Samantala...Sa isa sa mga hallway ng gusali ng kumpanya, nakasandal si Owen Escobar, isang empleyado ng Astranexis, sa glass wall habang may kausap sa telepono.Nasa babang palapag lang ito kaya kitang-kita niya na ang dalawang bulto na magkayakapan sa harap ng gusali. Hindi na siya nagulat na kilala niya ang lalaki. Siguro ay isa na naman ito sa mga babae ni Casper, ang kanilang presidente. Pero agad din niyang inalis ang tingin niya rito dahil nasagot na ang tawag niya kay Wendy.Napangiti si Owen at siya na ang unang nagsalita. "Good morning, Wendilyn. Anong oras ka makakarating sa kumpanya?"Mariin at mabigat ang sinabi ni Wendy sa kabilang linya kaya biglang nagbago ang ekspresyon ni Owen. Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito.Pagbalik niya sa kanyang pwesto, napansin ng mga kasamahan niya na parang hindi maganda ang timpla ng kaniyang mukha."Owen, anong nangyari sa’yo? Masama ba ang pakiramdam mo?""May sakit ka ba, pare? Punta ka kaya muna sa clinic, namumutla ‘yang mukha
Tahimik lang na pinagmasdan ni Trixie ang pangyayari. Alam niyang mahalaga ang mga may talento sa kumpanya. Tiningnan niya si Casper, pero umiling lang ito sa kaniya. “Don't worry, I wilh handle this." “But—" “Hush. Owen is just being emotional right now. Saka na lang kita ito-tour sa kumpanya, ayusin ko lang ‘to." Gusto ni Trixie na may gawin siya para mapigilan ang empleyadong iyon. Kahit walang magsbi, alam niyang may kakayahan si Owen kaya naman sayang kung mawawala ang talento ng gaya niya dito sa kumpanya. Ngunit lingid sa kaalaman ng nakararami, una pa lang nilang pagkikita ni Wendy, napansin na ni Casper na may espesyal na damdamin si Owen para sa babae. Kaya ganoon na lamang ang pag-suporta at pagtrato niya dito. Hindi pinakialaman ni Casper dahil pribadong buhay na iyon ni Owen. Pero ngayon, masyado nang naging emosyonal si Owen dahil kay Wendy. At nagawa nitong agad husgahan ang pagdating ni Trixie nang hindi man lang inaalam ang buong katotohanan. Ang pangu
Hindi kaagad nakakilos si Yuan. Saka lang siya natauhan nang tumalim na ang tingin ni Sebastian sa kaniya. "Ah… Opo." Agad niyang pinadalahan ng mensahe si Nathalia na nasa sunod na palapag, naalarmang nag-reply naman sa kaniya si Nathalia. [Ipaulit? Masyado daw po bang matamis? Mali ba ang timpla? Pero sinunod ko naman po ang eksaktong proseso na itinuro ni Ate Trixie. Hindi kaya nagkamali ako ng sukat ng asukal…] [I don't know! Just do it fast kung gusto mo pang magtagal diyan sa trabaho mo.] Walang nagawa si Nathalia kundi magtimpla muli. Ngunit marahil dahil sa kaba, lalo lang lumala ang sitwasyon. Dahil sa pangalawang pagkakataon, hindi na nagawang tikman ni Sebastian ang kape dahil amoy pa lang nito ay alam na ng lalaking mali na naman ang timpla. Muli niyang ibinaba ang tasa at sinamaan ng tingin si Yuan. "What is this? Do you want me to fire you both?" "I'm really sorry, Sir. Baka po masyadong kinakabahan si Secretary Ocampo kaya hindi niya na-kontrol ang temperatura
Pagdating nina Sebastian sa VIP room, naroon na sina Wendy at Xyza.Agad na nagtanong si Wendy sa mga bagong dating nang makita niya ang reaksiyon ng mga ito."What's funny?"Natatawang sumagot si Ysabel, "Wala naman, girl. May nakita lang kami kaninang isang taong kawili-wili.""Care to share?” untag pa ni Wendy."That's nothing important. Let's just eat.” pinal na wika ni Sebastian.Nanahimik naman ang lahat at sinimulan na ang pagkain matapos ang sinabing iyon ng lalaki.Matapos ang hapunan, umuwi na sina Sebastian at Xyza.Kakahinto pa lang ng sasakyan, mabilis nang bumaba, at masiglang tumakbo paakyat si Xyza."Mommy! Mommy~!" sigaw niya.Narinig ni Nana Sela ang ingay at agad na lumabas mula sa kusina."Wala pa ang mommy mo, Xyza.""Po?" Napahinto ang bata, at kita sa mukha nito ang hindi maitatagong panghihinayang. "Nana, bakit po parang palagi na lang busy si Mommy? Is she that busy po ba sa work? I miss her na kasi…"Ngunit wala siyang nakuhang konkretong sagot sa matanda is
Nagdaan ang buong weekend na hindi man lang nag-mensahe o tumawag si Xyza kay Trixie. Mukhang sobrang nag-enjoy talaga ito kasama sina Wendy at ang iba pa.Pagsapit ng Lunes, pumasok si Trixie sa Astranexis gaya ng nakagawian. Nag-aayos na siya ngayon dahil malapit na siyang magclock-out nang biglang tumawag si Racey.[Come out of your cave, libre kita ng dinner.]“Hello rin, Miss Racey. Wala man lang talagang ‘Hi’ o ‘Hello’ ‘no?” nang-aalaska niyang bungad dito.[Para saan pa? You're so uptight talaga, Trix!]“Whatever. Ano bang meron? Bakit bigla kang nag-aya? No boys for tonight?" “Malamang! Aayain ba kita kung meron namang papasok sa akin ngayong gabi? Hell no! Hindi pa ako ready sa threesome.”"Shit! Your pervert mouth, Racey! Pinapaandar mo na naman!” namumula na si Trixie dahil sa makamundong sinasabi nito sa kabilang linya. [Eh kasi totoo naman! It's your fault, ipapaalala mo pa sa'king wala akong boys ngayon. C’mon, I don't want to be alone in my room or else I'll end up t
"Mateo, anong nangyayari?"Sa puntong iyon, pumasok rin pala ng jewelry botique sina Linda at Emily Tolentino. Si Linda ay ang kapatid na babae ng nanay ni Wendy, si Emelia o Emily naman ang anak nito. Agad na napansin ni Linda si Trixie."Aba, hindi ba at ito na si Trixie? Ang tagal nating hindi nagkita! Lalo kang gumaganda, hija!" sabi nito na may matamis na ngiti sa labi."Mom..."Hindi natuwa si Emily nang marinig ang papuri ng kanyang ina kay Trixie.Alam naman niya na maganda si Trixie, pero hindi niya inasahan na mas lalo pa itong gumanda matapos ang ilang taon nilang hindi pagkikita.Habang tinitingnan niya ang maputing kutis at mahinhin ngunit kahanga-hangang aura ni Trixie, nakaramdam siya ng matinding inggit sa babae.Pero naisip niya bigla, kahit pa maganda si Trixie, ano naman? Hindi ba't ayaw pa rin sa kanya ng magiging bayaw niya at ang pinsan niyang si Wendy lang ang gusto nito?Nang maalala ni Emily iyon, pakiramdam niya'y naging pantay ulit ang kumpetisyon nila ni
"Gusto mo bang uminom tayo? Or maybe… you wanted to get laid tonight? I can help you with that!"Pakiramdam ni Racey, kailangan ni Trixie ng pampalipas-oras para gumaan ang loob nito. Kaya kahit pang-aasar ay ginagawa niya mapatawa lang ito. Umiling si Trixie."Inimpluwensiyahan mo na naman ako niyang utak mong berde. Pero ayoko, Racey. Gusto ko na lang ipahinga muna ang utak ko."Mas gugustuhin pa niyang umuwi at pag-aralan ang kanyang mga datos kaysa maghanap ng lalaki na panandalian lang siyang pasasayahin. At isa pa, lahat ng lalaki ngayon ay pare-pareho na ang tingin niya. Kung nasa kwarto siya, doon, mas madali siyang kakalma, makapag-isip, at mahahanap muli ang sarili niya.Nang marinig ito ni Racey, hindi na niya pinilit pa ang kaibigan. Bago makasakay ng sasakyan, biglang nag-ring ang telepono ni Trixie.[My princess calling…]Muntik nang lumitaw ang isang maliit na ngiti sa mukha ni Trixie, pero agad din itong nawala.Sandali siyang natigilan dahil bago sa kaniya ang taw
Hindi na bago na si Sebastian ay palaging abala. Halos lahat ng mga kumpanya at affiliates na under sa Valderama Group, hands-on siya sa pagpapatakbo. Kaya naman nang muli itong ilang araw na halos hindi umuuwi ng bahay, labis na nainip si Xyza. Hindi niya mapigilang tawagan muli ang ina para kulitin itong umuwi at samahan siya. Ilang araw na rin ang nakalipas mula noong insidente ng pagkikita nila ni Mateo sa jewelry shop sa mall, hindi na apektado si Trixie. Nakita ni Trixie ang tawag ni Xyza, sinagot niya ito kaagad. [Mommy, when are you coming home? I-I miss you…] Nang malaman niyang wala si Sebastian sa bahay, umuwi si Trixie pagkatapos ng trabaho kinagabihan. Pagkauwi ni Trixie, tuwang-tuwa si Xyza. Paulit-ulit niyang kinulit ang ina at kinwentuhan tungkol sa mga nakakatawa at nakakatuwang bagay na nangyari sa kaniyang school. Binanggit din niya ang bagong laro na kinahuhumalingan niya at gustong turuan si Trixie kung paano ito laruin. Pagkatapos gawin ang kanya
Ibinaba ni Ysabel ang kanyang tingin at inagaw ang atensiyon ng kaibigan. “Pagkatapos ng mahabang pagsasayaw, nagugutom na ako. Gusto niyo bang kumain?”“Same here,” sabay sabing napatingin si Helios sa paligid. “Let’s head to the self-service area.”Nakita nilang nagtungo sina Trixie at Casper sa direksyon ng self-service. Tumango si Helios, at kaswal na iniabot ang braso kay Ysabel. “Shall we?”Pagkatapos ipaalam ni Wendy kay Sebastian, na abala pa rin sa pakikipag-usap sa cellphone, sumama rin siya patungo sa buffet area. Sa bawat hakbang, palihim niyang sinusulyapan si Helios—at hindi rin niya pinalampas ang mga titig nito kanina kay Trixie.Nang dumating sila, agad silang sinalubong ng ilang panauhin. Marami ang bumati kina Helios at Ysabel, at may ilan pang nagpakilala ng negosyo. Isa itong pagkakataon na hindi maaaring palampasin, kaya habang abala ang dalawa sa pakikipagkamay at pakikipag-usap, tahimik na nakatayo si Wendy sa tabi nila, mapanuring pinagmamasdan ang paligid.Il
Saglit na nagtagpo ang kanilang mga mata."You're still clumsy, I see," bulong ni Sebastian, may halong biro sa tinig ngunit may mas matindi pang bagay sa ilalim ng tingin niya, isang bagay na hindi kayang itago ng magaan na ngiti.Napasinghap si Trixie, parang biglang may humila sa kanya pabalik sa mga panahong ayaw na niyang alalahanin. Halos automatic ang reaksyon niya, itinulak niya si Sebastian palayo."Relax," aniya ni Sebastian, mapanatag ang tinig na parang kabisado na ang ugali niya. Hindi siya gumalaw palayo, sa halip, mas lalo pang humigpit ang pagkakahawak niya sa bewang ni Trixie. Isang iglap na tila walang ibang tao sa paligid, kundi silang dalawa lang."Ikaw!" Mariing bulong ni Trixie, pilit na pinipigilan ang sarili. Ayaw niyang gumawa ng eksena. Hindi siya makawala, pero mas ayaw niyang mapansin sila ng mga taong nagmamasid. Kahit alam niyang nasa kanila na ngayon ang mga tingin, lalo na ni Wendy.Napakagat siya ng labi. Hindi siya lalapit sa 'yo nang walang dahila
Inilahad ni Trixie ang kamay niya kay Angelo, at marahan itong tinanggap ng binata.Bahagyang hindi komportable si Trixie nang ilagay niya ang kanyang kamay sa kamay ng isang estrangherong lalaki, lalo na nang mailapat ito sa kanyang katawan. Hindi niya alam kung dahil lang ba ito sa biglaang palit ng kapareha o dahil sa mismong presensiya ni Angelo, na bagamat hindi niya kilala nang lubusan ay may taglay na mahinahong aura.Ngunit si Angelo, bilang isang tunay na ginoo, ay marahang kumilos at maingat sa paghawak sa kanya, hindi agresibo, hindi rin pabaya. Sa bawat hakbang ng sayaw ay dama ni Trixie ang respeto sa galaw nito, na para bang sinasadya nitong huwag lumampas sa limitasyon ng pagkakaibigan.Nang mapansin niyang tila hindi komportable si Trixie, saglit na napatingin si Angelo sa kanyang mukha. Parang may naisip. Maybe she's never had a boyfriend before. Ang kanyang mga mata ay saglit na nagtagal sa maamong mukha ni Trixie, bago siya nagpakilala."Angelo. Iyan ang pangala
Tumigil ang musika. Ilan sa mga panauhin ay pumalakpak habang umaakyat sa entablado ang isa sa mga honorary speaker. Sa harapan ng karamihan, tumayo si Casper. Bago pa man magsimula, sinulyapan niya na si Trixie, bahagyang tumango, saka nagsimulang bigkasin ang pambungad na pananalita.Samantala, mula sa gilid, hindi na nagtangkang magtanong pa si Helios. Kaunti na lamang ang mga taong nakapaligid sa pwesto kanina nina Trixie kaya doon ang tungo niya ngayon. “I’ll go greet them,” sabi niya, habang inilalagay nang maayos ang coat. “Sebastian, are you sure you don’t want to join me? I thought Astranexis was your target.”“I’m not in a rush,” sagot ni Sebastian. “Go ahead.”Tumango si Helios at lumapit kina Casper at Trixie. “Mr. Yu, Ms. Salvador,” magalang niyang bati.Nang makita siya, bahagyang naglaho ang ngiti ni Casper. “Ah, Mr. Cuevillas.”Nagpakita rin ng magalang na ngiti si Trixie. “Mr. Cuevillas,” bati niya.Hindi naman kalayuan, lumapit din si Michael. Ngunit hindi siya na
Hindi napigilan ni Michael ang tumagal ang tingin niya sa direksyon ni Trixie, na kasalukuyang kausap ng isang matandang negosyante. Wala sa ayos ang nararamdaman niya. May mga bagay na hindi nababanggit ngunit tahimik na kumikilos sa paligid.Kahit anong kintab sa labas, bulok pa rin sa loob, 'yan ang sumagi sa isipan niya. Sa isip niya, parang bang nakamasid siya sa isang maselang palabas kung saan may nakatago sa likod ng bawat ngiti.Napabuntong-hininga si Michael at ibinaling na lang ang tingin sa iba.Kasabay nito, nagpatuloy ang pag-uusap nina Felix at Angelo.“She’s something, though,” ani Felix, tinutukoy si Trixie habang sinusundan ito ng tingin. “I mean, I didn’t expect her to be... this composed.”“You like her?” tanong ni Angelo habang iniikot ang wine sa baso.“No. Just impressed.”Napatingin si Michael sa kanila, at sa mahina ngunit mariing tono ay sinabi, “She might be impressive to you, but the way she handled that confrontation in Astranexis, unprofessional. Manipu
Biyernes ng hapon nang bumalik si Casper sa bansa. Mas maaga ito kaysa sa inaasahan. Dahil sa paparating na dinner party ng mga alta kinabukasan, kailangan niyang dumalo bilang representative ng Astranexis. Ngunit hindi iyon ang dahilan ng pamumula ng kanyang tainga.Pagkarating pa lamang niya sa private villa, agad na binalita ni Trixie ang tungkol kay Michael.Tahimik siyang nakinig habang sinasalaysay ni Trixie ang naging pagtanggap ng mga ito sa opisina, kung paano si Michael ay piniling pakinggan sina Wendy at Mateo ngunit ni Trixie ay hindi.Nang matapos ang kwento, mapait na napangisi si Casper at malamig na bumigkas, “If that's the kind of petty politics Michael wants to play, then fine. We don’t need him. I refuse to work with someone na kaiinisan ko sa tuwing makikita ko siya.”Tumango si Trixie habang nililigpit ang mga papeles sa ibabaw ng coffee table. “Ayos yan. Alam mo namang ayaw ko rin na ang ipinapaliwanag ang sarili.”“Let’s just focus on the firms that respect pr
Pagkauwi ni Wendy sa kanyang condo, agad siyang bumagsak sa malambot niyang sofa.Matapos ang maghapong tensyon sa Astranexis, ang gusto na lang niya ngayon ay magpahinga.Sa kabila ng kanyang mahinahong panlabas na kilos kanina, hindi niya maitatangging may bahaging inis na inis siya, lalo na nang makita niyang mukhang matatag pa rin si Trixie. Pero kahit papaano, nakabawi naman siya. Hindi lang siya ang binalewala ni Trixie, kundi pati ang ama niya. Mas magiging madali ang mga susunod kong plano kung si Daddy mismo ang makakaramdam ng insulto.Inabot niya ang may batok at marahang hinilot ang kanyang balikat. Aabutin niya na sana ang basong nakapatong sa lamesita nang biglang tumunog ang kanyang cellphone.Hindi rehistradong numero ang naka-flash ngayon sa screen niya.Napakunot-noo siya.Sino ito?Nag-atubili siyang sagutin, pero sa huli, pinindot niya ang answer button at dahan-dahang inilapit ang cellphone sa kanyang tainga.Sa isang iglap, nanlaki ang kanyang mga mata, at napu
Nang marinig ni Michael ang pangalan ni Mateo Bolivar, agad siyang naging magalang sa kanyang tono. "Ah, kayo po pala si President Bolivar. It’s a pleasure to meet you."Matapos ang maikling pagpapakilala, lumingon si Wendy kay Michael at diretsong nagtanong, "President Camero, nandito ka rin ba to discuss a potential collaboration kay President Yu?""Yes," sagot ni Michael, kaswal na ipinasok ang mga kamay sa bulsa ng kanyang suot na slacks. "And you? Nandito ka rin ba for the same reason?""Oo," sagot ni Wendy, walang pagbabago sa ekspresyon. "Did you get to meet President Yu?"Michael raised a brow. "Hindi. They told me he’s on a business trip."Bahagyang ngumiti si Mateo, pero may halong pag-aalinlangan ang kanyang tono. "Ah, so totoo pala. Akala namin gawa-gawa na naman iyon ng sekretarya niya para hindi kami papuntahin sa itaas."Napakunot ang noo ni Michael. Tiningnan niya ang dalawa, saka ibinaling ang tingin sa reception area ng Astranexis. "You weren’t invited upstairs?"Umi
Bandang alas-singko ng hapon, natapos na ni Sebastian ang kanyang trabaho at agad na tinawagan si Helios."Where are you guys?"Ibinigay ni Helios ang kanilang lokasyon, at hindi na nagdalawang-isip si Sebastian na puntahan sila.Pagdating niya sa lugar, kaagad siyang nakita ni Xyza. Nagliwanag ang mukha ng bata at halos mapatalon sa tuwa."Daddy!" sigaw niya, sabay takbo papunta kay Sebastian.Bagamat mabait sa kanya si Helios at nag-enjoy siya kasama ito at si Yanyan, iba pa rin ang saya na makita ang kanyang ama.Nakasuot pa rin ng business suit si Sebastian, pero iniwan na niya ang kanyang makapal na coat sa sasakyan.Yumuko siya at agad na binuhat si Xyza, pinisil nang bahagya ang kanyang maliit na pisngi."Did you have fun with Tito Helios and Yanyan?"Mas magaan na ang pakiramdam ni Xyza ngayon. Masayang tumango ito. "Opo! Super saya!"Napahalakhak si Yanyan. "Super duper saya namin, Tito Seb! We ate ice cream po, and then we went to the arcade, and then we rode the roller coas