mga panahon na inaasikaso pa niya ang organization. Humiwalay siya sa pagkakayakap sa anak at tinignan ito mula ulo hanggang paa. “A-Ayos ka lang ba anak? May masakit ba sayo? Naging good girl kaba?” alala niyang tanong dito. “Mommy yes po! Kahit tanungin mo pa sila ate Xenna, super bait ko po lalo na miss na miss napo kita. Ayaw ko na pag-uwi mo ay pagalitan ako kaya mabait po ako.” Dahil sa sinabi ng anak ay napatingin siya sa likuran nito at ay nagkita niya ang mga kaibigan at ama. Napatayo siya dahil doon habang si Samantha naman ay napatingin sa likod ay nanlak
*** “N-No! We want to see our grandfather! No!” Iyak ng iyak si Samantha at Jared habang inilalabas silang dalawa ni Mica at Hoven. Kanina pa nila nakausap si Keiron at ang sabi nito ay gusto nalang muna nitong magpahinga kung kaya’t naalarma sila dahil doon. “Mica kayo na munang bahala sa mga bata please,” pakiusap ni Sabrina sa dalawa na ikinatango naman ng mga ito. “No! No mommy! Hayaan niyo kami sa tabi ni lolo! Mommy!” hindi matignan ng deretsyo ni Sabrina ang dalawang bata habang papaalis sila sa floor na iyon. Sakto na pagbukas ng elevator ay lumabas doon ang kaniyang ama na tinanguan niya. Nakapag-usap na sila kagabi at napagusapan nila na wag ipakita sa mga bata ang pagkawala nito at mananatili muna sa labas. Dumating si Mica kagabi sa kaniyang bahay at doon ay nalaman niya na nagkakausap pala sila ni Hoven noon pa, alam ni Mica na kasama siya ni Hoven ngunit hindi niya sinasabi sa mga Devaux kung kaya’t nagmistulang invisible din siya sa nakalipas na taon. Kung paano nag
*** “Nasaan si Sabrina?!” Napatigil sa pag-iyak si Addison ng makita si Angeline sa labas ng kwarto ng kaniyang ama. Kakadeklara palang na tuluyan nang nawala ang kanilang ama na si Keiron kung kaya’t hindi niya kinaya at naisipan niyang lumabas. “A-Anong ginagawa mo dito Angeline?” mayroong binuksan si Angeline na isang folder at ibinigay kay Addison ang isang papel. “Ito ang patunay na ang batang si Samantha ay hindi tunay na anak ni Sabrina at Aiden.” Nakangisi nitong sabi na ikinakunot ng noo ni Addison at agad na binasa ang laman niyon. Isa itong DNA at ang nakalagay ay negative. Napatingin siya kay Angeline at mas ngumisi ito dito. “See? Iyan ang patunay na niloloko lang kayo ni Sabrina.” “Anong nangyayari dito?” Sabay silang napatingin sa pinto ng kwarto at nagsilabasan sila sa loob niyon. Kasama ni Sabrina si Aiden na kaiiyak lang, ang kambal, si Keon at ang asawa ni Addison na siyang nagsalita kung anong nangyayari. “Bakit ka nandito Angeline?” deretsyong tanong ni
Iniabot ni Angeline ang papel na hawak niya at kinuha naman iyon ni Aiden at binasa. Bigla siyang pinanghinaan dahil sa nabasang iyon at napatingin kay Angeline na nagtaas noo ng makitang nakatingin si Aiden. Si Sabrina naman ay buong loob na tumayo mag-isa na inalalayan ng asawa ni Addison. “Tanungin mo siya para makasigurado ka kung nagsisinungaling ang DNA Aiden,” walang takot na sabi ni Angeline sa lalaki. Lumingon siya kay Sabrina at nakita niya itong nakatingin sa kaniya at handa ng umiyak. “N-Nagsisinungaling lang ‘yan!” sigaw ni Allard na ikinatingin ng masama ni Angeline dito. “Tumahimik ka bata! Wala kang alam sa mga nangyayari!” ganting sigaw ni Angeline kasabay ng paghakbang ni Aiden papunta sa kaniyang asawa. “T-Totoo ba w-wife?” tinitigan ni Sabrina nag kaniyang asawa sa mata nito at hindi na niya napigilan ang luha sa pagtulo mula sa kaniyang mga mata. “A-Aiden let me explain,” hahawakan sana ni Sabrina ang asawa ng umatras ito kaya natigilan siya at parang dinurog
NANLAKI ang mata ni Karina ng makita niya nag lalaking tumayo sa likuran ni Sabrina at alam niya na mayroong kakaibang nangyayari kung kaya’t agad siyang yumuko at nagtago sa isang kotse. Nakiramdam siya sa paligid at maya-maya ay mayroon siyang narinig na mga hakbang paalis at kasabay niyon ang isang impit na pagpupumiglas. Mas naging alerto si Karina dahil doon at ramdam niya na mayroon pang apat na aura ang naroroon bukod sa kanila ni Sabrina kung kaya’t hindi siya nagdalawang isip na sumunod sa pupuntahan ni Sabrina. Tumakbo siya ng tahimik papalapit sa kotse papunta sa kinalagyan ni Sabrina at pasilip niya ay nakita niyang sapilitang itong sinakay sa isang van na kulay itim. Hindi siya nagdalawang isip na mas lumapit sa van na sinakyan ni Sabrina at mayroong inilabas na maliit na tracking device na palagi niyang dala para sa mga emergency katulad niyon. Sumilip siya sa pintuan ng van at wala ng tao sa labas kung kaya dali-dali siyang tumakbo papunta sa kabilang kotse upang hin
“H’wag po kayong mag-alala, narito ang aking cellphone tawagan niyo ang 911 kapag may ginawa akong masama sa inyo.” Inilapag niya ang cellphone at inilagay ito sa emergency call kaya nakampante naman ang babae dahil doon. Tumingin siya kay Devon ng seryoso. “Hapon ng mayroong nag-offer saamin ng trabaho na kumuha ng bata at pagkatapos ay magkakaroon kami ng malaking halaga. Dahil walang wala kami ng panahon na iyon ay pinatos naming magkakaibigan ngunit hindi ko akalain na iyon ang maghahantong saamin sa kamatayan.” Naiiyak na sabi ng babae at hinagod ng asawa ang likuran. “Pasensya ka na hiji, may trauma na ang asawa ko dahil doon. Maging ako ay natatakot kaya hindi namin alam kung bakit pinapasok ka namin. Siguro marahil ay ramdam namin na mabait kang tao.” Sabi ng asawa ni Janice sa kaniya. “Ayos lang po ‘yun. Nabanggit niyo na kumuha kayo ng bata, sanggol ho bai to?” napatingin si Janice sa kaniya at tumango. “Tama ka hijo. Sanggol na kapapanganak palamang, hirap na hirap ang na
*** “Samantha anak!” tawag ni Sabrina sa kaniyang anak ng makapasok siya sa loob ng Van. Nakita niya ito na nakaupo sa isang sulok at ng makita siya ay agad itong lumapit sa kaniya at niyakap siya. “M-Mommy!” niyakap din ito ng mahigpit ni Sabrina at tinulak sila papasok pa sa loob upang makaupo na sila ng maayos. “Shh… Magiging ayos din ang lahat,” bulong na sabi ni Sabrina nang makaupo sila sa sa pinkang gilid ng van. Nanginginig si Samantha at alam niyang takot na takot ito lalo na at alam niya din na masama ang loob nito sa kaniya dahil sa nalaman nito. Napatingin siya sa unahan ng umandar na ang sasakyan at nakita niya si Leo na nasa tabi ng driver at ang isa namang lalaki ay katabi niya. “Saan niyo kami dadalhin?!” sigaw na sabi niya sa mga ito na ikinalingon ni Leo sa kaniya. “Sa lugar na hindi mo alam,” nainis naman siya sa sinabi nito ngunit hindi na niya ito pinatulan dahil kasama niya si Samantha baka kung anong gawin ng mga ito sa kanila. “Patahimikin mo ‘yang anak mob
Iniabot ni Addison ang kamay niya upang mag shake hands sila kaya buong loob niyang tinanggap iyon. “Ako si Karina, kaibigan ako ni Sabrina. Apo ako ni mamang,” nagkaroon ng gulat na expression si Mica at Addison dahil doon. Naalala nila si mamang, na banggit ito ni Sabrina noon at naalala nilang namatay ito. “Apo ka ni mamang? Bakit wala ka noon sa bahay na tinutuluyan ni Sabby?” takang tanong ni Mica na ikinatingin ni Karina dito. “May mga bagay na itinago namin sa kaniya noon.” Maiski lang nitong sagot na ikinatango ni Mica. Ramdam ni Mica ang lakas ni Karina at alam niya na marami itong sekretong tinatago dahil sa tipid nitong sumagot. “Nakita mo ba ang plaka ng van na pinaglagyan kay Samantha at ate Sabby?” tanong nalamang ni Addison kay Karina. “Walang plaka ng van eh,” napabagsak ang balikat nila dahil doon. “Okay, sige ganito nalang. Twins, tignan niyo ang lahat ng CCTV dito at hanapin kung saan nagpunta ang sasakyan—” hindi natapos ni Addison ang kaniyang sasabihin ng magsa