Gusto ko ulit sabihin na ongoing ang isa kong story! Yun lang thank you Kimmie's! Love lots!
WALANG ganang pumasok si Sabrina sa kaniyang trabho at maging ang kaniyang mga empleyado ay hindi niya mabati ng magandang umaga dahil sa malungkot na balitang natanggap niya kagabi. Maaga siyang umalis sa bahay at hindi na ginising si Samantha dahil alam niya na tatanungin siya nito sa kalungkutan niya kaya hindi na siya nag-abala pa. Pagkarating niya sa trabaho ay isinubsob niya ang sarili sa mga papeles upang makalimutan niya ang sinabi ng kaniyang ama. Mahigpit na bilin nito na sa oras na magkita sila ni Aiden ay sabihin na nito ang tungkol sa divorce papers at h’wag ng makikipagkita sa kaniya kaya ganoon nalamang ang mood niya hanggang sa magtanghali. “Madame, ayos lang ho ba kayo?” napatingin siya kay Olivia ng magtanong ito na hindi niya alam na nandodoon pala kung kaya’t agad siyang umiling dito. “No, I’m fine. Thank you.” Nakangiti niyang sabi at muling bumalik sa pagtatrabaho. “Hindi pa ho kayo nag tatanghalian,” napatigil siya sandali dahil doon at muling umiling sa baba
MAAGANG umuwi si Sabrina sa kanila dahil pakiramdam niya ay magkakasakit siya sa tuwing maaalala niya ang nangyaring pag-uusap nila ni Aiden. Tawag ito ng tawag matapos nilang mag-usap kaya napilitan siyang patayin ang kaniyang telepono at nag focus nalang sa kaniyang trabaho. Ngunit kahit ganoon ay hindi siya makapag-focus ng maayos dahil sa sakit na nararamdaman. “Mommy!” nakita niya ang anak na tumatakbo papunta sa gawi niya kaya automatic na napangiti siya dahil doon. Kahit pala na nasasaktan siya at nahihirapan ay mayroon parin siyang dahilan para ngumiti. “Hello my princess,” niyakap niya ito ng mahigpit at lumuhod pa upang makapantay ang bata. “I miss you mommy!” hinagod niya ang likod ng bata dahil doon. Alam niyang matagal silang hindi nagkausap. “I’m so sorry Sabrina if wala ako, masyado lang akong naging busy at alam mo bang miss na miss din kita.” Humiwalay ito mula sa kanilang pagkakayakap at umiling sa kaniya. “No, it’s okay mommy. Naiintindihan ko naman po na busy kay
Pagdating nila sa simbahan ay nagsisimula na ang misa para sa paglibing kay manang kung kaya’t naupo silang lahat sa pinakang dulo at kitang-kita ni Sabrina ang pamilya Devaux na nasa unahan kasama si Jared at Angeline. Nakasoot siya ng sunglasses na itim habang nagpalit na rin siya ng damit into white dress at lahat sila ay pawang mga naka putting damit. Katabi niya ang anak na nagtataka kanina kung sino si manang mabuti nalang at na explain na ni Xenna ang tungkol sa matanda. Pigil na pigil si Sabrina sa pag-iyak habang sila ay nakikinig sa misa ng pare dahil ayaw niya na ipakita sa matanda na malungkot siya sa pagkawala nito. Ang kaso ay hindi na niya alam kung hanggang kalian niya ito pipigilin. Nang matapos ang misa ay nagbigay ng message si Aiden sa harapan ng marami para sa pag alala sa mga kabutihang nagawa nito. Medyo maraming tao ang nakiramay sa matanda lalo na sa pamilya ng mga kasama niya sa pagkakatulong na sina Alyssa, Danna at Thea. Ang kanilang mga iyak din ang nang
ARAW nang kasal ni Addison ay siya ang itinalagang maid of honor ng babae kung kaya’t nasa iisang kwarto sila kung saan doon ay inaayusan ito at magbibihis upang sa naturang kasal. Napatayo si Sabrina ng makita niyang bumukas na ang pinto ng banyo kung saan pumasok si Addison upang magbihin sa gown nitong pangkasal. Napangiti siya kasabay ng pagtulo ng kaniyang mga luha ng makita niya si Addison soot ang wedding gown nito. “You looked so gorgeous.” Nakangiti niyang sabi na ikinangiti din ni Addison. “Ate Sabby wag kang umiyak, baka maiyak din ako.” Natawa siya dahil doon at pinalapit niya ang babae sa kinalalagyan niya. “Bagay na bagay sayo ang damit mo Addi,” tumingin sila sa malaking salamat at kitang-kita nila ang kanilang reflections. Nakasoot si Sabrina ng isang pink na pang abay na damit na at backless ito habang si Addison naman ay nakasoot naman ng isang malaking wedding gown at mayroon itong maliit na korona sa ulo at nasalikuran niya ang kaniyang vail na mamaya lang ay iba
NAGISING si Sabrina ng maramdaman niyang mayroong gumagalaw sa kaniyang tabi at pagkadilat ng kaniyang mga mata ay bumungad agad sa kaniya ang gwapong muka ni Aiden. Biglang nag flashback sa kaniya ang lahat ng nangyari sa kaniya ilang oras lamang ang lumipas ay hindi siya nagsisisi doon. Ginusto niya ang nangyari at kung mabuo ‘man ang kanilang ginawa ay mas matutuwa pa siya. Iniangat niya nag kaniyang kamay papunta sa muka nito kung saan siya ay nabibighani sa mga pilik mata nito na mahahaba at ang matangos nitong ilong. Idinampi niya pababa ang kaniyang kamay simula sa noo papuntang pinakang tungki ng ilong nito. Biglang gumalaw si Aiden dahil doon, marahil ay nakakaramdam ito ng kiliti kung kaya napangiti siya. Ang tanawin na iyon ang hindi niya gugustuhin na masira at mawala sa kaniya. Hindi niya akalain na ganoon kalaki ang epekto na nagawa niya sa binate, naalala niya noon na siya ang nasasaktan dahil dikit sila halos ni Angeline ngunit ngayon ay mahal na siya nito. Totoo na
“ANONG nangyayari?!” napatingin sa kaniya ang mga tao sa loob ng tent ng ihatid siya doon ng isang lalaki na kasali sa kanilang organization. Nang makarating siya sa kanilang kampo ay nakita niya na wala na ang napakaraming tent at tanging iisang tent nalamang ang naroroo. Upang mapabilis na din ang pagpunta niya sa Quezon ay agad siyang nagtawag ng helicopter na ang walong oras na byahe ay naging bente minutos nalamang. “Sabrina! Mabuti at andito kana,” tumayo si Karina maging si Nestor at Brian na seryosong nakaharap sa computer na naroroon. Kakunti lamang ang tao sa loob kabilang ang anak ni Karina ay andoon sa isang sulok nakaupo. “You have to see this,” agad na lumapit si Karina sa kinalalagyan ng mga ito at nagulat ng makita ang nasa screen. “Ano ‘yan?” gulat niayng tanong. “They are all enemy.” Sagot ni Brian sa kaniya. Nakita niya na napakaraming dot na pula ang nakatipon sa hilagang parte ng kanilang kagubatan na ikinalalagyan. “Kaya kailangan na nating agad umalis dahil ku
MABILIS na nakarating si Sabrina sa ospital dahil hindi katulad noon na malayo ang kanilang kampo, ngayon ay medyo malapit na sa kabiyasnan ang kaso ay nasa pinakang gitna parin ito ng gubat. Kinakailangan na kabisado mo ang lugar upang makapunta ka sa may sakayan papuntang maynila. Sinabi sa kaniya ni Keon kung saan ang ospital na pinaglalagyan ni Keiron kaya hindi na mahirap sa kaniya na hanapin ito. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon sakto na pagpasok niya sa ospital ay bigla siyang nakaramdam ng kakaiba sa kaniyang pang amoy. Napatakip siya ng kaniyang ilong at feeling niya ay nahihilo siya dahil sa amoy na ito. “Ma’am ayos lang ho ba kayo?” napatingin siya sa kaniyang gilid at nakita niya ang isang lady guard na mukang napansin ang kaniyang paghinto sa gitna ng daan. Agad siyang umiling dito na tila mas nagpalala sa kaniyang sitwasyon. “N-Nahihilo ako,” nagdodoble na ang babaeng gwardya sa kaniyang paningin hanggang sa hindi na niya kinaya at hinimatay na. Mabuti nalamang
Napaangat ng tingin si Sabrina at doon ay nakita niya ang asawa na hindi makapaniwala na nakatingin sa kaniya. “A-Aiden,” nang marinig ni Aiden ang boses ng babae doon niya nasigurado na totoo ang kaniyang nakikita. Dahan-dahan naman na tumayo si Sabrina at hahakbang na sana papalapit sa lalaki ngunit mabilis na hinakbang ni Aiden ang kanilang agwat at niyakap siya ng mahigpit. Hindi niya inaasahan ang pagtakbo ni Aiden kung kaya’t ang pinakang alam niyang gawin ay yakapin ito pabalik. Hindi siya makapagsalita hanggang sa maramdaman niyang yumuyugyog na ang balikat nito tanda ng pagiyak. Umatras ang luha niya dahil doon, naalala niyang sinabi ng doctor kanina na alam na ng magkakapatid ang tungkol sa kalagayan ni Keiron kaya malamang na dahilan kung bakit wala sila ay nagpahangin ang mga ito sandali. “S-Si daddy…” hindi matapos tapos ni Aiden ang kaniyang sasabihin na ikinahagod niya sa likod nito. “Shhh… I know, wala tayong magagawa. Iyon ang gusto ni dad.” Mas lalong hinigpitan n