Hindi na bago na si Sebastian ay palaging abala. Halos lahat ng mga kumpanya at affiliates na under sa Valderama Group, hands-on siya sa pagpapatakbo. Kaya naman nang muli itong ilang araw na halos hindi umuuwi ng bahay, labis na nainip si Xyza. Hindi niya mapigilang tawagan muli ang ina para kulitin itong umuwi at samahan siya. Ilang araw na rin ang nakalipas mula noong insidente ng pagkikita nila ni Mateo sa jewelry shop sa mall, hindi na apektado si Trixie. Nakita ni Trixie ang tawag ni Xyza, sinagot niya ito kaagad. [Mommy, when are you coming home? I-I miss you…] Nang malaman niyang wala si Sebastian sa bahay, umuwi si Trixie pagkatapos ng trabaho kinagabihan. Pagkauwi ni Trixie, tuwang-tuwa si Xyza. Paulit-ulit niyang kinulit ang ina at kinwentuhan tungkol sa mga nakakatawa at nakakatuwang bagay na nangyari sa kaniyang school. Binanggit din niya ang bagong laro na kinahuhumalingan niya at gustong turuan si Trixie kung paano ito laruin. Pagkatapos gawin ang kanya
Hindi bumangon si Trixie upang maghanda ng almusal kinabukasan. Kaya naman nagising si Xyza at napansing katabi niya pa rin si Trixie. Medyo nagulat ang bata dahil hindi siya sanay sa ganitong scenario sa umaga, pero agad ring kumalma nang maalala na magkasama pala silang natulog kagabi ni Trixie. Nakita niyang mahimbing pa rin ang tulog ng kaniyang Mommy kaya dahan-dahan siyang bumangon at lumabas ng kwarto. Matapos ang morning routine, nasalubong niya si Sebastian pababa. Masiglang binati niya ito. “Good morning, Daddy." "Mm.” "Si Mommy po tulog pa rin." "Mm." Nang bumangon si Trixie upang kumain ng almusal, halos tapos na si Sebastian sa pagkain. Wala silang naging pag-uusap, nagtama lang ng halos isang segundo ang kanilang mga mata pagkatapos ay sabay ring nag-iwas ng tingin. Umalis rin kaagad si Sebastian, si Trixie naman ay pumasok na sa opisina matapos ng ilang sandali. Natapos ng ganoon ang kanilang umaga. Kinagabihan, umuwi si Trixie sa tamang or
Hingal na hingal si Racey matapos magkwento at sa adrenaline sa nangyari. “Nandiyan ka pa girl? Teka, kwento ko ng detailed. So ayun na nga, kanina sa dinner, may isang babae na bigla na lang tinawag na kabit at manloloko si Wendy dahil inagaw daw niya ang kanyang fiancé. She even throw her a glass of wine! Like, grabe, ang gulo ng eksena! Galing din sa mayamang pamilya ang babaeng iyon kaya hindi siya agad tumigil sa pagsasabi ng kung anu-ano. Masaya pa sana akong manonood sa pangyayari dahil iniisip ko binalikan na siya ng karma pero hindi ko inaasahan na darating ang asawa mo!" Napahinto si Trixie. Tahimik siyang nakinig habang nagsalita si Racey na halatang pigil ang galit. "Isa itong all-star charity dinner so definitely it was all over the news as some media outlets made a live coverage. All the cameras caught your superhero husband. Kitang-kita kung paano siya lumapit para ipagtanggol si Wendy at kung paano niya ito isinama paalis." Nagpadala si Racey ng live video kay Trix
Sa kalagitnaan ng afternoon break ni Trixie sa opisina ng Astranexis, nakita niyang tinatawagan siya ni Xyza. Ito ang unang beses na tumawag si Xyza matapos itong palihim na umalis sa hot spring villa noong nakaraan. Sinagot ni Trixie ang tawag pero hindi siya ang unang nagsalita. "Mom..." "Hmm." Tumugon si Trixie pero nalusaw rin ang tampo at tinanong ang anak. "Nakakain ka na ba?" "Yes, Mommy, kakatapos lang po!" Walang kaalam-alam si Trixie na pagkagaling ng bata sa hot spring villa, dumiretso ito kay Wendy para makipag-bonding sa babae. Masayang naglaro ang dalawa at hindi na bumalik sa lungsod hanggang kahapon ng hapon. Kaya naman ngayong bumalik na si Xyza sa school, naalala niya si Trixie at nakaramdam ng kaunting guilty. Nagaalala siya na baka magalit ito, kaya napagdesisyunan niyang tawagan ang ina. Pero nang marinig niyang tinanong lang siya ng kanyang ina kung nakakain na siya, at hindi man lang ito nagalit sa pag-alis niya nang walang paalam, napanat
Hindi lang si Wendy ang nakakita kay Trixie.Maging sina Mateo at Mildred ay napansin din siya. Pareho silang napakunot-noo dahil hindi nila inasahang makikita si Trixie sa ganitong klase ng event.Halos isang segundo lang na tingin ang ipinagkaloob sa kanila ni Trixie, agad ring nag-iwas ng tingin ang babae. Napansin naman ni Mateo na may kausap si Trixie na isang matangkad na lalaki, at base sa mga ikinikilos, mukhang malapit ang mga ito sa isa’t isa.Agad nagtanong si Mateo kay Wendy dahil sa kuryosidad. “Sino ‘yang lalaking ‘yan… Wendy, kilala mo ba siya?”“Siya si Casper John Yu.”“Siya yung Casper? Yung dapat ay boss mo sa Astranexis?” gulat na tanong ni Mateo.Alam niyang umalis si Trixie sa Valderama Group at lumipat sa Astranexis. Pero ang iniisip ni Mateo noon, isang ordinaryong empleyado lang si Trixie sa Astranexis. Hindi niya inasahang binibigyang-pansin pala ito ng mismong presidente ng kumpanya…Bago pa makasagot si Wendy, may isang guest ang lumapit sa kanila.“Ms. B
Tumingin na lang si Trixie sa ibang direksyon. Sakto, dahil pinapunta siya nina Hideo at iba pa upang tulungan silang linawin ang ilang bagay na magulo para sa mga ito. Kaya naman, tumalikod si Trixie at lumayo, hindi na pinansin kung ano ang nangyayari sa panig nina Sebastian. Habang papalayo si Trixie, doon lang napansin ni Ysabel Crisostomo. Shock was registered on her face as she recognized her friend's abandoned wife. Napatanong siya sa kaniyang isip kung bakit naroroon ang babae. Talaga bang gagawin nito ang lahat makuha lang ang atensiyon ni Sebastian? Kahit pa maging stalker siya? Sa mga sandaling iyon, lumapit si Wendy kay Mateo. Si Sebastian naman ay wala na sa grupo ng mga iyon. Ysabel found him drinking alone his wine. Agad niyang siniko ang tagiliran ng lalaki para kunin ang atensiyon nito. Nang lumingon na sa kaniya ang kaibigan, itinuro niya gamit ang labi sina Trixie at grupo nito. “Look over there, my dear friend. I'm not informed na invited siya sa ganitong
Matapos ang mahabang talumpati ng host, ngumiti ito at sinumulan na ang main event. “Now we would like to invite Mr. Alfredo Soma Sr. to come on stage to give his most awaited speech!”Bagaman ang pangalan ng propesor at kilalang-kilala sa mundo, sa totoo lang, ang lalaki ay bata pa at nasa early forties pa lamang.His physique is not someone would be drooling over. Matangkad siya at payat, nakasuot rin ng frameless na salamin. Matapos magsalita ang host, dahan-dahang lumakad ang proposer papunta sa entablado habang umaalingawngaw ang masigabong palakpakan.Nang makarating siya sa gitna ng entablado, kalmado niyang tinapunan ng tingin ang audience, agad namang nagdie-down ang ingay sa buong lugar."Maraming salamat sa taos-pusong paanyaya ng mula sa organizer ng exhibition na ito..."Matapos ang ilang maikling salita ng pasasalamat, nagbigay siya ng maikling buod at pagpupuri sa mga exhibit na itinampok sa event na ito. Kasunod noon ay ang interactive portion ng event kung saan sin
Bigla na lang parang nanghina sina Casper at Trixie.Pero agad ding nakabawi si Casper at nagsalita. “We are already preparing new products. We should be able to produce samples next.”“Mm.” Sagot ni Professor Soma, malamig pa rin ang boses. “Don’t show your face to me until that plan is already executed.”Sabay na sumagot si Trixie at Casper. “Opo…”“Well then. Ipadala n’yo sa akin ang review ngayong gabi.”Agad na naisip nina Trixie at Casper na ang tinutukoy na review ng propesor ay ang technical ng mga exhibit na ipinakita nila kanina.“We’ll send it to you soon, Sir…” ani ni Trixie. Pagkatapos nito, nagmadaling nagsalita si Casper, “Uh... Professor, isang gabi po? Mukhang mahirap po ‘yon.”Sa totoo lang, hindi lang basta mahirap, napakahirap talaga.“Isang buwan po... Pwede po ba?”Napakaraming exhibit na kailangang isa-isahin at ipaliwanag. Sa dami ng technical information, pakiramdam ni Casper ay aabot ito ng libu-libong salita, baka nga umabot pa ng daan-daang libo.Paano n
Sa gitna ng pagtawa ni Trixie dahil sa isang production number na comedy skit, naramdaman niyang nag-vibrate ang kaniyang cellphone sa bulsa. Nang kunin niya ito at tingnan ay si Racey pala ang natawag. “Hello? " bungad ni Trixie sa kaibigan. Hindi pa niya nakakausap ang babae mula noong gabi na nalasing siya kaya interesado siya sa sasabihin nito. "Are you free today, girly girl? Let's go shopping, or do you prefer bar hopping? You choose. Libre ko.” Masiglang boses ni Racey ang bumungad sa kaniya. "Anong meron? May okasyon ba?” "Wala naman. Gusto ko lang mag-celeb, kakababa ko lang kasi ng bundok matapos akong isama ni Lola para manalangin dun sa mga katutubo niyang friends. I miss the city, that's why.” Paliwanag nito. "You've been doing that yearly, hindi ka pa ba sanay?" Natatawang puna ni Trixie dito. "True ka naman diyan. But wait? Why do I hear strange noises from your background? Nasa labas ka ba?” "Ah, yes. Nasa isang family day to be exact." “Xyza's? Edi kasam
Kinabukasan, Sabado. Sa simpleng bahay ng pamilya Salvador, puno ng tawanan ang umagang iyon. Nang matapos ang kainan, sumama si Xyza sa kwarto ni Trixie. Humiga sila sa kama habang naglalaro ng mga stuffed toys. "Mommy," bulong ni Xyza habang nilalambing ang braso niya. "You're my favorite person." Naglakbay ang kamay ni Trixie sa buhok ng anak. Mahina niyang hinaplos ito habang pinipilit na huwag maluha. "You’re my most precious, Xyza," mahina niyang sagot. Suot ng mag-ina ang magkaparehong pajama, pink na may maliliit na bear prints. Masayang hinahaplos ni Trixie ang buhok ng anak habang binabasahan niya ito ng isang fairy tale book. "Mommy! Next page, please!" sigaw ni Xyza, habang pumapalakpak. Tumaas ang kilay ni Trixie, kunwaring nagdaramot. “Hmm... should I not?" biro niya. "Pleaaase!" bulalas ng bata, yumakap ng mahigpit sa leeg niya. Tumingin si Trixie sa anak at napuno ang puso niya ng hindi maipaliwanag na saya. Pinili niyang mag-off sa trabaho ngayong araw pa
Tumayo si Sebastian, mata'y singkipot ng karayom. "Helios, one last question. Do you even remember that we're friends?" malamig niyang tanong.Ngumiti si Helios, isang ngising hindi mo malaman kung pikon o arogante. "And do you even remember that you have a wife waiting for you at home when you are going on dates with Wendy?"Biglang nanahimik sa loob ng opisina. Maliban sa mahinang ugong ng aircon, tanging tensyon na lang ang pumupuno sa paligid.Sinabi na ni Helios noong una pa lang na hindi siya sasagot ng tungkol sa kanilang personal na buhay, but Sebastian insisted. And this is it. Sebastian tasting his own medicine. Nawala ang ngisi sa mukha ni Helios at ibinalik ito sa pagiging seryoso.“Bro–” “Don't call me that when you are doing all these.” Putol nang tila napipikon nang si Sebastian. Hindi kumurap si Helios. Hindi siya nagpadala sa init ng ulo ng lalaki.Ngumisi lang siya, waring lalong nang-aasar. "Sebastian," aniya, kalmado pero mabigat, "it's a personal matter to me
Nang marinig niya ang sinabi ng anak, aalala niyang nalaman niya nga pala ang lahat kay Helios. Siguro ay noong tumambay ito doon. "Is that so?" tanong ni Trixie, pinipilit manatiling kalmado kahit ramdam niyang lumalambot ang puso niya sa tuwa habang pinapakinggan si Xyza. Pagkatapos magsalita ni Xyza, bigla nitong napagtanto na baka hindi pa kilala ng mommy niya si Yanyan, kaya agad niyang ipinaliwanag, "Niece po siya ni Tito Helios. I don't know if you know her po eh." "Oo," sagot ni Trixie, pilit na pinapawi ang bigat sa dibdib niya. Nakita niya ang saya sa mukha ng anak kaya agad siyang nagtanong, "Then? Ano namang ginawa n'yo?" "Naglaro po kami ng maze, then doll house!" "Woah, ano pa?" Tahimik na nakinig si Trixie habang kinukuwento ng anak ang mga kaganapan, ngunit sa bawat tawa at kwento ni Xyza, may halo itong kirot sa kanyang puso. Sa isang banda, masaya siyang masaya ang anak. Sa kabilang banda, hindi niya mapigilang sisihin ang sarili sa mga panahong hindi niya i
Nagising si Trixie na parang binibiyak ang ulo sa sakit. Halos hindi pa niya maidilat ang mga mata nang tumunog ang cellphone niya sa tabi ng kama.Pilit siyang umabot dito, pikit pa ang isa niyang mata, ay sinagot niya ang tawag."Bata ka, hindi ba't nabusy sa ospital nitong nakaraan si Sebastian dahil sa pagkakaospital ni Thallia, tapos ikaw naman ay abala rin. Nasaan na lang ang anak niyo?" Boses iyon ni Lola Angelina, may halong pag-aalala at pagsaway, na tuluyang nagpabalik sa ulirat ni Trixie.Napaupo siya sa kama, hawak ang sentido habang nilalabanan ang pagkahilo. Dahan-dahang sumingit sa isip niya ang mga salita ng matanda, ang anak niya. Si Xyza.Napapikit si Trixie at pilit na inalala kung kailan niya huling nakita ang anak. Sa mga nakaraang araw, puro trabaho, meeting, at obligasyon ang inatupag niya. Samantalang si Sebastian, abala rin sa ospital kasama si Lola Thallia.Naalala ni Trixie kung paano madalas naisin ni Xyza na makipaglaro o sumama sa kaniya. Napakagat-labi
Samantala, ang eksenang iniwan nina Helios at Trixie sa parking lot ng party na iyon ay matagal na umukit sa isip ni Sebastian. Hindi siya mapakali. May kung anong gumugulo sa loob niya. Hindi man siya sigurado kung guilt ba iyon o ano, pero isa ang malinaw, ang pagkakabanggit ni Trixie kay Wendy bilang dahilan ng paghihirap nito, ay parang punyal na bumaon sa dibdib niya.Maging sa pagbabalik niya sa opisina nang gabing iyon, dala-dala pa rin niya ang bigat ng gabing iyon. Hindi siya nakapagsalita nang matagal. Ang mga ilaw ng opisina ay tila mas maliwanag kaysa sa dati, ngunit ang isipan niya ay mas magulo, mas malabo. Sa opisina kasi siya mas nakakaisip nang maayos. Doon siya nakakahanap ng kaunting linaw, kahit pa nga ang problema ay tungkol sa puso at hindi sa negosyo.Ngunit hindi niya inaasahan na susundan siya ni Wendy.Pagkarating niya sa loob ay ilang segundo pa lang siyang nauupo, narinig na niya ang pamilyar na stilettos nito sa labas. Napa-iling siya. Hindi pa siya
"Hey, woman! Where's the water? Alam mo kung may sakit lang ang tao, patay na siya sa'yo!" singhal ni Helios habang bahagyang nilingon si Racey.Napapitlag si Racey sa sigaw na iyon. Naalimpungatan siya mula sa pagtitig sa pagitan ni Helios at Trixie. Hindi niya inaasahang magmumula sa lalaki ang ganoong singhal. Akala pa naman niya ay nonchalant type ito. "Oo na! Atat lang?" sagot niya, pilit tinatakpan ang kaba sa dibdib."Get your ass here if you're not going to get her water. Ako na ang gagawa! You are all talk!" muli pa nitong sabi."Alright, alright!" hiyaw ni Racey, sabay padabog na umalis. Pakiramdam niya'y nayayapakan ang pride niya kahit hindi siya nito hinahawakan.Ilang minuto ang lumipas at bumalik siyang may dalang bottled water, na para bang bigat na bigat siyang buhatin iyon. Padarag niya itong iniabot sa lalaki.Matalim siyang tiningnan ng lalaki. Hindi niya tinanggap agad ang bote, sa halip, binuksan niya ito at maingat na tinapik si Trixie sa pisngi.“Trixie… her
Mayamaya, nagpaalam si Trixie na mag-CR. “CR lang ako, Ray,” aniya habang pinupunasan ang pawis sa kanyang sentido. “Ay sasamahan na kita—” alok ni Racey pero tinabig siya ni Trixie, sabay ngisi. “Kaya ko 'to. Hindi pa ako ganun kalasing,” sabay tikhim at naglakad palayo, bagama’t halatang hindi na matuwid ang lakad. “Alright. Be careful, ‘kay?” tugon ni Racey, pero bago pa siya makabalik sa couch, may isang kilalang kaibigan ang biglang tumapik sa kanya. Dahil nga social butterfly si Racey, hindi na niya ito naiwasan. Lumapit siya para makipagbeso. Habang nagkukuwentuhan sila, panakaw ang tingin niya sa CR para siguraduhing okay lang ang kaibigan. Nakita pa niya si Trixie na pumasok sa banyo, kaya medyo panatag siya kahit papaano. “Malapit lang naman,” bulong niya sa sarili. Hindi alam ni Racey, pagkabalik ni Trixie mula sa CR, may kakaibang nangyari. Sa pagbukas ng pinto, mabigat pa rin ang ulo ng babae. Hindi niya alam kung dahil ba sa ilaw, sa tunog ng bass na
Tumingin si Trixie kay Helios. “Let’s go.” Paglingon niya, hindi na siya ang Trixie na dating sumusuko. Siya na ang Trixie na handang lumaban para sa anak niya, at hindi siya magpapaapak muli kay Wendy o sa sinuman sa pamilya nito. Tahimik silang naglakad palayo. At habang naglalakad, ramdam niya ang kamay ni Helios sa kanyang likod, hindi para akayin siya, kundi para ipaalala na hindi na siya nag-iisa. Sa loob ng sasakyan, hindi pa rin siya umiiyak. Ngunit sa bawat segundo, tila unti-unting humuhupa ang apoy sa kanyang dibdib. Tahimik ang paligid, ang tanging maririnig ay ang mahinang paghinga nila at ang ticking ng dashboard clock. Sa wakas, may ginawa siya. Sa wakas, hindi na siya nanahimik at nagsawalang-kibo na lang. Nilingon siya ni Helios habang naka-idle ang sasakyan. “I’m proud of you,” aniya. Napatingin si Trixie sa bintana. Hindi siya sumagot agad. Tahimik lang siya, pinagmamasdan ang mga ilaw ng lungsod sa labas. Pero ang bibig niya’y bahagyang gumalaw. “Thanks fo