Hindi niya nagawang makasagot sa sinabi ng lalaki, hindi niya alam kung totoo bai yon o gawa-gawa lang nito ngunit ayon dito ay nirerespeto niyang hindi siya naniniwala basta ay ipapakita na lamang daw nito. Matapos nilang panoorin ng sabay ang sunset ay nagpasya na silang kumain sa isang restaurant at umuwi na din dahil aabutin na sila ng anong oras sa byahe. Hinatid siya ni Aiden sa kaniyang bahay na itinuro niya ang daan dito, hindi na pwede sa kaniyang opisina dahil gabi na, pasado alas dyes na ng gabi. Ipapakuha nalang niya nag kotse niya bukas. “Salamat sa paghatid Aiden.” Ngumiti ito sa kaniya at tumango. Isinara na niya ang pinto at tinanaw iyong umalis sa kaniyang pananaw. “Sabi ko na nga ba at may kakaiba sayo dahil ayos na kayo ng asawa mo.” Nagulat siya sa nagsalita at paglingon niya ay nakita niya doon si Hannah. Napabuntong hininga siya dahil doon. “I can explain.” Huling nasabi niya sa dalaga. “Nasisiraan kana Sabrina! Alam mong may mga bagay na hindi dapat malaman ng
“Tara na son,” sabi niya dito at naglakad na sila palabas. Kita niya sa kaniyang paningin na nakatayo lamang si Angeline na nakatanaw sa kanila. Panalangin niya na sana ay hindi nito maisipan na pumunta sa mall dahil mabubuking sila. Mabilis lang ang naging byahe nila at pagkarating sa mall ay hinanap agad si Sabrina ayon sa sinabi nitong tagpuan. Mula sa malayo ay nakita niya ang isang matangkad na babae habang nakasoot ng red na fitted dress habang nakabun ang buhok nito sa likuran, hawak-hawak nito ang isang batang babae nan aka red dress din ngunit hindi siya fitted at pareho silang naka bun ang buhok sa likuran. “Sabrina.” Tawag niya dito na ikinalingon ng dalawa dito. Napangiti si Sabrina ng makita siya ngunit ng makita si Jared ay natigilan ito. “Siya nga pala ang anak ko, si Jared.” Pakilala niya dito at agad na tumakbo ang batang lalaki kay Sabrina’t niyakap siya sa binti dahil iyon lang ang inabot nito. Kita niyang lumuhod si Sabrina upang makapantay niya ito. “Hello po!
MASAYANG nanonood si Sabrina sa kaniyang mag-ama at kay Jared na naglalaro ng basketball sa Tom’s World, marami kasing binili ang lalaki na mga token para makapaglaro ang mga ito sa lahat ng machines na andodoon. Hindi niya maiwasan na pagmasdan ang magandang tanawin dahil kitang-kita niya ang nakangiting muka ng lalaki, mas gusto niya talaga kapag nakangiti ito. Napalingon ito sa kaniya at nahuli siyang nakatingin dito. “Wife! Halika sumali ka saamin,” tawag sa kaniya nito ngunit tumango lang siya at hindi lumapit. “Nag-enjoy ba kayo kids?” rinig niyang tanong ni Aiden. Feeling niya habang tumatagal ay gumagwapo ito lalo sa kaniyang paningin lalo na ngayon na nakikita niya kung paano ito maging ama sa bata. “Sobrang enjoy daddy! We should do this every Sunday!” sabi ni Jared na ikinawala ng kaniyang ngiti. “Tama si kuya, daddy! Sigurado akong papayag si mommy!” sabay sabay na napatingin ang tatlo sa kaniya. Alam niya na gumawa lang ng paraan ang asawa para makasama niya si Jared ng w
“I’m sorry wife, this should be a prefect day for us.” Natigilan siya sandali sa sinabi nito at umiling sa lalaki pagkatapos ay ipinatong pa niya ang isang kamay dito. “It’s okay Aiden, walang perfect na gala o tao kaya naiintindihan ko. Lalo na ngayon na mainit ang tingin satin ng social media. Siguradong issue nanaman ito,” malungkot niya na sabi na ikinalingon nito sa kaniya sandal lamang dahil ito ay nagmamaneho. “Hayaan mo siya, mas mabuti nga iyon para malaman nil ana ayos tayong pamilya hindi iyon puro si Angeline nalang.” Natigilan siya sa sinabi nito at napatitig. Hindi niya inaasahan na lalabas mismo sa bibig nito ang salitang iyon. “Why?” napakangiting tanong ni Aiden ng mahuli niyang nakatingin siya dito. Agad siyang umiling sa binate at umiwas nalamang ng tingin pagkatapos ay binitawan ang kamay nito, ayaw niyang umasa ngunit ang mga sinasabi at ikinikiloa ni Aiden ay iba na ang dating sa kaniya. “Akin lang ang kamay mo,” muli siyang napatingin dito ng habulin nito ang k
“Jared come here,” tawag niya sa bata. Napangiti ito sa kaniya at agad na pumunta sa kaniyang tabi ay hinawakan ang kamay niya. Magkakasabay sila ni Aiden na naglakad papasok sa loob dahil nas alikuran nila si Allistair at Samantha. Pagkapasok nila sa loob ay napatingin sa kanila ang kabababa palang ng hagdan na si Allard. Nanglaki ang mata nito ng makita siya. “Ate Sabby?! Ate Sabby!” tumakbo ito palapit sa kaniya at bumitaw naman siya sa kamay ng mag-ama at inantay si Allard na mayakap siya. Nang makarating sa kinalalagyan niya ay agad siya nitong niyakap ng mahigpit. “Ate Sabby! Na miss kita sobra! Ba’t ang tagal mong nawala?!” kusa itong humiwalay sa yakapan nila at tinignan siya sa muka. “Ang laki talaga ng pinagbago mo ate! Lalo kang gumada, at naging successful!” masayang sabi nito na lalo niyang ikinangiti. “Salamat Allard, na miss ko ‘rin kayong lahat. At ang pag-alis ko ang nagsilbing gabay saakin patungo sa mas maayos na buhay.” Lumapit sa kaniya si Aiden at hinawakan ang
“Sabrina,” napatingin siya kay Keiron ng tawagin siya nito at napangiti dahil doon. “Hello dad, long time no see.” Lumapit siya sa matanda at niyakap ito. Naramdaman niyang tila totoo na talagang bumalik na siya sa Pilipinas matapos ang limang taon. Ang mmatanda nag nagsilbing pangalawa niyang ama ng hindi pa niya nakikita ang ama kung kaya’t natutuwa siya ng lubusan na makita ito after five years. “I’m sorry hija,” napahiwalay siya sa pagkakayakap dito dahil sa sinabi ng matanda at nagtatakang napatingin dito. “Wag po kayong mag-sorry, wala ho kayong kasalanan.” Umiling ito sa kaniya dahil doon. “Malaki ang kasalanan ko sa pamilya niyo, lalo na sa daddy mo.” Natigilan siya dahil sa sinabi nito at bumalik sa ala-ala niya ang sinabi ng kaniyang ama. Mag fa-file tayo ng divorce papers. Kabilin-bilinan iyon ng kaniyang ama ngunit ngumiti nalang siya at iniba nag usapan. “Kasama po namin si Samantha,” tumingin siya sa likod at agad naman na naglakad papunta si Allard sa kanila at ibiniga
“S-Saan ka pupunta?” napakunot ang noo niya dito dahil doon. “Sa ospital malamang.” Inis niyang sabi. “S-Sasama ako,” hindi na niya sinagot ang dalaga at hinayaan ito sa gusto niya. Nang makarating sila sa ospital ay nasa morgue na ang matanda at ayon sa mga ito ay maya-maya lang maaari na itong makita at ma-iburol. “N-Nakakaawa naman si manang, masyado pa siyang bata.” Rinig niyang sabi ni Angeline ngunit hindi niya ito sinagot. Nalulungkot siya para sa pagkawala ng matanda ngunit mas sigurado siya na hindi ito basta-basta nagpakamatay dahil lang sa problema. Naalala pa niyang nagsabi ito na excited siyang makita si Sabrina matapos ang mahabang panahon kaya malaking katanungan sa kaniya kung bakit ito namatay. “Kasama mo si Sabrina at ang anak niya sa mall?!” napatingin siya kay Angeline ng bigla itong sumigaw. “Anong sinasabi mo jan? Tiyaka pwede ba manahimik ka nasa ospital tayo,” sagot niya dito na lalong ikinasama ng tingin sa kaniya ng dalaga. “Ayun oh!” mayroong itong itinuro
“MAY problema ba wife? Bakit ka namumutla?” Gulat na napatingin si Sabrina sa kaniya ng tanungin niya ito at napakunot lalo ang kaniyang noo dahil doon. “W-Wala, pero yung kaibigan ko meron.” Naglakad ito palapit sa kaniya. “Kailangan ko siyang puntahan, pwede bang ikaw nalang muna ang bahala sa mga bata? Uuwi din ako kaagad kapag nakausap ko na siya.” Napaupo siya dahil sa sinabi nito at ang dalawang bat ana naghihintay sa kaniya ay napatingin din. “Aalis ka mommy?” napatingin siya kay Samantha dahil sa tanong nito at naupo sa kaniyang tabi. “Anak, kailangan umalis ni mommy dahil kailangan ako ng aking kaibigan. Siguro kapag kumalma na siya tyaka ako uuwi, dito ka muna kay daddy, okay? Babalik din ako agad.” Hinalikan nito ang bata sa pisnge at tumingin sa kaniya. “Importante ba talaga ‘yan?” kunot noo niyang tanong dito na ikinatango ng dalaga. Tinitigan niya ito ng maigi at sinigurado kung totoo bang nagsasabi ito. Ngunit kanina palang ng pumasok ito sa kwarto ay halata na niya na